2 Chapter 1

Kirsten's Pov

Sa tuwing naaalala ko yung ginawa ko kay Evan. 'Di ko maiwasan na sisihin sarili ko dahil sinaktan ko siya

Apat na buwan na ako nandito sa hospital simula nung nakipagbreak ako kay Evan.

Lagi ko inaalala mga memories namin ni Evan. Dahil ayon na lang ang tanging nagpapangiti sa akin kahit masakit.

Last 2 years ago...

Naglalakad ako dito sa Hallway mag isa. Dahil 'di ako masyadong sumasabay pag maraming tao . Pinapauna ko sila umalis tsaka doon ako lalakad mag isa.

4th year college na ako, graduating na ako. Anim na buwan na lang tinitiis ko.

I'm Kirsten Yukira Abellano. Business Management ang kinuha kong Course sa College. Dahil gusto ng daddy ko pag grumaduate ako sa College, ako na mag mamanage ng Companies namin. Anak ako ng Top 3 Youngest Millionaire sa bansa. So Spoiled Brat ako sa Parents ko and Takot ako sa ma-taong Lugar.

Alas Sais na ng hapon kaya medyo dumidilim na yung paligid dito sa school

By the way, sa amin rin itong school na ito.

Abellano University. Yan ang pangalan ng school namin

Dati homeschool lang dahil takot talaga ako sa mga tao noon. Pero ngayon medyo nawawala na rin takot ko sa mga tao.

Bago ako umuwi sa Mansion namin, dumaan muna ako kay Mom. Si Mom nga pala ay President dito sa School.

Pumasok ako sa Office ni Mommy at naabutan ko siyang nag aayos na ng gamit niya, so uuwi na rin pala siya. At napansin ko ang magandang pangalan ng Mom ko

Pres. Kiara Thea Abellano

"Hi mom"bati ko tsaka lumapit sa kanya at nag mano sa kanya

"Hi sweetie, how's your day?"tanong niya

"It's fine, Mom"sabi ko tsaka ngumiti sa kanya

"Hindi ka pa ba uuwi?"

"Uhm... uuwi na nga po ako dapat ako kaso naisipan ko munang dumaan dito, baka nandito ka pa so... sabay na lang tayo umuwi"sabi ko

"Aww so sweet of yours! I love you nak!"sabi niya

"I love you too Mom. So let's go?"aya ko

"Oh sure! Let's go"

Ganyan kami kasweet ni Mommy. Mommy's Girl ako eh.

Lumabas kami ni Mommy ng Opisina niya tsaka pumunta kami ng Parking Lot at nakita namin sundo namin.

Sumakay na kami ni Mom at umuwi na sa Mansion.

Pagkauwi namin ni Mom, dumiretso ako sa kwarto ko tsaka lumundag sa Kama ko.

Hays napaisip ako. Mayaman naman kami. Marami kaming pera. Marami akong pambili ng kung ano ano. Pero bakit 'di parin ako masaya?.

Ganto ba pag walang kaibigan? Or kahit na anong gawain? Hays... ang lungkot.

Ilang beses na rin sinabi sa akin ni Mommy na try ko raw makipagfriends kahit isa or tatlo lang daw. Pero wala naman kay Mommy kung marami ako maging kaibigan sa school eh. Pero seryoso nahihiya ako lalo na takot ako.

Wala kasi akong self Confidence

Pagkatapos ko mag emo rito. Nagpalit ako ng damit tsaka lumabas ng Kwarto ko.

Pagkalabas ko agad akong bumaba tsaka nakita ko yung kuya ko at bunso kong kapatid na busy maglaro ng Mobile Legends.

"Hey ate Kirs, join us!"sabi ni Kieffer ang bunso kong kapatid

"Wala akong sa mood maglaro ngayon"sabi ko tsaka tumabi ako sa kanila

"Ano ba yan! Ang daya mo Kie!"sabi ni Kuya Kenshin

"Naka esme ka na nga kuya eh!"sabi ni Kieffer kay kuya kaya natawa ako sa kanila

"Nasan nga pala sila kuya Kean and  kuya Kier?"tanong ko

Si kuya Kean at kuya Kier nga pala ay magkambal so lima kaming magkakapatid

Ako lang babae sa magkakapatid pero close ako sa kanila

Si kuya Kenshin ang panganay sa amin. Hays ganda ng full name niyan. Pero ayaw niya sa second name niya. Eh ang ganda naman -,- arte talaga ng kuya ko. Btw 26 na siya wala parin jowa yan. Kenshin Mateo Abellano ang full name niya hahahaha

"Hindi pa sila umuuwi, i think pauwi na rin sila. Galing sila sa training siguro"sabi ni Kuya Kenshin

Si Kuya Kean ang tinetrain niya ay Taekwondo. I think blackbelt na siya. Di ko sure kasi medyo di ko na siya napapansin simula nung nagpasukan.

