webnovel

Halimaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga sumusunod na araw, madalas na sinasama ni Duan Ling Tian si Ke Er patungo sa martial arts practice field upang icultivate ang kanyang movement technique.

Sila ay unti-unting sa nahalo sa Li Clan ng Aurora City, at nakuha ang paggalang ng maraming disipulo ng Li Clan.

Sa mundong ito, ang malalakas ay laging iginagalang kahit saanman sila magpunta.

Ang oras ng kalahating buwan ay lumipas sa isang kisapmata.

Bagaman hindi pa nagtatagumpay sa kanilang cultivation si Duan Ling Tian at Ke Er, ang kanilang lakas ay nakaranas ng abot-langit na pagbabago.

Una sa lahat ay ang mga defense martial skills.

Sa tulong ng Blood Lingzhi Body Refinement Liquid, ang Greater Teleportation ni Duan Ling Tian at Stealth Substitution ni Ke Er ay parehong tagumpay na nacultivate sa una nitong yugto.

Para naman sa offensive martial skills, hindi pa sinusubukan ni Duan Ling Tian ang alin sa mga ito. Si Ke Er naman, sa kabilang banda, ay patuloy na pinapaunlad ang Sword Drawing Arts nang walang tigil.

Kung ang Sword Drawing Arts ni Duan Ling Tian ay itututring na nakayapak na sa yugto ng pagiging perpekto, ang Sword Drawing Arts naman ni Ke Er ay maaaring ituring na nakayapak na sa yugto ng pagkadalubhasa.

Siyempre, ang dahilan ng mabilis na progreso ni Ke Er ay dahil sa kanyang masigasig na pagcultivate.

Mula nang araw na siya ay nagsimula sa pagcultivate ng Sword Drawing Arts hanggang ngayon, gumugugol siya ng hindi bababa sa limang oras sa isang araw para lamang magsanay nito.

Ang mga taong masisipag ay palaging nagagantimpalaan.

Ito ay isang bagay na kahit si Duan Ling Tian ay matagal nang alam.

At isang pangyayari naman sa loob ng nakaraang buwan, dahil sa palaging pagcultivate ni Duan Ling Tian at Ke Er sa anilang movement techniques sa martial arts practice field, naging pamilyar sila kay Li Shi Shi.

Lalo na kay Er; siya at si Li Shi Shi ay nagsimulang tawagin ang isa't isa na parang magkapatid.

Sa Martial arts practice field.

Ang hugis ni Duan Ling Tian ay kumislap na parang wala siyang buto. Siya ay tumigil ng isang sandali at pagkatapos ay gumalaw ng mabilis na tulad ng isang spirit serpent na lumilipad sa isang iglap...

Siya ay nagcucultivate ng Spirit Serpent Movement Technique!

Ang magandang dalagita ay nakatayo sa gilid, tahimik na nanonood sa kanya at bahagyang nakangiting na may ekspresyon ng kaligayahan.

"Little Sister Ke Er."

Biglang tumunog ang isang tinig mula sa kalayuan.

Ang isa pang magandang dalagita ay lumakad nang may mabilis na mga hakbang. Ang kanyang kamay ay may hawak na nasa lagayan na Fine Steel Sword, dahil dito ay nagmukha siyang matapang at magiting.

"Ate Shi Shi."

Si Ke Er ay bahagyang nakangiti habang binabati niya ang dalagita.

"Little Sister Ke Er, pupunta ako sa pamilihan ng kalakalan upang bumili ng ilang mga bagay. Sumama ka sa akin."

Ang taong ito ay talagang si Li Shi Shi.

Nang marinig ang kanyang sinabi, si Ke Er ay walang malay na tumingin patungo sa bata na kung saan ang hugis ay kumikislap-kislap, ngunit hindi niya ito inabala. Sa halip, tahimik siyang naghintay.

"Duan Ling Tian, ​​hihiramin ko lamang si Ke Er nang ilang sandali. Ayos lang sa'yo, 'di ba?"

Tiningnan ni Li Shi Shi ang bata.

Whoosh!

Ang hugis ni Duan Ling Tian ay bahagyang gumalaw, na sinasamantala ang kaniyang lakas upang tumigil. Ang kanyang noo ay naglalabas ng mainit na pawis.

Isang mabangong amoy ang pumasok sa kanyang ilong nang si Ke Er lumakad palapit upang punasan ang kanyang pawis.

Siya ay tulad ng isang kaibig-ibig na asawa.

"Hindi ko matiis ang dalawa sa inyo."

Si Li Shi Shi ay may isang masamang ekspresyon.

Sa sandaling ito, walang nakapansin na sa ilalim ng kaniyang titig, isang pakiramdam ng pagkaulila ay mabilis na makikita bago mawalang muli.

