webnovel

Ika-limang antas ng Body Tempering Stage!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos huminga nang malalim, inilabas ni Li Rou ang duda sa kanyang puso.

Ang kanyang mga mata ay nakatitig lamang sa mga mata ng kanyang anak, na parang mayroon siyang sinusubukang malaman.

"Ina, hindi ito ang unang pagkakataon na pumatay ako ng isang tao."

Si Duan Ling Tian ay matagal nang handa, kaya't hindi niya ito pinansin at bahagyang ngumiti.

"Kailan ka huling pumatay bago ang araw na ito? Bakit hindi alam ng iyong ina ang tungkol dito? "

Ang willow-leaf na kahugis ng mga kilay ni Li Rou ay tumaas habang siya ay nagtatanong.

"Ina, bago ang araw na ito, nakapatay ako ng mga tao sa aking mga panaginip… at marami sila. Ito ay bahagi ng pagsasanay na inihanda para sa akin ng matandang lalaki sa aking mga pangarap. Naaalala ko pa noong una akong pumatay ng isang lalaki sa aking panaginip; ako labis na natakot at ako'y nagsuka pa."

Pagpapaliwanag ni Duan Ling Tian.

Isang panaginip na naman!

Bagaman, hindi ganoong naniniwala si Li Rou sa kung ano ang sinabi ng kanyang anak, wala siyang ideya kung paano ipaliwanag ang mga pagbabago na nangyari sa kanya.

"Mukhang ang matandang lalaki sa iyong mga panaginip ay tunay binabantayan ka. Tian, ​​tayo'y pumunta sa Audience Hall. Naghihintay ang Patriarch..."

Matapos huminga ng malalim, hindi na ito pinalalim pa ni Li Rou.

Si Duan Ling Tian ay tumango at sinundan ang kanyang ina patungo sa Audience Hall ng Li Family.

"Brother Nan Feng, inaasahan kong ayos ka lang!"

Sa sandaling lumapit sila sa Audience Hall ng Li Family, narinig nila ang isang malakas na tawa na nanggagaling sa loob.

"Chen Li? Ano ang ginagawa niya dito?"

Matapos marinig ang tinig, nadama ni Li Rou na ito ay hindi pangkaraniwan.

Ngunit nang mapansin niya ang mapait na ngiti sa mga sulok ng bibig ng kanyang anak.

"Tian, ​​'wag mo sabihin sa akin na nainsulto mo rin ang Chen Family?"

Ang puso ni Li Rou ay hindi tumibok sa isang sandali.

Ang pagbisita ng patriarch ng Chen Family sa oras na ito ay naging sanhi ng pagdududa niya kay Duan Ling Tian.

Nahihiyang kinuwento ni Duan Ling Tian tungkol sa salungatan sa pagitan niya at ng panganay na anak na babae ng Chen Family, si Chen Mei Er.

"Lumabas na ito ay isang walang kuwentang usapin... Imposibleng bisitahin ka ni Chen Li para lamang akusahan ka ng isang maliit na bagay, kaya siguro siya ay narito para sa ibang bagay."

Napabuntong-hininga si Li Rou dahil sa ginhawa. Siya ay nag-aalala na ang kanyang anak ay pumatay rin ng isa sa mga miyembro ng Chen Family.

Si Duan Ling Tian ay lumakad ng mabagal sa likod ni Li Rou at pumasok sa Audience Hall, kung saan niya napansin na ang kapaligarin ay bahagyang kakaiba.

"Humph!"

Dalawang 'di gaano katandang mga lalaki ang nakasalubong ni Duan Ling Tian, ​​paalis na ng Audience Hall ng Li Family.

Ang kanilang mabangis na titig ay parang tila gustong patayin si Duan Ling Tian.

"Patriarch...ito?"

Tumingin si Li Rou patungo sa Patriarch na si Li Nan Feng sa isang nalililtong ekspresyon.

Bago siya pumasok upang kuhain ang kanyang anak, ang dalawang miyembro ng Fang Family ay nagnanais na magbayad si Duan Ling Tian gamit ang kanyang buhay.

Ngunit nang dumating ang kanyang anak sa wakas, sila ay umalis nang hindi nagsasalita.

"Lahat ng ito ay salamat dahil kay Mei Er. Nahulaan niya na dadalawin ng Fang Family ang Li Family upang tuligsain ang mga krimen ni Duan Ling Tian, ​​kaya dinala siya rito ng Patriarch ng Chen Family upang maging saksi. Naroon siya nang pinatay ni Duan Ling Tian si Fang Quan. Dahil si Fang Quan ang nanggalit sa kanya, si Duan Ling Tian ay hindi nagkasala."

Si Li Nan Feng ay tumawa ng malakas.

"Salamat, Miss Mei Er."

Tumingin si Li Rou patungo sa dalagita, bahagyang nakangiti.

"Tian, ngayon naman ang ​​lahat ng ito ay salamat dahil kay Miss Mei Er. Bakit hindi ka magpasalamat sa kanya?"

Tumingin si Li Rou patungo kay Duan Ling Tian.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumukurap habang tumitingin siya kay Chen Mei Er sa isang naiintrigang ekspresyon, nagtataka kung bakit siya ay kanyang tinulungan.

"Salamat, Miss Mei Er."

Dahil ang kanyang ina ang nagsabi, kahit na hindi niya ito gusto, kailangan niya paring panatiliin ang kanyang anyo.

"Walang anuman."

Ikinurap ni Chen Mei Er ang kanyang malilinaw na mga mata at ngumiti na parang isang magandang bulaklak.

Kung ikukumpara sa isang makulit na panganay na anak na babae sa Agarwood Restaurant kanina, siya ay nagmistulang ibang tao ngayon.

"Si Mei Er ay isang napakaedukadong tao. Patriarch Chen, binigyan mo siya ng magandang pag-aalaga."

Si Li Nan Feng ay bahagyang ngumiti sa 'di gaano katandang lalaki sa tabi ni Chen Mei Er.

Ang 'di gaano katandang lalaki ay ang Patriarch ng Chen Family, si Chen Li.

Iniling ni Chen Li ang kanyang ulo habang siya ay ngumingiti, ang kanyang mata ay na kay Duan Ling Tian.

"Paano ba maihambing ang aking anak na babae kay Duan Ling Tian ng inyong Li Family, na napakalakas na agad sa ganitong edad? Sa oras na siya'y lumaki, natatakot ako na wala siyang magiging katumbas sa buong Fresh Breeze Town..."

"Ninth Elder, maaari ko bang itanong kung ang iyong anak ay may anumang nakaplanong na kasal?"

Tumingin si Chen Li patungo kay Li Rou.

Sa sandaling natapos ni Chen Li ang kanyang pagsasalita, si Li Rou, Duan Ling Tian, ​​at Li Nan Feng ay pare-parehong napipi.

Ang tatlo sa kanila ay sabay na tumingin patungo kay Chen Mei Er. Nang mapansin nila ang kanyang mga pisngi na namumulaklak, agad nilang nahulaan ang hangarin ni Chen Li.

"Si Chen Mei Er ay hindi maaaring magkaroon pagtingin para sa akin, tama?"

Ang puso ni Duan Ling Tian ay parang hinalo. Hindi siya makapaniwala kung ano ang nangyayari.

Kaninang umaga sa Agarwood Restaurant, siya at si Chen Mei Er ay parang apoy at yelo. Kahit na ang mga kababaihan ay pabagu-bago, hindi sila dapat maging pabagu-bago sa ganitong antas...

Sa sandaling ito, napansin ni Duan Ling Tian ang kanyang ina na nakatingin sa kanya nang may pang-aasar na ekspresyon.

Ngunit kasabay noon, ang kanyang tingin ay parang nagtatanong ng kanyang opinyon.

Nang may walang magawang ekspresyon, umiling si Duan Ling.

"Patriarch Chen, sa kasamaang palad, nagpasya na ako ng maaaring mapangasawa ng aking anak na lalaki sa isang maikling panahon na ang nakalipas."

Tinitingnan ni Li Rou si Chen Li sa isang humihingi ng tawad na ekspresyon.

"Sayang naman. Patriarch Li, Ninth Elder, Kapatid Duan... Natupad ko at ng aking anak na babae ang layunin ng aming biyahe, kaya't kami ay aalis na ngayon."

Si Chen Li ay tumango habang siya ay paalis kasama si Chen Mei Er.

Nang umalis si Chen Mei Er, tinignan niya si Duan Ling Tian sa isang mapait na pagtingin. Ang kanyang mukha ay madilim...

"Ninth Elder, bakit hindi ko alam ang tungkol sa iyo na nagpasya ng isang asawa para kay Duan Ling Tian?"

Si Li Nan Feng ay tumingin patungo kay Li Rou na may isang nagtatakang ekspresyon.

"Patriarch, si Ke Er ang asawa na aking ipinasiya."

Isang taos-pusong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Li Rou nang magsalita siya tungkol kay Ke Er.

Ang sinabi niya ay naging sanhi ng pagkamangha kay Duan Ling Tian.

Sa kanyang puso naisip niya,

"Kung naririnig ni Ke Er kung ano ang sinabi ng aking ina, tiyak na mahihiya siya na ipakita ang kanyang mukha."

