webnovel

Determinasyon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Boss, bukas na ang araw na sinabi mong bibisitahin mo ang Fang Family. Sigurado ka ba talagang pupunta ka?"

Sa pagbalik mula sa Martial Arts Practice Hall, ang maliit na mataba ay nagkaroon ng seryosong ekspresyon habang tinitingnan niya ang bata sa kaniyang tabi.

Ang bata ay ngumiti. "Siyempre pupunta ako!"

Sa loob ng dalawampung taon sa kanyang nakaraang buhay, lagi niyang pinanatili ang kanyang mga pangako; siya ay hindi kailanman nagkaroon ng ugali ng pagbawi ng anumang bagay na kaniyang sinabi.

Ito ay isa sa kanyang mga panuntunan nang siya ay nakipagharap sa mga ganitong usapan.

Kung babaguhin niya ito, hindi siya magiging ang Ling Tian na ang pangalan ay isang beses nang niyanig ang planetang Earth at sa iba't ibang bansa nito.

Ang maliit na mataba ay tahimik nang sagliti. Pagkaraan ng maikling sandali ay tinanong niya, "Boss, ikaw ba ay may tiwala sa iyong sarili?"

Ang bata ay nagkibit-balikat. Ang mga sulok ng kanyang bibig ay may isang ngiti habang sumasagot siya, "Gusto mo ba ng katotohanan o isang kasinungalingan?"

"Siyempre gusto ko ang katotohanan!"

Seryosong sinabi ng maliit na mataba.

"Hindi ako isang daang porsyento na tiwala sa aking sarili."

Ang mga mata ng bata ay kumislap habang siya ay bahagyang umiling.

"Boss, kung hindi ka tiwala sa sarili mo, huwag ka na pumunta bukas ... Ikaw ay labinlimang taon pa lamang, kaparehong edad ng anak ni Fang Qian. Kung susuko ka sa paglaban kay Fang Qiang, wala paring sinuman ang manunutya sa iyo."

Isang expression ng pag-aalala ang lumitaw sa mukha ng maliit na mataba habang sinabi niya ito.

"Li Xuan."

Biglang sabi ng bata.

"Ano iyon, Boss?"

Ang maliit na mataba ay mabilis na sumagot.

"Tandaan mo ito: bilang isang lalaki, dapat kang maging responsable. Sa sandaling ikaw ay nangako ng isang bagay, walang dahilan para sirain mo ito. Kung hindi ako pupunta, parang nilabanan ko na rin ang sa aking puso, at baka ako ay manatili sa hukay na ito sa buong buhay ko dahil ako ay naging duwag at natakot... Kaya, kahit na wala akong isang daang porsyento ng pagtitiwala sa sarili ko, pupunta pa rin ako!"

Ang bata ay may seryosong ekspresyon habang dahan-dahan niyang sinabi ito.

Ang dalagita sa tabi ng bata ay may mga mata na malinaw na parang tubig habang buong damdamin niyang tinitingnan si Duan Ling Tian.

Napansin niya na sa sandaling ito, mayroong isang hindi mailalarawan na karisma na nagmumula sa bata; ito ay hinahawakan ang mga sinulid sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang puso.

Ito ay nagsanhi sa kanya na makulong sa pagkakahawak kanyang karismatikong katauhan at hindi makawala sa kulungan na ipinataw sa kanya.

"Boss, hindi ko kayang talunin ka sa argumento; ang lahat ng sinasabi mo laging tunog lohikal."

Ang maliit na mataba ay may isang mapait na ngiti, "Ngunit kahit ngayon lamang, dapat mo akong pakinggan: huwag kang kumilos nang walang anumang masinsinang pag-iisip! Parang hindi mo alam na si Fang Qiang ay wala na sa Body Tempering..."

"Saan nanggagaling lahat ng walang kwenta mong salita? Intindihin mo dapat ang iyong sarili; hindi mo kailangang mangealam tungkol sa mga gawain ko!"

Pinutol ng bata ang pagsasalita ng mataba. Ang kilay na hugis espada ay bahagyang kumibot habang biglang tinignan niya ng masama ang mataba.

Ang taong ito ay talagang may malaking bunganga.

Ngayon lamang napagtanto ng maliit na mataba na ang dalagita ay naroroon. Siya ay nahihiya na ngumiti sa kanya.

Matapos paalisin ang maliit na mataba, dinala ng bata ang dalagita pabalik sa courtyard ng kanilang bahay.

Sa sandaling ito, ang bata at pihikan na mukha ng dalagita ay may bakas ng pag-aalala. Ang kanyang mainit at magiliw na titig ay nasa bata habang siya ay nagtatanong, "Young Master, wala ka ba talagang tiwala sa iyong sarili?"