"Ke Er, sige na. Ingatan mo ang iyong sarili."

Si Duan Ling Tian ay ngumiti sa dalagita sa kaniyang tabi.

Bukod sa kanyang sarili, si Ke Er ay nagkaroon na ng kasing edad na kaibigan. Si Duan Ling Tian ay natural na hindi papagitan sa kanilang pagsasama.

"Huwag kang mag-alala, kahit buhok ay hindi mawawalan ang iyong Ke Er."

Binigyan ng tingin ni Li Shi Shi si Duan Ling Tian bago kuhain ang kamay ni Ke Er at lumakad paalis.

Sa daan, nakakuha sila ng maraming titig mula sa malilibog na mga lalaki.

Pag-alis ng dalawang dalagita, nagpatuloy si Duan Ling Tian sa kanyang pagcultivate...

Spirit Serpent Movement Technique!

Kung sinuman na may mabilis na mga mata ay naroroon, mapapansin nila ang isang hindi masyado makitang defensive chi barrier sa mga balat ng katawan ni Duan Ling Tian.

Defensive Martial Skill!

Si Duan Ling Ting ay tila nalimutan ang oras habang siya ay nagcucultivate...

Sa bawat oras na ang kanyang hugis ay kumikislap, nakakadama siya ng isang komportableng pakiramdam na kumakalat sa kanyang buong katawan.

"Duan Ling Tian!"

Biglang isang malakas na sigaw ang umabala sa pagcultivate ni Duan Ling Tian.

Si Duan Ling Tian ay napakunot-noo nang makita niya ang dalawang pamilyar na mukha na dumarating nang magkasama.

Ito ay si Li Yuan at Li Xiao.

Sa katunayan, hindi nakita ni Duan Ling Tian ang mga ito sa nakalipas na kalahating buwan.

Akala niya, sila ay natakot mula sa kagustuhan niyang pumatay na kaniyang pinakita sa ibang araw at hindi na naglakas-loob na maging problema pa para sa kanya.

Ngunit parang nagkamali siya ng akala.

"Ano?"

Tiningnan sila ni Duan Ling Tian na may kalmadong ekspresyon.

"Duan Ling Tian, ​​ibigay ang gusto namin, kundi ay gagapang ka pauwi mula rito," sabi ni Li Xiao sa isang malamig na tinig.

"Gusto mo ba ang aking mga pagmamay-ari? Sige..."

Si Duan Ling Tian ngumiti.

"Huh?"

Si Li Xiao at Li Yuan ay natulala.

Kailan ba naging madaling kausap si Duan Ling Tian?

Tumigil si Duan Ling Tian sa isang sandali na idinagdag niya, "Talunin mo ako!"

"Sige, tatalunin kita para ibigay mo ang lahat sa akin."

Si Li Xiao ay mabilis na lumakad palabas, tumayo sa harapan ni Duan Ling Tian.

Sa sandaling ito, napansin ng mga tao na nasa martial arts practice field ang kaguluhan dito at lumapit upang manood.

Ang walang laman na sulok ng martial arts practice field ay mabilis na napalibutan ng mga tao.

"Si Li Yuan 'yan!"

"Si Li Yuan at ate Shi Shi ay pareho; sila ang ikatlong pinakamalakas na disipulo sa ating outer court. Lalabanan ba niya si Duan Ling Tian?"

"Sa tingin ko…"

"Bagaman si Duan Ling Tian ay isang disipulo lamang ng family branch, ang kanyang sword skills ay umabot na sa pagiging perpekto; kahit na si ate Shi Shi ay nadama na siya ay mas mahina sa kaniya. Kahit na ang kanyang cultivation ay mas mahina kaysa kay Li Yuan, hindi pa rin na'tin masasabi na siya ay hindi isang tugma para kay Li Yuan."

"Nabanggit mo ang sword skills... Hindi mo ba napapansin na si Duan Ling Tian ay walang dalang espada?"

"Hindi niya iniisip na labanan si Li Yuan nang walang dala, tama? Kahit na ang kanyang Howling Tiger Fist ay nagtagumpay na sa yugto ng pagkadalubhasa, alam ng lahat na ang middle-grade grade Profound Rank martial skill ni Li Yuan, ang Heart Destruction Palm, ay nacultivate din siya sa yugto ng pagkadalubhasa.

"At saka, si Li Yuan ay nasa ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage, samantalang si Duan Ling Tian ay nasa ikawalong antas pa lamang!"

...

Ang pag-uusap ng karamihan ay tila hindi pabor kay Duan Ling Tian, ​​na walang espada sa kaniyang kamay.

