4 Collapsing Fist

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi makapaniwala ang mukha ni Li Rou ng makita niyang muli si Duan Ling Tian.

"Ikaw Tian ay…"

Matapos ang ilang saglit, itinaas niya ang nanginginig niyang mga kamay at hinawakan ang mga braso ni Duan Ling Tian…

Bilang isang Core Formation Stage Martial Artist, napansin niya ang pagsasanay na ginawa ni Duan Ling Tian sa kanyang sarili sa isang tingin niya lamang.

Ito ay ang unang antas ng Body Tempering Stage!

Nakamit na rin niya sa wakas ang kanyang Body Tempering at isa na siyang ganap na Martial Artist!

Nitong mga nakaraang taon ay lagi niya nakikitang bigo si Duan Ling Tian sa pagkakamit ng Body Tempering nito. At lalo pang humina ng humina ang katawan nito.

Patago siyang nagaalala para kay Duan Ling Tian sa mga oras na ito.

"Bakit ka po umiiyak ina?"

Itinaas ni Duan Ling Tian ang kanyang mga kamay at pinunasan ang mga luha ni Li Rou.

"Ayos lang ako anak… Sadyang napakasaya ko lamang sa mga sandaling ito."

Pinunasan ni Li Rou ang sarili niyang mga luha at ngumiti.

Matatapos na rin ang taon taon niyang pagaalala kay Duan Ling Tian.

Bigla niyang napagtanto na nagawa ito ng kanyang anak sa loob lamang ng tatlong araw.

Ang makamit ang pagbabagong ito sa loob lang ng tatlong araw?

Siya ay nagulat!

Ang kanyang magandang mga mata ay sandaling tumitig bago makaramdam ng pagkakaba nung bigla niyang naalala ang hiling ni Duan Ling Tian tatlong araw na nakalilipas.

<Huwag mong sabihing…>

"Ang pagbabago ba sa iyong katawan ay resulta ng mga sangkap na ipinabili mo sa akin noong isang araw?"

Tanong ni Li Rou upang mawala ang kanyang pagkabagabag.

"Opo Ina!" Tugon ni Duan Ling Tian habang tumatango.

"Ginawa mo ang gamot na iyon ng mag isa?" Mausisang tanong ni Li Rou.

At muling tumango si Duan Ling Tian.

Napabuntong hininga si Li You at sinabing "anong klase ng gamot ang iyong ginawa at paano mo ito natutunang gawin?"

Kinabahan ng kaunti si Duan Ling Tian sa tanong na iyon ng kanyang ina.

Masyadong nakakagulat ang mga pangyayari sa pagitan niya at ng Rebirth Martial Emperor.

Kahit na ang kanyang paglipat galing sa kanyang nakaraang buhay na napakahirap ipaliwanag.

"May nakita ako na isang lalaki ina sa aking panaginip noong ako ay malubhang masugatan at nawalan ng malay. Isa siyang matandang lalaki na nagturo sa akin kung paano gumawa ng isang uri ng likidong gamot" dahilan niya.

At sinimulan niyang ikinuwento kay Li Rou ang tungkol sa Seven Treasures Body Tempering Liquid at ang epekto nito.

"Ang pagpapabilis ng pagpapalakas ng Body Tempering Stage ng mga Martial Artists?"

At si Li Rou ay natulala.

Wala pa siyang naririnig na kahit anong likidong gamot na kayang pabilisin ang pagpapalakas ng Body Tempering Stage. Higit pa rito ang sangkap nito na napakadaling makuha sa pamilihan.

Napagtanto niya na ang formula sa paggawa ng gamot na ito ay hindi isang ordinaryong formula.

Ayon sa kanyang mga nalalaman tungkol sa mga gamot ay mayroong mga tabletang gamot na may kakayahang makapagpabilis ng pagpapalakas ng Body Tempering Stage. Ngunit sa sobrang mahal ay hindi ito kayang mabili ng isang ordinaryong tao. At ang matataas na uri lamang ng mga Graded Alchemist ang kayang makagawa nito.

"Kahit na kalian man Tian ay huwag na huwag mong sasabihin ang epekto ng gamot na iyan sa kahit na sino.

Inisip agad ni Li Rou ang kapakanan ng kanyang anak kung kaya't sersyosong pinaalalahanan niya ito noong napagtanto niya ang halaga ng gamot na iyon.

"Alam ko po ina. Sinasabi ko lang po ito sa inyo."

At ngumiti si Duan Ling Tian.

Nagustuhan niya ang pakiramdam ng pagaaruga ng isang ina, dahil sa kanyang pagiging ulila sa kanyang nakaraang buhay.