Ang bata ay bahagyang ngumiti, dahan-dahan na hinahawakan ang pisngi ng dalagita, na kasing kinis ng isang jade. "Lokong bata, sinabi ko lang na wala akong isang daang porsyentong kumpiyansa! Huwag kang mag-alala, kahit ano pang mangyari, hindi ko hahayaang may mangyari sa akin. Kahit na hindi ko siya matalo, lalabas parin ako bilang ako. Sa kabila ng lahat, ayaw ko rin naman iwanan ang aking Ke Er."

Ang hugis willow na kilay ng dalagita ay kumikislap at ang kanyang malinaw na mga mata ay parang naluluha. Niyakap niya ang bata at kanyang tinig ay bahagyang tunog na parang siya ay naluluha, sabi niya, "Young Master, kung may mangyari sa iyo... si Ke Er... si Ke Er ay hindi makakayanang mabuhay mag-isa."

Ang mga salita ng dalagita ay tulad ng mabibigat na mga martilyo na pinupok ang puso ni Duan Ling Tian. Ang kanyang puso ay walang magawa kundi ang manginginig sa takot...

Dahil nakaranas siya ng dalawang buhay, alam niya na ang sinabi ng dalagita ay totoo kung wala ang kaunting pagkakamali!

Sa sandaling ito, ang malakas na kalooban na si Duan Ling Tian, ​​na dudugo nang hindi umiiyak, ay hindi mapigilan ang kanyang mga mata na maging bahagyang basa.

Nang kanyang higpitan ang kanyang pagkakayakap sa dalagita, malumanay niyang sinabi, "Lokong bata, hindi ka ba naniniwala sa akin?"

Ang dalagita ay tumango na parang isang umiiyak na binibini. "Si Ke Er ay natatakot... Takot na iwan ng Young Master si Ke Er. Kung ang Young Master ay wala na dito, ang buhay ni Ke Er ay wala na ring kahulugan."

Mula noong oras na dinala siya ni Duan Ling Tian sa bahay at inalagaan siya na parang kapamilya, mayroon na siyang ginawang pangako sa kanyang puso.

Sa buhay na ito, nabubuhay siya para lamang sa Young Master.

Kahit na ang Young Master ay mag-asawa at magkaroon ng sariling bahay balang araw at may sarili na siyang asawa at mga anak, tahimik pa rin siya na nasa panig ng Young Master, handang maging isang alipin o tagapangalaga, na naglilingkod sa kanya hanggang sa siya ay matanda na.

Hanggang sa huli niyang hininga...

Ang kanyang buhay ay para sa lalaking ito, at mabubuhay siya nang walang anumang pagsisisi.

"Okay, tingnan mo sarili mo. Mukhang kang maliit na panda."

Habang tinutulungan ang dalagita na punasan ang kanyang mga luha, bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian at sabi, "Kung ang aking ina ay umuwi at makita ka na ganito, tiyak na iisipin niya na sinaktan kita. Para namang hindi mo alam iyon sa iyong puso, dahil ikaw ang kanyang magiging manugang, mayroon kang mas mataas na katayuan kaysa sa akin, kesa sa kanyang anak na lalaki."

"Young Master, napakasama mo, niloloko mo si Ke Er."

Ang dalagita ay nahihiyang umalis sa yakap ng bata, tumakbo sa kanyang silid, at isinara ang pinto sa kanyang likuran.

"Ang dalagita ay nahihiya."

Umiling si Duan Ling Tian at ngumiti, pagkatapos ay ang kanyang mga mata ay nagpapakita ng isang hindi pa nakikitang katapangan.

Para kay Ke Er, para sa kanyang ina, at para sa kanyang sarili, hindi niya kailanman hayaan ang anumang bagay na mangyari sa kanyang sarili.

"Fang Qiang, tiyak na mamamatay ka!"

Ang mga mata ni Duan Ling Tian ay kumislap sa malamig na liwanag, na nagpalabas ng walang katapusang lamig.

Sa lugar ng Li Family, sa courtyard ng bahay ng Fifth Elder na si Li Ting.

Si Li Ting ay pumasok sa kanyang bahay na may kakaibang ekspresyon. Nang mapansin niya ang kanyang anak na lalaki, na nakaupo doon at tulala, hindi niya mapigilan ang kanyang sarili na pabirong pagalitan siya. "Paano mo ginawa iyon, bata? Si Li Ming talagang bumagsak ng dalawang beses sa pamamagitan ng iyong mga kamay."

Alam niya na si Li Ming ay napinsala ng kanyang anak noong kalahating buwan na ang nakalipas, at gusto niya malaman kung paano ito nangyari.

Nang siya ay humingi ng tawad sa Second Elder, narinig niya si Li Ming na sumisigaw, na nagsasabi ng tungkol sa mga side effect ng Thunder Flame Pill na mas lalong lumalala.

