15 Grade Seven Alchemist?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa gitna ng pagtitig ng mga taong dumalo, dahan-dahang sinabi ni Li Rou,

"Isang buwan na ang nakalilipas, may isang alchemist na nakakita sa aking anak at sinabi na mayroon siyang napakalawak na natural na talento bilang isang alchemist, kaya ginawa niya itong kanyang disipulo. Matapos iyon, ang alchemist ay nagpamana ng isang medicinal formula sa kanya. Matapos sundin ang nasabing medical formula, ang aking anak ay nakabuo ng isang medicinal liquid na tinawag na 'Six Treasures Body Tempering Liquid'. Itong medicinal liquid ay nakapagpapabilis ng pagcultivate ng isang martial artist ng Body Tempering stage!"

Nakapagpapabilis ng pagcultivate ng Body Tempering stage ng isang martial artist?"

Ang sinabi ni Li Rou ay parang kidlat; lahat ng Elder ay nagulat maliban lamang sa Seventh Elder.

"Tigilan mo nga ang pagsasalita ng walang katuturan, Li Rou! Sigurado ako na gawa-gawa mo lang ang lahat ng ito. Alchemist? Medicinal Liquid? Lahat ng iyon ay gawa-gawa mo lang para hindi mapahamak ang iyong anak!"

Matigas na sabi ng Seventh Elder. Siya'y labis na nagalit kaya't napatayo siya at mabagsik na tumingin kay Li Rou.

"Grand Elder, isa kang Grade Nine Alchemist; ito ang medicinal formula na isinulat ng aking anak. Hindi man nakasaad ang ibang parte ng medicinal materials, ito ay dapat sapat na para mapatunayan na ito ay totoo. Maiintindihan mo kapag ito'y iyong titignan."

Hindi pinansin ni Li Rou si Li Kun at ipinasa ang isang pirasong papel na naglalaman ng medicinal formula patungo sa Grand Elder. Gagamit siya ng ebidensya para ipaliwanag ang lahat.

Binuksan ni Li Huo ang medicinal formula at sinimulang basahin ito.

"Mahusay! Napakakahusay! Hindi ko kailanman naisip pagsamahin ang anim na medicinal materials na ito, mga sangkap na may tamang tumbas, ito ay talagang nakapagpapabilis ng pagcultivate ng body tempering stage martial artist.

"Bukod dito, ang mga medicinal properties na ito ay napakadaling ma-absorb. Kaya pala... Kaya pala na ang bata na iyon ay nakaranas ng napakalaking pagbabago sa loob lamang ng isang buwan. At ang pinakamahalaga, lahat ng mga medicinal materials na ito ay napakadaling makuha, kaya kahit sinumang Elder ay maaaring maibigay ang pangmatagalang gamit para sa kanilang mga anak."

Matapos magbasa ni Li Huo, ang kanyang madilim na mata ay lumiwanag, napapasigaw sa paghanga.

Ang naroon na mga nakatataas sa Li Family ay kayang bale-walain ang sinabi ni Li Rou.

Ngunit ang Grand Elder na si Li Huo, ang nag-iisang Grade Nine Alchemist sa mga miyembro ng Li Family, ay isang taong walang sinuman ang magdududa.

Sa isang sandali, lahat sila ay nasasabik.

Ang medicinal liquid na ito ay maaaring makapagpabago ng kapalaran ng kanilang mga anak; maaari nitong baguhin ang kapalaran ng Li Family!

"Patriarch!"

Seryosong tumingin si Li Huo kay Li Nan Feng.

Malakas na tumango si Li Nan Feng.

Alam niyang isa itong pagkakataon para sa Li Family.

"Ninth Elder, ang ibig mong sabihin kanina ay si Duan Ling Tian, ay kayang magtumbas ng ganitong klase ng medicinal liquid?"

Napatingin si Li Nan Feng tungo kay Li Rou.

"Tama po iyon."

Tumango si Li Rou.

Sa isang sandali, ang tanging maririnig mo lamang sa buong kwarto ay ang tunog ng mabigat na paghinga.

