Chapter 51

"THALIA, gusto mo sumama."

"Saan?" malamya nitong tanong.

"May date kami---" Ow tama ba isama ko pa? magmumukha siyang third wheel.

"Talaga? Sige, saan kayo kakain, at saan kayo mamamasyal? Go ang beauty ko since tapos na kami mag-work ng epal mong kapatid." seriously, kaninang matamlay ngayon parang nabuhayan.

"Ayos lang sa iyo kung isama ka namin baka isipin mo ginagawa ka naming---"

"Ano, third wheel? Hindi, ah! Gusto ko ngang ganoon para malibre sa pagkain tapos mawawala inip ko kapag wala nang work."

Matagal kami nagkatitigan hanggang sa sumabit ito sa batok ko.

"Kailangan ko kasi magtipid may bibilhin ako kaya sige na pumayag ka na kahit maging third wheel pa ko sa relasyon ninyo walang problema."

"A---araaay teka…nasasakal ako…" kaagad bumitaw. "At ano naman bibilhin mo sa pera?"

"Basta."

"Baka kung anong bagay na walang kuwenta lang, ah."

"Tsk, para ito sa kinabukasan ko."

"Kinabukasan?" tinig ni Alex bitbit ang camera nito.

"Heto na naman po ang epal hindi kinakausap sabat nang sabat." todo irap sa kapatid ko.

"Bakit ikaw ba tinatanong ko?" umakbay sa akin.

"Usapan namin ito huwag kang epal." crossed arm nito.

"May galit ka ba sa akin, Thalia ha?"

"Okay, wait relax lang kayo. Mag-usap kayo ng maayos hindi 'yong dinadaan palagi sa init ng ulo." pagpapakalma ko sa dalawa.

"Tara na sa date baka hindi ko matantiya itong tao na 'to." hatak sa kamay ko. Nagtatakang nakatingin lamang si Alex sa amin dalawa.

"HUWAG mo masyado sungitan si Alex alam mong kapag naaasar 'yon lalong nang iinis."

"Kilala mo ko kapag siya dahilan ng pagkabanas ko talagang umaabot hanggang tuktok." paliwanag niya habang isinusuot ang seatbelt pero dahil dinadaan sa inis hindi makuha ang dapat kunin sa gilid niya.

Akong mabait tutulungan siya pero iba nahawakan ko ang kanyang kamay, pareho nawala yata sa isip namin ang nangyari, at kami sy na istatwa.

"A-anong ginagawa mo?" nauutal nitong usisa.

Kaagad kong isinuot sa kanya ang seatbelt at nag focus sa minamaneho.

"Saan mo susunduin si Charie?"

"Malapit sa restaurant." halos sabay kami nagkatinginan pero kaagad din umiwas sa isa't-isa. Sa inis ko kung bakit ganito nararamdam ay nakuha kong mag-whistle habang siya at nakalingon sa kabilang bintana.

NANG marating namin ang pick-up point ni Charie madali kong tinatanggal ang seatbelt na maski siya ay nagmadaling lumipat sa bandang likod para bigyan daan si Charie.

"HI THALIA." bati ni Charie rito.

"Hello." ganti niya.

"Kumusta ang restaurant?" usisa ko.

"Halos dalawang oras akong tumambay doon."

"Talaga? Pasensiya na sinamahan ko kasi itong si Thalia." turo ko sa likuran.

"Ayos lang, saan tayo?"

"Plan ko sana kumain pero sabi mo dalawang oras kang nag-stay sa resto ko."

"So plano mo hindi kakain??" singit ni Thalia na kaagad nagreklamo ang tiyan dahilan para pareho kami nangiti ni Charie.

"It's okay lang ba kung kayo na lang kumain ni Thalia busog na busog pa talaga ako siguro mamaya na lang ulit kumain after mamasyal." I nodded sa suggestion nito.

"Huwag ka mag-alala makakakain pa tayo." lingon ko kay Thalia sabay andar sa kotse.

Sa  daming kuwento ni Charie tungkol sa buhay niya mukhang alam ko na ang lahat masyado siyang madetalye magkuwento na para bang wala siyang itinagong sikreto.