Siya, na ganap na alam ang mga kakayahan ng kanyang anak, ay natural na naniniwala na ito ay totoo.

Ngunit sa oras na ito si Li Ming ang naunang nag-isip na hamunin ang kanyang anak na lalaki at muling napinsala ng kanyang anak na lalaki, nagiging sanhi sa kanya na humanga.

Kakabalik pa lamang niya sa bahay ng Second Elder. Sa huli, si Li Ming ay muling sinabi na ito ay side effect lamang ng Thunder Flame Pill at napagalitan ng Second Elder...

Habang naglalakad pauwi, kapag mas lalo pa niyang iniisip ito, mas lalo niyang nararamdaman na may mali.

Kahit na nagbigay karangalan sa kanyang anak ang pagtalo kay Li Ming, siya ay may pakiramdam na ang bagay na ito ay hindi kasing simple ng kung paano ito makikita ibabaw.

"Xuan, may mali ba?"

Mabilis na napansin niya na ang kanyang anak ay nagkaroon ng isang naguguluhan na ekspresyon, ganap na naiiba mula sa masiyahin na siya noong napabagsak niya si Li Ming sa unang pagkakataon noong kalahating buwan na ang nakaraan.

Bakit kakaiba siya ngayon?

Hindi ba dapat ay masaya siya na napabagsak niya si Li Ming?

Hindi mapigilan ni Li Ting ang kanyang sarili na magtanong, "Xuan, mayroon ka bang problema sa iyong isip? Bakit panay kunot noo ka?"

Nang bumalik si Li Xuan sa kanyang sarili, pinagkiskis niya ang kanyang mga ngipin na waring may nagawa siyang malaking desisyon, pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang ulo upang tumingin kay Li Ting bago sabihin, na may seryosong ekspresyon, "Itay, mayroon akong isang bagay na gusto kong sabihin sa iyo... Ngunit, hindi mo maaaring hayaan na malaman ng Ninth Elder ang tungkol dito, kundi si Boss ay tiyak na hindi na ako kilalanin bilang isang kapatid na lalaki ngayon!"

Napakunot ng noo si Li Ting. "Ano iyon? Sabihin mo sa akin!"

Mabilis na sinabi ni Li Xuan sa kanya tungkol sa kung ano ang kanyang narinig mula sa Fang Family noong kalahating buwan na ang nakakaraan. Matapos mapait na tumawa, sinabi niya, "Hindi gusto ni Boss na sabihin ko sa kahit na sinuman, kaya itinago ko itong lihim sa lahat ng oras na ito, ngunit si Boss ay pupunta sa Fang Family bukas. Kahit na siya ay nagtagumpay na sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage, paano siya maging isang tugma para kay Fang Qiang, na nakayapak na sa Core Formation Stage?! "

"Si Fang Qiang ay nasa Core Formation Stage?"

Nang marinig ang kuwento ng kanyang anak na lalaki, ang mukha ni Li Ting ay lubhang nagbago habang malakas na sinabi niya, "Bata, naglakas loob ka pa itago ang gayon kahalagang bagay? Talagang matapang ka! Matapos kong sabihin ito sa Patriarch, uuwi ako rito sa bahay at tuturuan ka ng leksyon."

Nang matapos siya magsalita, nagmadali si Li Ting upang makita ang Patriarch.

Matapos umalis ang kanyang ama, pinababa ni Li Xuan ang kanyang natabang ulo at binulong ang kanyang sarili, "Boss, huwag mo aking sisihin. Nag-aalala lang ako na baka may mangyaring mali. Kahit na magalit ka o mapoot sa akin pagkatapos nito, hahayaan ko ito."

Sa takipsilim, inutusan ni Patriarch Li Nan Feng ang isang tao na ipatawag si Duan Ling Tian. Ito ay isang sorpresa para sa kanya

Sa audience hall ng Li Family, bukod kay Li Nan Feng, kay Grand Elder Li Huo at si Fifth Elder Li Ting ay naroon. Ang kanyang puso ay nagulat nang maunawaan niya kung ano ang nangyayari.

Ang lintik na mataba na iyon ay siguradong binuksan ang kanyang bunganga.

"Binabati ko kayo, Patriarch, Grand Elder, at Fifth Elder."

Yumuko si Duan Ling Tian sa tatlo sa kanila.

"Duan Ling Tian, ​​alam mo ba kung bakit ka namin ipinatawag dito?"

Ang mga mata ni Li Nan Feng ay dahan-dahan na lumiit habang tinanong niya ito.

"Ang Patriarch ay tinawag ako rito para sa bagay tungkol kay Fang Qiang na yumapak sa Core formation stage, tama ba?"

