webnovel

Grade Eight Alchemist

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkalipas ng dalawang araw, sa wakas ang cultivation ni Duan Ling Tian ay nagtagumpay na sa ika-walong antas ng Body Tempering Stage!

Tatlong araw matapos siyang magtagumpay, sumunod naman ang pagtagumpay ni Ke Er.

Si Duan Ling Tian ay muling nagulat sa natural na talento ni Ke Er.

Sa kanyang opinyon, sa kasalukuyang bilis ng pagcultivate ni Ke Er, sigurado ay makakayanan niyan na malampasan siya sa hinaharap.

Halos kalahating buwan ang lumipas sa isang kisapmata.

Bumalik ang Fifth Elder na si Li Ting. Siya ay pagod dahil sa kanyang paglalakbay. Kasunod niya ay isang matandang lalaki sa magagandang damit.

Ang matandang lalaki ay may mukha na naglalarawan ng kanyang karanasan sa mga sa pagbabago ng buhay, ngunit sa gitna ng kanyang mga kilay, maaaring makita ang mga bakas ng pag-aalala.

Sa pagpapakilala ni Li Ting, nalaman ni Duan Ling Tian na ang matandang lalaki ay ang lolo pala ni Li Xuan, isang Grade Eight Alchemist.

Ngayon ay naiintindihan na ni Duan Ling Tian sa wakas kung bakit si Li Xuan ay napakayaman...

Isang Grade Eight Alchemist, isang taong kumakatawan sa isang malaking halaga ng kayamanan!

Ngunit ang matandang lalaki ay hindi masyadong masaya kay Duan Ling Tian. Ang kanyang ekspresyon ay seryoso habang sinasabi niya, "Ikaw si Duan Ling Tian? Narinig ko ang tungkol sa kung paano si Li Xuan ay nasugatan ng dahil sa iyo. Kung may mangyari sa Li Xuan, hinding hindi kita papakawalan!"

Si Duan Ling Tian ay mapait na ngumiti. Wala siyang karapatan na sumagot.

Totoo nga na nasaktan si Li Xuan dahil sa kanya, at dahil dito ay alam niyang siya ay may sala.

Pagkatapos nito, inilabas niya ang medicinal formula na inihanda niya noon at ibinigay ito sa matandang lalaki. "Senior, ito ang medicinal formula ng Bone Formation Pill. Naghanda na kami ng mga medicinal materials, kaya maaari mong simulan ang paggawa nito sa anumang sandali."

Kinuha ng matandang lalaki ang medicinal formula. Habang binabasa niya ito, ang kanyang madilim na mga mata ay kuminang ng liwanag.

Pagkatapos ay isinama siya ng Grand Elder Li Huo sa isang tahimik na kuwarto.

Nagsimula na ang pill refinement...

"Ling Tian, ang ​​lolo ni Xuan ay laging pranka. Kung ano ang sinabi niya kanina, huwag mo na lang isipin."

Binigyan ng Fifth Elder si Duan Ling Tian ng nagsisising ngiti.

Hindi niya kailanman sinisi si Duan Ling Tian sa mga pinsalang natamo ni Li Xuan.

Alam niya na iyon ang piniling gawin ng kanyang anak, at iginagalang niya ang desisyon niyang iyon; sa tingin niya ay maipagmamalaki pa niya ang kanyang anak...

Mula sa pangyayaring ito, napansin niya na ang kanyang anak ay tunay na lumaki at marunong nang maging responsable!

"Fifth Elder, kung ganoon mo iyong sasabihin, mas nagsisisi ako. Lahat ng ito ay nangyari ng dahil sa akin."

Umiling si Duan Ling Tian, pagkatapos ay kumislap ang kanyang mga mata ng isang malamig na liwanag. "Ngunit ang pagkagalit ni Li Xuan, isang araw, ako'y maghihiganti para sa kanya gamit ang aking dalawang kamay ..."

"Naniniwala ako sa iyo."

Si Li Ting ay tumango. Wala siyang bakas ng pagdududa.

Pagkalipas ng tatlong oras, lumabas ang matandang lalaki sa tahimik na silid.

Ipinakain niya ang Bone Formation Pill sa mataba sa loob ng nakapagpapagaling na paliguan.

Pagkatapos niyang gawin ito, pinindot niya ang kanyang kamay sa Dantian ni Li Xuan, na nagdulot sa napakalawak na halaga ng Origin Energy upang sumabog. Nakatulong ito sa pagproseso ni Li Xuan ng Bone Formation Pill.

