webnovel

Ang Pakulo ni Elder Huo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang anino ang siyang nagpakita sa harap ni Duan Ling Tian at hindi katagalan ay bumuo ng isang anyo. Ito pala ang Fire Worship Sect Leader, si Tang Xuan!

"Sect Leader!"

Nagulat si Duan Ling Tian sa hindi inaasahang pagdating ni Tang Xuan.

Paano ito nangyari!?

Ang Fire Worship Sect Leader ay dapat na kinakalaban ang Supreme Elder ng Black Kshetra Sect ngayon!

Paanong nakabalik siya agad?

Ang mukha ni Gan Ru Yan ay nagbago nang makita niya si Tang Xuan.

Para naman kay Ke'er, ang kulay ng kanyang magandang mukha ay nagbago rin. Mahigpit siyang nakahawak sa tabi ni Duan Ling Tian na tila ba dito na lamang siya kumukuha ng lakas. 

Ang maliit na batang dala ni Gan Ru Yan, si Duan Si Ling, ang anak ni Duan Ling Tian at Ke'er, ay tahimik lamang na hindi gumagalaw sa mga bisig ni Ru Yan.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter