webnovel

Aurora City

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa labas ng Fresh Breeze Town, isang karwahe ng kabayo ang lumabas at tumakbo papalayo.

Hindi niya alam kung kailan siya babalik pagkatapos ng pag-alis na ito.

Naaalala niya kung paano tumingin ang matabang bata habang umiiyak na tila umuulan habang sinasambit nila ang kanilang paalam, hindi rin maayos ang pakiramdam ng kaniyang puso.

"Young Master, iniisip mo ba si Young Master Xuan?" tanong ng magandang dalagang katabi niya na may nag-aalalang ekspresyon.

"Ang lahat ng mabubuting bagay ay kailangang magwakas. Mayroon naman laging pagkakataon upang magkita ulit sa hinaharap."

Huminga ng malalim si Duan Ling Tian.

"Tian, ​​Ang Aurora City ay hindi malayo sa Fresh Breeze. Kapag libre ka, maaari kang bumisita ang anumang oras."

Ngumiti si Li Rou habang inaaliw siya.

"OK."

Tumango si Duan Ling Tian.

Ilang araw na ang nakararaan, tinawag siya at si Ke Er ni Patriarch Li Nan Feng upang makita siya dahil gusto niyang irekomenda sila sa pangunahing clan.

Sa pangunahing clan lamang sila magkakaroon sila ng magandang kinabukasan.

Masiyadong maliit ang Fresh Breeze Town.

Ang umpisa ng paglalakbay ay kalmado lamang.

Pagkatapos umalis sa Fresh Breeze Town sa tanghali, ang hugis wilow na mga kilayLi Rou ay bahagyang nagsalubong at kanyang sinabi, sa isang mababang boses, "Mukhang may ilang taong hindi nais na umalis tayo patungo sa Aurora City."

Nanlit ang mga mata ni Duan Ling Tian. "Ina,iyan ba ang Fang family?"

Gumalaw ang karwahe at agad na huminto.

"Ma ... Madam ..." nanginginig na tawag ng nagmamaneho ng karwahe.

Pagtaas ng kurtina ng karwahe, agad na nakita ni Duan Ling Tian ang taong humarang sa kanilang daan, at agad na nagbago ang kaniyang itsura.

Isang matandang lalaki ang nakatayo roon.

Ito ang Grand Elder ng Fang family, si Fang Jun.

Siya ay nasa ikapitong antas ng Core Formation stage, isa sa tatlong kinikilala ng publiko na pinakamalalakas na tao sa Fresh Breeze Town.

"Fang Jun!"

Bumaba si Li Rou sa karwahe. Ang kaniyang mga mata ay puno ng kalamigan at kaniyang tinig ay nababalot ng mababa at nakatatakot na tono. "Napagpasyahan na ng anak ko na umalis sa Fresh Breeze Town. Hindi na niya mababahala ang Fang family,kaya't bakit nagmamatiagas ka pa rin?"

"Kailangan ng Fang family ang dugo niya para hugasan ang kahihiyan namin."

"Ke Er, manatili ka sa karwahe." sinabi ni Duan Ling Tian sa dalagita bago sumunod sa kanyang ina sa karwahe. Niyukom niya ang kaniyang mga kamao habang malamig na nakatitig kay Fang Jun.

"Duan Ling Tian, ​​huwag ka mag-alala; ngayon ay ipapadala kita pati ang iyong ina sa impyerno, para magsama kayong dalawa sa kabilang buhay."

Tumingin si Fang Jun kay Duan Ling Tian, isang tingin na parang nakatingin sa isang patay na tao.

Huminga ng malalim si Li Rou at nag-aalalang sinabi, "Tian, kunin mo si Ke Er at umalis na kayo ngayon!"

Kahit na ilabas niya ang kaniyang buong lakas, hindi niya kakayaning magtagal laban kay Fang Jun.

"Ina, kung may aalis, aalis tayong magkakasama."

Pagmamatigas ni Duan Ling Tian.

"Tama na ang pagtatalo… Ngayong araw, wala sa inyo ang makakaalis!"

Tumawa ng malamig si Fang Jun, at pagkatapos ay tumapak siya sa lupa at lumipad na parang kidlat. Ang kanyang mga kamay ay tuatarak tulad ng isang roc na ibunubuka ang mga pakpak, binabalot si Duan Ling Tian at kaniyang ina.

Sampung ancient mammoth silhouettes ang lumabas sa itaas ng kaniyang ulo..

Whoosh!

Matikas na pumadyak sa lupa Li Rou at lumipad upang maharang ang kanyang pag-atake.

Sa itaas ng kaniyang ulo ay may anim na ancient mammoth silhouettes...