Ang mga tao na naroroon ay malinaw na nakikita na ang bahagyang lubog na dibdib ni Li Xuan ay dahan-dahan na tumataas, pabalik sa kanyang normal na itsura.

Matapos makita ito, ang matandang lalaki ay bahagyang sinampal ang mukha ni Li Xuan, upang magising siya.

Sa mga oras na ito, upang maiwasan na makaramdam ng sakit si Li Xuan, binigyan siya ni Grand Elder Li Huo ng isang uri ng medicinal pill na nakapagpatulog sa kanya sa loob ng kalahating buwan.

Sa nakalipas na kalahating buwan, ang sigla ni Li Xuan ay nananatili lamang sa pamamagitan ng pag-asa sa medicinal liquid.

Bigla-biglang nagising ang maliit na mataba. Matapos buksan ang kanyang mga maliliit na mata, umupo siya nang may nalilitong ekspresyon.

Ang unang bagay na nakita niya ay ang pamilyar na matandang lalaki, kaya ang kanyang mga mata ay kumislap ng pagkabigla. "Lolo, paano ka rin namatay..."

Ang unang mga salita ng maliit na mataba sa paggising ang naging sanhi matandang lalaki na malito kung siya ba ay iiyak o tatawa, kaya't pagkatapos ay natatawa niya itong pinagalitan, "Bata, matagal mong hindi nakita ang iyong lolo, tapos isinumpa mo ako sa sandali nakita mo ako?"

"Hindi pa ako patay?"

Ang maliit na mataba ay may hindi naniniwalang ekspresyon habang kinukurot niya ang kanyang braso at hita.

Ngayon lamang niya napagtanto na siya ay talagang hindi pa patay. Hindi niya mapigilang magulat. "Hindi pa ako patay! Lolo, ano ang nangyayari? 'Wag mo sabihin sa akin kung ano ang nangyari ay isang panaginip lamang?"

"Ikaw mabahong bata ka, hindi ka nananaginip!" Natatawang sabi ni Li Ting.

Nang makita niya ang kanyang anak na gumising, ang kanyang puso, na nasa kanyang lalamunan, ay kumalma.

Pagkakita sa eksena na ito, si Duan Ling Tian, ​​na nakatayo sa pintuan, ay huminga dahil sa ginhawa, pagkatapos ay ang mga sulok ng kanyang bibig ay nakabaluktot sa isang bahagyang ngiti.

Hindi niya nais na abalahin ang muling pagsasama-sama ng pamilya ni Li Xuan, kaya umuwi siya nang mag-isa at pumasok sa kanyang silid.

Habang nakahiga sa kama, kumukutitap ang kanyang mga mata at ang kanyang titig ay bahagyan namang basa...

Kung aalalahanin kung ano ang sinabi sa kanya ng kanyang ina kalahating buwan na ang nakalipas, nadama niya na parang hindi parin ito kapani-paniwala.

Ang kanyang ama pala ay isang miyembro ng Duan Clan sa Imperial City. Sa labas ng direktang linya ng mga disipulo ng parehong henerasyon, siya ay niraranggo bilang ikatlo, at isa siya sa mga bihirang Martial Dao Genius ng Duan Clan...

Sa edad na labing-anim, siya ay nagtagumpay sa Core Formation Stage;

Sa edad na dalawampu, siya ay nagtagumpay sa Origin Core Stage;

Sa edad na dalawampu't pitong taon, nagtagumpay siya sa pagyapak sa Nascent Soul Stage!

Nang ang kanyang ama ay nagtagumpay sa Nascent Soul Stage, ang kanyang ina ay ipinagbubuntis na siya.

Ngunit sa oras na ito, isang piraso ng malubhang balita ang nakabot sa Duan Clan, at binawi ang lahat ng masasayang bagay...

Ang kanyang ama ay nagdala ng ilang mga disipulo ng Duan Clan at pumasok sa isang mahiwagang lugar, ngunit hindi na lumabas!

Ang tanging dahilan na ang kanyang ama ay nagpunta sa lugar na iyon ay upang makahanap ng isang uri ng medicinal catalyst na tinatawag na Serene Epiphyllum para sa kanyang ina. Siya ay mag-aanyaya ng isang alchemist upang gawin ito sa isang Breath of Life Pill at inumin ni Li Rou.

Gamit ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor, natural na alam ni Duan Ling Tian kung ano ang isang Breath of Life Pill.

