webnovel

Ang Pagpatay Sa’yo ay Nangangailangan Lamang ng Isang Pagguhit ng Espada!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Si Duan Ling Tian ay hindi pala gumagamit ng espada!"

Nang tumingin sina Li Nan Feng, ang Grand Elder na si Li Huo, at lahat ng iba pang mga miyembro ng Li Family sa walang hawak na si Duan Ling Tian na nilalabanan si Fang Qiang, lahat sila ay hindi makapagsalita.

Wala ba sa kanyang sarili ang batang ito?

Ang dahilan kaya nakapatay si Duan Ling Tian ng ika-anim na antas ng Body Tempering na Fang Qiang kahit na siya ay nasa ikaapat na antas ng Body Tempering Stage pa lamang ay dahil sa kanyang espada. Pinatay niya ito ng isang mabilis na guhit ng espada!

Sa kanilang opinyon, kung walang espada si Duan Ling Tian, imposible para sa kanya na manalo sa kanilang laban ni Fang Qiang.

Kahit na si Duan Ling Tian na umabot sa ikapitong antas ng Body Tempering Stage ay isang kagulat-gulat na gawa, ngayon ay walang armas niyang nakaharap ang unang antas na martial artist ng Core Formation.

Ang lahat ng tao'y nakadama ng kaunting pangamba.

Ang mga nakapaligid na tagapanood ay pare-parehas na napipi. "Si Duan Ling Tian ay walang armas na kakalabanin si Fang Qiang? Nabaliw na ba siya? "

"Siguro alam niya na kahit anumang espada ang nasa kanyang kamay, hindi siya magiging isang tugma para kay Fang Quan, kaya pinigilan na niya ang pakikipaglaban..."

"Posible."

...

"Duan Ling Tian, ​​saluhin mo ang aking espada!"

Sa sandaling ito, itinaas ni Chen Mei Er ang kanyang kamay at inihagis ang kanyang Fine Steel Sword patungo kay Duan Ling Tian.

Mula noong araw na nakita niya ang eleganteng kilos ni Duan Ling Tian nang iginuhit niya ang kanyang espada, siya ay naging interesado sa mga espada. Mula noon, hindi niya kailanman iniwan ang kanyang espada.

Hindi niya inaasahan na makakatulong siya kay Duan Ling Tian ngayon.

Ngunit nang inaasahan niya si kay Duan Ling Tian na saluhin ito at pasalamatan siya, gumawa siya ng isang bagay na hindi niya inaasahan. Itinaas ni Duan Ling Tian ang kanyang kamay at inihagis ang espada pabalik sa kanya.

Clang!

Ang espada ay bumagsak sa kanyang harapan.

"Ikaw…"

Ang mukha ni Chen Mei Er ay bahagyang nagkulay berda at ibinagsak ang kanyang mga paa sa kaaya-ayang paraan. Hindi niya magawang makapagsalita dahil sa galit.

"Wala sa kanyang sarili si Duan Ling Tian! Si Miss Chen mabait na ipinasa ang kanyang espada, ngunit tinanggihan niya ito. Talaga bang iniisip niya na makikipaglaban siya kay Fang Quan nang walang espada?"

Sa sandaling ito, ang mga tao na nasa eksena, bukod sa mga miyembro ng Fang Family, na mayroong malamig na ngiti sa kanilang mga mukha, si Li Rou at Ke Er, na mukhang mayroon naiisip, ay hindi rin makapagsalita.

Hindi nila maintindihan ang mga kinikilos ni Duan Ling Tian.

"Ano ang sinusubukang gawin ng batang ito?"

Ang ekspresyon ni Li Huo ay pangit. Ang paglitaw ng Grand Elder ng Fang Family ay sumira sa kanyang mga plano.

Dahil narito ang matandang iyon, kahit na harapin ni Duan Ling Tian ang panganib, magiging mahirap para sa kanya na iligtas si Duan Ling Tian.

Para naman sa mga natitirang miyembro ng Li Family, ang bawat isa sa kanila ay binabantayan ng isang miyembro ng Fang Family, at hindi nila magawang mapakawalan ang kanilang sarili.

Ang Fang Family ay malinaw na dumating na handa!

Gusto nilang patayin ni Fang Qiang si Duan Ling Tian bilang isang pagpapakita ng lakas...

Kahit si Li Huo ay hindi walang ibang magawa kundi ang masunog sa pagkabalisa.

Kung alam lang niya na masosobrahan sa kumpiyansa si Duan Ling Tian na hindi manlang siya gagamit ngayon ng kanyang espada, malamang ay ilalagay niya si Duan Ling Tian sa ilalim ng house arrest kahapon, at hindi siya pinahihintulutan na lumitaw dito.

Ngunit huli na ngayon!

"Boss!"