Samantala si Thalia tahimik lang hindi ko mabasa iniisip nito masyado pa-mysterious.

"Dito tayo!" biglang preno dahil sa sigaw ni Thalia.

"Dito?" alanganing usisa ni Cha.

"Oo bakit?"

"Wala naman."

"Hindi ka siguro maarte sa place, ano? Kung titingnan kasi mukhang dugyot ang lugar dahil katabing palengke pero maipagmamalaki ang sarap ng mga pagkain."

"Siguro next time."

"Baka next time hindi ako kasama sa date niyo saka hindi ka pa naman kakain, right?"

"Kayo ang bahala." sumimangot.

"Tara, Drew kanina pa ako nagugutom." nagmadali itong bumaba habang kami ay naghanap muna ng mapaparadahan.

"ANG TAGAL ninyo. Oh, ayan naka-order na ako." abot sa akin ng menu. "Masarap 'yong inorder ko."

"Upo ka. Are you sure 'di ka talaga kakain?" tanong ko sa pananahimik ni Charie.

"No, busog pa talaga." I nodded sa tugon nito. Habang si Thalia hindi maipinta ang mukha.

Moody.

"Pasyal tayo sa mall." sabi ko.

"Wala na bang iba?" singit ni Thalia na pareho namin ikinatahimik ni Charie. "I mean, walang ibang place na unique ganoon."

"Date namin ito 'di ba kaya kung ano gusto ng isa 'yon ang masusunod." umirap si Cha rito bago ako ngitian. "Sige sa mall tayo marami sale ngayon na make-up."

I nodded na may alinlangan ng tingnan ko si Thalia halos hindi maipinta ang pagmumukha, at kung hindi ako papalagitna sa dalawa baka magsabong na ito.

AFTER makakain dumiretso kami sa mall, panay lamang cellphone si Thalia habang kami ni Charie ay tila paulit-ulit lang sa kuwentuhan. Minsan pilit kong tinatabihan si Thalia para may ibang topic pero hinahatak lang ako ni Charie patungo sa puwesto nito.

"Samahan mo ako sa loob?"

"Dito na lang ako sa labas." tanggi ko rito.

"Sige saglit lang naman paubos na kasi make-up ko."

"Sige lang." I nodded bago ito pumasok sa isang sikat na bilihan ng make-up.

Kaagad kong nakita si Thalia kumakain ng ice cream nakaupo sa mahabang upuan na katapat lamang ng pinasukan ni Cha. Lumapit ako at siniko ang braso nito na parang walang nakikitang tao dahil abala pa rin ito sa pagharap ng cellphone.

"Ayos ka lang?"

"Oo naman."

"Bakit ayaw mo kumibo?"

Naiinis itong tumingin, "Sino kikibuin ko, sarili ko?"

"Kausapin mo kami ni Charie."

"Mukhang ayaw niya sa akin pakiramdam ko hindi niya bet na kasama ako sa date ninyo."

"Huwag mo isipin 'yan mabait si Charie."

"Mabait kapag kaharap mo pero iba pakiramdam ko sa kanya."

"Sinisiraan mo siya?"

"Hindi, ah."

"O baka ayaw mo sa kanya for me?"

"Hindi sa ayaw kaya lang sana kinilala mo muna."

"May tiwala ako kay Alex at isa pa date lang ito."

"Ibig sabihin may chance na puwede maging kayo?"

"Ewan malalaman."

"Hindi mo na mahal si Princess?" natigilan ako sa tanong nito. "Kasi parang wala na siya para sa iyo."

"Thalia."

"Mababalewala na lang ba lahat ng mga ala-ala ng pinsan ko?"

"Mali ka nang iniisip. Mahal na mahal na mahal ko siya pero bawal na ba talaga akong umibig?"

"Walang masama kung umibig kang muli."

"See?"

"Ang masama 'yong hindi mo man lang ako inisip."

"Anong connect sa iyo?"

Bumuntong-hininga bago simutin ang ice cream.

"Wala."

"Kung iibigin ko ba si Charie isa ka ba sa aayaw??"

"Parang…pero kung mamahalin mo siya wala akong magagawa hindi ko hawak ang puso mo." medyo kumirot ang dibdib ko sa sinabi nito.