Ito ay isang napakabihirang medicinal pill. Kung ito ay iinumin ng isang buntis na babae, hindi lamang nito pahihintulutan ang fetus na hindi tatablan ng mga sakit, maaari rin nitong gamitin ang congenital Qi ng fetus upang matulungan ang ina na baguhin ang kanyang pangangatawan at itaas ang kanyang natural na talento sa Martial Dao.

Pinatunayan nito na ang lahat ng ginawa ng kanyang ama ay para sa kanyang ina at para sa kanya.

Ngunit sa kasamaang palad, binayaran ng kanyang ama ang presyo ng kanyang buhay para sa kanyang mga pagsisikap.

Ngunit, ang lahat ng mga tao ng Duan Clan ay ganoon ang naisip...

Ang kanyang ama ay ang haligi ng kanilang pamilya. Nang nawawala ang kanyang ama, nangangahulugan ito na ang haligi ng kanilang pamilya ay gumuho.

Ang ilan sa mga taong dating nainggit sa kanyang ama ay nagsimulang gumamit ng anumang paraan na posible upang lumikha ng mga paghihirap para sa kanyang ina...

Ang kanyang ina ay nag-aalala tungkol sa kaligtasan ni Duan Ling Tian, ​​na nasa loob pa rin ng kanyang tiyan, kaya sa huli, pinili niyang bumalik sa kanyang pamilya, ang Li Family ng Fresh Breeze Town.

Para naman kay Duan Ling Xing...

Ang ama ni Duan Ling Xing ay ang ikalawang kapatid ng kanyang ama.

Bagama't pareho silang mga direktang linya ng disipulo, wala silang anumang relasyon sa dugo.

Ang ama ni Duan Ling Xing ay palaging mapagmataas at mayabang, at lagi siyang mainggit sa kanyang ama.

Sa sandaling nasa isang makatarungan at marangal na laban ng sparring, ang ama ni Duan Ling Xing ay patuloy na lumalaban kahit siya ay natatalo na.

Sa huli, ang ama ni Duan Ling Tian ay di-sinasadyang malumpo ang Dantian ng ama ni Duan Ling Xing.

"Tulad ng ama tulad ng anak; parehas arogante at mapagmataas!"

Ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay nabaluktot sa isang pagkainis, ang kanyang mga mata ay nagpapalabas ng kagustuhang pumatay.

Kasabay nito, kapag napagtanto niya kung gaano kahirap ito para sa kanyang ina sa lahat ng mga taon na nakalilipas, nadama niya ang higit na pighati para sa kanya...

Kahit na siya si Weapon Specialists Ling Tian mula sa Earth, pagkatapos ng makuha ang mga alaala ng lumang Duan Ling Tian, ​​siya ay matagal nang naging tunay na Duan Ling Tian. Wala nang pagkakaiba sa pagitan ng dalawa.

Kaya naramdaman niya ang lahat ng ito na parang ito ay nangyari sa kanyang sarili.

"Hindi ko kailanman naisip na ako ay may isang mahusay na ama. Kung sana lang ay buhay pa siya. Ngunit sa kasamaang palad... "

Napabuntong-hininga si Duan Ling Tian. Ang kanyang ama ay nawawala nang walang bakas sa loob ng isang buong labing-anim na taon.

Ang mga pagkakataon na siya ay buhay ay napakaliit.

Labing-anim na taon; kung ang kanyang ama ay buhay pa, dapat ay matagal na niyang hinanap siya at ang kanyang ina.

"Duan Ru Feng!"

Naaalala niya ang pangalan na ito sa kanyang puso.

Ito ang pangalan ng kanyang ama ...

"Boss, Boss!"

Habang nag-iisip si Duan Ling Tian, ​​isang pamilyar na sigaw ang maririnig mula sa labas.

Noong nakaraan, kapag naririnig niya ang tinig na ito, siya ay naiirita.

Ngunit ngayon ang kanyang mukha ay may mainit na ngiti.

Nang lumabas siya sa kanyang silid, nakita ni Duan Ling Tian ang maliit na mataba na parang walang nangyari sa kanya. "Kakagaling mo palang at kailangan mong magpahinga ng maayos. Kung gusto mo ng kahit ano, kailangan mong maghintay hanggang matapos ang paggaling mo. "

"Boss, narinig ko ang lahat mula sa aking tatay. Salamat. Kung hindi dahil sa iyo, hindi na ako magiging buhay pa. "

Ang maliit na mataba ay kinamot ang likod ng kanyang ulo habang siya ay nakangiti nang bahagya.

"Huwag kang magsalita ng ganyan. Nagkaroon ka ng pinsala upang iligtas ako. Ang ginawa ko lang naman ay ang magbayad ng utang na loob."