Ang maliit na mataba ay tumayo sa gilid ng mga taong nakapalibot. Ang kanyang matabang mukha ay bumaba at ang kanyang mga maliliit na mata ay napuno ng pag-aalala.

"Duan Ling Tian, ​​mukhang naiintindihan mo na kung mayroon kang espada o wala, tiyak na papatayin kita ngayon. Dahil alam mo ang iyong mga limitasyon, bibigyan kita ng mabilis na kamatayan."

Si Fang Qiang ay may isang mapanukso na ekspresyon sa kanyang mukha. Ang Origin Energy kaniyang natipon sa loob ng ilang panahon ay umaapaw sa kanyang mga palad. Siya ay handa nang umatake sa anumang oras.

"Kahit sino ay kayang magmayabang. Kung gusto mo akong patayin, depende ito sa kung mayroon kang kakayahan."

Si Duan Ling Tian ay ngumiti.

"Ihinto mo ang pagiging misteryoso at mamatay ka na!"

Ang pagtingin ni Fang Qiang ay naging malamig. Pagkatapos ilabas ang Origin Energy sa kanyang mga binti, lumipad siya tulad ng isang palaso na iniwan ang tali ng pana.

Ang Origin Energy sa kanyang mga palad ay tila tinutulak ang mga ulap habang lumilipad ito patungo kay Duan Ling Tian...

High grade yellow ranked martial skill, Flowing Clouds Palm!

Sa isang iglap, ang dalawang bola ng puting ulap sa ibabaw ng ulo ni Fang Qiang sa wakas ay bumuo ng dalawang hugis ng ancient mammoth.

Sa isang iglap, ang mga puso ng lahat ng naroroon ay tumalon sa kanilang mga lalamunan.

Ang kamay ni Li Rou na hawak-hawak ang lagayan ng kanyang espada ay humigpit; siya ay handa nang patayin ang Elder ng Fang Family na nakaharang sa kanyang harap sa anumang sandali upang iligtas ang kanyang anak na lalaki.

"Hmm?"

Nang makita si Fang Qiang na marahas na lumalapit, si Duan Ling Tian ay 'di inaasahang natuliro.

Napansin niya na parang may mali...

"Ganoon pala iyon."

Ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay biglang naging ngiting mapang-asar, na para bang mayroon siyang naisip.

Nang si Fang Qiang ay isang segundo na ang layo mula sa kanya, si Duan Ling Tian ay gumalaw na sa wakas!

Ang kanyang itaas na katawan ay nakatabingi sa isang mahirap na anggulo, isang mahirap na gawain na ang mga ordinaryong tao ay hindi kayang gawin, at naiwasan ang parating na sampal ni Fang Qiang!

Ang sampal na iyon ang naging sanhi ng pagkawasak sa hangin ng mga lilang kulay na damit ni Duan Ling Tian.

"Mamatay ka na!" Biglaang sigaw ni Fang Qiang ay bilang pagtugon, pagkatapos ay nagbago ang direksyon ng kanyang mga palad, sasampal patungo sa lantad na likod ni Duan Ling Tian na naging lantad matapos niyang bumaluktot upang maiwasan ang kanyang atake...

Sa sandaling ito, sa ilalim ng mga hindi makapaniwalang titig.

Ang mga binti ni Duan Ling Tian ay nagsimula manginig at ang kanyang buong katawan ay naging tulad ng isang spirit serpent. Humiram ag lakas mula sa katawan ni Fang Qiang, bigla siyang sumulpot sa likod ni Fang Qiang.

Muling naiwasan niya ang mabangis na sampal ni Fang Qiang!

"Movement Technique!" sabay na sinabi ni Li Huo at ng Elder ng Fang Family. Ang kanilang mga tinig ay naglalaman ng bakas ng pagkabigla.

Pagkatapos kumalat ang kanilang mga tinig, mas maraming mga tao ang may hindi makapaniwalang ekspresyon...

Bago kumalma ang mga namanghang ekspresyon ng lahat ng mga tao.

Ang tanawin na naganap sa harap ng kanilang mga mata ay naging sanhi ng kanilang mga titig na tumigil!

Nakita nila si Duan Ling Tian na kumikilos patungo sa likod ni Fang Qiang, at sa sandaling tumalikod si Fang Qiang, ang kamay na kaniyang inilagay sa kanyang baywang ay gumalaw...

"Whoosh!"

Ang mga tao na may mas mataas na antas ng cultivation ay bahagyag nakita ang pagkislap ng isang kulay lila na espada.

Napakabilis nito na kahit sila ay hindi ito makita ng malinaw!

Sa isang kisapmata, nawala ang kislap ng isang espada ay nawala nang matapos si Duan Ling Tian sa pag-atake.

"Cough..."

Ang katawan ni Fang Qiang ay nanginig habang siya ay umuubo ng tuyo.

Ang linya ng dugo sa kanyang lalamunan ay unti-unti na lumawak. Kahit gaano kahigpit ang kanyang hawak sa kanyang lalamunan, wala siyang paraan upang itigil ang daloy ng dugo na bumubuhos mula sa kanyang lalamunan...

Ang kanyang mga kamay ay mabilis na naging kulay dugo. Nang ang kanyang katawan ay malapit nang bumagsak, tumingin siya patungo sa bata na may isang ekspresyon ng hindi kasiyahan.

Ngunit wala na siyang kakayahang atakihin ang bata.

"Ano naman kung ikaw ay nasa Core Formation Stage? Ang pagpatay sa'yo ay nangangailangan lamang ng isang pagguhit ng espada!"Sabi ni Duan Ling Tian sa malamig at mabangis na tinig. Tinitigan siya ni Fang Qiang gamit ang kaniyang mga mata na puno ng kawalan ng pag-asa at ang kanyang katawan ay malapit nang bumagsak sa lupa.

Ginulit nito ang mga puso ng lahat ng naroroon.

Ang pagpatay sa'yo ay nangangailangan lamang ng isang pagguhit ng espada!

Isang napakadiretsong kasabihan...

At ang pinakamahalaga, ito ay isang bagay na sinabi ng isang ikapitong antas na martial artist ng Body Tempering sa isang unang antas na martial artist ng Core Formation!

"Tian!"

"Young Master!"

"Boss!"

Tatlong hugis ang unang nagsalita at pumunta sa panig ni Duan Ling Tian.

Ang dalagita ay tila nakalimutan ang pagiging mahiyain habang mahigpit niyang niyakap si Duan Ling Tian. Ang kanyang napakagandang mukha ay may malabong ngiti na labis na marikit.

Si Li Rou at Li Xuan parehong tumingin sa bawat isa nang makita nila ito at iniling ang kanilang mga ulo habang nakangiti. Sa hindi inaasahan, hindi nila inasar ang dalawa sa kanila.

"Hahahaha... Tandang Fang, natatakot ako na narito ka ngayon para sa wala."

Tumingin si Fang Huo patungo sa Grand Elder ng Fang Family at tumawa nang malakas. Ang kanyang tinig ay naglalaman ng isang pahiwatig ng kaligayahan habang buong puso niyang tinutukso ang kanyang dating kalaban.

"Humph!"

Ang Grand Elder ng Fang Family ay malamig na umungol. Ang kanyang malamig na malamig na tingin ay napunta kay Duan Ling Tian habang mabilis siyang lumakad patungo sa lugar ng Fang Family.

Mula sa Patriarch ng Fang Family, si Fang Yi, hanggang lahat ng iba pang Elder ng Fang Family, lahat sila ay may hindi kaaya-aya na mga ekspresyon habang sinusundan nila ang kanilang Grand Elder patungo sa lugar ng Fang Family.

Una nilang inaasahan na madurog ang diwa ng Li Family, ngunit sa halip ay nangyari ang lahat ng kabaligtaran.

Kasabay nito, mga bakas ng lamig ay unti-unting lumilitaw sa kanilang mga puso.

Hindi nila alam, na isang halimaw ay lumitaw sa Li Family, at ang pinakamahalaga, siya ay labinlimang taong gulang pa lamang...

Labinlimang taong gulang.... May sapat parin na espasyo para sa kanya na lumaki.

Ang kanyang pambihirang movement technique at ang hindi mahulaan at misteryosong kasanayan sa espada ay nagbakas ang takot sa kanilang mga puso.

Ang bata na ito ay hindi dapat hayaang mabuhay!

Ito ang isang bagay na biglang pumasok sa kanilang mga puso.

"Cough cough..."

Si Li Huo ay biglang umubo ng dalawang beses, na nagiging sanhi kay Ke Er, na masayang yakap-yakap si Duan Ling Tian, ​​upang mahiya. Dahil dito ay madalian siyang umalis sa pagyakap.

Ngayon lamang niya napagtanto na karamihan ng tao na naroon ay tumitingin sa kanila. Ang kanyang pihikan na pisngi ay nagliwanag ng kulay na pula at siya ay nagtago sa likod ni Li Rou dahil sa kahihiyan.

Ang mga tao na naroon ay hindi mapigilan ang kanilang sarili na matawa.

Ang isa sa mga tagapanood ay bumuntong-hininga at sinabi, "Tanging ang ganitong uri ng dalagita ang maaaring maging tugma para kay Young Master Ling Tian!"

Ang tuloy-tuloy na tinig ng pagsang-ayon ang naging dahilan upang mas matakot ang dalagita na itaas ang kanyang ulo.