"Sige tatanggapin kong aayaw ka." ikinagulat nito ang pagsang-ayon ko. "Since sinabi mo wala kang magagawa." dagdag ko pa.

"Wala na bang iba? Si Charie talaga? Hindi ko nakikita sa kanya ang magiging future mo." inis nitong tanaw sa pinag-uusapan namin babae, at maski ako ay napatanaw na rin.

"Eh sino nakikita mo?"

"Wala pa kaya sana huwag si Charie feeling ko may something sa kanya."

"Aba, nagseselos ka ba?"

"Selos your face," todo irap. "Ni sa tanang-buhay ko…"

"Oo na, oo na, ikaw ba ayaw mo bumili ng make-up mukha ka na kasing losyang…" biro ko na ikinainis na naman.

"Hindi ko kailangan ng make-up dahil mayroon man o walang nakapahid dito maganda pa rin ako dahil iyan ang tinatawag na natural na kagandahan, tsk."

"Okay, sige na lumalakas na masyado ang hangin dito baka liparin ako." kuha kaagad ang biro ko dahil kinurot ako sa tagiliran.

"Hindi talaga siya ang bagay sa iyo." huling sabi nito bago kami nawalan ng kibo.

"PASENSIYA ka na sinabay ko pamimili ng mga kailangan ko sa bahay para isang lakaran na lang." panay ang hingi ni Cha ng paumanhin dahil halos sampung paper bag ang bitbit ko.

"Ayos lang."

"Ayos ba 'yon hirap na hirap ka." bubulong-bulong wika ni Thalia.

Sa inis ko rito ibinigay ko sa kanya ang dalawang paper bag nagulat man ay nakuha nitong kunin sabay walk out, napaka moody ng babaeng 'yon.

"Kain tayo?" lapit ni Cha.

"Sure ikaw na bahala kung saan." hanap ko kay Thalia.

"Hayaan mo na 'yon."

"Baka hanapin tayo."

"Alam naman niya ang parking lot eh di hintayin na lang niya tayo." medyo disappointed ako sa sinabi nito. "Huwag mo masamain nagugutom na talaga ako."

I nodded at sabay namin pinasok ang isang kainan. Tinext ko na lang si Thalia kung nasaan kami at pagkaraan seryoso itong pumapasok ng entrance pansin kong malaki ang pagkakahawig nila ni Prinsesa.

"Balak mo talaga hindi ako isama sa pagkain, ano?"

"Hindi, ah." tanggi ko.

Nakanguso itong lumapit sa counter saka bumalik sa puwesto namin.

"I hate her."

"Sino?"

"Wala." masamang titig ang ginawa kay Cha ng makaupo sa tabi ko.

"Mabuti nalaman mo kung nasaan kami?" bungad ni Cha rito.

"Ako pa ba? Kahit saan kayo magpunta nandoon ako."

Dinig kong umismid si Cha, "Daig mo pa alalay sa ginagawa mo, ah."

"Kung alalay pala turing mo sa akin eh ano ka pa?"

"Thalia." awat ko.

"Kung hindi mo ko gusto, okay lang hindi rin naman kita gusto."

"Wala akong sinasabi, lets eat." seryosong paanyaya ni Cha habang si Thalia ay di maipinta ang pagmumukha.

PAGKARAAN ng ilang minuto nagpaalam ang dalawa na pupunta sa comfort room. Habang hinihintay ang pagdating nila tinawagan ko si Alex para sabihin nasa labas kami ni Charie kasama si Thalia. Noong una medyo inis siya dahil bakit pa raw kailangan sumama ni Thalia pero dahil ako ang may gusto sinabi ko ang totoo.

Maya-maya mabilis na lumalapit sa akin si Cha pero kinuha ang sling bag.

"I have to go."

"Oh why?" siyang tayo ko para pantayan siya.

"May importante akong pupuntahan." iniisa-isang dampot sa mga paper bag.

"Ihahatid na kita hindi mo kakayanin mga 'yan."

"It's okay, papunta na driver ko siya na lang bahala rito."

"Are you sure?"

"Yes, thank you for your time." kaagad itong yumakap ng parating si Thalia.