Kahit sinong naririto na Elder ng Li Family mayroong kaunting mga anak.

Agad na nilang naiisip kung gaano kabilis ang pagcultivate ng kanilang mga anak kung gagamit sila ng medicinal liquid na tinumbas ni Duan Ling Tian. Ang mga pagbabago na naganap kay Duan Ling Tian ay ang pinakamagandang halimbawa.

Makita ang kanilang mga anak na maging mga dragon at phoenix ay isang bagay na inaasahan ng bawat magulang.

"Ninth Elder, dahil ang iyong anak ay nakakuha ng napakamahalagang medicinal formule, nararapat lamang na ibigay niya ito sa pamilya... Mga kapwa kong Elder, ano sa palagay niyo?"

Seryosong sabi ng Seventh Elder dahil nadama niyang nagbabago ang kundisyon sa loob ng kuwarto.

"Tama, ang sinabi ng Seventh Elder ay tama. Ang isang napakamahalagang medicinal formula ay nararapat na ipamahagi sa pamilya."

Sabi ng Sixth Elder na si Li Ping.

"Hahahaha!"

Nang sumeryoso si Li Rou at magsisimula na dapat na magalit, maririnig ang isang mabangis at mapagmataas na tawa mula sa labas ng kwarto.

"Patriarch, nais makinig ni Duan Ling Tian!"

Biglaang tumigil ang tunog ng tawa.

Si Duan Ling Tian!

Ang mata ng lahat ng Elder ng Li Family ay kumikinang.

Kung dati si Duan Ling Tian ay isa lamang tagalabas noon, ngayon naman...

Ngayon naman si Duan Ling Tian ang pag-asa ng kanilang mga anak para makamit ang kadakilaan.

"Pumasok ka."

Sagot ni Li Nan Feng.

"Sixth Elder, ano ang iyong sinabi kanina? Kung hindi ako nagkakamali ng narinig, iyong hiniling na aking ibahagi ang medicinal formula?"

Seryosong sabi ni Duan Ling Tian habang siya'y naglalakad. Matapos ay direkta niyang hinarap ang Sixth Elder na si Li Ping.

"Tama iyon! Duan Ling Tian, alam kong wala kang apelyido ng Li Family, ngunit kahit ganoon, lahat ng mga taon mo, kumakain at sinusuot mo ang mga bagay na galing sa Li Family. Hindi ba oras na para ibalik ang pabor sa Li Family?"

Sabi ni Li Ping na para bang nagsasalita siya ng isang bagay na makatwiran.

"Bakit hindi ko alam na ang aking kinakain at isinusuot ay galing sa Li Family? Naisip ko na kung ano ang aking kinakain at isinusuot ay ang kinita ng aking ina sa pagtatrabaho para sa Li Family. Ano ang kinalaman nito sa Li Family? Kahit sa labas ng Li Family, ang aking ina ay kayang humingi ng kanlungan mula sa Fang Family o kahit sa Chen Family. Sa palagay mo ay hindi niya kayang makuha ang maliit na sahod na ito mula sa ibang lugar?"

Tumawa si Duan Ling Tian.

"Duan Ling Tian, ang lakas ng loob mong pagtaksilan ang Li Family!"

Agad na binigyan ni Li Kun si Duan Ling Tian ang krimen ng pagtataksil sa pamilya.

"Pagtataksil sa pamilya? Li Kun, alam kong galit ka sa'kin dahil nilumpo ko ang iyong mga anak, pero ano ngayon? Ang aking ginawa ay hindi lumalaban sa panuntunan ng pamilya. Ngayon, sinusubukan mo ba akong siraan ng mga maling akusasyon ng pagtataksil sa pamilya para lamang maparusahan mo ako at maipaghiganti para sa iyong anak?"

Mayabang na tumawa si Duan Ling Tian, lantarang iniinsulto si Li Kun.

"Hindi ba ikaw mismo ang nagsabing pupunta ka sa Fang Family o 'di kaya sa Chen Family? Hindi ba pagtataksil iyon?"