"Ganoon lamang iyong. Ang mga batang ito ay perpektong tugma."

Ngumiti si Nan Nan Feng habang siya'y tumatango.

"Ninth Elder, gusto akong makita ni Grand Elder bago dumating ang dalawang miyembro ng Fang Family. Naantala na ako ng mga ilang minuto, kaya ako rin ay aalis na."

Nang umalis si Li Nan Feng, isang ngiti ang lumitaw sa mukha ni Duan Ling Tian.

Alam niya ang dahilan kung bakit gusto ng Grand Elder na makita ang Patriarch.

"Umaasa ako na ang Patriyarka ay hindi masyadong madamot... Kahit na ang Thunder Flame Pill ay isang mababang ranggo na gamot, ang kahalagahan nito sa Li Family ay hindi pangkaraniwan."

Kung ang mga anak ng lahat ng Elder ng Li Family ay gagamitin ang Thunder Flame Pill at pagkatapos ay sipsipin ang Six Treasures Body Tempering Liquid, ang bilis ng kanilang cultivation ay dodoble!

Siyempre, ito rin ang dahilan kung bakit gusto ni Duan Ling Tian na ibahagi ang medicinal formula ng Thunder Flame Pill kay Li Huo.

Kailangan na kailangan niya ang Thunder Flame Pills.

Sa tulong ng Thunder Flame Pills, ang pagpasok sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage sa loob ng dalawa at kalahating buwan ay hindi imposible.

"Tian, ​​bakit ka nakangiti? Ngayon palang ay sinasabi ko na: kahit anong mangyari, hindi mo maaaring iwanan si Ke Er. O ang iyong ina ay hinding hindi ka mapapatawad!"

Seryosong sinabi ni Li Rou kay Duan Ling Tian.

"Ina, anong pinagsasabi mo?"

Si Duan Ling Tian tumawa ng mapait.

Ano ang nangyayari sa kanya?

"Tian, ​​kung lalabas ka sa susunod na mga buwan, tandaan mong sabihin sa iyong ina upang makasama ako."

Sinabi ni Li Rou.

"Ina, nag-aalala ka ba na sasaktan ako ng mga miyembro ng Fang Family?"

Hula ni Duan Ling Tian.

"Oo, sinuman kay Fang Tao o Fang Xing ay hindi mabuti at matapat na tao; Nag-aalala ako na ikaw ay lihim na nilang pinagpaplanuhan."

"Ina, si Fang Quan ay anak ni Fang Tao. Siya na maghanap ng paghihiganti laban sa akin ay normal, ngunit bakit ang Third Elder ng Fang Family ay nais akong kalabanin?"

Nalilito si Duan Ling Tian.

"Tian, ​​si Fang Xing at Fang Tao ay may espesyal na relasyon; siya ay ang nakatatandang kapatid ni Fang Tao."

Pagpapaliwanag ni Li Rou.

"Ganoon pala iyon."

Si Duan Ling Tian ay naliwanagan.

Hindi niya inaasahan na si Fang Quan ay ang pamangkin ng Third Elder ng Fang Family. Hindi nakapagtataka na personal nilang binisita ang Li Family upang tuligsain ang kanyang mga krimen.

Ngunit ang Fang Family ay dapat alam na sila ay nasa mali, o ang maaaring dumating ay hindi lamang maging ang Third Elder ng Fang Family ngunit pati ang kanilang Patriarch...

Pagkaraan ng sampung araw, tinawag ni Grand Elder Li Huo si Duan Ling Tian.

Binigyan ni Duan Ling Tian si Li Huo ang kanyang huling sesyon ng masahe, na tinutulungan siya na ganap na mapagaling ang kanyang nakatagong mga pinsala bago itago ang unang pangkat ng Thunder Flame Pills na ginawa ni Li Huo.

Ang pangkat na ito ng Thunder Flame Pills ay may kabuuang tatlumpung gamot.

"Bata, ito ang isang libong pilak na utang ko sa iyo. Higit sa na, narito ang isa pang tatlumpung libong pilak mula sa pamilya. Maaari mong isipin na ito ang bayad para sa iyong medicinal formula ng Thunder Flame Pill."

Ang matanda ay naglabas ng isang malaking salansan ng mga perang papel at ipinasa ito kay Duan Ling Tian.

"Salamat, Grand Elder!"

Kinuha ni Duan Ling Tian ang mga perang papel mula sa kanyang kamay; hindi siya kahit konting galang.