Ang ilang sa mga tao na may mga espada sa kanila ay nais na ipahiram ang mga ito kay Duan Ling Tian ngunit natatakot na galitin si Li Yuan.

Si Li Yuan ay hindi lamang isang disipulo ng main clan, ngunit siya rin ay ang pamangkin na lalaki ng Clan Elder.

Ito rin ang dahilan kung bakit kahit na siya ay isang outer court disciple pa lamang, ay nagawa na niyang macultivate ang isang offensive martia skill, ang Heart Destruction Palm; isang defensive martial skill, Golden Bell Cover; at isang moevment technique, ang Unfettered Steps, na lahat ay mga middle grade profound rank martial skills!

Ang iba ay walang ibang magawa kundi mainggit dito.

"Dalawa kayong sabay na lumapit sa akin." Si Duan Ling Tian ay mabilis na tumingin kay Li Yuan bago tumitingin kay Li Xiao.

"Huwag ka maging mayabang. Laban sa iyo, ako ay higit pa." Nagalit si Li Yuan mula sa kahihiyan habang tinitingnan siya ng mababa ni Duan Ling Tian.

Ang kanyang hugis ay biglang gumalaw...

Unfettered Steps!

Ang mga binti ni Li Yuan ay gumalaw sa isang kakaibang paraan, mabilis na sumusulong, at dumating sa harap ni Duan Ling Tian sa isang kisapmata.

Heart Destruction Palm!

Ang kanyang palad ay lumabas at inalog ang hangin nang dalhin nito ang force of heart destruction, at tumalsik patungo kay Duan Ling Tian.

Kasabay nito, ang isang hibla ng puting ulap ay nabuo bilang isang hugis ng ancient mammoth sa itaas ni Li Yuan.

"Initial Stage Unfettered Steps at Mastery Stage Heart Destruction Palm!"

Mga sigaw ay maririnig sa kalagitnaan ng mga manunuod.

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumikislap habang ang kanyang itaas na katawan ay sumandal patalikod, ang kanyang mga kamay ay kaniyang ibinato patalikod at bumuo ng hugis ng isang pana, at sa sandaling natapos niya ang kaniyang pagkilos, siya ay biglang nanginig.

Collapsing Fist!

Ibinati ni Duan Ling Tian ang kaniyang Collapsing Fist upang ibangga ito sa Heart Destruction Palm ni Li Yuan.

Bang!

Ang kamao at palad ay nagbanggaan!

Agad na naramdaman ni Duan Ling Tian na mas malakas ang sampal ni Li Yuan kaysa sa kaniyang Collapsing Fist.

Higit pa rito, ang isang hibla ng isang kakaibang pwersa ang dumaloy sa kanyang kamao, at sinusubukang dumaloy sa kanyang braso ...

Greater Teleportation!

Nang walang anumang pag-aatubili, binuhay ni Duan Ling Tian ang kanyang defensive martial skill, dinederekta ang kakaibang lakas, tineteleport ang puwersa kung saan saan, at nagdulot na ito ay bumalik.

Gawin mo sa iba ang ginagawa nila sa iyo!

Bang!

Si Duan Ling Tian ay nanatiling nakatayo na parang siya ay isang bundok, ngunit si Li Yuan, sa kabilang banda, ay natulak ng dalawang hakbang, at siya ay puno ng hindi makapaniwalang ekspresyon.

"Paano ito naging posible!?"

Lubos na sigurado si Li Yuan na ang lakas niya ay mas malakas kaysa kay Duan Ling Tian, ​​at ang lakas ng kanyang heart destruction force ay dadaloy na sa katawan ni Duan Ling Tian...

Ngunit sa sandaling ito, ang katawan ni Duan Ling Tian ay naglabas ng isang defensive qi barrier na may kakayahang ibalik ang kaniyang heart destruction force!

Para itong salamin.

"Ano ang defensive martial skill iyon?"

Nagulat si Li Yuan sa kanyang puso. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na narinig niya ang ganitong kakaibang defensive martial skill.

"Mukhang ang iyong Golden Bell Cover ay nakayapak na sa unang yugto." Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay bahagyang nanliit.

Ang lakas ng Heart Destruction Palm ni Li Yuan ay hindi sa anumang paraan mas mababa sa kanyang Collapsing Fist; na sinamahan ng cultivation ni Li Yuan na mas mataas pa kaysa sa kanya at nagtataglay ng lakas ng isang ancient mammoth, sa labanan, siya ay mas mababa kay Li Yuan.

Ngunit sa pamamagitan ng Greater Teleportation na binabalik ang Heart Destruction Force ni Li Yuan, na pinigilan siya, nakuha pa rin niya ang maging mas malakas sa labanan.