Si Duan Ling Tian ay dumiretso sa punto.

"Bata, mayroon kang magandang likas na talento at matalino... Ngunit, sa bagay na ito, hindi mo ba iniisip na ikaw ay hindi nag-iingat?"

Napabuntong-hiniga si Li Nan Feng.

Si Duan Ling Tian ang kayamanan ng Li Family. Hangga't narito siya, hindi mauubos ang supply ng Six Treasures Body Tempering Liquid.

Ang kahalagahaan ng Six Treasures Body Tempering Liquid sa Li Family ay napakataas.

Kasama ng Thunder Flame Pill, ang cultivation ng mga bata ng lahat ng mga Elder ng Li Family ay sumusulong nang palukso at pagtalbog. Sila ay mas mahusay kaysa sa nakababatang henerasyon ng mga pamilya ng Fang at Chen.

Ngumiti si Duan Ling Tian at sinabi niya, "Patriarch, bilang tunay na lalaking nabubuhay sa mundong ito, may mga bagay ako na dapat kong gawin at mga bagay na hindi ko dapat gawin! Ang gagawin ko bukas ay isang bagay na ako, si Duan Ling Tian, ​​na nangako sa harap niyong lahat. Tulad nga ng kasabihan "ang pangako ng isang ginoo ay katumbas ng isang libong gintong barya," kung gusto ng Patriarch na hikayatin ako na iwaksi ang aking pangako, natatakot ako na mabibigo ka lamang."

"Ikaw…."

Nagkaroon ng madilim na ekspresyon si Li Nan Feng.

Ang mga salita ni Duan Ling Tian ay matalim, walang kahit anumang kahinaan ang nasa kanyang argumento, na nagiging sanhi ni Li Nan Feng na hindi malaman kung paano siya hikayatin.

"Bata, hindi ka maaaring magbiro sa isang bagay na katulad nito. Sa iyong kasalukuyang cultivation at pag-asa sa iyong mabilis na espada, ang pagpatay sa ika-siyam na antas na martial artist ng Body Tempering ay lubos na posible, ngunit ang unang antas na martial artist ng Core Formation na nagtataglay ng lakas ng dalawang ancient mammoths ay napakarami para sa iyo upang mahawakan.

Inaasahan ni Grand Elder Li Huo na ipagpaliban ni Duan Ling Tian ang ideya ng pagpunta sa lugar ng Fang Family bukas.

"Salamat sa iyong pag-aalala, Grand Elder."

Lumabas ang pasasalamat sa mukha ni Duan Ling Tian; gayunpaman, ang kanyang mga mata ay nanatiling matatag tulad ng dati, nang walang kaunting pagbabago.

"Kalimutan mo iyon, kalimutan mo iyon..."

Pagtapos tumingin kau Duan Ling Tian sa isang sandali, si Li Huo ay napabuntong-hininga. "Patriarch, dahil ang bata na ito ay determinado, hayaan na lang na'tin siya."

"Grand Elder!"

Si Li Nan Feng at Li Ting ay parehong natulala.

"Salamat, Grand Elder!"

Si Duan Ling Tian ay may isang ngiti sa kanyang mukha at nagpapasalamat na nakatingin sa Li Huo, pagkatapos ay tumingin siya patungo kay Li Nan Feng at Li Ting. "Patriarch, Fifth Elder, bago ako pumunta sa Fang Family bukas, inaasahan ko na hindi niyo sasabihin sa aking ina ang tungkol dito. Si Duan Ling Tian ay may utang sa iyo. "

Pagtapos na pagtapos niyang magsalita at sinabi ng kanyang paalam, si Duan Ling Tian ay lumingon at umalis, walang pumipigil at malaya.

"Grand Elder, paano mo nagawang sumang-ayon na hayaan na lamang siya?"

Nagkaroon ng mapait na ekspresyon si Li Ting. Hindi niya alam kung bakit ito ang desisyon ng Grand Elder.

Si Li Nan Feng ay tumingin rin kay Li Huo. Siya ay may parehong tanong.

"Li Ting, nakita mo ang ugali ng bata. Sa palagay mo ba talaga ay mapipigilan na'tin siya? Huwag mong sabihin sa akin na gusto mo siyang ipakulong muna sa kanyang bahay? Ito ang landas na kanyang pinili, at ang bawat isa ay dapat na responsable para sa kanilang mga sariling desisyon. Kahit siya ay hindi naiiba."

Tumayo si Li Huo at naghanda na umalis.

Bago siya umalis, idinagdag niya, "Bukas, pupunta ako kasama siya. Magtatago ako sa anino para sa kapakanan ng Li Family. Ano naman kung ang lumang mukha na ito ay ilagay sa panganib?"

Next chapter