Si kuya Kier nagpapractice sa sayaw. May grupo kasi siya tas parang may sasalihan silang Contest next month kaya todo practice sila.

Kean Armor Abellano at Kier Psalm Abellano ang fullname nila.

Tapos ang buong pangalan ng kapatid kong si Kieffer ay Kieffer Matthew Abellano

"We're hereeee"narinig kong sigaw ng mga kuya ko sa pintuan kaya tumayo ako tsaka sumalubong sa kanila at niyakap sila

"Hi kuyaaaa twins" ayan ang tawag ko sa kanila mula nung bata ako HAHAHA

"Hey! My one and only princess!"sabi ni kuya Kier. Sobrang close kami nito eh.

"How's your day, sis?"tanong ni Kuya Kean

"It's fine" sabi ko

"Good, btw may pasalubong ako sayo"sabi ni Kean at natuwa ako

Nag uwi ba naman ng Carbonara at shawarma!

"Wow penge ate!"sigaw ni Kieffer

"Ayaw ko nga"sabi ko tsaka binawi ko rin "Joke! Tara na kain tayo. Di ko rin mauubos ito!"sabi ko

"Later"

==___==

Tignan mo ito inuna pa ML

Kinain ko yung carbonara kaso konti lang dahil busog pa ako. Tsaka kinuha ko lang yung kalahati sa shawarma .

Pagkatapos ko kumain pumunta ako sa garden para magpahangin

Umupo ako tsaka sumandal at pinikit ko mata ko

Iniimagine ko sarili ko na may mga kaibigan ako at....

whatttt? Bat ko iniisip agad 'yon?

Halaaaa bat pumasok sa isip ko na gusto ko magkajowa? Waaaaaahh

Dumilat ako tsaka tumayo sa kinauupuan ko at pumasok ulit sa loob

Pagkapasok ko saktong dumating si daddy. Woah himala ang aga umuwi ni daddy

"Oh, Kennedy. Buti maaga ka umuwi"sabi ni Mommy

"Ayaw mo na ba akong umuwi, Kiara?"sabi ni daddy at hinalikan niya si Mom

"Gusto, pero mas gusto ko magkaanak tayo ng isa pang babae"sabi ni Mommy at natawa kami nila kuya. Jusme 47 na si Mommy, 'di na niya kakayayanin manganak

"Hay nako, hon. Lima na anak natin tsaka matanda na tayo. Ang gusto na lang natin magkaroon ng apo kay Kenshin"sabi ni daddy at nagsitawanan kami

"HAHAHAHAHAHAHAH"tawa namin nila kuya Kier, Kuya Kean at Kieffer

"Dad! Ayoko pa magka anak! Damn! Wala sa isip ko magka-Girlfriend, anak pa kaya? Sila Kier at Kean hingian mo"reklamo ni Kuya Kenshin

"Ops bata pa ako, that's a no no no"sabi ni kuya Kier at natawa ako sa sinabi niya HAHAHAHA

"Ugok! Matanda ka na Kier!"sigaw ni kuya Kean

Jusko magka same Age lang kayo HAAHAH

"Damn! Seriously? Walang mas matanda sainyong dalawa! Magka age kayo"sabi ni kuya at lalo ako natawa

"Magkamukha nga kayong dalawa kuya eh"sabat ni Kieffer

"Mas gwapo naman ako"sagot ni Kuya Kier

"Mas gwapo ako sayo, Ugok!"sagot naman ni Kuya Kean. Jusme

"Hoy kayong dalawa mas gwapo ako! Ako ang kuya dito!"sabi ni kuya at sabay sabay kaming sumigaw ng

"GURANG KA NA KUYA! MATANDA KA NA HAHAHAHAHAHAHAHA"

"Ang cute ng mga anak natin, hon. Parang dati bata palang sila noh? Tapos ngayon anlalaki na nila"narinig kong sabi ni Mommy

"Oo nga eh, tapos tayo patanda na rin ng patanda"sabi ni dad

Bigla akong nalungkot dahil 'di habang buhay kasama ko sila Mommy at Daddy.