Siyempre, bagama't ang pagbalik ng Heart Destruction Force ay nagtulak pabalik kay Li Yuan, si Li Yuan ay nakapaglapat naman ng Golden Bell Cover sa tamang oras upang harangan ito.

Batay sa mga pangyayari mula kanina, maaaring sabihin na siya at si Li Yuan ay magkatugma.

Ngunit, mayroon pa rin siyang isang mas malakas na tagong baraha...

"Ang defensive martial arts ni Li Yuan ay yumapak din sa una nitong yugto? Siya talaga ay isang halimaw!"

Mga sigaw ang maririnig sa mga taong nasa paligid.

"Kung si Li Yuan ay isang halimaw, paano pa kaya si Duan Ling Tian? Sa kaniya pumapabor ang laban."

Pagkatapos magsalita ng huling boses na ito, naging tahimik ang mga tao.

Tama na si Li Yuan ang nangunang umatake, at si Duan Ling Tian ay walang kibong kinalaban siya, ngunit siya pa rin ang lamang.

Agad nilang natukoy ang kung sino ang mas lamang at kung sino ang hindi.

Sa larangan ng pag-atake, si Li Yuan ay mas mahina kay Duan Ling Tian.

"Kapatid Li Yuan, tutulungan kita!"

Si Li Xiao ay may parehong mga saloobin tulad ng iba, kaya gusto niyang sumali sa labanan.

"Hindi na kailangan."

Huminga ng malalim si Li Yuan pagtapos niyang patigilin si Li Xiao.

Tanging siya lang na nakaranas nito ang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit siya ay hindi lamang. Kung matagal niyang sinanay ang kaniyang defensive martial skill, ay hindi siya matutulak pabalik ng kanyang sariling lakas.

"Ang masasabi ko lamang, ang iyong defensive martial skill ay talagang kakaiba, ngunit tapos na ang lahat..."

Pangungutya ni Li Yuan.

Unfettered Steps!

Ang pagkilos ng kanyang mga binti ay bumilis at humakbang sa isang kakaibang paraan, umiikot sa paligid ni Duan Ling Tian. Tila siya ay nagsisikap na lituhin ang paningin ni Duan Ling Tian.

"Ang Unfettered Steps ni Li Yuan ay isang middle-grade na Profound Rank martial skill. Kahit na ito ay nasa unang yugto pa lamang, ito ay maihahambing sa isang low grade profound rank martial skill na nasa yugto ng pagkadalubhasa... Kung ang bilis ni Duan Ling Tian ay mas mababa sa kanya, tiyak na matatalo siya!"

Isang tinig ang biglang tumunog mula sa loob ng karamihan ng tao.

Sinabi ng tinig na ito ang nasa isip ng karamihan ng mga tao na naroroon.

Sa lahat ng martial skills sa ilalim ng kalangitan, bilis lamang ang walang kapantay!

Si Li Yuan ay nakapgcultivate ng tatlong uri ng mga martial skills sa ganoong kataas na yugto ang naglagay sa kaniya sa ibabaw ng kaniyang mga kasama, dahil halos walang mga kasing edad niya ang may kakayahang gawin ang kaniyang ginawa.

Sa outer court, mayroon lamang dalawang tao ang maihahambing kay Li Yuan.

Ang offensive martial skill ni Duan Ling Tian ay malakas, at ang kanyang defensive martial skill ay ayos naman...

Ito ang dahilan kung bakit sa pananaw ng mga taong naroroon, ang movement technique ni Duan Ling Tian ay dapat ang kaniyang kahinaan.

"Gusto mong maghambingan ng bilis kasama ko?"

Tumawa si Duan Ling Tian.

Ang kanyang mga mata ay biglang nanliit at ang kanyang mga binti ay nanginginig.

Spirit Serpent Movement Technique!

Ang high grade profound rank martial skill na ito sa una nitong yugto , maikukumparasa isang middle-grade na Profound Rank martial skill sa yugto ng pagkadalubhasa, ay labis na lumagpas sa movement technique ni Li Yuan.

Whoosh!

Ang hugis ni Duan Ling Tian ay gumalaw tulad ng isang mabilis na spirit serpent, at umikot sa paligid ni Li Yuan sa kabaligtaran.

Kahit anong pagsampal ni Li Yuan sa hangin, hindi niya magawang matamaan siya kahit bahagya!

Ang nakapalibot na mga tao ay napipi.

Duan Ling Tian...

Ang ganitong bilis...

Talagang panghalimaw.

"Li Xiao!"

Ang ekspresyon ni Yuan Yuan ay malubha. Bagaman ayaw niya, pinili pa rin niyang humingi ng tulong mula kay Li Xiao.

Next chapter