2 2. Lucas

"Mama bakit 'di pa siya gising?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Lucas habang sinusundan ang bawat galaw ng Ina.

Kasalukuyan nitong pinapahidan ng cotton na may tubig ang bibig nung magandang ate na nakita nila noong isang araw. At ito nga hanggang ngayon natutulog pa din ito. Hindi kaya patay na ito? Hmm.

"Kailangan pa ng katawan niya ang pahinga." Mahinahon na aniya ni Alicia sa anak na puno ng kuryusidad ang kislap ng mga mata.

Kung hindi nga niya pinilit ang anak kahapon hindi ito matutulog sa pagmamasid sa batang babae na napulot nila doon sa kweba. Siguro ay namamangha pa rin ito sa mga bolang liwanag, na hindi niya ma yaun kung bakit sumunod ang mga ito ng dalhin nila ang bata mula sa kweba papunta sa ginawa nilang bahay dito sa itaas ng puno.

Nagmistula tuloy palamuti na nagbibigay liwanag ang mga ito sa kanilang munting tahanan. Na siyang ikinasiya ng lubos ng anak niya. Dahil hindi tulad noon umaasa lamang sila sa matalas nilang tingin, tuwing gumagabi.

Inayos ni Alicia ang pagpapakumot sa bata.

Wala siyang damit na pwedeng magkasya sa batang babae, kaya pansamantala niyang binihisan ito ng sarili niyang damit na may kaliitan na sa kanya. Pero dahil nasa limang taon pa lamang ang bata. Nagmistulang duster ang simpleng t-shirt niya.

"Lucas, maghahanda mo na ako ng hapunan. Ikaw muna ang magbantay sa kanya." Paalam niya sa anak na ngayon ay tinusok tusok gamit ang maliit niyang hintuturo ang pisngi ng batang hanggang ngayon ay mahimbing na natutulog.

"Ang ganda ganda mo naman. Paglaki ko magiging asawa kita ok!" Masiglang kausap ni Lucas sa magang batang babae.

Pilit pa din niyang hinahabol ang bawat bolang maliwanag na sabi ng mama niy ay kulisap; na pa-isa isang pumapasok sa katawan ng batang babae. Hindi niya alam kung bakit pumapasok ang kulisap sa katawan ng huli. Hindi din ma tanong ang Ina at mukhang hindi din nito napansin iyon. Pero siya pansin na pansin niya dahil mula pa kahapon iyon ang nagpapamangha sa kanya.

Bahagya na din lumiliit ang bilang ng mga kulisap na nakalutang sa hangin. Pero dahil sa sobrang dami nito hindi mo iyon mapapansin.

"Parang diyamte ang balat mo." Hindi mapigilang usal ni Lucas.

Namulat si Lucas dito sa kagubatan. Kung makaluwas man sila sa siyudad. Panandalian lang iyon dahil sa takot ng magulang na matawag nila ang atensyon ng mga sundalo ng kaharian ng Majik.

Sabi ng ama niya. Ang tulad nila ay hinuhuli ng mga maji upang gawing alila. Kaya mas pinili ng magulang niyang tumira sa gubat, malayo sa mata ng mga Maji upang hindi matulad sa ibang taong lobo na pinaslang o 'di kayay ginawang alipin ng mga ito.

Kaya naman maliban sa ina, wala na siyang nakakasalumang babae. Lalo pat hindi na lalayo sa edad niya.

"Isa ka din bang tulad namin? Sinusupil ng lipunan?" Malungkot na bulong ni Lucas.

Kahit pa nasa dalawang taon gulang lamang siya. Malawak na ang pag-unawa niya sa nangyayari sa paligid. Matatas na din siyang magsalita at matalas ang isip.

Lingid kay Lucas. Ang batang babaeng kanina pa niya kinakausap, ay gising na ang diwa.

Naghihina pa ang buong katawan niya. Pero hindi tulad noong unang nagising siya. Mas gumanda na ang pakiramdam niya.

Dahan dahan niyang inimulat ang mata.

At ng tuluyan niya iyong naimulat unang tumambad sa kanya ang ibat ibang kulay ng liwanag na nagkikislapan sa paligid. Parang mga bituin na nagniningning.

Kumislap ang mata niya sa galak. Masaya siya dahil sa wakas hindi tulad noong unang magising siya na kadiliman ang namulatan niya. Ngayon naman ay nagagandahan kislap ng ilaw. Sobrang liwanag.

"Ahhh!"

Naibaling ng batang babae ang pansin ng may marinig siyang pagsinghap. At ang sumalubong sa kanya ay dalawang maliit na bilugang mata. Na kapag iyong tinitigan ay para kang tumitingin sa langit dahil sa kulay nito.

"Whoaa!" Mas lalong nabigla si Lucas ng mas napagmasdan ang ngayon gising ng batang babae.

Lila!

Kulay lila ang mga mata nito!

Dala sa gulat hindi napansin ni Lucas ang paglabas ng kanyang buntot. Pero hindi iyon nakawala sa tingin ng batang babae.

Dahan dahan niyang itinaas ang kamay upang abutin ang maputing buntot na iyon. Ng tuluyan niya na sana iyong mahawakan. Biglang...

Grrrrr.

Nagpalit anyo si Lucas bilang lobo.

Grrrrrr. Nagbigay babala sa batang babae.

Ngunit hindi man lang natakot ang batang babae. Bagkus mas lumalim pa ang pagkamangha niya sa nakikita. May tuwang nararamdan sa nakikita na hindi niya maintindihan.

Muli niyang itinaas ang kamay at balak na pindutin ang malarosas na ilong ng lobo.

Grrrr.

Dahil hindi sanay si Lucas na may humahawak sa kanya maliban sa magulang. Kaya naman akala niya siya ay sasaktan ng batang babae.

Bilang depensa mabilis niyang kinagat ang hintuturo ng batang babae bago paman ito makalapit sa kanya.

Aray! Ang sama mo!

My luhang akusa ng batang babae sa maliit na lobo. Dahil hindi pa niya kayang magsalita. Isinisigaw niya lahat ng iyon sa isip niya.

'Ikaw ang masama!---Eh! Naintindihan mo kita?'

'Ha?' Nagtatakang aniya sa isip ng bigla nalang tumakbo ang maliit na lobo palabas ng pinto.

Naghinayang naman ang batang babae. Gusto gusto pa naman niyang hawakan ang batang lobo. Siguro ang sarap haplusin ng balahibo nito.

"Gising na siya?!" Galak na pagkukumpirma ni Alicia sa sinabi ng anak.

"Eh mama hindi iyon ang punto ko!" Reklamo niya ng mapagtanto na hindi lahat ng sinabi niya ay inintindi ng ina.

Ngunit napakamot nalang siya ng ulo ng mabilis na umalis ang Ina papasok sa silid kung nasaan ang batang babae na may lilang mata.

"Lucas magbihis ka!" Narinig pa niyang malakas na utos ng ina para sa kanya.

Walang nagawang sinunod ni Lucas ang utos ng ina. Mabilis siyang nagbihis at patakbong tinungo ulit ang kabilang silid.

Napasinghap si Alicia sa gulat ng makita ang kulay ng mga mata ng batang babaeng kanilang iniligtas.

Lila.

Isang pares ng mata na sa iisang tao niya lamang nakitang nagtataglay noon.

"Alicia." Usal ni Dexter na sumunod din pala sa asawa ng makita niya itong humahangos papasok sa silid.

"Dexter." Nagkatinginan ang mag-asawa. Nag-uusap ang tingin. Waring pinapaniwala ang bawat isa sa kanilang nasaksihan.

avataravatar
Next chapter