16 Ang Pagtuligsa ng mga Krimen

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Whoosh!"

Ang espada ay humiwa nang hindi nag-iiwan ng bakas. Ang isang dahon na unti-unting lumulutang pababa mula sa isang puno sa courtyard ay agad na nahiwa.

Nang mahiwa ang dahon, ang espada sa kamay ng isang bata ay agad nang nakabalik sa lagayan nito.

"Napakabilis! Young master, anong sword skill iyon?"

Ang dalagita na nakatayo sa gilid, payat at kaaya-aya, tumingin sa bata na may kasamang pagnanais.

"Sword Drawing Arts."

Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian bago naging maulap ang kanyang mga mata na para bang may inaalala.

Sa kanyang nakaraang buhay, bukod sa pagiging isang Grandmaster sa Form and Will Boxing, ang Sword Drawing Arts ay isa sa mga batayan na kanyang ginamit upang maitatag ang kanyang sarili bilang isang taong hindi madadaig.

Noong oras na iyon, maraming mga kaakit-akit at magagandang assassins ang sadyang palapit sa kanya, umaasa na makahanap ng isang pagkakataon na mapatay siya.

Ngunit sa sandaling ang mga magagandang assassins ay nagpakita ng pinakamaliit na pahiwatig ng kagustuhang pumatay, iyon ay ang sandali na ang kanilang buhay ay magwawakas.

Karaniwang kaalaman na ang military dagger ni Ling Tian ay tinatawag na 'The Death God's Scythe' at na ito ang kilalang pinakamabilis.

"Ke Er, dapat mong tandaan na ang Sword Drawing Arts ay nakatuon sa bilis. Sa gitna ng lahat ng martial arts sa buong mundo, walang makatatalo sa bilis! Kahit na laban sa isang martial artist mas malakas pa sa'yo, hangga't ikaw ay may kakayahang iguhit ang iyong espada at hiwain ang kanyang lalamunan bago siya maaaring tumugon, siya ay siguradong mamatay!"

Ginabayan ni Duan Ling Tian ang dalagita sa isang matiyaga at mahinay na paraan.

Ang dalagita ay palaaral, kaya nakinig siya ng mabuti.

Hawak ng magandang kamay ng dalagita ang violet short sword, ng may maingat na paggabay ni Duan Ling Tian, ​​unti-unti siyang nagsanay hanggang ang kanyang mga aksyon ay tila magsintulad sa anyo at hitsura.

"Young Master, tanga ba si Ke Er?"

Matapos ng isang hapon ng pagsasanay, ang dalagita ay basang-basa sa pawis, ang kanyang malawillow leaf na hugis ng kanyang mga kilay ay bahagyang gumalaw, at ang kanyang malinaw na mga mata ay tila kulang sa sigla; na tila nabigo siya.

"Bakit mo natanong, Ke Er?"

Nagdududang tanong ni Duan Ling Tian.

"Buong hapon akong nagsanay, ngunit ang aking bilis sa pagguhit ng aking espada ay hindi man lang kahit isang porsyento ng bilis ng Young Master... Young Master, si Ke Er ba ay hindi angkop na magsanay ng espada?"

Ang nakakaakit na labi ng dalagita ay unti-unting gumagalaw nang sinabi niya ito.

"Loko-lokong bata, ang pagiging dalubhasa sa Martial Dao ay hindi isang bagay na maaaring magawa sa isang araw. Ikaw ay nag-eensayo pa lamang sa Sword Drawing Arts sa loob ng isang hapon; hindi ba sa tingin mo na ang pag-iisip agad ng konklusyon ay hindi makatwiran? Alam mo, noong una akong nagsanay ng Sword Drawing Arts, nagsanay ako ng isang buong araw at ang aking pag-unlad ay mas mabagal pa rin kaysa sa iyong kasalukuyang pag-unlad."

Napailing na lamang Duan Ling Tian. Nagtataka siya kung ano ang problema, ngunit hindi niya inasahan na ito pala ang gumugulo sa kanyang isipan.

"Talaga?"

Inimulat ng dalagita ang kanyang maganda, malinaw na mata. Umuusbong muli ang kanyang kumpiyansa.

"Syempre totoo iyon."

Bahagyang ngumiti sa Duan Ling Tian.

