webnovel

Ibibigay ang lahat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Noong madaling araw, ang araw ay sumikat mula sa silangang bahagi ng langit.

Umaga pa lamang ay nakaupo na sa kanyang kama si Duan Ling Tian, patuloy na kinokonsumo at kinu-culivate ang medicinal strength ng Dark Spirit Fruit.

Matapos niyang kainin ito noong dalawang araw na ang nakalilipas, ay 20% palang ng medicinal strength ng Dark Spirit Fruit ang kaniyang nakukuha.

Gayon pa man, nararamdaman parin ni Duan Ling Tian na dumadaan sa pagbabago ang kanyang dugo at buong katawan.

Ang pakiramdam na ito ay napakakakaiba.

Lumabas si Duan Ling Tian ng kanyang kwarto habang nagmumuni-muni, "Sana maging maayos ang pagtatagumpay ko sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage bago ang Clan Martial Meet."

"Tian, narinig kong magsisimula ngayon angregistration para sa Clan Martial Meet at matatapos sa loob ng tatlong araw. Dalhin mo si Ke Er at magparehistro kayo pagtapos niyo kumain," sabi ni Li Rou kay Duan Ling Tian habang sila ay nag-aalmusal.

"Sige."

Pagkatapos nilang kumain ay umalis agad si Duan Ling Tian kasama si Ke Er.

Kinurap ng dalagita ang kanyang mga mata habang sinasabing, "Young Master, narinig ko kay Ate Shi Shi na magkakaroon ng premyo ang mga disipulong aangat sa mga matataas na ranggo sa taunang Martial Meet."

"Talaga? Sinabi niya ba kung ano ang mga magiging premyo?"

Nagtataka si Duan Ling Tian kung ano ang mga magiging premyo.

"Ang sabi ni Ate Shi Shi ay nanalo ng three-hundred-year-old Blood Lingzhi ang nagchampion noong nakaraang taon. Young Master, ang three-hundred-year-old Blood Lingzhi ay mas may halaga kaysa sa fifty-year-old Blood Lingzhi, 'di ba?" ang dugtong niya.

Three-hundred-year-old Blood Lingzhi?

Nanliit ang mga mata ni Duan Ling Tian.

"Ke Er, ganito yan… Ang singkwenta gramo ng fifty-year-old Blood Lingzhi ay nagkakahalaga ng 1,000 na pilak; ang singkwenta gramo naman ng three-hundred-year-old Blood Lingzhi ay nagkakahalaga ng tumataginting na 10,000 na pilak, kahit sa ganitong presyo, wala sigurong makikita na ganito sa mga pamilihan.."

Sa pamamagitan ng mga ala-ala ng Rebirth Martial Emperor, ay nalaman ni Duan Ling Tian ang tunay na halaga ng three-hundred-year-old Blood Lingzhi.

Ang mga Blood Lingzhi sa medicine store ay kadalasang fifty-year-old pa lamang, at ang hundred-year-old Blood Lingzhi maituturing na bihira.

Ang three-hundred-year-old Blood Lingzhi ay nagkakahalaga ng tumataginting na 10,000 na pilak para sa singkwenta gramo, maikukumpara sa sampung pounds ng fifty-year-old Blood Lingzhi.

Ang three-hundred-year-old Blood Lingzhi na may bigat na isang daang gramo, ay nagkakahalaga ng higit pa sa 20,000 na pilak.

Kung ang three-hundred-year-old Blood Lingzhi ay agad na dinurog at ginamit, ang kakarampot na singkwenta gramo ay maikukumpara sa medicinal strength ng limang pounds ng fifty-year-old Blood Lingzhi .

Ngunit, ang medicinal strength ng limang pound ng fifty-year-old Blood Lingzhi ay kakailanganin ng isang taon makonsumo ng isang tao.

Iba naman ang three-hundred-year-old Blood Lingzhi.

Ang medicinal strength nito ay kayang makonsumo sa loob lamang ng isang buwan.

Kung ang nauna ay maikukumpara sa isang traktor, ang isa naman ay maikukumpara sa rocket!

"Ganoon kamahal?"

Ang mala-rosas na mga labi ng dalagita ay bahagyang bumuka, malamang ay dahil sa pagkabigla.