"Napansin ko na ang mga laman sa iyong katawan ay umabot na sa isang hangganan. Sa tingin ko ay malapit ka nang magtagumpay sa ikalimang antas ng Body Tempering Stage sa lalong madaling panahon, tama? Sa iyong likas na talento na pinagsama sa tulong ng Thunder Flame Pills, ang pagtatagumpay hanggang sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage sa susunod na dalawang buwan ay hindi na dapat imposible... Sa panahong iyon, pagtiwala sa iyong mabilis na espada, kung walang 'di inaasahan ang mangyari, siguradong ito ay sapat na sa'yo upang mapuksa si Fang Qiang!"

Ang mga mata ng matanda ay nanliit habang dahan-dahan niyang sinasabi ito.

"Grand Elder, alam mo kung ano ang nangyari?"

Si Duan Ling Tian ay napigilan.

Tila mukhang alam ng Grand Elder kung ano ang nangyari noong kalahating buwan na ang nakalipas; nalalaman niya kung paano siya nagtiwala sa kanyang lakas ng ikaapat na antas ng Body Tempering upang patayin si Fang Quan, na nasa ikapitong antas ng Body Tempering Stage.

"Ang usapin na ito ay hindi isang lihim sa Fresh Breeze Town; Narinig ko ito mula sa Patriarch noong kalahating buwan na ang nakalilipas. Bata, hindi ko naisip na alam mo kung paano itago ng maayos ang iyong lakas... Mukhang si Li Jie na lumpo dahil sa'yo ay hindi lamang dahil sa kanyang kamalasan!"

Ang matanda ay tumitig kay Duan Ling Tian.

"Suwerte lang ako."

Si Duan Ling Tian ay nahihiya. Pagkatapos niyang itago ang mga perang papel, siya ay umalis.

"Sayang dahil ang kanyang mga hangarin ay hindi tago sa loob ng Fresh Breeze Town ... Kung hindi ay imposible para sa ating Li Family na pagsamahin ang buong bayan.

Ang matandang lalaki ay napabuntong-hininga. Ang kanyang tono ay may bakas ng awa.

Hindi alam ni Duan Ling Tian kung gaano kataas ang tingin ni Grand Elder sa kanya. Dumiretso siya sa bahay pagkatapos umalis sa bahay ni Grand Elder.

Matapos ihanda ang bath barrel at ang ilang Seven Treasures Body Tempering Liquid, inialis niya ang kanyang mga damit.

Pagkatapos ay ininom niya ang Thunder Flame Pill.

Sa isang iglap, malinaw na nadarama ni Duan Ling Tian ang sakit sa buong katawan niya...

Mas lumalala ang sakit sa mga sandaling ito!

Hiss hiss~~

Sa sandaling ito, nadama ni Duan Ling Tian na parang siya ay sinalakay ng kidlat at apoy.

Ang sakit ay kumakalat sa kanyang buong katawan, na nagdudulot sa kanya na hindi mapigilang ang kanyang sarili na maglabas ng isang mababang "humph" na tunog...

Sa kabutihang-palad, ang pagiging isang tao ng dalawang buhay, ang kanyang kalooban ay mahigpit, kaya madali niyang natiis ang sakit na dulot ng Thunder Flame Pill.

Pagkalipas ng kalahating oras, napansin ni Duan Ling Tian na ang sakit sa kanyang katawan ay nagsisimulang mawala.

Malinaw niyang nararamdan ang pagbukas ng mga butas sa kanyang katawan, lubos na sinisipsip ang Seven Treasures Body Tempering Liquid sa loob ng bath barrel.

Ang bilis ng pagsipsip ay dalawang beses na mas mabilis kaysa sa nakaraan...

Nine Dragons War Sovereign Technique, Spirit Serpent Form!

Nang lubos na hinigop ni Duan Ling Tian ang Seven Treasures Body Tempering Liquid, sinimulan niyang ikalat ang kanyang paraan ng pagcultivate.

Ang dugo ng buhay sa loob ng kanyang katawan ay patuloy na lumalakas. Ang kanyang katawan ay sumasailalim sa isang pagbabago sa isang nakakaalarmang bilis, ibig sabihin siya ay mabilis na nilalagpasan ang kanyang limitasyon.

Ikalimang antas ng Body Tempering Stage!

Binuksan ni Duan Ling Tian ang kanyang mga mata. Ang kanyang ekspresyon ay puno ng matinding kagalakan.

Tulad ng inaasahan, hindi siya nabigo ng Thunder Flame Pill.

Karaniwang kailangan ng Duan Ling Tian ang kalahati ng isang araw upang lubos na mahigop ang isang bahagi ng Seven Treasures Body Tempering Liquid.

Ito ang kanyang limitasyon.

Ngunit salamat sa Thunder Flame Pill.

Sa loob lamang ng isang oras ng hapon, patuloy niyang hinihigop ang dalawang bahagi ng Seven Treasures Body Tempering Liquid at agad na nagtagumpay!

Next chapter