"Ke Er, kung gusto mong lubusang maisakatuparan ang bilis ng Sword Drawing Arts, kailangan mong maging pamilyar sa mga paraan ng pagsisikap na itinuro ko sa iyo kanina. Kung paano mo dapat hawakan ang iyong espada, kung anong bahagi ng iyong katawan ang una mong palalakasin, at pagkatapos ay dapat ganap ka nang pamilyar sa pagkakasunud-sunod at lakas na iyong gagamitin sa bawat hakbang; saka lamang kapat ito ay naunawaan mo ay saka mo lamang ako maaabutan."

Sabi ni Duan Ling Tian.

"Young Master, magsisikap ako."

Taos-pusong sinabi ng batang babae habang tumango siya gamit ang kanyang magandang baba.

Gumilid si Duan Ling Tian at pinanood ang dalagita na patuloy na nagsasanay ng kanyang espada.

Sa isang iglap, tila siya ay may napansin na kung ano.

"Ina."

Walang nakakaalam kung kailan lumitaw si Li Rou sa tabi ni Duan Ling Tian.

Nang napansin niya ang dalagita na paulit-ulit na nagsasanay ng iisang sword move, si Li Rou ay may ekspresyon ng pagdududa.

"Tian, ​​anong sword skill ang itinuro mo ni Ke Er? Bakit siya ay nagsasanay lamang ng parehong sword move nang paulit-ulit... Kailangan mo ba ang iyong ina na bumili ng isang hanay ng sword skills mula sa pamilihan para kay Ke Er?

"Hindi na kailangan, ina. Ang mga maganda tignan na sword skills na iyon ay maganda lamang sa paningin, ngunit pagdating sa tunay na laban, ang mga ito ay walang silbi."

Umiling si Duan Ling Tian.

Wala siyang kahit anong martial skills sa Li Family Martial Pavilion na sineryoso, paano pa kaya ang mga mahihinang sword skills na makikita sa Fresh Breeze Town."

"Tian, wag mong sabihin na ang sword skill na tinuro mo kay Ke Er ay mas maganda pa kaysa sa mga pwedeng bilhin sa pamilihan."

Bakas kay Li Rou ang pagdududa.

"Gusto mo bang masubukan, ina?"

Lumingon si Duan Ling Tian at tumawa.

"Ano, gusto mong makipaglaban sa iyong ina?"

Tumawa si Li Rou.

Para sa kanya, ang pakikipaglaban sa isang ikatlong antas ng body tempering stage martial artist ay parang paglalaro lamang ng bahay-bahayan.

"Mag-iingat ka, ina."

Paalala ni Duan Ling Tian, ​​at sa oras rin na iyon na ang kanyang kanang kamay ay umalis sa lalagyan ng espada at sa halip ay hinawakan ang hawakan ng Fine Steel Sword.

Sword Drawing Arts!

Ginuhit niya ang espada nang walang bakas!

Sa ilalim ng sikat ng araw, isang puting kislap lamang ang makikita.

Bago pa mahulog ang lagayan ng espada, ang Fine Steel Sword ay nakabalik na sa loob ng lalagyan na nasa kamay ni Duan Ling Tian.

Sword Drawing Arts: pagguhit ng espada na kasing bilis ng kidlat at pagkatapos ay ilagay pabalik ang espada tulad ng mahinang kulog!

Sa parehong sandali na iginuhit ni Duan Ling Tian ang kanyang espada, gumalaw si Li Rou, lumipad siya patalikod!

Ang puwersa na inilagay niya sa kanyang mga paa ay naglabas sa puwersa ng langit at lupa, kaya isang hugis ng ancient mammoth ay lumabas sa ibabaw ng kanyang ulo.

Ang ibig sabihin nito ay upang maiwasan ang espada ni Duan Ling Tian, ​​kailangan niyang gamitin ang lakas ng isang ancient mammoth!

Huminga si Li Rou ng malalim at tumingin kay Duan Ling Tian na parang ito ay hindi naniniwala.

Napansin niya na bagama't ang paggalaw ng kanyang anak ay parehas ng kung ano ang sinasanay ni Ke Er, ang bilis ng paggalaw nila ay magkaibang magkaiba..

Kung siya ay mabagal ng kaunti kanina, ang espada ng kanyang anak ay tiyak na tatama sa kanya.

Ang pagguhit ng isang espada sa lakas ng ikatlong antas ng Body Tempering ay pinilit siya upang gamitin ang kanyang lakas na katumbas na ng isang ikasiyam na antas ng Body Tempering Martial Artist para lamang ito'y iwasan...

Ang sword skill na ito ay tunay na abot langit!

"Ina, iyon ang sword skill na itinuro ko kay Ke Er. Ano sa tingin mo?"