"Ang napakabait kong anak."

Nagsimula na ring ngumiti si Li Rou ng napakaningning na siyang naglabas ng kanyang kagandahan.

"Ngayon na nakatungtong ka na sa unang antas ng Body Tempering Stage ay maari ka ng mamili ng isang Martial Skill galing sa Martial Pavilion ng Pamilya Li.

"Opo Ina! Aalis na po ako upang tingnan ang mga iyon!"

Kahit na kumpleto na ang lahat ng martial skills galing sa mga ala ala ng Rebirth Martial Emperor ay napagpasyahan niya pa rin na tumingin doon upang maiwasan ang pagdududa ng kaniyang ina.

Ang Martial Pavilion ay ang lugar kung saan nakatago ang mga martial skills ng buong pamilya ng Li. Napaka importante ng lugar na ito kung kaya ay lagi itong binabantayan ng isa sa mga nakatatanda.

"Ika limang nakatatanda"

Nagbigay pugay si Duan Ling Tian sa nakatatandang nakatayo sa pintuan ng Martial Pavilion.

"Duan Ling Tian?"

Bahagyang nagulat ang Ika limang nakatatanda na si Li Ting nung makita niya si Duan Ling Tian.

Noong nakita niya ang mga pagbabago sa katawan ni Duan Ling Tian ay hindi niya mapigilang ang kanyang sarili at mahinang nagsabi "Ikaw…. Ikaw ay nakatungtong na sa unang antas ng Body Tempering Stage?"

Tumango at ngumiti ng bahagya si Duan Ling Tian.

"Ngayon ay mawawala na ang pagaalala ng iyong ina. Sige, pumasok ka na at mamili ng gusto mong Martial Skill sa loob."

At ngumiti si Li Ting.

Maganda ang kanilang naging samahan ng ika siyam na nakatatanda na si Li Rou.

Pagkasagot nito ay nagtungo na si Duan Ling Tian sa loob ng Martial Pavilion.

"Nakatungtong na si Duan Ling Tian sa unang antas ng Body Tempering Stage?"

Sabi ng ilang kabataan na kararating lamang sa Martial Pavilion habang sila ay nagtinginan sa isa't isa na may kasamang pagkagulat.

Para silang nakakita ng isang baboy na umaakyat sa puno o di kaya'y isang baka na kayang lumipad noong marinig nila ang balita tungkol sa pagtungtong ni Duan Ling Tian sa unang antas ng kanyang Body Tempering Stage.

Nagsimula na si Duan Ling Tian na magbasa ng iba't ibang martial skills sa loob ng Martial Pavilion.

At habang binabasa niya ito ay napansin niya na ang mga Martial Skills na pinakaiingatan ng pamilya Li ay napakaordinaryo lamang.

Ang lahat ng ito ay nabibilang sa Middle Grade o di kaya ay sa Yellow Rank martial skills na base sa kanyang opinyon ay mas mababa pa ang uri ng mga ito kaysa sa Military Boxing.

<Malalakas ang mga tao sa mundong ito. At Origin Energy ay mas higit na malakas kaysa Internal aking nakaraang buhay. Mahirap seryosohin martial skills ito dahil kawalan nito ng halaga at hinding hindi ako magsasayang oras upang aralin Ang kaalaman Form Will Boxing pa>

Nakamit na ni Duan Ling Tian ang titulong Grandmaster sa Form at Will Boxing at nahigitan pa niya ang kanyang maestro.

Habang siya ay nagiisip hanggang sa puntong ito ay umalis na siya sa Martial Pavilion.

Napansin ng ika limang nakatatanda na lumabas ng walang dala si Duan Ling Tian at napuno ang kanyang mukha ng pagtataka.

Ito ang unang pagkakataon siya ay nakakita ng ganitong pangyayari.

"Ano? Hindi ka nakahanap ng angkop sa iyo?"

At tumango si Duan Ling Tian.

"Pfft!"

At isang malakas na tunog ng paghalakhak ang biglang pumasok sa mga tainga ni Duan Ling Tian.

"Mukha yatang hinahamak mo ang pinakaiingatang martial arts sa loob ng Martial Pavilion ng pamilya Li, Duan Ling Tian… Nakapagtataka kung anong uri ng martial skill ang palihim na itinuro sa iyo ng iyong ina upang magmalaki ka ng ganito? Narinig ko nakatungtong ka na rin sa wakas ang unang antas ng Body Tempering Stage; Maari mo ba akong turuan ng sa iilang mga galaw? Nangaasar na sabi ng boses na iyon.