Ang tatlong talampakang espada sa kaniyang kamay ay lumabas!

Sword Drawing Arts!

Whoosh!

Isang espada ang nagliwanag sa eksaktong sandaling itinaas ni Fang Jun ang kanyang kamay upang dumepensa, nahiwa ang kaniyang manggas.

"kahanga-hangang sword skill!"

Ang mga tingin ni Fang Jun ay pumagaspas, pagkatapos ay hinampas niya gamit ang kaniyang palad na parang isang bundok.

Bang!

Ang mga kamay ni Li Rou na parang jade ay nanginginig at ang kanyang maselang katawan ay nanginig. May tamis na malalasahan sa kanyang nang ang kaniyang Fine Steel Sword's blade ay nahati sa dalawa sa pamamagitan ng hampas ng palad ni Fang Jun.

"Ina!"

Nagbago nang husto ang mukha ni Duan Ling Tian.

Whoosh!

Spirit Serpent Movement technique! Tila nagbago ang anyo ni Duan Ling Tian at nagging spirit serpent habang papunta siya kay Fang Jun.

Sword Drawing Arts!

Isang hibla ng violet na nakagapos sa lalamunan ni Fang Jun ang sumipol hangin.

"Masiyado mong itinataas ang iyong sarili!"

Walang respetong inalis ni Fang Jun ang kaniyang manggas, winalis si Duan Ling Tian at kaniyang espada papunta sa gilid.

"Mamatay kana!"

Ang mga palad ng Fang Jun ay sumabog sa hangin at bumaba patungo sa dibdib ni Duan Ling Tian ...

Kung tinamaan siya ng atakeng ito, siguradong mamamatay siya!

"Tian!"

Ang mukha ni Li Rou ay nagbago nang husto. Gusto niyang iligtas siya, ngunit walang sapat na oras.

"Young Master!"

Ang dalagita ay bumaba mula sa karwahe, binabalewala ang lahat ng bagay habang tumatakbo patungo kay Duan Ling Tian. Ang kanyang mga malinaw na mata ay puno ng mga luha at ang kanyang puso ay tila may punyal na nakatarak.

Bang!

Sa ilang sandali, isang pigura ang lumipad mula sa luntiang mga puno sa gilid ng kalsada, dumarating sa harap ni Duan Ling Tian at gumaganti sa mga hampas ng palad ni Fang Jun na may katumbas na lakas.

Sa itaas ng ulo ng taong iyon ay sampung magkakatulad na ancient mammoth silhouettes….

"Grand Elder!"

Matapos maayos ang kaniyang sarili, nagliwanag ang mga tingin ni Duan Ling Tian nang makilala niya ang taong dumating.

Ito ay walang-iba kundi ang Grand Elder ng Li family, si Li Huo.

Alam niyang dahil dumatung ang Grand Elder, ang panganib na dumating sa kaniya ay maituturing nang tapos.

"Li Huo, hindi ko naisip na ang marangal na Grand Elder ng Li family ay sasamahan ang isang disipulo na may ibang apelyido. Mukhang ang disipulo na ito na may ibang apelyido ay may pambihirang kalagayan sa Li family ..."

Matapos dumating ni Li Huo, alam ni fang Jun na hindi niya na mapapatay si Duan Ling Tian.

Fang Jun, matanda kanang tao, ngunit hindi mo iginagalang ang iyong sarili at gumawa ka pa ng pambabastos. Para sa pagsubok mong patayin ang aking disipulo ng Li family, ngayon ay walang alinlangan kang mamatay!"

Ang tingin ni Li Huo ay tila nagbubuga ng apoy mula sa kanyang matinding galit.

Ang puso ni Duan Ling Tian ay napainit. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sobrang nagalit ang Grand Elder.

"Li Huo, ang lakas natin ay mapagkukumpara; kahit isama mo si Li Rou, natatakot akong hindi mo ako mapipigilan sa pagtakas," walang respetong sabi ni Fang Jun.

"Kung hindi pa sapat silang dalawa, paano kung kasama ako?"

Sa oras na ito ay dalawa pang pigura ang pinakita ang kanilang mga sarili at pinalibutan si Fang Jun.

"Patriarch Chen."

Mula sa dalawang taong lumitaw, kinilala ni Duan Ling Tian ang isa sa kanila; ito ay ang apo ng Chen family, si Chen Li.

Ang isang tao ay isang matandang lalaki na tila puno ng espiritu at lakas.

"Chen Kun, ang bagay na ito ay sa pagitan ng Fang Family at Li Family, inaasahan kong hindi kana sumali sa bagay na ito."

Nang makita ang matandang lalaki, ang mukha ni Fang Jun ay nagbago at nagagalit siyang sumigaw, "Chen Kun?"