Wala akong narinig pa mula sa kanya sa paglabas dahil sumalubong kaagad ang driver niya para kunin ang mga dala.

"Uuwi ka na?" usisa sa akin.

"After nito bakit may gusto ka pa ba puntahan?"

"Ikaw ba?"

"Maaga pa naman para magdilim." tingin ko sa cellphone.

"Naalala mo 'yong lugar na pinuntahan natin apat nila Alex at Princess?"

"Antipolo?"

"Uhm, oo gusto ko magpunta roon mamayang gabi."

"Ah sige ikaw ang bahala."

"NAAALALA ko si Princess." banggit nito ng marating namin ang eksaktong lugar dati. Pinili kong manahimik habang sunod-sunod nitong pinakawala ang malalakas na buntong-hininga.

"Siguro ang ganda at guwapo ng mga anak ninyo." sambit nito ng tingnan ako.

"Kamukha sigurado niya." nakangiti kong tugon.

"Pareho niyong kamukha."

"Baka nga."

"Anong baka nga? I'm sure 'yon," naupo sa damuhan, sinundan ko. "Bawal tumawa challenge tayo?"

"Bawal tumawa? Ano 'yon?"

"Madalas content ng mga vlogger dapat gagawin namin 'yon ni Prinsesa kaso nga biglaan  pagkamatay niya."

"Ayoko na may video." Kakamot-kamot kong tugon.

"Eh di wala, ano game ka?"

"Sige paano ba gagawin?" pinaliwanag nito kung paano gagawin at sasabihin, at kung sino pinakamaraming tawa ay makikitulog sa bahay.

"Sure ka makikitulog ka sa bahay?" paniniguro ko.

"Kung matatalo mo ako." hamon nito.

"Aba, hindi mo yata nalalaman magaling ako magtago ng saloobin." medyo natatawa kong bulaslas.

"Eh di tingnan natin."

"Sino mauuna?"

"Bato-bato pick tayo, syempre." walang kahirap-hirap naglaro kami ng bato-bato pick, "So paano ba 'yan panalo ako kaya ako ang mauuna." mapang-asar nitong sambit.

"Oh sige."

"Seryosong mukha ngayon na." bulaslas nito dahilan para ako at matawa. "Sabing seryosong mukha bakit tumatawa ka?"

"May ganoon ka pa kasing sinasabi." Tawang-tawa kong sabi.

"Eh syempre dapat may intro!"

"Oh sige."

"Seryosong mukha ngayon na." pinigilan kong huwag matawa pero siya itong tumawa ng malakas.

"Ikaw naman ngayon ang tumatawa!"

"Lumalaki kasi butas ng ilong mo, hahahahaha."

"Eh di talo ka na?"

"No way, okay go seryosong mukha ngayon na. Ano sinabi ni mommy doughnut sa anak niya ng makita sa itaas ng puno?"

"Ano?"

"Babarian!" natahimik kami pareho at naghihintay kung sino tatawa ngunit wala.

"Anong isda ang nahahati?"

"Ano?" tanong nito.

"Tuna ( Two na )" kaagad humagalpak ng tawa sa joke ko.

"One point ka na." paalala ko.

"Babawi ako. Ano ang pagkain ang nakakagulat?"

"Oh ano?"

"Soup and rice! ( Suprise )"

"Okay?" seryoso kong sabi.

"Ano sabi ng isang dagat sa isang dagat?"

"Ano?"

"Wala nag-wave lang sila."

"Ha?" hindi yata na gets joke ko.

"Nag-wave lang sila kasi dagat, eh. Nakakapagsalita ba ang dagat?"

"Ahhhh…eh, bakit 'S' nakalagay sa damit ni Superman?"

"Bakit?"

"Kasi walang medium! HAHAHAHA." pareho kami tumawa ng malakas.

"2, 1 na." natatawa ko pa rin paalala. "Anong aso ang matamis?"

"Ano?"

"ASOKAL."

"Hindi nakakatawa." umiismid nitong sabi.

"Deep inside tawang-tawa ka na sa joke mo nga tumatawa ka."

"Bleeee… ano tawag ni baby patatas kay uncle patatas?"

"Ano?"

"HELLO PO TITO." umeko yata tawa ko doon, ah.

"2, 2." paalala nito habang hindi mawala ang tawa ko sa joke na 'yon.

"Anong tawag sa damit na may design na bulaklak?"

"Ano?" humihikab nitong tanong.

"Eh di Floral ( Plural )" hindi natawa. "Eh anong tawag sa damit na may bulaklak pero nag-iisa lang?"

"Ano?"

"Eh di singular ( SINGLE )" doon niya naibuhos ng todo ang tawa dahil na gets kaagad ang joke ko. Mababaw ang babaeng ito tumatawa kahit korni joke.

"So paano ba 'yan talo ka." paalala ko. Hindi makasagot dahil tawa nang tawa. "Doon ka matutulog sa bahay."

"Okay walang problema!" tumawa ito.

"Magsama ka isa sa mga kaibigan natin para hindi ka mailang."

"Kahit huwag na."

"Ayos lang ba talaga sa iyo na matulog sa bahay?"

"Oo naman! Matagal na namin plano ni Princess hindi matuloy-tuloy dahil sunod-sunod trabaho ko."

"Kaso wala na siya wala nang dahilan para matulog ka."

"Gusto kong tuparin ang gusto niya saka hirap mo pala kausap sabihin mo lang kung ayaw mo sa hotel ako matutulog."

"Maghohotel ka pa bakit hindi sa apartment?"

"Ayokong makita si Alex." busangot sa mukha.

"Nasa bahay nila 'yon."

"Mali ka nandoon sila sa apartment at doon daw matutulog."

"Kina mommy."

"Babiyahe pa ako ng malayo."

"Ihahatid kita, wait tawagan ko." tinawagan ko mommy ni Prinsesa pero wala raw sila sa bahay.

"Oh ano sabi pumayag?"

"Wala sila sa bahay."

"Sa inyo na lang kasi." nakanguso nitong pakiusap.

"Eh wala na akong choice saka panalo ako rito, eh."

"Hindi naman tayo magtatabi sa kabilang kuwarto ako, hahaha."

"Alam ko baka lang kasi mailang ka."

"At ano ang dahilan??"

"Wala."

"O baka ikaw naiilang?"

"Hindi, ah!"

"Talaga ba?"

"Oo naman bakit ako maiilang sa iyo?" akbay ko rito. "Walang dahilan para mailang sa isang tulad mo."

"Talaga lang ha."

"Tara umuwi na tayo ipagluluto kita ng dinner." masaya namin tinungo ang kotse.

HABANG nasa biyahe nagngingitian kami na tila ba pareho kami masaya sa gagawin. Isabay pa ang tugtugin ng Ben & Ben na 'Pagtingin'. Yumakap ito sa braso ko.

"Baka mabangga tayo."

"Bawal ba yumakap sa asawa ng pinsan ko?" hinimas ang braso ko gamit ang pisngi nito.

"Wala pero baka mabangga tayo."

"Inom tayo?" pagbabago niya sa usapan na kaagad umalis sa ginagawa at may dinayal.

"Sino tinawagan mo?" usisa ko matapos may tawagan sa cellphone.

"Nagpadeliver ako ng alak."

"Pinadeliver mo pa puwede naman tayo ang bumili since marami pa bukas na tindahan."

"Uulan daw sabi sa monitoring ko."

"Sabagay takot ka nga pala sa tubig."

"Meow."

"Pusang-pusa ka talaga."

"May bathtub ba banyo ninyo?"

"Mayroon, bakit?"

"Maliligo ako."

"Eh di ba nga takot ka sa tubig?"

"Epal ka."

"HAHAHA."

"Ikaw din naman di naliligo."

"Hoy matipid lang ako pero hindi tamad. Sabay nga kami naliligo ni Prinsesa para hindi malaki sa bill."

"Ah ganoon pati ba naman 'yan ikukuwento mo pa?"

"Sus, pa-virgin ka pa lam kong noong kayo pa ni Alex may nangyayari na sa inyo." nanahimik ito at pagkaraan nagsalita.

"Sa tagal ba naman namin imposibleng wala." dinig kong buntong-hininga nito.

"Aminin mo may gusto ka pa ba sa kanya?"

