webnovel

Ghastly Shadow

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa isang malawak na patyo, isang lalaki ang matatagpuang nakatayo. Mapanglaw ang kanyang mukha.

"Lolo, anong problema?"

Isang nakaputing lalaki ang lumabas sa kanyang kuwarto.

Nakasimangot ang matandang lalaki nang marahang sumagot, "Mukhang may koneksyon iyang si Duan Ling Tian sa Guild Master ng Alchemist Guild na si Su Mo…"

"Paano nangyari iyon? Isa siyang disipulo ng Branch Family at bukod pa doon, siya'y may ibang apelyido. Paano siya magkakaroon ng kaugnayan sa Alchemist Guild?"

Tuloy-tuloy na umiling-iling si Li Qing. Hindi niya ito gustong paniwalaan.

Sa hindi malamang dahilan, nitong mga nagdaang araw, tuwing tanghali ay laging hinahanap ni Su Mo si Duan Ling Tian.

Sa isang maikling sandali, bahagyang natakot si Li Tai.

Bagaman siya ang Li Clan's Grand Elder, sa harap ni Su Mo, wala siyang binatbat.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter