4 Chapter 4

Ilang oras ang nakalipas hindi ko namalayan na nakatulog ako. Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng pusa namin sa labas na nakikipag away sa kapwa nito.

Napakamot ako sa ulo at tumayo. Binuksan ko ang ilaw at hinanap ang phone ko. Nakita ko 'yon sa tabi ng bantayan kong unan. Bukas din ang data nito. Muntik ng malowbat, buti nasa kalhati pa. Nakatulugan ko siguro si Den.

Tinignan ko ang oras, pasado alas dose na pala.

Online pa siya.

Denver:

Mam, gising ka pa ba?

Denver:

Mam, natulugan mo ko.

Denver:

Lalaro lang ako.

Sorry hindi na ko nakapagpaalam. Medyo napagod kasi ako sa maghapon.

-Delivered

Hindi na siya nagreply. Malamang abala 'yun sa paglalaro niya ng ML. Pag gising ko kinaumagahan, wala siyang message na iniwan. Siguro tinanghali siya ng gising o baka naman tanghali talaga ang schedule niya ngayon.

Naghanda na ko pagpunta ko sa school at habang nasa jeep ako nag babasa ko ng memes tamang share lang. Buhay single.

Hindi ko alam bakit tila iniistalk ko si Denver at nakangiti pa ko. Habang nag s-scroll ako sa Facebook niya napansin kong may babaeng madalas mag comment sa mga posts niya tapos nag h-heart react pa. Nag heart react din siya sa tinag ko kay Den.

Denver:

Tinanghali ako nang gising Mam.

Nagsend din siya ng picture na nakain siya tapos ang laki ng pisngi niya kasi puno ng pagkain.

Hahaha. Sobra kasing puyat sa ML. Pero cute mo pa rin dyan sa picture.

-Delivered

Denver:

Love you, Mam. :*

Pakalandi mo! Hahahah!

-Delivered

Hindi ko na inintay ang reply niya. May gusto rin akong itanong.

May tatanong pala ko sayo.

-Delivered

Sino 'yung babaeng madalas magreact sa mga posts mo? Tapos nag c-comment?

-Delivered

Ang tagal niyang nag reply. Siguro tinatapos niya 'yung pagkain niya.

Denver:

Si Zai ba?

Oo eh. Sino 'yun ex mo?

-Delivered

Denver:

Ah. Siya 'yung may crush sa 'kin. Hayaan mo na lang. 'Wag mo ng pansinin.

Parang nadala ako dun sa linyang hayaan mo na lang at wag mo ng pansinin kasi alam ko na 'yan. Maalin eh, naging ex nila o kalandian din nila. Sa dami kong naging ka-past time na lalaki saka pati ex-boyfriend ko ganyan din ang sagot sa 'kin noon.

Pero may sumagi sa isip ako. Inggitin ko kaya siya.Nag grin smile ako at inadd ang babaeng iyon. Wala pang ilang minuto ang nakalipas ay inaccept niya ko.

Denver:

Mam i-myday mo nga picture ko kung talagang crush mo ko.

Natawa ako. Wala naman akong sinabi na gusto ko siya. Hindi bale na nga sakayan ko na lang. Saka masaya naman akong kausap siya. Tapos ito rin ang isa sa iniisip ko mukhang mapapainggit ko na kay Zai itong si Den. Ang pinapangarap niya eh nasakin na pero sabagay nalimutan kong wala nga palang kami. Pero kahit na kalandian ko pa rin naman.

Natawa na lang ako ng bahagya sa iniisip ko.

Sige. Ano bang caption gusto mo?

-Delivered

Denver:

Basta maganda, Mam.

Pumili ako ng isang picture sa mga sinend niya sa 'kin. Napili ko 'yung nakaputi siya na shirt tapos naka fierce siya. Favorite niyang pose 'yun eh naka fierce lang siya.

You are the best thing that's ever been mine.

Caption ko sa my day ko na may picture niya. May iilang nagheart at nagchat sa 'kin kung boyfriend ko daw ba. Sinagot ko lang sila na ewan. Si Zai na crush siya pinusuan din yon. Biglang may nag pop out sa Facebook App ko na notification.

Dane Mavrick sent you a friend request.

Inistalk ko ang babaeng nag friend request sa 'kin. Iniisa ko ang mga pictures nito. Kaapilyido kasi ni Den at hawigin din nito.

"Sabi na eh", sambit ko sa aking sarili. Kapatid niya siguro dito. Nasa timeline photos nito ang tila family picture, tatlong babae at dalawang lalaking magkakapatid ang naroon kasama ang kanilang magulang nakasuot ng porselanang damit silang lahat at ang mga lalaki naman ay naka slacks na itim. Siguro umattend sila ng kasal. Inistalk ko pa ng maigi at mas lalo akong naging tama sa aking hinala na kapatid niya nga itong mas nakakatanda sa kanya.

Nakatag si Den sa halos family picture nila pati ang iba niyang mga kapatid.

Den, kilala mo ba 'tong si Dane?

-Delivered

Denver:

Oo, Mam. Ate ko yun. Bakit?

Nag send kasi sa 'kin ng friend request.

Denver:

Hayaan mo na lang siya. Kukulitin ka lang niyan.

Hindi ako nakinig kay Den nahihiya kasi ako kung hindi ko iaaccept ang kapatid niya baka isiping suplada ko eh hindi naman.

Inaccept ko na lang.

Denver:

Mam, kita tayo.