"Dagdag sakit sa dibdib kung itatanggi ko syempre, minahal ko si Alex kahit may Daryll pa rin"

"Naguguluhan ako sa nararamdaman mo sa dalawa."

"Kahit ako man."

"Sino ba naging mas matimbang sa dalawa?"

"Ewan ko nga, eh."

"Gulo mo."

"Sa palagay ko wala nga talaga sa dalawa ang para sa akin."

"Dahil unang-una may asawa na si Alex, at pangalawa hindi magbabago si Daryll. Hintayin mong dumating ang lalaking para sa iyo."

"Bakit hindi na lang tayo?" sa sobrang pagkabigla nahinto ako sa pagmamaneho. "Wala naman siguro masama."

"Pinsan ka ni Prinsesa hindi puwede."

"Eh ano? Kung nakikita tayo ni Princess I'm sure matutuwa 'yon."

"Hindi puwede."

"Gulo mo ang pagkakasabi mo sa akin noon malay natin tayo pala ang para sa isa't-isa."

"Pero biro lang 'yon."

"Biro lang ba?" sumimangot. "Sabagay may Charie ka nga pala na nililigawan."

"Hindi ko siya nililigawan."

"Pero may balak?"

"Hmm…kung may pagkakataon why not."

"Hustisya naman siya bagong kilala puwede mo ligawan samatalang ako matagal mo nang kilala ayaw mo?"

"Ayoko masira pagkakaibigan natin."

"Kaibigan?"

"Oo, kaibigan, at pinsan."

"Ganoon ba?" ang lungkot ng mukha ay napalitan ng masaya. "Okay! Hindi kita pipilitin, hahahaha."

Pinaandar kong muli ang kotse hanggang sa makauwi ng bahay. Sakto dumarating din ang pinaorder niyang alak. Pagpasok sa loob ibinaba ko kaagad ang mga alak sa table.

"Maliligo muna ako." kaagad hinanap ang banyo. Samantala ako ay sinimulan magluto ng dinner. After six minutes na tapos ko ang pagluluto pero hindi pa tapos si Thalia.

Kinatok ko ito sa banyo ng ilang beses bago buksan ang pinto. Nakatapis na siya ng tuwalya ko at diretso sa kuwarto namin. Feeling bahay niya kung kumilos panatag na panatag.

"Hindi ka ba naglilinis ng kuwarto?" dinig kong tanong nito saka ko pinuntahan.

"Naglilinis ako."

"Eh bakit nakakalat mga damit mo sa ibaba?" Sunod-sunod na pinulot.

"Ako na gagawa niyan." nakikipag-agawan ako sa mga damit sabay nahatak ko ang tuwalya. Kaagad akong tumalikod.

"Diring-diri ka sigurong makita katawan ko."

"Dios ko, Thalia."

"Bakit ayaw mo humarap."

"Babae ka, at lalaki ako."

"Eh ano wala ka naman gagawin masama."

"Kahit na." Hinatak niya kamay ko sabay yakap sa akin. "Thalia."

"Puwede ba, Andrew?"

"Ano?"

"W-wala…" naguguluhan kong tiningnan ito sa mata. "Lumabas ka na magbibihis ako."

"May damit ako riyan kumuha ka na lang."

"Wala ba kay Princess?"

"Bahala ka." nagmamadali akong lumabas sapo ang dibdib na kanina pa may naghahabulang kabayo.

Tinapos muna namin ang pagkain ng dinner bago uminom ng alak sa sala. Nanuod kami ng movie, pareho naupo sa lapag habang nakasandal sa sofa.

"Mamamatay daw 'yan."

"Sige i-kuwento mo na lang." Sa sobrang pikon nito tinawanan ko na lang.

PAGGISING ko magkatabi kami nakahiga sa sofa hindi ko magalaw ang kamay dahil dito nakaunan si Thalia, ginising ko ito at kaagad bumangon, at upungas-pungas itong tumakbo sa banyo para sumuka.

Sinundan ko saka isinandal ang likod sa pintuan ng banyo.

"Ano alak pa?" panay suka.

"Kulang pa 'yan." patuloy kong pang-aasar.

"Ang sakit ng ulo ko…" isinandal ang ulo sa tiles.