Nagalit si Li Kun dahil sa kahihiyan.

"Tanga! Sigurado naman ako na lahat ng nakatataas na naririto ay naintindihan na isa lamang iyong halimbawa. Naintindihan mo ba kung ano ang figure of speech? Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo kung ano iyon? Ang aking sinabi ngayon ay para lamang malaman ni Sixth Elder na wala akong kahit anong utang na loob sa Li Family, at ang nag-iisang rason na naririto ako sa inyong harapan ay dahil ang Li Family ay ang pamilya ang aking ina!"

Dinuraan ni Duan Ling Tian si Li Kun, at tinignan niya si Li Ping.

"Sixth Elder, kung gusto mo akong gumawa ng medicinal liquid para sa iyong mga anak, sana sa susunod ay mag-isip ka muna bago ka magsalita para maiwasan mong masira ang relasyon ng bawat isa. Hindi mo ba naiisip na makatuturan ang aking mga sinasabi?"

Isang babala!

Isang tunay na babala!

Nagdilim ang ekspresyon ni Li Ping, ngunit tinikom na lamang nito ang kanyang bunganga.

Ang babala ni Duan Ling Tian ay tumama sa kanyang mahinang parte.

Kung hindi isasaalang-alang ang aking sinabi, kahit na gusto kong maiambag ang medicinal formula sa pamilya, hindi ako maglalakas ng loob. Sabi sa akin ng aking guro na kapag naglakas ng loob ang kahit na sino na subukan at pwersahang kuhain mula sa akin ang medicinal formula, walang dudang mamamatay ang taong iyon!"

Seryosong sabi ni Duan Ling Tian nang ang kanyang tingin ay unti-unting umiikot sa buong kwarto.

Ang mga nakatataas sa Li Family ay huminga ng malalim matapos nilang marinig ang sinabi ni Duan Ling Tian.

Ngayon lamang nila naalala ang kaninang sinabi ni Ninth Elder na si Li Rou na ang kanyang anak ay naging disipulo ng isang alchemist kaya niya nakuha ang medicinal formula mula sa kanyang guro.

Ngunit lahat sila ay abalang-abala tungkol sa medicinal formula na nalimutan nila ang tungkol sa alchemist.

"Bata, ano ang marka ng iyong guro?"

Tanong ng Grand Elder na si Li Huo.

"Wala akong ideya kung ano ang kanyang marka bilang alchemist, ngunit isang beses ay nakita ko siya na pinipino ang isang medicinal pill, at ang Pill Fire na kanyang ginawa gamit ang kanyang Origin Energy ay ginto ang kulay…"

Kumusot ang kilay ni Duan Ling Tian na para bang meron siyang inaalala.

"Ano"

Nanliit ang mata ni Li Huo, biglaan siyang tumayo at sumigaw, "Grade Seven Alchemist!"

Grade Seven Alchemist?

Ang mga nakatataas sa Li Family ay hindi makapagsalita. Ang Patriarch na si Li Nan Feng ay nagtanong, "Sigurado ka ba, Grand Elder?"

Umungol si Li Huo, "Kahit sinong graded alchemist ay alam na ang alchemist na kayang gumawa ng gintong kulay na Pill Fire ay paniguradong isang grade seven alchemist...At saka, ang grade seven alchemist ay at least nasa seventh level na sa Origin Core stage!"

Isang Origin Core Stage Powerhouse!

Bumilis ang tibok ang mga puso ng Li Family.

Ang mga Origin Core Stage Martial Artists ay mga indibidwal na nasa ibabaw ng Core Formation Stage. Sa sandaling ito, walang nagdududa sa kung ano ang sinasabi ni Duan Ling Tian. Kahit na kung sinuman ang matagal nang nabubuhay ay hindi man lang alam na ang Pill Fire ng isang grade seven alchemist ay ginto ang kulay hanggang ngayon.

"Napakaswerte ng taong 'to!"

Mas pumapanget ang mukha ng Seventh Elder na si Li Kun.

