webnovel

Howling Tiger Fist? Collapsing Fist?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos dumating sa main clan ay saka lamang naintindihan ni Duan Ling Tian kung gaano kaliit ang branch family ng Fresh Breeze Town.

Sa branch family, kapag binibilang lahat ng disipulo na may apelyido ng Li at disipulo na may ibang apelyido, ang kabuuang bilang ng tao ay nasa dalawang daan.

Ang mga mapagkukunan na kanilang kinokontrol ay isa sa tatlo lamang na laman ng pamilihan ng Fresh Breeze Town. Kahit ang mahirap na minahan ng bakal sa labas ng bayan ay pinaghahatian pa ng ibang dalawang pamilya.

Sa kabilang banda, ang main clan ng Li Family ay isang napakalaking clan na mayroong libo-libong miyembro!

Bukod pa doon, maraming kontroladong mga bilihan ang clan sa mga mataong lugar ng Aurora City, malaking pagmamay-ari na lupa, at iba't ibang kuhaan ng mga yamang lupa.

Ang pinagkaiba ng dalawa ay parang langit at lupa!

Gamit ang kanya at kay Ke Er na ikawalong antas ng cultivation ng Body Tempering, ay nagawa nila na maging mas mataas kaysa sa ibang miyembro ng Li Family branch ng Fresh Breeze Town.

Ngunit sa main clan, ang kanilang mga nakamtan ay hindi manlang bihira.

Sa main clan ng Li Family, kahit ang pagtagumpay sa ikawalong antas ng Body Tempering sa edad na labing anim ay bihira, mayroon paring iilan na kaya itong makamit; mayroon din iba na nasa ika-siyam na antas na sa edad na labing pito.

"Para talaga sa kanila ang makasali sa Main Clan; sila'y mayaman at may kakaibang hangin na kanilang taglay.

Napabuntong-hininga si Duan Ling Tian.

Ang mga disipulo ng main clan ay hindi nauubusan ng Body Tempering Pills at mga pills na katulad ng Thunder Flame Pill.

Sa Li branch family, kaunting tao lamang ang kayang magkaroon ng Body Tempering Pills.

Ngunit sa main clan, hangga't ang mga magulang ay hindi mga tamad na tao, makakapagbigay sila ng walang humpay sa kanilang mga anak ng Body Tempering Pills at Thunder Flame Pill.

Bilang main clan, ang Li Family ng Aurora City ay inookupahan ang isang malawak na lugar, halos kalahati ng laki ng Fresh Breeze Town.

Ang mga disipulo ng Li Family ng Aurora City ay pinaghiwalay sa inner court disciples at outer court disciples.

Ang bawat grupo ay binibigyan ng iba't ibang pagtrato.

Ang mga taong tulad ni Duan Ling Tian at Ke Er, na bagong dating sa main clan ng Li Family, ay magiging mga outer court disciples, na makatatanggap ng tatlumpung pilak na barya kada buwan.

"Ang dalawa sa inyo ay mas mabuti kesa sa'kin. Sa Fresh Breeze Town, ako ay nakatatanggap ng hindi hihigit sa dalawampung pilak na barya bilang aking buwanang kabayaran."

Nang ayusin ni Li Rou ang courtyard na ng main clan kay Duan Ling Tian at Ke Er, siya ay napabuntong-hininga.

"Ina, ang tatlumpung pilak na barya na ito ay hindi madaling makuha; ang mga disipulo ng family branch ay dapat maging mga inner court disciples sa edad na labinsiyam, o kung hindi, ipapadala sila pabalik sa family branch."

Umiling si Duan Ling Tian at ngumiti. 

Pagtapos nito, sinimulan niya ang pag-aayos ng loob at labas ng courtyard, at siya ay lubos na nasiyahan.

Ang courtyard na inilalaan sa kanila ay bahagyang mas malaki kaysa sa iba pang mga maliit na courtyard dahil dalawa silang nakatira nang magkasama, at sa gayon ay may tatlong mga kuwarto.

Kadalasan, ang mga maliit na courtyard na inilalaan sa mga disipulo ng branch family ay maglalaman lamang ng dalawang silid.

"Young Master, tiyak magiging isa kang inner court disciple," tiwalang sinabi ng dalagita na tinutulungan si Li Rou kay Duan Ling Tian.

"Ke Er, dapat mong sabihing 'dalawa tayo.'"

Si Duan Ling Tian ay ngumiti, siguradong sigurado.

"Tian, ​​sa main clan ay dapat kang maging mas masipag. Sa pagpunta dito, napansin ng iyong ina na maraming mga disipulo ng main clan ang nakatingin kay Ke Er, kung hindi ka magsisikap, maaaring maagaw siya ng iba."

Pang-aasar ni Li Rou kay Duan Ling Tian.