Umiling si Duan Ling.

Naaalala niya ang eksena noong kalahati ng isang buwan na nakalipas, ang kanyang mga mata ay walang ibang magawa kundi ang magpakita ng bakas ng pagkatuwa.

"Sa araw na iyon, bakit mo hinarang ang sampal na iyon para sa akin?" Tanong ni Duan Ling Tian sa maliit na mataba.

"Kahit ako ay hindi alam." Ang maliit na mataba ay nahihiyang ngumiti. "Hindi ako nag-iisip ng maayos nung oras na iyon; lahat ng iniisip ko ay kung namatay si Boss, walang sinuman ang magtuturo sa akin ng inscription technique sa susunod... Sinabi ni Lolo na wala akong talento na maging alchemist, kaya kung gusto kong kumita ng malaking pera, maaari lang ako maging isang inscription master."

"Sira ulo ka. Kaya pala gusto mong matutunan ang inscription technique ay upang kumita ng malaking pera," hindi mapigilan ni Duan Ling Tian ang magalit ng may pangungutya.

"Boss, sinasabi ko sa iyo ang katotohanan. Hindi mo na ititigil ang pagtuturo sa akin ng inscription technique, 'di ba? "Ang maliit na mataba ay nagtanong habang nag-aalala.

"Huwag ka mag-alala; hangga't gusto mong matuto, kahit na ikaw ay kasing tanga ng isang kahoy, gagawin kitang edukado!" Sabi ni Duan Ling Tian.

Mabilis niyang napansin ang maliit na mataba paglalakad patungo sa kanya, inilapit niya ang kanyang kamay, at ipinindot ito sa kanyang noo...

"Hoy mataba, ano ang ginagawa mo?"

Napakunot ng noo si Duan Ling Tian.

"Boss, wala kang lagnat..."

Ang maliit na mataba kinurap ang kanyang maliit na mga mata at may hindi makapaniwalang ekspresyon.

Matapos marinig ang kanyang sinabi, tinignan siya ni Duan Ling Tian ng masama.

Ang lintik na mataba na ito ay talagang isang masamang tao. Hindi niya matiis ang iba na maging mabait sa kanya...

"Oo nga pala, boss, hiniling ng lolo ko sa akin na ibigay sa iyo ang mga perang papel na ito."

Ang maliit na mataba ay naglabas ng isang salansan ng mga perang papel. Hindi bababa sa ilang daan ang mga ito, bawat isa ay isang libo ang halaga.

"Sinabi ng lolo ko na maaari mo itong kunin bilang bayad para sa iyong medicinal formula ng Bone Formation Pill. Lahat ng ito ay 100,000, Boss; maaari mong bilangin ito."

Ang maliit na mataba ay ibinigay ang mga perang papel kay Duan Ling Tian, ​​ngunit napansin niya na hindi nais ni Duan Ling Tian na matanggap ang mga ito. "Boss, anong problema?"

Umiling si Duan Ling Tian.

Kahit wala siyang pera, alam niya kung anong pera ang dapat niyang tanggapin at kung anong pera ang hindi niya dapat tanggapin.

Iniligtas ni Li Xuan ang kanyang buhay; ito ay mas sapat para sa kanya upang igastos ang lahat upang bayaran si Li Xuan, kaya imposible para sa kanya na tanggapin ang pera ni Li Xuan.

"Boss, dapat mo itong tanggapin," sabi ng maliit na mataba muli. Nalaman niya ang dahilan kung bakit tinatanggihan ito ng karaniwang mapagmahal sa pera na si Duan Ling Tian.

"Ano, gumawa ka ng napakaraming pag-unlad na hindi mo kailangang makinig sa sinasabi ng iyong Boss?"

Binigyan ni Duan Ling Tian ang maliit na mataba ng isang titig at nagsimulang kumilos na parang galit.

Nang makita ito ng maliit na mataba, agad siyang nanliit. Inilagay niya ang mga papel na pilak sa kanyang bulsa.

"Tama na, bilisan mo at umalis ka pabalik sa bahay mo upang magpahinga! Sa loob ng ilang araw, pupunta ako sa iyong bahay at magtuturo sa iyo ng inscription."

Pinaalis ni Duan Ling Tian ang maliit na mataba sa labas ng courtyard at huminga sa ginhawa.

Sa kabutihang-palad, maayos lang si Li Xuan. Kung hindi siya si Duan Ling Tian ay sisisihin niya ang kanyang sarili buong buhay.

Next chapter