"Kung ang premyo ulit ngayon ay three-hundred-year-old Blood Lingzhi…"

Kumibot ang puso ni Duan Ling Tian at sa kaniyang mga mata ay makikita ang pag-aalab nito.

Kung ganoon nga, determinado siyang makuha ito!

Kung meron man siyang three-hundred-year-old Blood Lingzhi, ay makakagawa siya ng mas magagandang medicinal liquids at madagdagan ang kaniyang bilis dahil kailangan ito ng kaniyang defensive martial skill..

Dumating agad sila Duan Ling Tian at Ke Er sa registration site.

Maraming tao ang nagdadagsaan dito. Matapos pumila ng ilang sandali, iilang impormasyon ang pumasok sa tainga ni Duan Ling Tian..

"Ipapaalala ko lang sainyo, ang mga disipulong makaka-angat sa top ten sa Clan Martial Meet ngayong taon ay makakapasok sa ikatlong palapag ng Martial Repository Pavilion at makapipili ng high grade Profound Rank martial skill, makatatanggap din sila ng tatlong one-hundred-year-old Blood Lingzhi at 10,000 na pilak," misteryosong sabi ng isang outer court disciple..

"Paano mo nalaman? Wala namang balitang kumakalat tungkol diyan."

Nagduda agad ang mga tao sa sinabi niya.

"Alam kong hindi niyo alam 'to, pero ang pamangkin ng manugang ng kapitbahay ng pinsan ko ay isang inner court disciple; at hindi sinasadyang marinig ang pinag-uusapan ng mga Elders."

Bigla na lamang tumawa ang outer court disciple.

"Ano ang magiging ng premyo mga nag top three?" tanong ng isang tao.

"Ang magiging premyo ay katulad lamang noong nakaraang taon. Bukod sa pagkakaroon ng permisyon na pumasok sa ikatlong palapag ng Martial Repository Pavilion at pagpili ng dalawang high grade Profound Rank martial skills, magkakaroon din sila ng two-hundred-year-old Blood Lingzhi at 30,000 pilak."

"Paano naman yung champion?"

"Ang champion, maliban sa makapipili siya ng tatlong high grade Profound Rank martial skills, ay makakakuha rin siya ng three-hundred-fifty-year-old Blood Lingzhi at 100,000 na pilak."

"Diyos ko, three hundred and fifty-year-old na Blood Lingzhi?"

"Ang premyo ng champion noong nakaraang taon ay three-hundred-year-old Blood Lingzhi, labis na nakagugulat iyon, at hindi ko aakalain na mas gaganda pa ang magiging premyo ng champion ngayon."

"Ang balita ko, ang champion noong nakaraang taon na si Li Feng, ay ginamit ang three-hundred-year-old Blood Lingzhi at kinultivate ang kanyang high grade Profound Rank martial skill patungo sa yugto ng pagkadalubhasa. Sa mga kabataan na hindi tataas sa dalawampu ang edad sa Clan ngayon, kung hindi gagamit ng kahit anumang sandata ay hindi kayang masira ang depensa ni Li Feng."

"Tama, si Li Feng ang batang henyo ng ating Li Clan, at siya'y labing-siyam na taong gulang pa lamang ngayong taon."

...

Pagkatapos marinig ni Duan Ling Tian ang kanilang pinag-uusapan, ang kaniyang mga mata ay nanliit..

Three-hundred-fifty-year-old Blood Lingzhi?

Kung makuha man niya 'yon at gawin bilangmedicinal liquid, sapat na iyon upang matulungan siya, si Ke Er, at ang defensive martial arts ng kanyang ina patungo sa yugto ng pagkadalubhasa !

"Kung magtatagumpay man ako sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage bago ang Clan Martial Meet, hindi na imposible ang manalo ako bilang isang champion!"

Huminga ng malalim si Duan Ling Tian at napagpasyahan niyang ibigay lahat ng kaniyang makakaya!

Nagtagumpay kahit tipid ang pagsisikap!

Ipinagbabawal ng Clan Martial Meet sa mga disipulo ng Li Clan na nasa edad na labing-anim na taong gulang hanggang labing-walo.

Kapag sila ay tumuntong na ng labing-siyam na taong gulang ay aalis na sila sa pagkabata at maaari na silang tawaging "binata."

Ito ang dahilan kung bakit ipinagbawal sila na sumali sa Clan Martial Meet.

Ayon sa mga nalalaman ni Duan Ling Tian, may mga inner court disciple na nasa ika-siyam na antas na ng Body Tempering stage, at ang iba naman ay nasa Core Formation stage sa edad na labing-walo palamang.

Maliban nalang kung magtagumpay din siya sa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage, magiging mahirap ang paglaban sakanila.

Makalaunan, si Duan Ling Tian at Ke Er na ang nasa unahan para magparehistro.

Sa registration site, nakapag-parehistro sila at nakuha ang kanilang numero.

Nakuha ni Duan Ling Tian ang numerong 77.

At nakuha ni Ke Er ang numerong 78.

Sa Aurora City, kung saan matatagpuan ang Li Family Main Clan ay may populasyon na aabot sa 10,000. At ang bilang ng disipulong nasa edad labing-anim hanggang labing-walo ay nasa 300.

Bukod sa bilang ng mga inner court disciples, ang bilang ng outer court disciples na nakamit ang pamantayan ay umaabot sa 200.

Sa unang round pa lamang ng Clan Martial Meet, ay sumulong agad sa ikalawang round ang mga inner court disciples, kung saan pag-aagawan naman ng mga outer court disciples ang 30 na puwesto upang maging isang .

Sa simula pa lamang ng ikalawang round ay mukhang magiging mahirap na.

Kung saan itatanghal ang mga magiging top ten, top three, at ang magiging champion!

Kung saan mananalo ng mga walang kapantay na premyo at karangalan bilang isang manlalaro.

Ang unang round ng Clan Martial Meet ay gaganapin sa susunod na sampung araw.

Sa sumunod na sampung araw, maliban sa pagkain at pagtulog, si Duan Ling Tian ay laging nagcu-cultivate ng kaniyang Nine Dragons War Sovereign Technique.

Habang hinihigop ang Seven Treasures Body Tempering Liquid, at labis na kinokonsumo ang medicinal strength ng Dark Spirit Fruit…

Kung para sa three-hundred-fifty-year-old Blood Lingzhi, handang ibigay ni Duan Ling Tian ang lahat para sa tagumpay!

"Bukas na ang Clan Martial Meet, pero hanggang ngayon ay hindi parin ako nagtatagumpay … Buti pagtapos ng unang round ay magkakaroon pa ako ng tatlong araw bago ang ikalawang round. Sa kalagayan ko ngayon, magiging madali lang ang pagpasok sa top thirty."

Napabuntong-hininga na lamang si Duan Ling Tian habang nagiisip-isip.

Sampung araw ang lumipas, maliban sa pagcu-cultivate, ay nakarinig din si Duan Ling Tian mga sabi-sabi mula kay Ke Er.

Sikat na ang Six Treasures Body Tempering Liquid!.

Ang buong Aurora City ay nababaliw dito!

Naging usap-usapan din sa mga outer court disciples ng Li Clan ang Six Treasures Body Tempering Liquid

Kung saan, kung meron ka naman nito, ay maraming outer court disciples ang makararamdam ng pagkainggit sayo.

Kasama ng Pagdating sa Aurora City's three great clans' Clan Martial Meets, hindi kinaya ng suplay ng Six Treasures Body Tempering Liquid ang pangangailangan ng lahat…

Kahit ang mga mahihirap ay handang manghiram ng pera para lamang mabigyan ng Six Treasures Body Tempering Liquid ang kanilang mga anak.

Naapektuhan ng Clan Martial Meet ang maraming tao

Kapag hindi sila naging disipulo ng inner court, ang kanilang buhay ay matatapos nang wala man lang silang nakamit .

Bilang isang magulang, ay ayaw nilang mangyari ito sa kanilang anak.

Siyempre, ang Six Treasures Body Tempering Liquid ay ang dahilan kung bakit maraming disipulo na nasa edad labing-walo ay nakakamit ng tagumpay bago ang Clan Martial Meet, kung saan tumataas ang tyansa na maging inner court disciple sila.

