1 Simula

SUOT ANG MAIKLI at makinang na damit ay pumasok si Lucy sa loob ng isang bar. Napangisi s'ya nang maagaw n'ya ang atensyon ng mga kalalakihan. Naglakad ito papunta sa counter , pati ang bartender ay nabighani sa ganda n'ya. Titig na titig ito mukha at ibaba ang tingin sa dibdib nya.

"Give me a hard drink, please." Magkasama ang lambing at landi sa boses n'ya. Ngumiti ang bartender at kumindat sa kanya bago ihagod ang tingin sa kanya.

"Are you alone,miss?" May tumabi sa kanyang isang lalaki. Napangisi sya at tiningnan ang kabuuan ng lalaki. Gwapo ito,brusko ang katawan ay may nakakalokong ngiti.

"Yeah,will you join me?" Malanding sabi n'ya. Ngumisi din ang lalaki. Nang gabi iyon ay nagkaisa ang katawan nila. Pinaligaya ang isa't isa hanggang marating ang sukdulan. Punong puno ng pagnanasa ang gabing yun.

Kinaumagahan. Natagpuang patay ang isang lalaki,walang senyales ng saksak o baril o bugbog. Basta nalang namatay dahil sa kanya.

She's Lucy,ang natitirang imortal na anak ni Lucifer. Ang mga kapatid nya ay binawian ng responsibilidad, karapatan at kapangyarihan dahil sa hindi na nila pagsunod sa nakatataas. Sya nalang ngayon ang may kakayahan at ang narito sa mundo ng mga tao.

Kung asan na ang mga kapatid nya ay hindi na nya sigurado.Kaya gagawa sya ng paraan para makapunta sa Underworld para hanapin ang mga kapatid at iligtas ito kung nasa kapahamakan man sila.

Mula sa mundo ng mga tao,kung saan siya naghahasik ng lagim at kapusukan at pumunta sya sa mundo ng Veralis para simulan ang paglalakbay papunta sa mundong kinalakihan nya.

Sa tulong ng anak ng pinakamagaling na manlalakbay na kilala nya,umaasa syang makakapunta sila sa Underworld para sa mga kapatid nya...

______________________________________

AxeValkins.

avataravatar
Next chapter