7 Dominating Attack

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Mabilis na umangat ang presyong inaalok ng mga lalaking nakapaligid sa dalagita. Ang iba naman ay wala ng magawa kundi mapailing sa kanilang nasasaksihan.

Bago pa man itaas ng dalagita ang kanyang ulo ay wala silang interes na mag alok ng presyo rito… Isang batang lalaki lang ang nagmagandang loob na bigyan siya ng sampung baryang pilak para maipalibing ang kanyang ina.

Pero noong ipakita na ng dalagita ang napakaganda nitong mukha ay nagkandarapa na sa pagaalok ng mas mataas na halaga at halos mag away away na ang mga lalaking walang interes sa kanya kani kanina lang.

"Bibigyan kita ng 100 piraso ng baryang pilak!" pataas na sigaw ng matabang lalaki, "Kung sino man sa inyo ang magalok ng mas mataas sa 100 na barya ng pilak ay susuko na ako! Kung hindi ay akin na ang dalagitang ito!"

100 piraso ng baryang pilak!

Nagsitigil sa pagsasalita ang mga taong kanina ay nagaalok para makuha ang dalagita sa gilid ng kalsada.

Masyadong malaki para sa kanila ang 100 piraso ng baryang pilak para sa kanila.

Sobra sobra rin ang 100 piraso ng baryang pilak para sa isang dalagitang gaya niya para sa kanila.

"Maraming salamat! Maraming salamat."

Sabi ng matabang lalaki habang kumakaway nang may buong pagmamalaki sa kanyang sarili sa harap ng maraming tao.

"Mula ngayon ay susunod ka na sa akin."

At pagkatapos ay tumingin siya sa nakaluhod na dalagita.

Nang biglang may narinig silang walang kakwentakwentang boses na nagsabing "200 piraso ng baryang pilak ang inaalok ko!"

Tumabi ang mga taong nakapaligid sa dalagita upang magbigay daan sa isang payat na lalaking may kulay ng balat na maihahalintulad sa isang may sakit at nakasuot ng robe na gawa sa silk. Mahinhin itong naglakad patungo sa kinaroroonan ng dalagita.

"Fang Jian?"

Agad na nakilala ni Duan Ling Tian ang batang manginginom. Siya ang anak ng pinaka ama ng pamilya Fang sa Fresh Breeze Town.

Sa edad na 15 taong gulang ay kilala na siya sa buong Fresh Breeze Town sa paglapastangan sa iba't ibang mga dalagita sa iba't ibang lugar.

At kung hindi lamang siya sikat at kilala, marahil ay matagal na itong napatay sa bugbog o hindi kaya'y sa kaparusahan.

"Ang isang kasuklam-suklam na taong gaya mo ay kayang mag alok ng 200 piraso ng baryang pilak?"

Sabi ng matabang lalaki habang nakatingin ito ng masama kay Fang Jian.

Hindi niya napansin na noong dumating si Fang Jian ay makikita na ang labis na takot sa mukha ng mga taong nakapaligid dito.

"Hindi ka nakatira rito sa Fresh Breeze Town tama?" Nanlalamig na sagot ni Fang Jian sa matabang lalaki.

"Humph! Isa akong mangangalakal galing sa labas na nakaranas ng lahat ng bagay sa buong mundo… Huwag mong isipin na hindi ko napansin ang iyong robe na gawa sa silk. Malay ko ba kung kanino mo ninakaw iyan! At sa unang tingin ko lang ay masasabi ko na isa ka lamang mahirap na nilalang. Hindi ka magmumukhang prinsipe kahit na damitan ka pa ng kagaya nito… Mahirap mang isipin… Pero hindi mo kayang maglabas ng kahit na limang piraso ng baryang pilak tama ba?!"

Tiningnan niya pa ng masama si Fang Jian at base sa pagtingin nito sa kanya, ito ay nagpapahiwatig ng 'nabisto na kita sa iyong pagpapanggap kaya kung maaari ay umalis ka na at dalian mo.'

"Pfft!"

Hindi na mapigilan ni Duan Ling Tian ang kanyang tawa, gayundin ang mga taong nakapaligid. Pumula na ang kanilang mga mukha dahil sa pagpipigil nila sa kanilang tawa. Sa sobrang takot nila kay Fang Tian ay hindi nila magawang tumawa.

"Hoy taba! Nakasisiguro akong mamamatay sa harapan ko!"

Sulyap si Fang Tian kay Ling Tian bago tumingin papunta sa matabang lalaki at huminga ng malalim.

At habang hindi makapaniwala ang matabang lalaki sa mga narinig niya ay sumigaw si Fang Jian, "lahat kayo mga walang silbi! Ano pang hinihintay niyong mga tanga kayo!? Bilisan niyo na pumunta rito at bugbugin ang hayop na matabang ito hanggang sa mamatay! Hindi mo kilala kung sino ako. Ako si Fang Jian… Isa akong panginoon dito sa Fresh Breeze Town!"

"Opo Young Master!"

Tatlong matitipunong lalaki na kasing edad ni Fang Jian umabante at pinalibutan ang matabang lalaki.

<Fang Juan?< p>

Siya nga si Fang Jian?!>

At tuluyang natigilan ang matabang lalaki.

Kahit kararating lang niya sa Fresh Breeze Town ilang araw pa lang ang nakalilipas ay narinig niya na kung sino ang pinakakilalang mga tao sa Fresh Breeze Town, at isa na rito ang batang anak ng pinaka ama ng pamilya Fang na si Fang Jian.

Si Fang Jian ay kinikilala bilang isang marahas na bata sa buong Fresh Breeze Town. Siya ay dumedepende lamang sa impluwensiya ng kanyang pamilya para mang api ng kapwa at sapilitang kunin ang kung sino mang magustuhan niyang babae. Kakaunti lamang ang nagtangkang harapin siya.

"Oh… Oh, Kayo po pala si ang batang si Master Fang. Napakabulag naman ng isang walang kuwentang tulad ko upang hindi makilala ang batang si Master Fang… Patawarin niyo po ako sa aking kapanghahasan Master Fang. Sa inyo na po ang dalagitang ito…"

Hindi na maipinta ang mukha ng mataba at nahihirapan na nitong panatilihin ang kanyang mayabang na tikas. Lumamig ang kanyang pawis at ang boses niya ay naging magpakumbaba at magalang.

Malamig na suminghal si Fang Jian bago ito sumigaw ng "Huli na ang lahat upang magmakaawa ka. Bugbugin niyo siya ngayon din para sa inyong young master!"

"Maawa po kayo young master Fang… Maawa po kayo…"

At umatake ang tatlong batang matitipuno na nagresulta sa paggulong at pagiyak na parang isang baboy ng matabang lalaki habang nagmamakaawa ito.

Umatras naman ang mga taong nakapaligid sa takot na madamay sila sa matabang lalaki na ipinabugbog ni master Fang.

Kumilos si Fang Jian na para bang hindi niya naririnig ang pagmamakaawa ng matabang lalaki.

"Magandang dalaga, sumunod ka na sa iyong young master papauwi. Bibigyan kita ng 200 na piraso ng baryang pilak at magarbong libing para sa iyong ina. Mula ngayon, kung susunod ka sa akin ay mamahalin kita ng lubos."

Tiningnan ni Fang Jian ang dalagitang nakalulod sa lupa. Ang kanyang mukha ay napuno ng pagkabalisa at kahalayan. Iniabot niya ang kanyang kamay upang tuluyan itong tumayo…

Nainis ng husto ang dalagita. Sinubukan nitong makatayo ngunit nanginig ang kanyang mga tuhod at hindi niya kinakaya dahil sa pagkaluhod niya ng mahabang panahon.

"Binayaran na ako ng 10 piraso ng baryang pilak at nabili ng young master na ito master Fang. Sa kanya na po habang buhay." Nanginginig na sagot ng dalagita at nagtago sa likuran ni Duan Ling Tian.

"10 piraso ng baryang pilak? Hindi mo ba narinig ang alok kong 200 na piraso ng baryang pilak?"

Sumama ang mukha ni Fang Jian na para ba itong nadaya.

"Hindi ko po sinabing magpataasan kayo ng presyo. Kung sino man ang unang tumulong sakin para maipalibing ang ina ko ang aking susundin" nagmamatigas na sabi ng dalagita.

"Hindi na masama. Mayroon ka pa ring integridad na natira sa iyo. Gusto ko iyan! Pero kahit na gustuhin mo mang sumunod sa kanya ay hindi siya magtatangka dahil sakin… Ano sa tingin mo bata?"

Tumingin siya kay Duan Ling Tian ng may mga matang malamig na kumislap na nagsasabi ng intensiyon nito na nanghahamon sa kanya.

Kahit na nakilala ni Duan Ling Tian si Fang Juan ay hindi naman nito nakilala na si Duan Ling Tian ang kausap niya.

"Iligtas mo po ako young master…"

Humawak ito sa damit ni Duan Ling Tian na para bang ito na ang huling lifejacket na natitira sa lumulubog na bangkang sinasakyan niya.

Matagal na siyang may naririnig tungkol sa kilalang si Fang Jian ng Fresh Breeze Town. Kinatatakutan niya ito ng sobra sobra… Mas pipiliin na lang niyang mamatay kaysa pagsilbihan si Fang Jian!

"Huwag kang mag alala"

Dahan dahan namang tinapik ni Duan Ling Tian ang ulo ng dalagita habang siya ay nakangiti.

Natanggal ng kanyang ngiti ang takot ng dalagita na para bang sariwang simoy ng hangin.

"Nahimatay na po ang matabang ito young master."

Binugbog nila ang matabang lalaki hanggang sa mapuno ito ng dugo at mahimatay. Matapos nito ay saka lang tumigil ang mga alalay ni Fang Jian.

"Kalimutan niyo na iyan at pumunta kayo rito… Gusto ng lalaking ito na agawin sa ang dalagita sa akin!"

Sumulyap si Fang Jian kay Duan Ling Tian nang may mapangasar na ngiti.

"Sinong magtatangkang mang agaw ng babae mula kay Young Master Fang!"

Gigil na gigil na tinitigan ng tatlong alalay ni Fang Jian si Duan Ling Tian.

"Tumakas na kayo hanggang hindi pa huli ang lahat!"

Nanlalamig na sinabi ni Duan Ling Tian. Sa sobrang lamig ng boses nito ay para itong galing sa impyerno na nagpapanginig sa kahit na sinong makarinig dito.

Natuliro si Fang Jian at ang talong alalay nito. Kahit na ang mga taong nakapaligid sa kanila ay natulala.

Saan nanggaling ang mapanghahas na lalaking ito?

"Hindi mo ba ako kilala bata?

Tanong ni Fang Jian kasabay ng malamig nitong ngiti. Naghinala rin siya kung alam ba talaga ng batang ito kung sino ba siya talaga…

"Hindi ba ikaw yung walang silbing bata na nanggaling sa pamilya Fang? Na nakadepende lang sa impluwensya ng pamilya para mang api at sapilitang kumuha ng babaeng magustuhan niya… Paano kaya kung wala na ang impluwensya at yaman ng pamilya Fang? Ano na kayang mangyayari sa iyo?"

Malamig na tumawa si Duan Ling Tian habang hawak hawak ang makinis at malambot na kamay ng dalagita paalis sa nakapaligid na mga tao.

"Patayin niyo siya!" Pasigaw na utos ni Fang Jian at nagbago ang kulay ng kanyang mukha na maihahalintulad sa kulay ng bituka ng baboy.

"Opo Young Master!"

At tumakbo ang tatlong alalay ni Fang Jian papunta kay Duan Ling Tian.

"Dito ka muna at huwag kang aalis." Mahinhing utos ni Duan Ling Tian sa dalagita. Wala man lang takot na nabuo kay Duan Ling Tian habang naglalakad siya papunta sa mga ito.

Maaga pa lang ay napansin niya na nasa ikalawang antas lang ng Body Tempering Stage ang pinakamalakas sa mga alalay ni Fang kaya hindi ito nabahala sa kanila!

Bahagyang gumalaw ang mga binti ni Duan Ling Tian at iniwasan ang atake ng pinakamalakas na alalay ni Fang nang walang kahirap hirap.

Mabilis niyang pinaikot ang kanyang katawan, lumiyad siya patalikod hanggang manginig ang kanyang spine para bumwelo. Nagmistula siyang isang panang handa na para tumira sa kalaban.

Collapsing Fist!

At pinakawalan ni Duan Ling Tian ang katawan niya sa pagkakabuwelo na para bang pana na itinira sa kalaban. Mabilis na gumalaw ang kanyang mga kamao papunta sa likurang bahagi ng kanyang kalaban. Ang lakas ng kanyang buong katawan ay nakakoncentrate sa kanyang mga kamao. Ang kanyang suntok ay eksaktong tumama sa spine ng alalay ni Fang.

Kacha!

Umiyak ng may pagkalakaslakas at katakot takot ang alalay habang tumatalsik ito papunta sa lupa. Matapos nito ay agad siyang nahimatay.

Ang tagpong ito ay maihahalintulad sa tagpo kung saan ay tinalo ni Duan Ling Tian si Li Xin…

Ang pinagkaiba lang ay nagpakita pa ng awa si Duan Ling Tian kay Li Xin kung kaya't ang braso lang nito ang napuruhan.

Pero ngayon, ang spine na ng kalaban ang napuruhan.

Hindi na makakatayo pang muli ang alalay na ito ni Fang Jian habang buhay.

Hindi na maipinta ang mga mukha ng dalawa pang alalay ni Fang habang ang mga ito ay nakatulala, matapos nilang makita kung paano natalo ang pinakamalakas sa kanilang tatlo.

