5 Henyong Martial Artist

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong uri ng martial skill ang ginamit ni Duan Ling Tiyan kani-kanina lang?"

"Hindi ito isang martial skill. Mukhang isa itong ordinaryong suntok pero malinis niyang nailagan ang Fierce Tiger Fist ni Li Xin pagtapos ay napakabilis na nagpunta sa likod nito, pinaikot ang kanyang katawan at saka sumuntok ng napakalakas sa loob lamang ng ilang sandali…. Paano niya nagawa ito!?"

"Niloloko mo ba ako? Paanong hindi naging isang martial skill ang napakalakas na galaw na iyon? Nagawa ni Duan Ling Tian na paghiwalayin ang balikat ni Li Xin gamit lamang ang isang suntok!"

...

Masiglang nagusap usap ang mga miyembro ng pamilya Li. Pero hindi nila talagang nakita ang ginamit na Collapsing Fist ni Duan Ling Tian.

Kahit na napakasimple ng galaw na iyon ay sadyang nakakagulat dahil sa mga kaya nitong gawin.

"Wasak na wasak ang balikat ni Li Xin at hindi na niya kayang maigalaw pa ang kanyang kanang braso!"

Huminga ng malalim at inusisa ng ika limang nakatatanda ang mga sugat at baling tinamo ni Li Xin. Kitang kita sa ika limang nakatatanda kanyang maikling pagkagulat nung tumingin ito kay Duan Ling Tian.

Nagawa ng isang nasa ika unang antas ng Body Tempering Stage ang isang napaka nakapamiminsalang pagatake?

Matapos utusan ang ibang nakabababang miyembro ng pamilya Li na dalhin si Li Xin sa pagamutan ay naglakad siya patungo kay Duan Ling Tian na kalmadong nakatayo sa isang tabi.

Sa mga sandaling ito ay nagkaroon siya ng kuro kuro na ang nakatayo sa kanyang harapan ay hindi isang bata kundi isang napakagaling na eksperto sa larangan ng Martial Dao.

"Ano ang tawag sa technique na ginamit mo kanina? Mas kumplikado pa kung titingnan ang mga pangkaraniwang mga martial skills pero naglabas ito ng napakatinding lakas na para bang isang landslide. Gaano katagal mo itong sinanay?"

Tanong niya kay Duan Ling Tian ng may kasamang pagkislap sa kanyang mga mata.

Kahit na hindi gaanong nakita ng ibang mga miyembro ng pamilya Li ang lalim ng galaw na ito ay nakita niya ito ng napakalinaw sa kanyang mga mata.

Napakasimple lamang ng galaw na iyon ngunit kaya nitong maglabas ng napakatinding lakas.

ang kanyang buong katawan ay nakasentro sa iisang lugar lamang sa loob lamang ng ilang saglit matapos pakawalan ni Duan Ling Tian ang kanyang suntok,

Isa tong galaw na napakahirap gawin kahit na ng isang taong sanay na sa high grade Yellow Rank martial skill.

Hindi, kahit na siguro ang mga sanay sa ordinaryong Profound Rank martial skills ay mahihirapang pa rin na gawin ang galaw na iyon!

Ang martial arts sa buong Cloud Continent ay nahahati sa apat na ranggo: Heaven, Earth, Profound at Yellow. Heaven bilang pinakamataas at Yellow bilang pinakamababa.

At ang bawat ranggo ng isang martial skill ay nahahati sa apat na grade. Ito ay ang high, middle at low.

Mayroon lamang ang pamilya Li na isang high grade na martial skill bukod sa mga low at middle grade martial skill na nakatago sa loob ng Martial Pavilion. Ito ay ang Wind Chaser Palm.

Ang mga maaaring lamang magsanay at gumamit nito ay ang mga miyembro ng pamilya Li na nabibilang sa Core Formation Stage o mas mataas pa rito.

Pero alam ni Li Ting na kahit na makumpleto mo ang iyong pagsasanay sa Wind Chaser Palm ay hindi parin nito kayang tumbasan ang galaw na kanyang nakita sa laban kanina.

"Tinatawag itong Collapsing Fist!" sabi ni Duan Ling Tian. Hindi na siya nagsabi ng kahit ano tungkol sa haba ng oras na kanyang iginugol upang sanayin ito.

Paano niyang sasabihin na sinanay niya ito sa loob ng mahigit na sampung taon?

Isa sa limang Elemental Fist moves na galing sa Form at Will Boxing ang Collapsing Fist na isang uri ng direktang suntok.

At kinakailangang ikubli ang pagkuha ng lakas at magbigay ng isang hindi napakabilis na hindi inaasahang pag atake na tatagos hanggang sa mga internal organs ng kalaban. Isa itong uri ng Fist Technique na may napakalakas na penetrating capabilities.

Mukhang napakadali kung titingnan ang Collapsing Fist. Ngunit ang pagkuha ng lakas nito ay manggagaling sa buong katawan kasama na ang mga internal organs.

Upang makuha ang parehong lakas at galaw ng ginawa ni Duan Ling Tian ay nangangailangan ito ng higit sa sampung taon ng matinding pagsasanay.

"Ika limang nakatatanda, ako po ay uuwi na. Tungkol naman po sa pangyayari kanina ay alam niyo naman po kung sino ang naghamon at nagsimula ng laban na ito. Sana po ay maging saksi po kayo para sa akin." Sabi ni Duan Ling Tian

Pagkatapos ay tumalikod ito at umalis.

"Isang Collapsing Fist? Kahanga hanga ang batang ito! Matagal ng itinatago sa iyo ito ng iyong anak Li Rou at naghihintay lamang siya ng tamang panahon upang maipakita ito!"

Nagbuntong hininga si Li Ting at sinubukang alisin ang kanyang pagkabalisa sa nangyari.

Napansin niya na ang Collapsing Fist na ginamit ni Duan Ling Tian ay hindi ganoon kadaling sanayin. Naniniwala siya na itinatago lamang ni Duan Ling Tian ang kanyang totoong lakas at kahinaan habang naghihintay sa tamang panahon.

Nagsialisan na rin ang mga miyembro ng pamilya Li na nanood sa laban.

Alam nilang lahat na ang katakot takot na suntok na ginawa ni Duan Ling Tian ay tinatawag na Collapsing Fist!

"Nakakatuwa!"

Matapos makauwi ay huminga ng napakalalim si Duan Ling Tian na tila ba nabunutan siya ng isang malaking tinik habang isang sandali ng ngiti ang nakita sa kanyang murang mukha.

Ito ang unang beses na ginawa niya ng walang pagaalinlangan ang parehong Form at will Boxing sa mundong ito mula ng dumating siya rito!

Sa mga sandaling iyon ay naramdaman niya na parang siya ay bumalik sa nakaraan niyang buhay na puno ng karahasan at pagkasabik.

Noong siya ay makabalik sa kanyang silid, napansin niya na sasapat na lamang sa dalawang pagligo ang natitira niyang Seven Treasures Body Tempering Liquid.

"Mukhang kailangan ko na magpabili ulit kay ina ng mga sangkap sa paggawa ng gamot."

Sinanay niya ng maigi ang kanyang sarili sa Nine Dragons War Sovereign Technique habang siya ay nakaupo sa kanyang batya at naliligo sa gamot na kanyang ginawa. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, ang kanyang pagkapanalo laban kay Li Xin ay magsisimula ng matinding kaguluhan sa dating matiwasay na pamilya Li.

"Oy! Narinig mo na ba ang balita? Nakumpleto na raw ng anak ng ika siyam na nakatatanda ang kanyang Body Tempering at tumungtong na sa unang antas ng Body Tempering Stage!"

"Pfffft! Matagal ko ng alam yan. Pero alam mo ba na bukod sa pagtungtong ni Duan Ling Tian sa unang antas ng Body Tempering Stage ay malubha niya pang nasugatan at naparalisa ang kanang braso ni Li Xin sa isang labanan na sinaksihan ng ika limang nakatatanda!

"Talaga!? Nasanay na ni Li Xin ang Low Grade martial skill na Fierce Tiger Fist at siya ay nasa ikalawang antas na ng Body Tempering Stage! Huwag mong sabihin na hindi niya kayang talunin ang isang nasa unang antas pa lamang ng Body Tempering Stage na si Duan Ling Tian?"

"Walang kwenta yang Fierce Tiger Fist na yan! Napakasimple lamang ng Collapsing Fist ni Duan Ling Tian. Sadyang napakasimple pero nakakikilabot! Kahit na ang ika limang nakatatanda ay namangha rito…"

...

Ang epekto ng Collapsing Fist ni Duan Ling Tian ay gumrabe ng gumrabe ayon sa mga kuwento habang patuloy na kumakalat ang balita ng naging laban nila Duan Ling Tian at Li Xin.

Sinabi ng ilang miyembro ng pamilya Li na ito raw ay isang Profound Rank martial skill, ang iba naman ay nagsasabing isa raw itong Earth Rank Martial Skill. Mangilan ngilan naman ang nagsasabi na ang Collapsing Fist dawn a ginawa ni Duan Ling Tian ay isang Heaven Rank martial skill!

Sa loob ng isang silid sa isang napakalaking patyo ng pamilya Li…

Tinitingnan ni Li Kun ang nabaling braso ng kanyang anak habang siya ay nakatayo sa gilid ng kama kung saan nakaratay si Li Xin.

