1 1. Ang Simula

Malamig.

Niyakap niya ang katawan sa pamamagitan ng sariling mga kamay, nagbabasakaling maibsan nito ang lamig na nararamdaman niya. Pero dito niya na pagtantong siya ay nakahubot hubad. Kaya naman hindi talaga nakapagtatakang nilalamig siya.

Binuksan niya ang mga mata ngunit ganun nalang ang kabang naramdaman niya nang tumambad sa kanya ang napakadilim na paligid. Ni kahit isang munting liwanag ay wala siyang maaninag.

Gamit ang mga kamay pilit niyang kinakapa ang paligid. Magka gayun paman wala siyang lakas sa buong katawan niya. Pilit niyang binabalanse ang sarili para subukang tumayo. Pero para siyang lantang gulay na kahit pag-upo ay hindi niya magawa.

'Nasan ba ako? Anong lugar ba 'to?' Unti unting lumukob sa kanya ang takot sa sitwasyon na namulatan niya.

"A--" Pilit niyang magsalita pero walang ingay ang lumabas sa kanyang bibig.

Pilit niya ding ina-alala kung anong nangyari bakit siya napunta doon. Ngunit kahit iyon ay blanko ang isip niya. Ni pangalan at kung saan siya nagmula ay hindi niya mahagilap sa isip niya.

Para siyang isang blankong canvas na hindi pa nalalagyan ng obra.

Helpless. Pilit niya nalang ulit niyayakap ang buong katawan. Pinikit niya ang mga mata. Nagbabasakaling isa lamang itong masamang bangungot.

Sa pagkakataon na iyon. Kung inimulat niya lang sana ang kanyang mga mata. Makikita niya sana ang uti unting pagkislap ng makukulay na munting liwanag. Una parang tuldok lamang sila kung iyong tignan, hangang sa unti unting lumalakas ang kanilang sinag at lumalaki din na parang holen.

Hindi mo mabilang ang liwanag na iyon sa dami. At parang may pwersang humihigop sa kanila papunta sa posisyon ng batang babae na nakahiga sa gintang bahagi ng madilim na kwebang iyon.

Maya maya pa, pinalibutan nila ng kanilang liwanag ang bata. Na para bang may buhay sila at binibigyan ng proteksyon ito.

At isa isang pumasok ang mga liwanag na iyon patungo sa katawan ng bata

Ng tuluyan ng nakapasok lahat ng munting liwanag na iyon sa katawan ng bata. Nagliwanag bigla ang katawan ng bata.

Isang saglit lang iyon. Ngunit ito ang naging hudyat upang mapukaw ang atensyon ng mag-asawang na sa mga oras na iyon ay naghahanap ng pagkain sa kagubatan na iyon.

"Dexter ano iyon?" Namamanghang itinuro ni Alicia ang bahagi kung saan sobrang liwanag. Sa sobrang liwanag ang mag punong nakapalibut doon ay nagmistulang diyamanteng kumikinang.

"Hali ka puntahan natin." Anyaya ni Dexter sa asawang si Alicia. Sa isip niya baka may kayamanan nakatago sa lugar na iyon. At kapag nagkaganun nga na tama ang hinala niya. Ito na ang hinihintay niyang swerte para makapamuhay na sila ng tahimik ng pamilya niya.

At tulad ng asawa, iyon din ang nasa isip ni Alicia.

Masuyo niyang hinalikan ang kargang anak na lalaki na nasa dalawang taong gulang. Sana nga tama ang nasa isip nila ng asawa upang mabigyan nila ng masaganang buhay ang kanilang anak. Hindi tulad ng buhay na meron sila ngayon. Parang mga pugitang patago tago sa mga sundalo ng kaharian.

"May kweba pala dito?" Gulat na aniya ni Dexter. Dahil halos buong buhay nila ay dito na sila sa kagubatang ito nakatira. kabisado na niya lahat ng pasikot sikot sa gubat na iyon. Ang lahat ng sulok ay nahalugad na niya din. Pero ito ang unang pagkakataon na nakita niyang may kweba pala sa bandang ito ng gubat.