Pero noong nakita nila ang matalim na tingin ni Duan Ling Tian ay napilitan pa rin silang labanan ito.

Bang! Bang!

Ang pagtuturo ni Duan Ling Tian sa dalawang ito na may unang antas ng Body Tempering Stage ay para lamang isang laro para sa kanya.

Humakbang siya ng isa, itinaas ang dalawa niyang kamay at sumuntok pababa sa lupa. Tinamaan niya sa ulo ang dalawang mga alalay ni Fang. Matapos nito ay nahimatay din sila.

Cleaving Fist!

Isa itong uri ng Five Element Fist move na galing sa Form at Will Boxing.

Ang natira na lang na nakatayo ay si Fang Jian

At kahit na anak si Fang Jian ng pinaka ama ng pamilya Fang, ang mapangabuso sa katawan nitong lifestyle ang naging dahilan ng sadyang paghina ng kanyang pangngatawan. Siya ay nasa unang antas lamang ng Body Tempering Stage. Ang lakas niya rin ay mas mababa kaysa sa kanyang tatlong alalay.

"Ikaw… Huwag mong susubukang lumapit sa akin… Ako ang Young master ng pamilya Fang… Huwag kang manghahahas na saktan ako kundi mamamatay ang buong pamilya mo!"

Hindi na maipinta ang mukha ni Fang Jian noong makitang papalapit sa kanya si Duan Ling Tian.

"Karapat dapat na tawaging young master ng pamilya Fang! Kahit na sa ganitong sitwasyon ay nagawa mo pa ring takutin ako!" sabi ni Duan Ling Tian habang malamig na tumatawa, umabante siya ng dalawang hakbang at sinipa si Fang Jian paalis.

Tumalikod siya at pinuntahan ang nakatulalang napakagandang dalagita at umalis. Unti unti silang nawala sa paningin ng mga tao habang naglalakad palayo sa kalsada.

"Mukhang nakahanap ng mabagsik na katapat si Young Master Fang. Pumunta siya para sa hinto pero umuwi nang may dalang bato!"

"Sino kaya iyong Young Master na iyon? Mukhang magkasing edad lang sila ni Fang Jian at ng tatlo nitong alalay. Pero may lakas siya na sadyang kagulat gulat."

"Nanghahas niyang tinalo ang young master ng pamilya Fang… Nakasisiguro ako na hindi siya isang ordinaryong tao lamang."

...

At unti unting nagalisan ang mga taong nakapaligid sa gilid ng kalsada. Nagkaroon ng kaunting kasiyahan sa kanilang paguusap dahil sa nangyari kay Fang Jian.

Sinundan ni Duan Ling Tian ang dalagita pabalik sa burol ng kanyang ina at nagbigay ng iilang piraso ng baryang pilak para maipalibing ito.

"Kunin mo ang perang ito at magsimula ka ng isang maliit na pagkakakitaan."

Binigay ni Duan Ling Tian ang natitira niyang mga baryang pilak sa dalagita.

"Ayaw niyo po ba sa akin young master?"

Namutla sa sobrang panghihina ang dalagita at nanginig ang buong katawan nito.

Umiling naman si Duan Ling Tian.

"Ano ba ang iniisip mo? Alam ko na sinubukan mo lang na ibenta ang sarili mo para may maipangbayad sa pambalibing ng iyong ina at wala ka ng ibang pagpipilian pa bukod dito. Wala lang ang tulong na naibigay ko sa iyo ngayon. Hindi mo kailangan ibigay ang buhay mo para mabayaran lang ako."

Sa simula pa lang ay hindi na niya ginustong gawing tagapaglingkod ang dalagitang ito.

"Mabuti ka pong tao young master. Pakiusap… Hayaan na po ninyong sumunod ako sa inyo. Wala na ang aking ina at wala na akong pupuntahan pa na kahit na sino. Pakiusap po." Maingat na hinawakan muli ng dalagita ang damit ni Duan Ling Tian.

Nang mapansin niya na wala ng aasahan ang dalagitang ito kundi siya na lamang, nagisip si Duan Ling Tian ng ilang sandali…

"Sige puwede ka nang sumunod sa akin pauwi" dagdag niya.

"Maraming salamat po Young Master!"

Ngumiti nang parang isang bulaklak ang dalagita.

Umalis si Duan Ling Tian nang mag isa sa tirahan ng pamilya Li. Pero pagbalik nito ay mayroon na siyang ibang tao na kasama.

Habang sila ay pauwi, maraming napatingin na mga miyembro ng pamilya Li sa magandang mukha ng babaeng ito. At nagsimula na silang manghula sa kung sino ang dalagitang ito at kung ano ang kuneksyon nito kay Duan Ling Tian.

avataravatar
Next chapter