Bago makapagsalita si Duan Ling Tian, ang dalagita ay naunang mabalisa. "Madam, hindi iyon mangyayari."

Si Duan Ling Tian ay masiyang tumingin sa kanyang ina. Iniling ng kanyang ina ang kanyang ulo at napabuntong-hininga. "Nagtataka pa rin ako kung anong love potion ibinigay mo kay Ke Er."

Dahil tatlo silang nagtatrabaho nang magkasama, ang courtyard at mga kuwarto ay mabilis na naayos.

"Ina, magpahinga ka, dadalhin ko si Ke Er upang maglakad-lakad sa paligid."

Matapos magpaalam kay Li Rou, dinala ni Duan Ling Tian ang dalagita at iniwan ang courtyard.

Hindi nila namalayan na sila ay nakarating na sa outer court martial arts practice field ng main clan.

Sa martial arts practice field, maraming mga outer court disciples ang masigasig na pinalakas ang kanilang martial arts; ang ilan sa kanila ay ginagamit ang kanilang mga kamao, ang ilan naman ay ginagamit ang kanilang palad, at ang ilan ay gumagamit ng espada...

Ang pagpasok ng pares ay agad na nakakuha ng pansin ng maraming mga mata.

Mas marami ang nakatitig sa dalagita.

Ang mahaba, at itim na itim niyang buhok ay nakatali na parang isang tinapay at ang kanyang eleganteng mukha ay tulad ng isang namumulaklak na lotus na nagpapalabas ng isang nakakaakit, maliwanag, pula na liwanag, pihikan at kaakit-akit.

May willow na hugis na kilay, hugis aprikot na mga mata, pinong ilong, mga mapupulang labi; pinagsama at bubuo ng isang walang palyang kagandahan.

Ang kanyang bahagya ang laki na dibdib ay tulad ng isang namumukong bulaklak, na parang dudugo ito sa anumang sandali.

Ang kanyang payat at pihikan na baywang na maaaring yakapin gamit ang isang kamay lamang, mataas at bilog na pigi, payat at mahahaba na magagandang binti, ang naging dahilan na magmukha siyang mas payat at kaaya-aya, na nagdudulot ng pagkaakit ng lahat.

"Kailan pa nagkaroon ang aming outer court ng isang magandang dalagita?"

Sa kabilang dulo ng martial arts practice field, sa isang grupo ng mga bata ang nagtipon upang magyabang sa isa't isa, mga laway ay lumilipad galing sa bibig ng isang bata. Ang kanyang mga mata ay biglang nagningning habang ang kanyang tingin ay napunta sa dalagita, hindi makagalaw ng kahit isang pulgada.

"Marahil ay kararating lamang mula sa family branch."

Hula ng isang bata.

"Siya ay masyadong maganda, hindi siya kayang tapatan ni Li Shi Shi kahit konti."

Ang mga mata ng isa pang bata ay lumiwanag habang laway ay lumabas sa sulok ng kanyang bibig.

Kalahating taon na ang nakalilipas, si Li Shi Shi ay isang disipulo ng branch family na dumating sa main branch ng Aurora City. Kinikilala siya sa publiko bilang isang kagandahan na outer court disciple.

"Halika, kaibiganin na'tin."

Ang nakakulay berdeng damit na bata ay mabilis na lumakad palapit.

"Li Xiao, sa tingin ko siya ay may kasintahan na," sabi ng bata na sumusunod sa kanya.

Si Li Xiao ay naiinis na sinabi, "Bagong mukha rin siya. Siya ay marahil mula sa parehong branch family tulad ng babae. Hindi naman kayo siguro mga duwag na takot kahit sa isang disipulo ng branch family, tama ba?"

"Siyempre hindi kami takot!"

Ang grupo ng mga bata ay mabilis na sumunod sa likod ni Li Xiao at lumakad palapit.

Si Duan Ling Tian at Ke Er ay dikit-balikat na naglalakad nang dumaan sila sa martial arts practice field.

Ang grupo ng mga bata ay naglalakad palapit na biglang naging sanhi ng pagkunot ng noo ni Duan Ling Tian, ​​ngunit hindi niya pinansin ang mga ito at patuloy na naglakad.

Ang nakaberdeng damit na bata sa harap ay lumakad ng malalaking hakbang at hinarangan ang harap ni Duan Ling Tian at Ke Er.

"May problema ba tayo?"

Si Duan Ling Tian ay seryosong tiningnan ang nakaberdeng bata, ang kanyang tinig malamig at seryoso.

Gayunpaman, hindi pinansin ng nakaberdeng bata si Duan Ling Tian.

Tumingin si Li Xiao patungo sa dalagita na may mukha na puno ng ngiti. "Ikaw siguro ang disipulo ng branch family na kakarating lang sa main clan, tama? Ako si Li Xiao, isang disipulo ng main clan."