"Ama, umuwi tayo."

Matapos ng masaksihan ang eksena na ito, naging maputla ang mukha ni Chen Mei Er. Habang kinakagat ang kanyang mga labi, ipinaalam niya kay Chen Li na gusto na niyang umalis.

Siyempre, alam ni Chen Li kung ano ang iniisip ng anak niyang babae. Siya ay umiling at naglabas na lamang ng buntong-hininga.

Kung mayroon mang nararamdaman si Duan Ling Tian para sa kanyang anak na babae, siya ay handang pagsamahin silang dalawa.

Ngunit sa kasamaang-palad, ang pagmamahal ng kanyang anak na babae ay nasa iisang panig lamang.

"Tama na. Hindi ito ang lugar na magsalita. Maaari na tayong magsalita kapat tayo ay nakauwi na ng bahay."

Sinabi ni Li Huo.

Nang mapansin nila ang mga miyembro ng Li Family na paalis habang nasa paligid ni Duan Ling Tian, ​​ang mga nakapaligid na tagapanood ay dahan-dahan na nagkalat.

Labis na nais nilang umuwi at ibahagi ang kanilang napanood ngayon sa kanilang mga kaibigan at pamilya. Ang piraso ng balita na ito ay tiyak na papatok.

"Siya nga talaga ay isang kagulat-gulat na bata."

Sa gitna ng maraming tao, ang isang hugis ang tahimik na umalis. Ito ay walang iba kundi ang Manager ng Agarwood Restaurant na si Manager Ma.

Sa lugar ng Li Family, sa loob ng Audience Hall.

Tulad ng dati, si Duan Ling Tian ang sentro ng atensyon. Tiningnan ng Grand Elder si Duan Ling Tian nang may isang malabong ngiti. "Bata, pinagdusa mo kami sa pamamagitan ng pagtatago sa lahat ng iyon..."

Si Nan Nan Feng at ang iba naman ay tumango dahil parehas ang kanilang nadarama.

Hindi mahalaga kung ito may ay ang movement technique na isinagawa ni Duan Ling Tian o ang nababaluktot na espada na nakatago sa kanyang baywang, nadama nilang lahat na ito ay labis para sa kanilang mga mata.

Si Duan Ling Tian ay nahihiyang ngumiti. "Ito ay dahil gusto ko siyang sorpresahin siya at hindi magbigay ng oras kay Fang Qiang upang ipagtanggol ang kanyang sarili! Kung ang lahat ng aking mga itinatagong baraha ay nalalaman ni Fang Qiang, siya ay tiyak na magiging maingat 'di tulad kanina. Kung hindi ako naging malihim, ang taong mamamatay ngayon ay hindi siya kundi ako. "

Totoo na sa lahat ng mga kadahilanan na nag-ambag sa pagpatay ni Duan Ling Tian kay Fang Qiang ngayon, ang 'suwerte' ay ginampanan ang isang napakahalagang papel.

Una, nang makita niya na walang espada na hawak si Duan Ling Tian, binabaan ni Fang Qiang ang kanyang pag-iingat.

Pangalawa, hindi inaasahan ni Fang Qiang na kaya ni Duan Ling Tian ang ganoon kalalim na movement technique.

Ang movement technique ay kasalukuyang pambihira sa Cloud Continent.

Ang puntong ito ay isang bagay na napagtanto lamang ni Duan Ling Tian dahil sa mga alaala ng lumang Duan Ling Tian. Ang impormasyon na ito ay lumitaw sa sandaling gumalaw si Fang Qiang para umatake sa kanya.

Ito ay dahil sa oras na umatake ng buong puwersa si Fang Qiang, ang kanyang bilis, sa opinyon ng lumang Duan Ling Tian, ay malayo sa ganap na paggamit ng lakas ng dalawang ancient mammoths.

Matapos makuha ang mga alaala ng Rebirth Martial Emperor, maaaring ituring si Duan Ling Tian na mayroong mahusay na karanasan at kaalaman.

Ngunit sa mga dalawang panahon na naranasan ng Rebirth Martial Emperor, karaniwan ang mga movement techniques; hindi sila halos kasing pambihira sa kasalukuyang panahon.

Ayon sa mga alaala ni Duan Ling Tian, ​​sa loob ng sampung libong taon na ang Rebirth Martial Emperor ay nasa malalim na pagkatulog, ang mga movement techniques ay nagsimula na maging bihira.

"Bata, maaari mo bang ipakita sa akin ang iyong tabak?"

Hiling ni Li Huo kay Duan Ling Tian.

"Syempre naman."

Si Duan Ling Tian ay tumango, pagkatapos ay inilabas niya ang Violet Meteorite Flexible Sword mula sa kanyang baywang bago ibigay ito kay Li Huo.

Next chapter