Ang Grand Elder ng Chen family? Nagningning ang mga tingin ni Duan Ling Tian.

Ang tatlong pinakamalalakas ng Fresh Breeze Town ay nagsama-sama rito.

"Fang Jun, mali ka; ang bagay na ito ay sa pagitan ng aking Chen family at ng Li family sa iyong Fang family."

Kakaibang ngumiti si Chen Kun.

"Kayong lahat…"

Ang ekspresyon ni Fang Kun ay nagdilim. Hindi siya naniniwala na ang lahat ng ito ay totoo. "Chen Kun, ano ang ibinigay sa iyo ng Li family na sobrang halaga para mahikayat ka sa pakikipagtulungan sa kanila at gumawa ng hakbang laban sa akin?"

"Ang kinabukasan ng Chen family…"

Limang salita lamang ang sinabi ni Li Kun, at nang oras na narapos siya, gumalaw ang kaniyang pigura, bigla siyang umatake!

Sa itaas ng kanyang ulo, ang enerhiya ng langit at lupa ay yumayanig dahil ito ay bumubuo ng sampung ancient mammoth silhouettes ...

Whoosh!

Si Li Guo, Li Rou at Chen Li ay nakasunod sa likuran, umaatake.

Silang apat ay sumalakay nang sabay. Ang mga ancient mammoths ay nanginginig sa hangin habang umiihip upang sugpuin si Fang Jun!

Sa isang sandali, si Fang Jun ay nasa isang hindi magandang posisyon. Pagkatapos na matamaan ng hampas ng palad ni Li Huo, ang kanyang katawan ay nagsimulang manginig. Ang tama ay nagawa siyang paliparin tulad ng isang palasong paalis sa isang pana, matindi ang pagkakabagsak sa lupa. Pagkatapos dumura ng ilang dugo, hindi na siya maaaring makipaglaban.

"Hahahaha…"

Biglang tumawa si Fang Jun. Malamig ang kaniyang mga tingin habang siya ay nakatingin kay Chen Kun at Chen Li. Sa pamamagitan ng tinig na sinlamig ng yelo, sinabi niya, "Nagkakamali kayong dalawa. Batay sa performance ng mga disipulo ng Li family sa coming of age ceremony, hindi magtatagal ang Li family ay matataasan na kayo ...humuhukay kayong dalawa ng sarili niyong libingan!"

"Fang Jun, hindi mo kailangang sulsulan pa kami, ang Li family ay nagbabalak na ibahagi ang kanilang lihim sa aming Chen family ... At ang kondisyon ay ang patayin ka"

Umismid si Che Kun nang makita niya ang intension ni Fang Jun, pagkatapos ay ang kanyang pigura ay nagbago at naging isang mabangis na tigre, pababang kumalmot upang patayin ang labis na sugatan na si Fang Jun.

Sa sandali ng kanyang kamatayan, ang mga mata ni Fang Jun ay napuno ng naguguluhang eskpresyon.

Pagkarinig ng sinabi ni Chen Kun, tila may naisip na isang bagay si Duan Ling Tian...

"Salamat Patriarch Chen, Elder Kun."

Nagmamadaling nagpasalamat si Li Rou sa dalawang miyembro ng Chen family bago senyasan sa mata si Duan Ling Tian.

Sumunod ang pasasalamat ni Duan Ling Tian.

"Young Master, ayos ka lang ba?"

Ang mga luha ng dalaga ay hindi pa natutuyo, at ang kanyang ekspresyon ay puno ng pag-aalala.

"Ayo lang ako."

Hinawakan ni Duan Ling Tian ang kamay ng dalaga at marahang kinurot ang palad nito, pinapagaan ang loob nito.

"Duan Ling Tian, ​​kung hindi sinabi sa akin ni Elder Huo, hindi ko malalaman na mayroon kang guro na isang ikapitong antas na Alchemist."

Malalim na tumingin si Chen Li kay Duan Ling tian. "Kung hindi ako nagkakamali, ang iyong guro ay isa ring weapons craftsman, hindi ba?"

Weapons craftsmen?

Nagulat si Duan Ling Tian. Hindi niya alam ang ibig sabihin ni Chen Li rito.

Tumingin si Li Rou at Li Huo kay Duan Ling Tian. Kahit na hindi nila alam ang tungkol dito.

"Ilang buwan na ang nakararaan, pumunta ka sa weapon store ng Chen family upang bumili ng ilang mga materyales. Iyon ay para sa weapon crafting, tama?"

Magaang ngumiti si Chen Li, para bang nakikita niya ang kalooban ni Duan Ling Tian sa isang tingin lamang.

Sa wakas ay nakita ni Duan Ling Tian ang liwanag.