Saka lamang napansin kung sino ang nagmamayari ng boses na iyon noong kanyang itaas ang kanyang ulo patungo sa pinangagalingan ng boses na kanyang naririnig.

Lingid sa kanyang kaalaman ay nagtungo rin pala si Li Xin sa Martial Pavilion ng puno ng galos at sugat sa kanyang mukha. Tinitigan niya si Duan Ling Tian ng may halong paghahamon.

"Phew, akala ko naman kung sino, iyon ay ikaw lang pala. Hehehe… Kumusta na ang iyong mukha? Masakit pa ba ito?"

At kahit na siya ay pahamon ng kinakausap ni Li Xin ay tumawa lamang si Duan Ling Tian imbes na ito ay magalit.

"Duan Ling Tian! Hinahamon kita sa isang pagtutuos sa harap ng ika limang nakatatanda! Malakas na ba ang iyong loob na tanggapin ang hamon ko!?" Malalim na sabi ni Li Xin kasabay ng malalim na paghinga.

Ang pangyayari tatlong araw na ang nakalilipas ay walang dudang nagdulot ng matinding kahihiyan sa kanya.

Wala ng ninais si Li Xin kundi ang maghiganti kay Duan Ling Tian sa tatlong araw iyon na lumipas.

At noong marinig niya ngayong araw ang usap usapang nakatungtong na ni Duan Ling Tian ang unang antas ng Body Tempering Stage ay agad itong nagmadali at naghamon na makipaglaban.

At sa kanyang palagay, ngayon na isa ng ganap na Martial Artist si Duan Ling Tian ay hindi na ito matutulungan ng kanyang ina kahit na gaano pa ito kagigil na tulungan na ito ayon sa panuntunan ng pamilya sa pakikipaglaban.

At siyempre, ang kanyang unang dapat gawin ay tanggapin ni Duan Ling Tian ang kanyang hamon.

Nanliit ang kanyang mga mata at ngumiti ng bahagya si Duan Ling Tian at nagsabing "At bakit naman hindi?"

"Huwag kang magpadalos dalos Duan Ling Tian!" Masungit na sinabi ng ika limang nakatatandang si Li Ting.

Si Duan Ling Tian ay nasa unang antas pa lamang ng Body Tempering Stage at wala pang nakukumpletong kahit anong uri ng martial arts. Kaya paano nito mapapantayan si Li Xin na nasa ikalawang antas na ng Body Tempering Stage. Ayon sa kanyang pananaw.

"Magaling Duan Ling Tian. Malakas ang loob mo."

Napakasayang humalakhak ni Li Xin dahil nagtagumpay ang kanyang mga binabalak.

"Maging saksi po kayo sa aming pagtutuos ika limang nakatatanda upang mapigilan ang paghadlang sa amin ng Ika siyam na nakatatanda.

Maikling tiningnan ni Li Xin si Li Ting ng may kasamang pagrespeto.

"Opo Ika siyam na nakatatanda, maging saksi nawa kayo… upang mapigilan ang pagiging hadlang ng ika pitong nakatatanda sa aming pagtutuos.

Iniiwasan ni Duan Ling Tian ang pagpapakita ng ano mang uri ng kahinaan.

Kung ito ay naganap ilang araw na ang nakalilipas ay mababalot ito ng takot kay Li Xin na nakapagkamit na ng ikalawang antas ng Body Tempering Stage…

Gayunman ay napagtanto niya na napakataas ng kanyang naging ekspektasyon sa kakayahan ni Li Xin nung makita niya ang mga martial arts sa loob ng Martial Pavilion ng pamilya Li.

"Masyadong padalos dalos ang batang ito! Bahala na, tuturuan ko na lang ito ng leksyon!"

Sumama ng husto ang itsura ni Li Ting habang siya ay nakatingin kay Duan Ling Tian na tumayo at lumabas ng Martial Pavilion.

Ang mukha ng mga miyembro ng pamilya Li na napapadaan sa Martial Pavilion ay punong puno ng pagkasabik dahil mayroon nanamang matinding pagtutuos na magaganap!

Tumayo at humarap sa isa't isa sina Duan Ling Tian at Li Xin sa isang bakanteng parte sa labas ng Martial Pavilion.

Si Li Ting naman na nagsisilbing isang saksi at tumayo sa kanilang mga gilid.

"Ibabalik ko sa iyo ng sampung beses ang kahihiyang ibinigay mo sa aking Duan Ling Tian!"

Isang mala demonyong ngiti ang nakita sa mukha ni Li Xin na para bang isda sa ibabaw ng isang sangkalan si Duan Ling Tian na handing handa na para patayin.

"Makikita natin kung mayroon ka talagang kakayahan." Sambit ni Duan Ling Tian habang siya ay tumatawa

Nagalit ng husto si Li Xin dahil sa mga sinabi ni Duan Ling Tian at sumigaw na "Humanda ka sa akin!"

Ibinaon niya ng bahagya ang kanyang mga paa sa lupa at mabilis na tumakbo na para bang isang mabangis na tigre na tumatakbo pababa ng bundok.

Fierce Tiger Fist!

Pumorma ang kanyang mga kamay na na lumikha ng isang current at mabilis na pumunta kay Duan Ling Tian.

"Isa itong Middle Grade Yellow Rang martial skill na tinatawag na Fierce Tiger Fist! Ang itsura ni Li Xin ay nakakakilabot at halatang siya ay nasa unang bahagi pa lamang ng pagsasanay sa Fierce Tiger Fist."

"Katatapos pa lamang makatungtong ni Duan Ling Tian sa unang antas ng Body Tempering Stage at wala pa siyang sinasanay na kahit anong martial skills. At tinanggap na nito ng walang takot ang hamon ni Li Xin. Hindi talaga siya natatakot mamatay!"

"Saksi ngayon ang ika limang nakatatanda at kahit na malubhang nasugatan si Duan Ling Tian ay hindi ito maaring matulungan ng kanyang ina na ika siyam na nakatatanda kahit na gaano pa kagalit ito."

Naguusap usap ang mga nakapaligid na miyembro ng pamilya Li. Walang sinuman ang pumapanig kay Duan Ling Tian sa labanang ito.

Malaki rin ang puwang ng lakas sa pagitan ng una at ikalawang antas ng Body Tempering Stage.

"Fierce Tiger Fist? Mukha namang kamao lamang iyan ng may sakit na kuting para sa akin."

Gumalaw ang magkabilang dulo ng bibig ni Duan Ling Tian na naglikha ng isang nakaiinsultong ngiti.

Para sa kanya ay napakarami pang mali sa paggamit ng martial art na iyon ni Li Xin at mayroon siyang daan daang paraan upang matapatan ito.

Sa huli ay pinili niya ang pinakadirektang paraan.

Deng!

Sa harap ng maraming tao ay tumakbo rin si Duan Ling Tian ng buong lakas at sinalubong ang atake ni Li Xin.

At bago pa man tumama ng mga kamao ni Li Xin sa kanya ay lumiyad ng patalikod ang itaas na bahagi ng katawan ni Duan Ling Tian at nakailag sa suntok ni Li Xin at tumalon ang siya nang sobrang taas hanggang sa bumagsak ito sa likuran nito.

"Ngayon na!"

Bumatak ang mga paa ni Duan Ling tian at ang kanyang katawan ay umikot.

Isinara nito ang kanyang kanang kamao at ang kanyang upper body ay lumiyad muli ng patalikod habang bumubuwelo ang kanyang mga braso.

At biglang parang naging isang palasong handa ng pakawalan si Duan Ling Tian at nagsimulang manginig ng kanyang gulugod.

At Biglang niyang pinakawalan ang kanyang kanang kamao kasabay ng kanyang katawan na naglikha ng napakatinding lakas na para bang isang landslide.

Collapsing Fist!

Matagumpay na nailagan ni Duan Ling Tian ang Fierce Tiger Fist ni Li Xin at ilang saglit pa ay sinuntok na ni Duan Ling Tian si Li Xin sa kanyang kanang balikat habang ito ay dinadala ng inertiang kanyang nilikha mula sa pag atake.

Kacha!

Pagkatapos nito ay narinig nila ang tunog ng pagkabali ng mga buto ni Li Xin.

Tumalsik si Li Xin sa ere habang matinis itong umiyak na para bang isang kinakatay na baboy.

Kahit na lamang ni Li Xin ng 20 pounds ang lakas ni Duan Ling Tian ay wala siyang nagawa para gamitin ang lakas niyang ito.

Bang!

Bumalibag ang katawan ni Li Xin sa lupa at siya ay matinis na umiyak habang nanginginig at namamaluktot sa sakit ang kanyang buong katawan.

Isang sandali ng katahimikan ang naganap…

Ang buong lugar ay natigilan.

Mula kay Li Ting hanggang sa bawat isang miyembro ng pamilya Li ay napanganga habang sila ay nakatingin na para bang hindi makapaniwala sa pangyayaring kanilang nasaksihan.

Para sa kanila, ang ginamit na Collapsing Fist ni Duan Ling Tian ay sadyang napakaperpekto!

avataravatar
Next chapter