Ayaw ko pa. Siguro 'wag na lang.

-Delivered

Wag na lang kasi natatakot akong baka pag nagkita tayo eh start na ng kunong love story natin na ang patutunguhan eh lokohan lang din naman.

Ayoko munang magkaroon ng karelasyon. Baka kasi magkamali na naman ako mahirap na.

Denver:

Bakit naman? Mag iisang buwan na rin naman tayong magkachat, Mam. :(

Uhmm. Bahala na?

-Delivered

Pag iisipan ko muna para kasing masyadong mabilis. Pag masyado kasing mabilis madaling mawala. Madaling pakawalan. Hindi masyadong hinihigpitan ang hawak kaya mas madaling mawala.

Parang noong nakaraan kong relasyon, hindi ko muna kinilala, nagpaligaw agad ako at mag iisang buwan palang siya sa 'king nanligaw eh sinagot ko na.

Masyado akong nagpadala sa kilig at sa inggit sa ibang magkarelasyon na masaya. Dapat pala bago kilig, at pintig ng puso, isipin muna ng mabuti  ang desisyon. Isang maling desisyon, malaking sakit ang kapalit.

Nagmessage muli sa 'kin si Davin matapos ang ilang araw na hindi pagpaparamdam malamang bored ang isang to'. Ayan ganyan sila nilalapitan ako pagbored ako.

Davin:

Kumusta baby? Laro tayo?

Wala ko sa mood, DN.

-Delivered

Davin:

Bakit? Nalimutan mo na nga ako eh. Ni hindi ka nangangamusta.

Alam mo ang daldal mo. Wala lang talaga ko sa mood may iniisip ako.

-Delivered

Davin:

Ako ba 'yung iniisip mo?

Umirap ako sa hangin. Napakalandi talaga ng isang ito.

Tinipa ko ang pangalan ni Davin sa Facebook at hinanap ko ang tagged post sa kanya ng girlfriend niya.

Hayun! Natagpuan ko rin! Nagawa ako sa may icon ng message at clinick iyon. Gusto ko na siyang isumbong sa mga kalokohan niya pero natigilan ako may kung anong nararamdaman ang pumipigil sa akin malamang baka konsensya ko.

Napabalikwas ako sa message ni Davin. Hindi ko pala siya na replyan.

Davin:

Gusto kitang mapasakin kahit na mali.

Natawa ko sa sinabi niya napakanta naman ako kahit papaano. Pero mali iyon hindi porket wala 'yung jowa sumaside line na sa iba. Jusme! Gustong-gusto ko na talaga siyang isumbong pero kasi baka ako pa 'yung lumabas na mali baka baligtarin niya ang kwento.

Alam mo mas mabuti pa yayain mo 'yung jowa mo mag ML. May tutorial naman kaya madali siya matututo.

-Delivered

Tama! Ganoon na lang ang gawin niya ng gayon eh lumayo siya sa tukso at saka ako rin baka magkagusto nga siyang tunay eh kasalanan ko pa.

Davin:

Hindi. Ayaw non. Hindi siya mahilig sa mobile games. Saka busy siya sa work.

Walang time sa'yo?

-Delivered

Siguro nga minsan nakakabagot 'yung walang time 'yung karelasyon mo sayo pero kung para sa future dapat magtiis tayo. Sabi nga nila, look at the bright side of life. Gusto lang kasi ng mga kabataan ngayon puro pasarap kulang sa hirap.

Hindi ganon kadali gumawa ng magandang pundasyon sa relasyon kung puro pansarili lang ang iniisip natin at puro pangako na kulang sa gawa. Tapos ang masaklap hindi naman mapatunayan.

Davin:

Oo eh. Minsan nga iniisip ko kung may girlfriend pa ba ko?

Ayan hirap kasi sa inyong mga lalaki masyado kayong self-centered! Hindi niyo iniisip ang sakripisyo naming mga babae para sa inyo!

Napaka judgemental ko sa mga lalaki. Iniisip ko palang kung paano at bakit ako pinagpalit ng mga naging ex ko ay nakakainsulto sa pagiging babae ko. Nakakainis na bakit si Zace din ay nagawan ng ganoon ng boyfriend niya.

Pero totoo 'yung iniisip ko kapag nawala ka na ng oras sa kanila magsisimula na silang magloko. Hindi manlang nila naisip na magsabi na lang ng totoo. Mga wala ba silang eggs kaya ganon? Mahirap bang magpakatotoo kaya pinipiling magloko. Lumayas na lang sa buhay ng babae kung ganon. Mga sakit sa ulo.

Hirap din kaya sa panahon ngayon mas maraming panget na manloloko kaya hindi ko masisisi ang ibang babae dyan kung bakit mas pipiliin magjowa ng lalaking gwapo para sulit kahit niloko. Loko lang 'yun! Char!

Magtrabaho ka rin kaya kung saan siya nag t-trabaho. Saka ang bata niyo pa para dyan.

-Delivered

Wow! Makapagsabi ako ha parang hindi ako nalandi.

Nag my day ako. "Sabi nila aral muna bago landi pero iba kasi sa 'kin landi habang nag aaral para mas masaya". Humalakhak ako dahil sa sarili ko. Wala namang mali kung focus ka pa rin sa pag aaral mo habang pasilay-silay kay crush. Gawin silang inspirasyon! Wag expirasyon! Mahirap girl ng ganon!

#WalangTayoChapter4

avataravatar
Next chapter