"Sige ipagluluto kita ng masarap na sabaw ng magising ka sa katotohanang hindi ka na niya mahal."

"Sira-ulo!" tumakbo ako patungong kusina baka kasi kung ano ibato sa akin mahirap na.

"AYAN humigop ka ng mahimasmasan." alok ko ng matapos magluto ngunit nakasubsob mukha sa lamesa.

"Inaantok pa ako."

"Kumain ka muna saka ka matulog. Mailangan kong pumasok ngayong araw."

"Pinatutulog mo ako tapos aalis ka paano kung hindi ako magising!"

"Magigising ka."

"Paano kung dire-diretso tulog ko?" paawa effect.

"Eh di mainam para pagbalik ko tulog ka pa rin."

"Buwisit ka talaga!"

PAPASOK ako ng restaurant, maraming tao ang kumakain nakita ko si Charie umiiwas ng tingin nilapitan ko para kamustahin.

"Kamusta ang pagsasama ninyo kahapon ni Thalia?"

"Kahapon, ayos lang bakit?"

"Anong bakit? Inaway kaya niya ako kahapon!"

"Ha?"

"Dinahilan kong aalis ako pero ang totoo wala akong pupuntahan. Alam mo ba tinarayan niya ako sa banyo at pagkatapos binantaan?"

"Sinabi niya 'yon??"

"Tingin mo gagawa ako ng kuwento?"

"Pero bakit naman niya gagawin 'yon?"

"Ewan ko roon sa kaibigan mo!"

"Sige kakausapin ko siya."

After lunch lang yata nagpaalam akong uuwi pero ang totoo makikipagkita ako kay Thalia.

"Ano kailangan mo?" nasa shoot sila ni Alex. Mabuti abala kambal ko mag-assist ng mga modelo.

"Nakausap ko si Charie inaway mo raw kahapon."

"Sumbungera."

"Bakit mo naman kasi inaway?"

"Wala trip ko lang bakit?"

"Trip mo lang kaya inaway mo??"

"Oo bakit?"

"Sa susunod pipili ka ng pagtritripan ha?"

"Bakit ang init ng ulo mo?" nakataas ang kilay nito.

"Walang ginagawang masama 'yong tao tapos aawayin mo, ano ka bata?"

"Eh bakit nagagalit ka? Hindi mo ba aalamin kung bakit ko inaway ha?"

"Sa palagay ko dahil maldita ka talaga."

"Anong sabi mo?" tulak sa akin.

"Maldita, oo tama, maldita talaga ako at pinipili ko kung sino dapat tarayan o hindi. Sa hitsura niya dapat siyang tarayan."

"Tama na."

"Wala ka kasing alam!"

"Kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig mo."

"Nagsasabi ako ng totoo wala kang alam sa totoo."

"Nag-aksaya lang ako ng oras para puntahan ka." ngitngit ko.

"Sino ba kasi nagsabi puntahan mo ko rito?"

"Nakakainis." bulong ko.

"Eh di mainis ka!" muli akong itinulak at saka nag-walk out. Natigilan si Alex at tila nagtatanong kung ano pinag-usapan namin.

NANG sumunod na dalawang araw hindi nagpakita si Thalia pero palagi kami nagkikita ni Charie sa restaurant.

"Pasensya na kung nag-away kayo dahil sa akin."

"Hindi kami nag-away tampuhan lang."

"Nakakahiya baka sabihin no'n sumbungera ko."

"Huwag mo isipin."

"May itatanong sana ako."

"Hmm?"

"Nililigawan mo na ba ako?" saglit akong napaisip kung nililigawan ko na nga ba ito. Saglit din sumagi sa isip ko ang aking asawa.

"Pag-iisipan ko."

"Okay, willing to wait pero gusto ko sana sabihin sa iyo na gusto kita."

Gusto niya ako?

"Kung manliligaw ka hindi na kita pahihirapan."

Pasimple akong ngumiti at nag-isip ng malalim halos di ko na nga matandaan mga usapan namin dahil naiisip ko si Princess at Thalia. Kung bakit pati si Thalia naiisip ko ay hindi ko alam.

To be continued...

avataravatar
Next chapter