Nang matapos siyang magsalita, ang ekspresyon ni Li Xiao ay puno ng pagmamataas.

Sa ilalim ng namamanghang tingin ni Li Xiao at ng mga bata na sumusunod sa kanya, binalewala sila ng dalagita at sa halip ay tumingin sa bata sa kaniyang tabi. "Young Master, umalis na tayo."

"Sige."

Si Duan Ling Tian ay bahagyang ngumiti at tumango, naghanda upang maglakad paikot sa grupo ng mga tao.

"Tigil!"

Hindi magawa ni Li Xao na manatiling kalmado dahil siya ay napahiya. Habang tinitingnan ang dalagita, sabi niya, "Ako ay disipulo ng main clan; hindi mo ba talaga ako mabibigyan ng kahit anumang pansin?"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay naglabas ng malamig na liwanag habang sinasabi niya, sa malamig at seryosong tono, "Ang pansin ay hindi isang bagay na nakuha mo sa pamamagitan ng pag-asa sa iba upang ibigay ito sa iyo; ito ay isang laban para sa iyong sarili... Kung wala ka nang ibang gusto, umalis ka sa paningin ko!"

Alis sa paningin?

Si Li Xiao ay napipi. Akala niya ay mali ang kaniyang narinig. Tumingin siya pabalik sa isa sa mga bata. "Hindi ako nakarinig ng mali, tama ba? Sinabihan niya ako na umalis sa kaniyang paningin?"

Ang bata ay tumango. "Hindi ka nakarinig ng mali, sinabihan ka niya na umalis."

Lubhang nagalit si Li Xiao. "Bata, gusto kitang labanan!" Sigaw niya nang malakas.

Ang sigaw na iyon ay kaagad na nakuha ang pansin ng karamihan ng mga tao na nasa martial arts practice field. Ngayon mas maraming tao na ang nakapaligid sa kanila, tinitingnan ang pangyayari sa pagkaintriga.

"Paumanhin, ngunit hindi ako interesado."

Pagkatapos sumagot ng seryoso, kinuha ni Duan Ling Tian ang kamay ng dalagita at naghanda nang umalis.

Nang napansin ang mga kilos ni Duan Ling Tian, ​​ang mga mata ni Li Xiao ay mukhang nag-aalab. "Hindi mo man lang kayang tanggapin ang aking hamon? Mukhang isa ka lamang duwag at hindi isang tunay na lalaki!"

Hindi mapigilan ng mga taong nakapaligid ang kanilang pagtawa habang nang-aasar na tinitingnan si Duan Ling Tian.

Ang mga mahihinang tao ay laging tinitignan nang mababa.

Ang hugis espada na mga kilay ni Duan Ling Tian ay napakunot, at sa wakas ay lumingon siya at nagsabi, "Kahit na alam kong sinusubukan mo lang akong akitin, dahil gusto mo naman akong hamunin, tatanggapin ko. Ke Er, babalik ako, sandali lang."

Matapos magpaalam sa dalagita, lumakad si Duan Ling Tian patungo kay Li Xiao at tumayo sa kaniyang harapan.

"Bata, kailangan ko lang ng tatlong galaw upang talunin ang mga disipulo ng branch family na katulad mo!"

Mukhang si Li Xiao ay bahagyang mas matanda kaysa kay Duan Ling Tian. Ang kanyang bahagyang malusog na katawan sumandal patalikod, ang kanyang mga braso ay bumaluktot patalikod, at ang kanyang mga kamao ay naghigpit, at ang kanyang mga buto ay naglabas ng pumutok na tunog habang sila'y nagkikiskisan. Ang tunog na ito ay malinaw at malambing ngunit masakit sa tainga sa parehong oras.

"Ito ay…"

Nang napansin ang kilos ni Li Xiao, bahagyang nagulat si Duan Ling Tian. Halos katulad nito ang pagsisimulang galaw ng Collapsing Fist.

Pagkaraan ng ilang sandali, ang mga binti ni Li Xiao ay bumuka sa isang kakaibang pustura. Siya ay nagmukhang isang mabangis na tigre na handa na upang umalulong at magsimulang manghuli.

Nagdala ito ng pamilyar na pakiramdam kay Duan Ling Tian.

"Ang martial skill na ito ay malayo mula sa isang bagay na maaaring ihambing sa middle grade Yellow Rank Martial skill, Fierce Tiger Fist."

Ang ekspresyon ni Duan Ling Tian ay bahagyang seryoso.

"Tingnan mo ang panimulang kilos ni Li Xiao. Mukha itong middle grade Profound Rank martial skill, ang Howling Tiger Fist!"

Ang isang nagulat na sigaw ay maririnig mula sa nakapalibot na tao.

"Oo nga, iyan nga ang Howling Tiger Fist."

Maraming tao ang nakilala na ang martial skill na gagamitin ni Li Xiao.