Bahagyang ngumiti si Duan Ling Tian.

Tiwala lamang sa Fine Steel Sword, kahit na ang kalaban ay isang ika-anim na antas sa Body Tempering stage na martial artist, hangga't kaya niyang lumapit, lubos siyang tiwala sa kanyang kakayahan na patayin ang kanyang kalaban.

Kapag ang cultivation ng isang tao ay hindi pa umaabot sa isang tiyak na antas, ang tulong ng mga armas ay napakahalaga.

Pag pinagsama sa kanyang Sword Drawing Arts, nagiging mas madali para sa kanya na maging matagumpay sa kanyang paghihirap!

"Ang sword skill na ito, ito ba ay mula rin sa matandang lalaki na nakilala mo sa iyong mga panaginip?"

Si Li Rou ay napatitig kay Duan Ling Tian.

Hindi maiwasan ni Duan Ling Tian na hawakan ang kanyang ilong at nahihiyang ngumiti.

"Tian, anong tawag sa sword skill na ito?"

"Sword Drawing Arts."

"Pwedo mo bang turuan ang iyong ina?"

"Syempre naman!"

Si Li Rou ay naging interesado sa Sword Drawing Arts, kaya nagsimula siyang magsanay kasama si Ke Er.

Gamit ang kanyang cultivation bilang batayan, ang kanyang pag-unlad sa pagcultivate ng Sword Drawing Arts ay mas mabilis pa kaysa kay Ke Er.

Pagkatapos ng isang araw, umaasa sa lakas ng isang sinaunang mammoth, ang bilis ng pagguhit ni Li Rou ay katulad na rin ng kay Duan Ling Tian.

Siyempre, ang kanyang pagkakaunawa sa Sword Drawing Arts ay malayo kumpara kay Duan Ling Tian.

Dahil siya ay gumagamit ng sampung libong libra ng lakas upang tumugma sa bilis ni Duan Ling Tian, ​​habang halos hindi naman gumagamit si Duan Ling Tian ng dalawang daang libra ng lakas.

Para lamang sa pagcultivate ng Sword Drawing Arts, bumili rin ni Li Rou ng isang Fine Steel Sword. Ang kanyang espada ay hindi kailanman iiwan ang kanyang tabi.

Sa mga susunod na araw, nagiging abala na si Duan Ling Tian.

Bukod sa kanyang sariling cultivation, hindi lamang niya kailangan magturo sa dalawang magagandang kababaihan kung paano magcultivate ng espada, ngunit kinailangan din niyang gumawa ang Six Treasures Body Tempering Liquid para sa mga nakatataas ng Li Family...

Kung hindi dahil sa tulong ng kanyang ina at ni Ke Er, siguradong pagod na siya.

Pagtapos lamang ng tatlong araw ng paggawa ng medicinal liquid upang magsupply sa mga anak ng mga nakatataas ng Li Family sa loob ng tatlong buwan ay saka nagkaroon si Duan Ling Tian ng libreng oras.

Habang nakatingin sa bundukin na medicinal material sa kanyang silid, si Duan Ling Tian ay may nasisiyahang ngiti sa kanyang mukha.

Binulsa niya ang isa sa tatlong hati ng mga medicinal materials na ibinigay ng mga nakatataas sa Li Family bilang kanyang bayad sa paggawa.

Ibig sabihin na kapag nais niyang gawin muli ang Seven Treasures Body Tempering Liquid sa susunod, hindi na niya kailangang bumili ng anim sa pitong medicinal materials.

"Tian, ​​mga tao mula sa Fang Family ay dumating na. Hiniling ka ng Patriarch na pumunta sa Audience Hall."

Maririnig sa labas ang boses ni Li Rou.

Fang Family?

"Dumating na rin sila sa wakas?"

Kuminang ang mga mata ni Duan Ling Tian. Ang mga ito ay walang bakas ng hindi pag-aakala.

Nang dinala niya si Ke Er upang bumili ng espada ilang araw na ang nakararaan, naisip niya na baka ang taong sumusunod sa kanya ay galing sa Fang Family.

Sa Li Family Audience Hall.

Ang Patriarch na si Li Nan Feng ay nakaupo sa unahan at ang Sixth Elder na si Li Ping ay nakaupo sa kanyang tabi.

Ang nakaupo sa kabilang dulo ay ang Patriarch ng Fang Family, si Fang Yi.

Ang nakatayo sa tabi niya ay isang lalaki na kulay pula ang mata at nasa katamtamang edad.