"Baka hindi mo lang napansin. " Sagot naman ni Alicia sa asawa.

"Siguro." Ang nasabi nalang ni Dexter pero sa loob niya. Napaka imposibleng hindi niya mapansin ang ganito kalaki at kalalim na kweba.

"Mama ano yan." Turo ni Lucas sa ina. Naka-agaw ng pansin sa batang lalaki ang lumilipad na maliwanag na iyon.

"Kulisap ata iyan anak." Sagot naman ni Alicia. Pero kahit siya ay hindi sigurado sa kung ano ang mga iyon. Para kasi iyong maliliit na bolang liwanag na lumilipad.

"Mag ingat kayo. " Babala ni Dexter sa kanyang mag-ina. Naglalakad siya pauna upang maprotektahan ang mga ito kung sakaling may panganib na sasalubong sa kanila.

"Wow! Tingnan mo Mama ang ganda!" Namamanghang usal ni Lucas sa Ina.

Doon itinuro niya ay may isang maliit lawa na may nakapalibut na tatlong malalaking puno. May malalaking ugat ang punong iyon na nagkaka-ugnay.

Kung kanina pa isa isa lang ang nakikita nilang mala bolang liwanag na lumilipad. sa bandang doon halos napapalibutan ang mga puno.

Kung si Lucas ay ang nakakamanghang pangyayaring iyon ang napansin. Ang amang Dexter naman ay ang isang bagay na nakahiga na malalaking ugat ng puno.

"Dexter tao!" Hiyaw ni Alicia na doon din ang pansin.

"Teka!" Pinahinto ni Dexter ang asawa na balak sanang lumapit sa lugar na iyon. "Hindi natin alam, baka may panganib!" Malakas niyang hiyaw sa kay Alicia.

"Dexter ano ba. Mukhang bata ang nandoon. Kailangan natin lumapit para tulungan. Tingnan mo nga wala itong suot na damit. Nilalamig na ito!" Sigaw ni Alicia na mukhang walang balak na tulongan ng asawa ang bata. At gusto ng lumabas sa kwebang iyon.

"Alicia naman. Kung tutulungan natin ang batang iyan. Sa tingin mo ba hindi tayo mahihirapan? Ilang beses na nga tayong muntik ng mahuli ng mga majikong sundalo." Giit ni Dexter sa asawa.

"Kung ikaw gusto mong umalis. P'wes umalis ka. Pero nunkang iiwan ko dito ang batang iyan!" Singhal ni Alicia sabay malalaki ang hakbang na lumapit sa kinaroroonan ng bata.

At ganun nalang ang gulat ni Alicia ng biglang humati ang tubig sa lawa. Na para bang binibigyan sila ng daan. Ang mga maliliwanag na bola ay lumipad patungo sa taas niya. Nag pormang tuwid na linya ang mga ito. Na para bang ini-ilawan ang kanilang dinaraanan.

Ng tuluyang makalapit si Alicia. Napasinghap siya sa nadatnan. Isang batang babae na tansya niya'y nasa edad na lima o anim. May mahabang buhok na sing itim ng gabi. Pero may isang maliit na bahaging puting buhok ito. Kumikinang ang balat nito na parang diyamante.

Mukha ito ata ang pinagmulan ng liwanag na nasilayan niya kanina.

"Ang ganda niya Mama." Mahinang usal ni Lucas habang ang mata ay nakatutok sa maamong mukha ng batang babae.

Binigyan ng tingin ni Alicia ang anak.

"Ok po." Sagot ni Lucas ng maintindihan ang gustong mangyari ng ina.

Isang saglit pa. Ang kaninang batang si Lucas na karga ni Alicia ay naging isang batang lobo na may napakaputing balahibo.

Sa anyong lobo tumalon si Lucas patungo sa balikat ng ina.

Ng masigurong komportable na ang anak sa kanyang posisyon. Yumoko si Alicia upang kargahin ang batang nasa lapag.

avataravatar
Next chapter