1 Let's be friend

"let's be friend"

nagulat si Josh nang may babaeng lumapit sakanya at bigla nalang syang kausapin habang nakaupo sya sa isang bench dahil hinihintay nya ang pinsan nyang babae

sa pagkakaalam nya ay hindi naman ito baliw dahil ang babae ay maayos naman ang pananamit at mukhang galing sa mayamang pamilya

"sorry?" yan lang ang nasabi ni Josh

ngmiti sakanya ang babae at naglahad ng kamay sakanya habang nagpapakilala

"Ako si Mhia, 19 years old" pakilala pa ng babae sakanya

inabot nya nalang ang kamay ng babae at nagpakilala narin kahit naiilang sya dahil hindi sya sanay makisalamuha sa mga tao

"I'm Josh, turning 20 next month"

matapos syang magpakilala ay nakita nyang biglang lumungkot ang mga mata ni Mhia

"naiilang kaba?wag kang mailang please... let's be friend, wala kasi akong kaibigan dito"

Medyo nagtaka si Josh nang sabihin ni Mhia na wala syang kaibigan dahil sa mga ngiti nya kanina ay mukhang halos kaibigan nya lahat

at imposibleng wala syang kaibigan dahil nagawa nga syang kausapin nito kahit hindi manlang sila magkakilala

"ikaw walang kaibigan??tss"

tanong ni Josh at nagsimula ng ma- curious kay Mhia

"Wala nga...pero ngayon meron na, Ikaw" nakangiti nanamang sabi ni Mhia kay Josh

"dika naniniwala? pwede ba akong magkwento sayo?" dagdag pa nito

"sige" pagpayag ni Josh dahil tutal wala pa naman ang pinsan nya at halatang matatagalan pa ito dahil naipit ito sa traffic

"Mahiyain talaga akong tao, nagawa kolang i-approach ka kanina kasi gusto ko i-challenge yung sarili ko at swerte mo ikaw napili ko"

marami pang ikwinento si Mhia kay Josh kung anong nangyare sa buhay nya, mga katangahang nagawa nya, at ang dahilan kung bakit sya walang kaibigan

"So, pwede ba kitang maging kaibigan?" sincere na tanong ni Mhia sakanya ulit at naglahad ng kamay

"oo naman" nakangiti naring sabi ni Josh sakanya at kinamayan si Mhia dahil naging komportable naman na ito

"Josh, sorry na-late hihi" habol hiningang ng isang babaeng kararating lamang sa harap ni Josh

"Sino sya?" tanong agad ng babaeng kararating lamang nang mapansin si Mhia

tumayo si Josh at Mhia sa pagkakaupo at humarap sa hingal paring babae

"Ako nga pala si Mhia, kinaibigan kolang sya pero wala akong gusto sakanya. Sorry kung ayaw mo, hindi ko alam na may jowa pala sya"

mabilis na paliwanag ni Mhia na halatang kinakabahan at tumawa naman ang babaeng dumating

"HAHAHAHA, hindi ko sya jowa" natatawang sabi ng dumating kaya biglang nahiya si Mhia

"sorry" ngumiti sya habang humihingi ng tawad

"Ako nga pala si Alexa, pinsan ako ni Josh" pakilala ng dumating kay Mhia at ibinigay nya ang kanina nya pang hawak na plastic na may lamang chocolate

"aalis na ako, binigay kolang tong pinapabigay ni mama sakanila dumating kasi sya galing abroad" pagpapaalam ng pinsan ni Josh na si Alexa

"Aalis kana?" tanong ni Josh na kakatapos lang tignan ang laman ng bigay na supot ni Alexa

"oo ehh, may part time job kasi ako ngayon, sige bye alis na ako. Bye Mhia mauna na ako" paalam ni Alexa at tuluyan nang naglakad palayo

nagtinginan naman si Josh at Mhia at tumawa nalang

binigay ni Mhia ang phone number nya kay Josh at nagpaalam nadin na aalis dahil baka hanapin na ito sa bahay nila

avataravatar