"Patriarch at lahat ng Elders, mayroon pa akong mga bagay na gagawin, kaya ako ay babalik na ngayon. Oo, ang mga nariritong Edlers, kung kailangan niyo ang aking tulong sa pagbubuo ng Six Treasures Body Tempering Liquid, maaari mong bilhin ang kinakailangang medicinal materials at hanapin niyo ako .... Ah oo, halos makalimutan ko, Patriarch, sa palagay ko mayroon ka parin na utang sa akin na isang libong pilak, tama ba?"

Matapos kunin ang isang libong pilak mula sa Patriarch, umalis na si Duan Ling Tian.

Ang Six Treasures Body Tempering Liquid ay ang produkto ng pag-alis ng isang medicinal material mula ng Seven Treasures Body Tempering Liquid Formula, na nagsasanhi ng pangangalahati ng epekto nito.

Duan Ling Tian ay hindi ganoon na mapagbigay upang ibahagi ang kanyang pinakamahalagang pag-aari sa lahat ng tao.

"Patriarch, Grand Elder, marahil ang aking anak ay gising na, kaya ako'y aalis na."

Huminga ng malalim ang Seventh Elder na si Li Kun at umalis ng may kumplikadong ekspresyon.

Alam niya na mula ngayon at sa mga susunod, lahat ng tao, kasama na ang Sixth Elder, na may mabuting kondisyon sa kanya ay gugustuhing humingi ng tulong kay Duan Ling Tian para sa kanilang mga anak. At sa gayon ay imposible para sa kanya na ilagay ang kanyang mga pag-asa sa Sixth Elder na makatutulong sa kanya sa pagdudulot ng problema kay Duan Ling Tian at makuha ng kanyang paghihiganti.

"Aalis na rin ako."

Nagmamadaling sumunod si Li Rou. Natatakot siya na maaaring hindi makapagtiis si Li Kun at atakihin ang kanyang anak.

Sa kwarto ng Li Family, ang mga natirang Elders ay hindi umalis.

Sa ilalim ng pamumuno ng Patriarch, ang ikalawang family meeting ay sinimulan.

Ang ikalawang family meeting ay umiikot lamang tungkol sa medicinal formula na kontrolado ni Duan Ling Tian.

At sa wakas, para lamang sa pagiging malihim, nagkaisa silang nagdesisyon na hayaan ang mga anak ng mga Elders na naroon na gamitin and medicinal liquid.

"Patriarch!"

Seryosong tumingin ang Fifth Elder na si Li Ting patungo kay Li Nan Feng.

"Ngayong araw, dahil hindi namin nabigyan si Duan Ling Tian ng kahit anumang kaparusahan, ang Seventh Elder ay tiyak na magkaroon ng sama ng loob sa kanyang puso. Kung ipinakalat niya ang balita tungkol sa Six Treasures Body Tempering Liquid, kahit na ang Chen Family at ang Fang Family ay natatakot sa Grade Seven Alchemist na nasa likod ni Duan Ling Tian, ​​pupunta parin sila upang pwersahin ang ating Li Family upang makakuha lamang ng kanilang bahagi."

"Tama si Fifth elder. Kilalang-kilala ko ang Seventh Elder; kahit na mayroon si Duan Ling Tian na Grade Seven Alchemist bilang kanyang proteksyon, hindi parin niya ito hahayaan na lang ng ganoon kadali."

Natatakot na sabi ng Sixth elder na si Li Ping.

Nang siya'y matapos, napansin niyang nakatingin ng kakaiba si Li Ting sa kanya, kaya't siya ay nahihiyang ngumiti.

"Sa usapin na ito nakasaalang-alang ang kinabukasan ng aking anak."

Kahit na maganda ang relasyon siya sa Seventh Elder, sa usapin parin na ito nakasaalang-alang ang kinabukasan ng kanyang anak, kaya gumawa siya ng kanyang desisyon.

Lahat ng nakatataas ng Li Family ay mabilis na gumawa ng importante at lihim na desisyon.

avataravatar
Next chapter