Naririnig niya pa rin sa kanyang mga tainga ang sinabi ng Pinaka nakatatanda na "Kakayanin ng Grade Nine Gold Injury Pill at pahinga ito kung isa lamang itong ordinaryong bali sa buto ika pitong nakatatanda. Pero ang balikat ng iyong anak na si Li Xin ay talagang wasak na wasak… Hindi parin nito magbabago iyon kahit na makuha mo pa ang huling Grade Eight Gold Injury Pill galing sa ama… Ako'y nakikiramay sa iyo."

"Duan Ling Tian, Papatayin kita… Kailangan mo nang mamatay!!"

Dumilat ng malaki ang mga mata ni Li Kun at kumislap dahil sa kanyang matinding galit habang nagngangalit ang kanyang mga ngipin at nakasara ng mahigpit ang kanyang mga kamay; Lumabas ang malakas na Origin Energy sa kanya habang siya ay umuungol.

"Kumusta na po ang aking nakababatang kapatid ama?"

Sa ilang sandali lang ay isang nagmamadaling boses ang narinig niya mula sa labas habang isang tao ang nagmamadaling pumasok sa silid.

Ang taong ito ay si Li Jie. Siya ang pinakamatandang anak ng ika pitong nakatatanda at maituturing na isang henyo sa larangan ng martial arts sa buong pamilya Li.

Nakatungtong na siya sa ika apat na antas ng Body Tempering Stage sa edad na labing anim. Nasanay na rin niya ang Middle Grade Yellow Rank martial skill na Falling Leaf Palm.

Ang mga miyembro ng pamilya Li ay maituturing ng matanda sa edad na labing anim.

Matapos ang seremonya sa pagtungtong nila sa edad na iyon ay ipadadala sila sa isa sa napakaraming negosyo ng pamilya Li sa Fresh Breeze Town at kahit na si Li Jie ay hindi nakaligtas sa resposibilidad na ito.

Nagmadali siyang umuwi nung malaman niya ang balitang nasugatan ng malubha ang kanyang kapatid na si Li Xin.

Huminga ng malalim si Li Kun at malalim na sinabi "Naparalisa ang kanang balikat ng iyong nakababatang kapatid Jie. Walang magawa ang kahit na sino kabilang ang pinakanakatatanda."

"Ano?!"

Nanginig ang buong katawan ni Li Jie na para bang ito ay tinamaan ng kidlat.

Ang pinakanakatatanda sa pamilya Li ay isang kilalang Grade Nine Alchemist sa buong Fresh Breeze Town! Kahit na siya ay hindi kayang gamutin ang mga sugat ng kanyang nakababatang kapatid. Malinaw na sa kanya ang ibig sabihin nito.

"Nakababatang Xin…"

Nanlaki rin ang mga mata ni Li Xin na nagliyab sa galit na hindi bababa sa galit na nararamdaman ni Li Kun!

Ang kanilang ina ay namatay habang ipinapanganak ang kanyang nakababatang kapatid. Inaalagaan niya itong maigi mula noong ito ay ipinanganak… At kahit na anong gusto niya ay siya namang binibigay ni Li Jie mapa pagkain man ito o laruan.

At ngayon na paralisado na ang kanang balikat ng kanyang nakababatang kapatid na sumira sa kanyang magiging kinabukasan. Napuno ng matinding galit si Li Jie!

"Sigurado po ba kayong si Duan Ling Tian iyon?" Tanong ni Li Jie habang siya ay nakatingin kay Li Kun.

"Noong marinig niya ang balita, hindi makapaniwala si Li Jie bukod sa pagaalala niya kay Li Xin… Paanong ang isang basurang kagaya ni Duan Ling Tian na kakukumpleto lamang ng kanyang Body tempering ay may kakayahang sugatan ng ganito katindi ang aking nakababatang kapatid?

"Oo, nakipagusap na ako sa ika limang nakatatanda. Si Duan Ling Tian nga iyon! Tatlong araw na ang nakalilipas at hindi manlang makakumpleto ng Body Tempering ang basurang iyon. Pero sinong makapagaakala na hindi lang siya nakatungtong sa unang antas ng Body Tempering Stage, natalo niya rin ang iyong nakababatang kapatid gamit ang sinasabi nilang high ranked martial skill na tinatawag na Collapsing Fist!" Tugon ni Li Kun habang nagngangalit ang mga ngipin nito.

"Collapsing Fist ng unang antas ng Body Tempering Stage huh?"

Malamig na tumawa si Li Jie at ang kanyang tingin ay parang isang makamandag na ahas. "Sumunod po kayo sa akin ama!"

Sa isang tahimik sa patyo.

"Ipinadala niyo raw po ako rito ina. May nangyari po ba?" Sabi ni Duan Ling Tian na kagagaling lang sa kanyang silid matapos maubos ng kanyang katawan ang Seven Treasures Body Tempering Liquid at nakita niya ang kanyang ina na si Li Rou na mukhang napahiya.

Tumingin ng tila walang kalam alam si Li Rou sa kanyang anak.

Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig kani kanina lang.

Para sa kanya, ang kanyang anak na nakakumpleto at nakatungtong sa unang antas ng Body Tempering Stage ay isang mahirap na bagay. Pero itong batang ito na nagpunta lamang sa Martial Pavilion ay pumaralisa sa bunsong anak ng ika pitong nakatatanda at hindi na ito kayang gamutin pa!

"Collapsing Fist… Maari mo bang ipaliwanag sa akin kung paano mo natutunan ang martial skill na iyan na siyang ikinamamangha ng ika limang nakatatanda hanggang ngayon?"

Nagpakita ng matamlay na ngiti si Li Rou nang tingnan niya ang kanyang anak na si Duan Ling Tian.

"Kung sasabihin ko po sa inyo ina na ang nagturo nito sa akin ay ang matandang lalaki sa aking panaginip ay maniniwala po ba kayo?"

Matapos nito ay makikita ang dismayadong ngiti ni Duan Ling Tian.

"Malaki ka na Tian… At dahil may mga lihim ka ng hindi mo kayang sabihin sa akin ay hindi na kita pipilitin pa. Pero lagi mong tatandaan na kahit anong manyari ay naandito ako palagi para sa iyo!"

Malalim na tumingin si Li Rou kay Duan Ling Tian at matamlay na huminga ng malalim.

"Ina."

Nanamlay bigla si Duan Ling Tian at namula ang kanyang mga mata ng bahagya.

Matapos ang ilang sandali ay nakarinig ang mag ina ng isang nakakairitang boses na para bang isang langaw ang nanggagaling sa labas. "Ika siyam na nakatatanda! Magpakita raw po kayo kay Li Kun sa labas!"

"At naglakas loob siyang magpunta rito?"

Mahinang kumislap ang mga mata ni Li Rou.

Sa sumunod na sandali ay lumakad papunta sa patyo ang ika pitong nakatatandang si Li Kun at ang kanyang panganay na anak na si Li Jie habang masamang nakatingin kay Duan Ling Tian.

"Ika pitong nakatatanda, hindi ka naman siguro nagpunta rito upang guluhin ang aking anak hindi ba?" Humakbang sa harap ni Duan Ling Tian si Li Rou na para bang pinoprotektahan niya ito at ngumiti.

"Huwag kang magalala ika siyam na nakatatanda… Ang laban sa pagitan ng iyong anak na si Duan Ling Tian at ng aking anak na si Li Xin ay nasaksihan ng ika limang nakatatanda. Ito ay nagresulta sa pagkaparalisa ng kanyang braso dahil sa kanyang kahinaan at wala na siyang maaaring takbuhan pa kung hindi ang kanyang sarili."

Huminga ng malalim si Li Kun habang itinatago ang galit sa kanyang puso.

"Ngunit ano ang sadya rito ng ika pitong nakatatanda…?"

Nagtaka si Li Rou matapos marinig ang sinabi ni Li Kun sa kanya.

"Maligayang pagbati ika siyam na nakatatanda," sabi ni Li Jie habang ito ay nakatayo sa tabi ni Li Kun.

Kumislap ang mga mata ni Li Jie habang siya ay nakatingin kay Duan Ling Tian matapos niyang batiin ang ina nito na si Li Rou.

"Ika siyam na nakatatanda, sinundan lamang ako ng aking ama papunta rito… Narito ako upang hamunin si Duan Ling Tian sa isang labanan. Narinig ko na ang kanyang ipinagmamalaking Collapsing Fist ay sadyang hindi mapapantayan."

Biglang nanlamig si Li Rou matapos marinig ang sinabing ito ni Li Jie.

"Ikaw nga si Li Jie kung hindi ako magkakamali. Mas matanda ka ng isang taon sa aking anak at nakatungtong na sa ikaapat na antas ng Body Tempering Stage habang ang aking anak ay nasa unang antas pa lamang ng Body Tempering Stage… Hindi ka ba nahihiya sa iyong sarili na hamunin siya?" sabi ni Li Rou habang siya ay nakatingin kay Li Jie.

"Ika siyam na nakatatanda, si Duan Ling Tian ay hindi isang ordinaryong martial artist na nakatungtong sa unang antas ng Body Tempering Stage. Madali niyang natalo ang aking nakababatang kapatid at ang kanyang lakas ay hindi mapapantayan!"

Ngumiti si Li Jie na para bang hindi niya napapansin ang panlalamig sa mukha ng ika siyam na nakatatandang si Li Rou.

At bago pa man malupit na paalisin ni Li Rou ang kanyang mga bisita ay biglang umalis si Duan Ling Tian sa likod ng kanyang ina.

"Matatanggap ko ang iyong hamon, pero sa isang kundisyon!"

avataravatar
Next chapter