"Paano ito naging posible? Ang mga outer court disciples ay pinahihintulutan lamang na pumili ng mabababang Profound Rank Skills sa Martial Repository Pavilion. Paano kaya natutunan ni Li Xiao ang isang middle grade Profound Rank martial skill?!"

"Ang iyong nalalaman ay luma na. Sinong hindi nakakaalam na ang kapatid na lalaki ni Li Xiao, si Li Zhong, ay isang inner court disciple? Ayon sa mga panuntunan ng clan, ang mga magkapatid ay pinahihintulutan na ibahagi ang kanilang mga martial skills nang hindi nalalabag ang mga patakaran."

"Ganoon pala iyon. Mukhang naipasa ito ni Li Zhong sa kanya."

...

Nang marinig ang diskusyon ng karamihan, si Duan Ling Tian ay naliwanagan.

Ito pala ay isang Profound Rank Martial Art!

Heh!

Kumilos si Li Xiao. Ang kanyang katawan, na tila nakabaluktot sa isang yuko, ay sumulong. Ang kanyang mga paa ay mabilis na gumagalaw tulad ng isang kumikislap na anino na walang takdang pagkilos. Sa isang kisapmata, dumating siya sa harap ni Duan Ling Tian.

Ang kanyang kamao ay nag-aalab habang tumatagos ito sa hangin, tuluy-tuloy patungo sa dibdib ni Duan Ling Tian!

"Napakabilis!"

Napansin ni Duan Ling Tian na si Li Xiao ay nagsagawa ng movement technique. Matapos obserbahan ang kagulat-gulat na lakas ng kamao ni Li Xiao, hindi siya naglakas-loob na sobrahan ang tiwala sa kaniyang sarili at hindi maging maingat.

Gamit ang Spirit Serpent Movement Technique, siya ay humakbang ng dalawang beses patalikod.

Sa isang iglap, ibinato patalikod ni Duan Ling Tian ang kanyang mga braso, ang kanyang likuran ay parang hugis ng isang pana.

Ang kanyang kamao ay gumalaw na parang pagguho ng lupa!

Collapsing Fist!

Laban sa marahas na papalapit na Howling Tiger Fist ni Li Xiao, si Duan Ling Tian ay hindi natakot. Ibinato niya ang kaniyang kanang kamao upang banggain ang atake.

Bang!

Ang kanilang mga kamao ay marahas nagbanggaan! Pagkalipas ng isang sandali, lumilitaw ang isang mapang-asar na ngiti sa mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian habang ang puwersa ng kanyang kamao ay hinihigop ni Li Xiao.

Crack!

Ang malinaw na tunog ng nasisira na mga buto ay maririnig. Ang mukha ni Li Xiao ay nagulo. Siya napalitang napabalik ni Duan Ling Tian.

Ang sakit na kumalat mula sa kanyang mga buto sa daliri ay nagdulot sa malamig na pawis ni Li Xiao na dumaloy. Tumingin at may ekspresyon na hindi makapaniwala kay Duan Ling Tian, ​​ang kanyang tinig ay nanginginig habang sinasabi niya, "Ikaw... Ang iyong Howling Tiger Fist ay iyong nacultivate hanggang at naging dalubhasa rito!"

Howling Tiger Fist!

Ang mga tao ay nag-ingay.

Sino ang taong ito at paano niya rin natutunan ang Howling Tiger Fist?

Bukod dito, sinabi ni Li Xiao na ang kanyang Howling Tiger Fist ay nacultivate hanggang pagiging dalubhasa. Paano ito naging posible?

Tungkol sa Profound Rank martial skill, ang pagcultivate ng mga ito sa paunang yugto ay madali, ngunit ang icultivate ito sa pagiging dalubhasa ay napakahirap.

Nang matapos ang bata, hindi niya man lang sinulyapan si Li Xiao; hinawakan niya ang kamay ng dalagita at lumabas sa karamihan ng tao.

Ang mga mata ni Li Xiao ay kumislap nang malamig habang tinitiis niya ang sakit at sumigaw, "Ano ang pangalan mo?"

"Ano, gusto mo bang maghiganti?" Ang bata ay lumingon at tiningnan si Li Xiao bago seryosong sinabi, "Ako'y isang disipulo ng branch family ng Fresh Breeze Town, ako si Duan Ling Tian!"

"Isang disipulo ng branch family at isang disipulo na may ibang apelyido?"

Ang mga tao ay nagulat.

"Duan Ling Tian, ​​itatatak kita sa aking isipan. Sa sandaling maging dalubhasa ako sa Howling Tiger Fist, tiyak na darating ako at aalisin ang kahihiyan na ito!"

Ang tono ni Li Xiao ay parang bakal habang lumalala ang lamig sa kanyang mga mata.

Next chapter