webnovel

PROLOGUE

Mga rosas, mga huni ng ibon na nagsisilbing awit, ang araw na palubog na. Ang magandang tanawin na ito ay sapat na para makasama ko sya.

Nang tignan ko sya ay agad nya akong nginitian. ngumiti naman ako pabalik sa kanya, sapat na itong magandang tanawin para magkasama kaming dalawa, ngunit hindi mawawala sakin ang takot na baka mawala na naman sya..

Isang katok ang nag pagising sakin."Ma'am gumising na daw po kayo sabi ng kapatid nyo." saad ng aming katulong. Napabugtong hininga nalang ako at bumangon na.

"Opo, gising na. paki sabi nalang po na pababa na din ako." Saad ko.

"Sige po" Nang makaalis na ang aming katulong ay agad akong bumaba sa kama at nag punta sa cr.

Hays, isang panaginip na naman.

Bakit ba lagi ko nalang napapaginipan ang lalaking yon? Tanung ko sa aking sarili.

Nang makaligo ay nagbihis na agad ako, tapos ay agad na akong bumaba. Pababa palang ako ng hagdan ay naaninag ko na ang aking kapatid na naka upo ng prente sa upuan habang kumakain.

Agad syang napatingin sa akin ng makababa ako sa hagdan.

"What took you so long? Kanina pa kita hinihintay, malalate na tayo." Nakabusangot ang mukha nya habang kumakain ng tinapay.

"Nasaan si Ate Jill?" Saad ko at binalewala ang tanong nya. Napailing nalang siya at bumugtong hininga bago sagutin ang tanong ko.

"Kanina pa naka alis." Saad nya, tumango na lamang ako at di na nagsalita.

"By the way, alam mo bang ako ang kinukulit ni Uri, kagabi? Dahil hindi mo daw sya tinawagan. Alam mo naman na busy akong tao." Frustrated na sabi nya. Natawa nalang ako ng mahina sa kanya bago mag salita.

Edi Wow.

"I forgot. Nakatulog na kasi ako kagabi eh. Tatawagan ko nalang sya mamaya"

"No. Tawagan mo na ngayon dahil ako ang kukulitin nya sa trabaho mamaya. Tsk." Inis na sabi nya. Nang matapos kumain ay tinawag na'ko ng kapatid ko at sumakay na sya sa kanyang sasakyan.

Tignan mo 'to ni hindi manlang ako pinagbuksan! Busangot kong Binuksan ang pinto at agad naupo sa passenger seat.

"Oh ba't ganyan mukha mo?" Saad nya habang natatawa. Tinignan ko sya ng masama na ikinatawa nya lang. tumingin na lamang sa bintana habang pinagmamasdan ang magandang tanawin.

Tahimik ako habang nakikinig nang kanta sa radyo habang sa bintana parin ang tingin. Maya maya pa ay naisip kong tawagan si Uri kaya naman kinuha ko ang phone ko sa bag. Pumunta ako sa messenger at nagsimula na ngang tawagan sya. Busangot ang mukha nya nang sinagot ang tawag ko.

"Hi, Baby.." Bati ko sa kanya.

"Mommy! Why are you not answering my calls po kagabi?" Nagtatampo na tanong nya.

"Sorry Baby, Nakatulog kasi ako agad kagabi eh." Nagpout naman sya sa'kin.

Hays manang manana sa tatay nya!

"Okay Mommy, But next time sagutin nyo na po tawag ko, okay?" Nakapout pa'rin sya habang nakatingin sa'kin.

Cute.

Tumawa naman ng mahina ang kapatid ko dahil sa pag uusap naming dalawa ng batang ito. Pagkatapos mag kwentuhan ay sinabi nya sa'kin na papasok na daw sya ng school at inaantay na daw sya ng Daddy nya kaya naman pinatay ko na ang tawag at tumingin nalamang sa bintana.

"Cai" Pambabasag sa katahimikan ng kapatid ko.

"Why?" Saad ko habang nakatingin parin sa bintana.

"Bukas na ang birthday nya." Saad nya. Bigla akong napatingin sa kanya ng sinabi nya yon.

So? Anong gagawin ko? Naiinis ako dahil sinabi nya lang na 'birthday na nya bukas ay naalala ko agad kung sino ang tinutukoy nya.

"So?" Walang ganang Saad ko, tumingin sya saglit sa'kin and tumawa ng mahina.

"I know you Cai, alam ko naman na di mo parin sya nakakalimutan.....Oh! I forgot to tell you, bukas na din pala ang uwi nya." He said and smirk.

"What? Bakit pa sya uuwi dito?" Gulat na tanong ko. Tumingin sya sa akin saglit at pilyong ngumiti, bago magsalita.

"Well maybe he miss you" He innocently said.

Tsk. Parehong pareho sila ng mga kaibigan nya sa kalokohan pag dating sa'kin. Tsk. Alam na alam nila kung pano ako iinisin.

Hindi ko nalang sya pinansin at tumingin na lamang ulit sa bintana habang naka busangot ang mukha.

Ba't kailangan nya pang umuwi? Dapat dun nalang sya sa Paris at wag nang magpakita sa'kin!

As If naman na gusto ka nyang makita. Sabi ko sa sarili ko.

Hanggang sa pag dating ko sa coffee shop ay yun parin ang iniisip ko, agad akong dumiretso sa table kung saan lagi tumatambay ang mga kaibigan ko. Pagkapasok ko palang ay agad ko nang narinig ang mga tawanan nila.

"Cai!" Sigaw ni Xiana at kumaway pa sa'kin habang nakangiti. Agad namang akong naupo sa katabi nyang upuan.

"Kanina pa kayo?" Tanung ko at naupo sa tabi ni Xiana.

"Oo, ba't ba ang tagal mo?" Tanong naman ni Khione at binaba ang hawak nyang phone. Mukhang may pinapakitang picture kay Xiana.

"Sorry, antagal kasi ni Kuya eh" palusot ko. Tumango tango nalamang ang dalawa.

"Speaking of, Saan nga pala si Kuya Luke?" Biglang sabi ni Xiana.

"Pumasok na sa trabaho nya." kibit balikat kong sagot.

Napatango naman sya at uminom ng kape bago sila ulit mag usap ni Khione. Napatingin naman ako kay Estelle na naglalaptop, Masyado syang busy jan ah. Tumingin naman sya sa'kin at nagtaas ng kilay, bago sya magsalita.

"You already know, right?" Agad akong naguluhan sa tanong nya.

kumunot ang noo ko at nagtanong sa kanya pabalik.

"Huh? What do you mean?"

Agad namang naagaw ng atensyon nila Xiana at Khione ang pinag uusapan namin, Kaya't Napatingin sila sa'min at nag iintay din ng sagot ni Estelle.

"Ang alin??" Tanong ng dalawa.

Bumugtong hininga si Estelle bago patayin ang laptop at tumingin sa'min.

"Zack." Paninimula nya.

Agad naman akong kinabahan nang marinig ko ulit ang pangalang apat na taon ko nang hindi naririnig.

"He's going home." Saad ni Estelle.

Next chapter