Ito pala ay tungkol sa bagay na iyon.

Ngunit ang mga materyales na binili niya ay hindi para sa weapon crafting kundi para sa incriptions.

Siyempre, hindi niya sasabihin ito.

"Patriarch Chen, natatakot akong mali ka. Ang mga materyales na binili ko para sa aking guro ay para sa paggawa ng ikapitong antas na medicinal pills, hindi para sa weapon crafting."

Umiling si Duan Ling Tian.

Sa pagkakaalam niya, wala bukod sa kanya ang may kaalaman tungkol sa abilidad ng isang ikapitong antas na Alchemist, kaya kahit anong bagay na walang kapararakan ang sabihin niya, walang makakaalam ng katotohanan mula sa mga kasinungalingan.

Katulad ng inaasahan, napagtanto ito ni Chen Li at tumango. "Ganoon pala iyon."

"Ikaw ay isang henyo, tulad ng inaasahan. Dahil sa iyo, ang Li family ay may mahusay na pagkakataon na umunlad, at ang aking Chen family ay maaaring makinabang mula sa pagiging mga kaalyado ng Li Family."

Tumingin si Chen Kun kay Duan Ling Tian bago magaang ngumiti.

"Elder Kun, nagagalak ako sa pagpuri mo."

Mabining ngumiti si Duan Ling Tian.

"Dahil naresolba na ang mga bagay-bagay, oras na para umalis kami," sinabi ni Chen Kun bago umalis kasama si Chen Li.

Ang kanilang mga pigura ay agad na nawala sa dulo ng kalsada.

"Bata, napagpasyahan ko sa sarili ko at ipinangako sa Chen family na pagkatapos ng bawat takdang panahon, magbebenta kami sa kanila ng ilang Six Treasures Body Tempering liquid ... Hindi mo ako sisihin, tama?"

Ngumiti si Li Huo kay Duan Ling Tian.

Ito ang pangakong naging dahilan upang makipagtulungan ang Chen family sa kaniya at patayin ang Grand Elder ng Fang family.

Naipasa na ni Duan Ling Tian ang medicinal formula ng Six Treasures Body tempering Liquid kay Li Huo bago umalis.

"Grand Elder, marahil ay nagbibiro ka, kung hindi ka gumawa ng kilos ngayong araw, tiyak na namatay ako! Ang formula ng Six Treasures Body Tempering Liquid ay maaaring gamitin ng Grand Elder sa kung anumang gustuhin mo"

Umiling si Duan Ling Tian.

Para sa kaniya, wala ng mas importante pa kaysa sa kaniyang pamilya at buhay.

Bukod pa rito, hangga't siya ay nababahala, ang pangangalakal ng Six Treasures Body Tempering liquid para sa buhay ng Grand Elder ng Fang family ay nararapat lamang!

Hangga't hindi mo ko sisihin, ayos lang iyon. Ngayon na patay na si Fang Jun, ligtas na ang iyong paglalakbay ... Tandaan mo, kapag nakarating ka sa pangunahing clan, makipagkumpetensya ka hangga't maaari, dahil kapag inihayag mo lamang ang iyong halaga ay tsaka lamang ang pangunahing clan ay magsisikap na palaguin ka. "

Pinaalalahanan ni Li Huo si Duan Ling Tian bago umalis.

Tumango si Duan Ling Tian, inaalala ang mga salita ni Li Huo.

Ang sumunod na paglalakbay ay naging maayos at walang sagabal. Nakakilala sila ng ilang mga tulisan sa daan, ngunit madali silang natakot ni Li Rou.

Pagdating nang gabi, sa wakas ay narating na nila ang kanilang destinasyon.

Aurora City!

Isang siyudad na mas malaki ng sampung beses sa Fresh Breeze Town.

Ang mga pader ng lungsod ay sinauna, naglalabas ng isang aura na tila nakaranas ng maraming mga pangyayari.

Sa loob ng lungsod, mga karwahe ng kabayo ang makikitang papalabas. Ang daloy ng mga tao at karwahe ay hindi walang katapusan; sa lugar na ito ay umalingaw-ngaw ang ingay at sigla.

"Masiyadong abala…"

Nang tumingin ang dalaga sa bintana ng karwahe, ang kanyang malinaw na mga mata ay nagliwanag at may bakas ng kinang at ang kanyang kalooban ay natuwa.

Sa kabilang banda, si Duan Ling Tian ay may maayos na ekspresyon.

Bagaman abala ang Aurora City, nabisita na niya ang halos bawat malaking lungsod sa mundo, at ang Aurora City ay hindi maaaring ikumpara sa mga malalaking lungsod na iyon.

Next chapter