Ang mga halimbawang ito ay malinaw na nagpapakita sa lahat ng tao ng dahilan ng presyo ng Six Treasures Body Tempering Liquid upang tumaas sa 3,000 na pilak sa isang bahagi.

"Mga sira-ulo."

Matapos marinig ang mga ito, hindi mapigilan ni Duan Ling Tian na hindi mamangha.

Buti na lang sinabi niya sa may-ari ng medicine store na huwag sabihin sa mga tao kung sino siya.

Dahil kung malaman man ng mga tao na siya ang gumawa ng Six Treasures Body Tempering Liquid, ay hindi na siya matatahimik.

Sa malawak na courtyard ng Li Clan.

Whoosh!

May napakabilis na silweta na tumatakbo nang napakatulin. Ang silweta na ito ay gumagalaw na para bang isa itong hangin.

Huminto siya at ipinakita ang sarili niya.

Isa itong bata na nasa edad labing-pito.

At ang pangalan niya ay Li Yuan.

"Haha… Mabuti! Yuan, ang iyong Unfettered Steps ay nasa yugto na ng pagkadalubhasa. Maliban kay Li Kuang ay wala nang makatatalo sa'yo na taga-outer court. Ang pagtungtong sa top ten ng Clan Martial Meet ay hindi na imposible."

Tumawa naman ang 'di gaano katandang lalaki na nakatayo sa gilid.

"Makakasigurado ako na makatutungtong ako ng top ten sa Clan Martial Meet! Kung makakukuha ako ng tatlong one-hundred-year-old Blood Lingzhi, ang aking Golden Bell Cover ay makatutungtong na sa yugto ng pagkadalubhasa ng mas maaga."

Ang mga mata ni Li Yuan ay nagpapakita ng matinding kumpiyansa.

Bigla niyang naalala ang isang tao sa isip niya.

Duan Ling Tian!

"Sa nakaraang laban natin, alam kong mas mahina ang aking movement technique kaya ikaw ay mas lamang."

"Pero ngayon, ang aking Unfettered Steps ay nacultivate na sa yugto ng pagkadalubhasa. Papahiyain kita at tatalunin kita!"

Ang Unfettered Steps, isang middle grade profound rank movement technique, kapag nacultivate sa yugto ng pagkadalubhasa, ang bilis nito ay hindi magiging mas mababa sa Spirit Serpent Movement Technique ni Duan Ling Tian.

Sa isang masikip na courtyard.

Whoosh!

Isang malamig na ispada ang lumipad kasama ng lagpas sampung anino ng ispada; na para bang kasama na ito mismo sa hangin, walang kahinaan at napakalakas.

Clang!

Ang tatlong-talampakang haba na patalim ay inilagay sa kaniyang lalagyan.

"Sa wakas, nasa unang yugto na rin ako bago ang Clan Martial Meet."

Napangiti ang dalagita na may suot na berdeng damit.

Isang babae ang nakatayo sa pintuan at sinabing, "Shi Shi, sa palagay ko ay kailangan mong pasalamatan ang nagturo sa'yo ng sword skill na iyan."

"Mom, bakit ka naririto? Kung hindi pa maganda ang iyong nararamdaman, ay magpahinga ka muna sa iyong silid."

Ang mukha ni Li Shi Shi ay naglalabas ng bakas ng pagsisisi, habang sinusuportahan ang kanyang magulang papunta sa kanyang silid.

Sa isa pang courtyard.

"Basura ka talaga. Matagal ko nang itinuro sa iyo ang Howling Tiger Fist, pero bakit hindi ka pa rin nagtatagumpay patungo sa yugto ng pagkadalubhasa!"

Tinitigan ni Li Zhong si Li Xiao na may seryosong ekspresyon.

"Kapatid, humihingi ako ng tawad."

Yumuko si Li Xiao, hindi naglalakas-loob na lumaban.

"Zhong, tigilan mo na yan. Sobra na siyang nagsisikap, ngunit limitado lang ang kanyang galing, hindi katulad ng iyo."

Sabi ng 'di gaano katandang lalaki na hindi matiis ang kanyang nakikita, kaya nakialam siya.

"Ama, masyado mo kasi pinalaking layaw."

Nakakunot ang noo ni Li Zhong galit na iniwan si Li Xiao pabalik sa kanyang silid.

Next chapter