webnovel
avatar
The Billionaire's Switch Book

novel - Urban

The Billionaire's Switch

jilib480

Ongoing · 24.4K Views

  • 19 Chs

    Content
  • ratings
  • NO.200+

    SUPPORT

Synopsis

Hade Alexandrius Romualdez was a longtime bachelor at masasabing isa sa pinakamayamang negosyante sa buong pilipinas. Kaliwa't kanan ang ginagawa nito at hindi mapigilan ng lahat kung kailan ito mag-aasawa. Kahit ang pamilya at mga kaibigan nito ay hindi alam ang estado ng buhay nito o kung may balak itong mag-asawa. He's tall, rich and handsome. Kumbaga ay nasa kanya na ang lahat ng gusto mo sa isang lalaki. Maraming mga bali-balita na ang naglipana patungkol sa kanya at marami na rin ang na-link sa kanya na kung sino-sinong babae ngunit ang lahat ng iyon ay walang patunay. Napakarami ng bodyguards nito sa malawak na mansyong kinaroroonan nito at hindi maipagkakailang napakalawak na ng sakop nitong lupain. Ngunit paano na lamang kung sa isang araw ay bigla na lamang napag-isipan ng mga magulang nito na ipakasal ito sa isang makapangyarihang pamilya sa labas ng bansa na siyang kasosyo nila sa mga negosyo nila. Ito ay ang pamilya Montreal na nakabase sa United Kingdom. Ang pamilya Montreal ang isa sa maimpluwensyang pamilya at karaniwan na rin sa mga ito ang mga arrange marriages na hindi naman lingid sa lahat. Labis na tinutulan ito ni Hade Alexandrius Romualdez lalo pa't hindi siya papayag na ikasal sa isang babaeng hindi naman niya kilala at mas lalong hindi niya gustong itali ang sarili para lamang sa isang relasyong wala ring patutunguhan. Naniniwala si Hade Alexandrius Romualdez na sagrado ang kasal at walang patutunguhan ang relasyong bugso lamang ng pera't kapangyarihan.

Popular searches