Masaya ako na naging Mommy at Daddy ko sila. Kahit mayaman kami. Hindi sila nawawalan ng time sa amin magkakapatid

"Hep! Tigil niyo na yan! Tara na kainan na!"masayang sabi ni daddy kaya ayun para kaming mga bata na nag uunahan sa Dining Area

Ngayon ko lang din naalala na  29th anniversary pala nila Mommy at daddy.

Habang kumakain kami nagkukwentuhan kami

Sana ganto lang kami lagi

Nang matapos kami kumain dumiretso ako sa kwarto para maligo. Then pagkatapos nun natulog na ako.

--

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naabutan ko si Kuya Kensh sa Dining Area na may ginagawa sa laptop niya. It's about business.

"Good morning kuya Kensh!"bati ko

"Good morning too, kumain kana ng breakfast mo. Ako maghahatid sayo sa School"

"Really!? Okayyyy!"masigla kong sagot

"BTW 2 weeks nasa business trip sila Mom and Dad. So, ako muna ang titingin sa Abellano University. Sasabay kayo lagi sa akin nila Kier, Kean at Kieffer

"Okay!" Sagot ko ulit at wala pang isang minuto bumaba sila Kuya Kier at Kieffer

"Hey, goodmorning"bati nila

"Where's Kean?"tanong ni Kuya Kenshin

"Bathroom"tipid na sagot ni kuya Kier

"Kumain na kayo para makapasok na tayo"sabi ni kuya Kenshin

"What do you mean kuya Kenshin? Sasabay ka sa amin?" Tanong ni Kieffer

"Yes, little bro. Ako muna mag ma-manage ng Abellano University."

"How about Abellano Company?"tanong ni Kuya Kier

"Still top 3"

"Wala na finish na, maaga na lagi uuwi"nakasimangot na sabi ni Kieffer at natawa ako don

"Siguro may nililigawan ka no?"tanong ko

"WHAT?! Wala ate ah! 'Di ako makakapaglar8 ng Basketball sa school"sabi niya

"Masyado kang pahalata little bro. Inunahan mo pa kaming lahat magkajowa"sabi ni Kuya Kenshin

"Tsk Kuya Kenshin ewan ko sayo"sabi nalang ni Kieffer

Maya maya bumaba na si Kuya Kean

"Hi Goodmorning, where's Mom and Dad?"tanong niya

"Business trip"sagot ko

"Weh, business trip daw pero baka mamaya gumawa na 'yon ng bagong kapatid natin HAHAHAHA"natatawang sabi ni Kuya Kier

Napasimangot na lang si Kuya Kean at tsaka umupo sa tabi ko.

Pagkatapos naming kumain dumiretso kami sa kotse ni kuya Kenshin.

It's already 7:09am. Pero ang pasok ko pa 7:45am.

Okay na 'yong maaga ako pumasok para iwas sa mataong lugar.

Huling pumasok sa loob ng kotse si Kuya Kenshin.

"Guys? Wala na ba kayong nakalimutan"tanong niya sa amin.

"Wala na!"sabay sabay naming sagot at pinaandar na ni kuya ang sasakyan niya

Nang makarating kami sa Abellano University. Agad akong nagpaalam kila Kuya tsaka dumiretso na ako sa classroom namin

Pagkadating ko 'don wala pang tao kaya napagpasiyahan kong mag soundtrip muna.

Kinuha ko yung phone ko tsaka earphone sa bag ko at bago ko mailagay sa tenga ko may babaeng kumalabit sa akin at nang ikabigla ko.

"You're Kirsten Riana Abellano Right?"tanong niya

"Uhm.. y-yes"sagot ko. Omaygosh Kirs! Ito ang kahinaan mo!

"BTW! My Name is Mayessha Rish Romero. In short Yessha or Mayet! And i want you to be my bestfriend!"she said at ako naman napanganga.

"And... I am Transferee here!"masigla niyang sabi

This is my first time na may lumapit sa akin at gusto akong maging kaibigan

"Uhm.. Nice to meeting you, Mayessha. Yes, you're my bestfriend now."and this is my first time na naging straight ang pananalita ko sa ibang tao.

Owemji! Totoo ba ito? Kung panaginip lang ito pleaseeeee don't wake me up!

avataravatar