"Patriarch."

Sa isang iglap, isang batang boses ay maririnig sa labas ng Audience Hall.

"Pumasok ka."

Tugon ni Li Nan Feng

"Sixth Elder, narinig ko na ang iyong anak, si Li Dong, ay aakyat na sa ikatlong antas ng body tempering stage. Binabati kita..."

Pumasok si Duan Ling Tian at binati si Li Nan Feng bago tumango kay Li Ping.

Si Li Ping ay ngungiti at ang kanyang mga mata ay may bakas ng pasasalamat at pagsisisi.

Kung 'di dahil sa magandang kalooban ni Duan Ling Tian, ang kanyang anak ay hindi magkakaroon ng pagkakataong mapabuti ang mabilis.

"Duan Ling Tian, ​​ito ang Patriarch ng Fang Family, at ang tao sa likod niya ay ang Manager ng Fang Family."

Pagpapakilala ni Li Nan Feng.

"Kumusta, Patriarch Fang at Manager Fang."

Tinignan ni Duan Ling Tian ang dalawang bisita at bahagyang ngumiti.

Ang kanyang ekspresyon ay parang walang inaalala.

"Nabalitaan ko noon na ang Ninth Elder ng Li Family ay isang bihirang babaeng magiting. Tulad ng ina tulad ng anak; tulad ng inaasahan, ikaw ay hindi pangkaraniwan."

Nanliit ang mga mata ni Fang Yi na para itong linya.

Ayon sa kanyang imbestigasyon sa mga nakaraang ilang araw, ang biglang pagtaas ni Duan Ling Tian ay tulad ng isang himala.

Sa loob ng isang buwan, ang pagbabago mula sa isang taong sakitin hanggang sa isang ikatlong antas ng Body Tempering na martial artist.

At higit sa lahat siya ay ang paglumpo niya kay Li Jie, ang anak na lalaki ng Seventh Elder ng Li Family at batang henyo ng Li Family.

Kahit pagtapos nito, hindi siya nakatanggap ng kahit anumang kaparusahan mula sa Li Family.

"Patriarch Fang, dinala ko si Duan Ling Tian dito. Bakit mo siya hinahanap?"

Tanong ni Li Nan Feng.

Nang matapos ni Li Nan Feng ang kanyang mga salita.

Ang ekspresyon ni Fang Yi ay nagbago. Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at tiningnan ang bata sa isang nakapagpapababa at mabangis na paraan.

"Duan Ling Tian, ​gaano kalakas ang loob mo?! Isang buwan na ang nakalilipas noong napinsala mo ang anak kong lalaki at nilumpo ang anak ng Manager ng Fang Family. Tungkol sa usapin na ito, hindi ba dapat magbigay ka ng paliwanag sa aking Fang Family?"

Si Li Nan Feng at Li Ping ay hindi inaasahan ang biglang pagsabog ni Fang Yi.

Wala silang alam tungkol dito.

Ang maliit na mukha ng bata ay tahimik lamang na parang isang pool ng tubig; malinaw na ito ay hindi inaasahan para sa kanya.

"Patriarch Fang, kung narito ka ngayon upang tuligsain ang aking mga krimen, natatakot ako na mabibigo ka lamang. Tungkol sa nangyari noong araw na iyon, dahil sigurado ako na inimbistigahan mo ito nang lubusan, ang katarungan ay nasa puso ng lahat. Kung ang iyong anak ay hindi umasa sa kapangyarihan ng Fang Family, sana'y hindi ko siya inatake. Bukod diyan, sa aking palagay, nagpakita na ako ng awa sa pamamagitan ng hindi paglumpo sa iyong anak. Nagbigay na ako ng sapat na respeto sa Fang Family."

Napangisi si Duan Ling Tian.

"Napakalakas ng loob mo, isang simpleng disipulo ng Li Family ngunit may ibang apelyido, maglakas-loob na maging walang galang sa Patriarch Fang Family! Nagtatawag ka lang ng kamatayan!"

Ang Manager ng Fang Family, si Fang Qiang, na nasa likod ni Fang Yi, ay napunta sa pagkakataon na kanyang ninais. Siya ay sumigaw bago nito sinugod ang bata.

Ang kanyang mga aksyon ay nagpapakita ng galit at kagustuhang pumatay…

Sa itaas ng kanyang ulo, lumitaw ang puwersa ng langit at lupa bilang hugis ng isang ancient mammoth!

avataravatar
Next chapter