webnovel

Chapter Two

\

\\

...

Simula nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, napaalis na ang mga Kastila. Ang Pamilya Sagrado naman ay nagtungo ng Espanya para doon manirahan. Dumaan ang maraming taon, natapos na ang giyera ng mga Hapon at Amerikano, bumalik na ang buong mag-anak na Sagrado sa Pilipinas.

Si Enrico, ang anak na panganay nina Alfredo at Nina, ay isang ganap na abugado. Samantalang ang mga kapatid niyang mga babae na sina Crisanta, Felisa at Madel ay nagaaral pa lang sa kolehiyo.

Pagdating ni Enrico sa Pilipinas, nagkita ulit sila ni Clarissa, ang kanyang kababata. Nagulat si Enrico na malaki ang pinagbago ni Clarissa. Muntik na niya itong hindi makilala. Dahil isa na siyang ganap na dalaga. Minahal niya ito maski magkaiba man sila ng ugali.

Tutol naman si Don Alfredo sa pagiibigan nina Enrico at Clarissa. Baka daw opportunista lang daw itong si Clarissa at gusto niyang masamsam ang buong kayamanan ng Sagrado. Pero, ang gusto pa rin ni Enrico ang nananaig. Silang dalawa ay nagpakasal, pero hindi naman dumalo ang mga magulang ni Enrico.

\

\\

...

-END-

Next chapter