7 Chapter 6:The Unstoppable Move

TODO lang sa pag-ilag sina Kwame,Kirsten,Todd at Chester sa bawat atake ng isang morphed demon.Hindi nila magawang lapitan ito dahil sa bilis nitong maghilom ng mga sugat at halos wala itong pagod sa pag-atake kahit hindi ito umalis sa kanyang kinatatayuan.

Sumapit na ang madaling araw at walang tigil sa pakikipag laban si Kwame at halos nagamit na niya ang lahat ng form ng thunder breathing ngunit hindi niya magawang pabagsakin ang isang demon na ito.

Maging ang tatlo ay walang maisip na paraan para mapaslang ang demon dahil sa kakaiba nitong lakas.Kaya nitong pahabain ang kanyang braso at palakihin ang kanyang kamao at kung sino man ang matamaan nito ay tiyak na madudurog ang buong katawan.

"Breath Of Flower,Fourth Form:Crimson Hanagoromo!"Todd gave a single sword slash attack that curves and twist.

Magkasamang tumatakbo si Kwame at Chester paikot sa demon at tinatantsa nila ang atake na maaaring ibigay ng demon.

Napalingon na lamang si Kwame kay Kirsten na pilit na gustong makalapit sa demon ngunit hindi nito magawa at pinaghihiwa ang mga mahahabang galamay ng morphed demon.

"Kahit bata lang s'yang demon maaari niya tayong duruging lahat"panunukoy ni Chester sa demon.

"Wala akong maisip na ideya na pwedeng makatalo sa demon na 'yan—"

Napalundag ang dalawa nang maramdaman nilang may atakeng paparating mula sa ilalim ng lupa.Isang mahabang galamay na muntikan na silang madakot at pisatin ang kanilang katawan.

"Napaka duga niya.Kaya niya ring umatake galing sa ilalim ng lupa.He pissed me off!"inis na sabi ni Chester.

Pinagmasdan ni Kwame ang anyo ng demon.Ang balat nito ay kasing balat ng isang palaka.Ang leeg nito ay napaka taba at ang mukha nito ay parang kahugis ng isang hunyango.

"Breath Of Love,First Form!"tumakbo ng mabilis si Kirsten papalapit sa demon at ang pasalubong na atake sa kanya ay kanyang dinipensahan. "Shivers Of Love!"

A forward dashes by Kirsten with a series of slashed that gives a demon felt pissed off.

"Walang makakalapit kay Donmu!!"pasigaw na tawag nito sa sariling pangalan at pinahaba muli ang kanyang mga galamay.

Maraming paparating na kamao kay Kirsten at napalunok na lamang siya dahil wala na siyang panahon para magbitaw ng form.

"Kirsten,umilag ka!"sigaw ni Kwame sa dalaga.

Patalon-talon at tambling ang dalaga sa pag-iwas sa atake ng morphed demon hanggang sa matamaan ang kanyang simura at mabilis na tumilapon at tumama ang kanyang likod sa napaka laking puno.

Nanlaki ang mata ng tatlo sa nangyari sa dalaga.Nasa panganib ngayon si Kirsten at maaaring magbigay ulit ng atake ang morphed demon.

"Ako na bahala kay Kirsten!"sigaw ni Kwame at mabilis na tumakbo papalapit sa dalaga.

"Paalam na bata!"At pinahaba ng demon ang kanyang mga galamay.

"Breath Of Thunder,First Form:Thunder Clap and Flash"an electric single dashed attack by Kwame to cut the stretchable arms of a demon.

Agad siyang lumapit kay Kirsten at binuhat niya ito sa kanyang magkabilang braso.

Nawalan ng depensa sa likod ang demon kaya nakahanap si Todd ng paraan para makaatake.Agad siyang tumakbo papalapit sa likuran ng demon at nagbigay ng malakas na atake.

"Breath Of Flower,Sixth Form:Whirling Peach"Todd spin his sword with his body weight to deliver an attack.

"Ahk"Nawalan ng malay si Todd nang tamaan ng galamay ng demon ang kanyang tagiliran at padausdos na tumilapon sa lupa.

Agad na lumapit si Chester kay Todd at hinarangan ang mga atakeng papalapit dito.Advance ang atake ni Chested dahil sa dalawa ang kanyang espada.

Pinaikli ng demon ang kanyang dalawang braso at napalingon kay Kwame na nakatitig lang sa kanya.Napangiti siya at napangisi sa tuwa nang malaman nito ang breathing ng binata.

"A thunder breath user again"nakangiting sabi nito.

"Isa nga akong thunder breath user"hingal na sabi ni Kwame.

"Kung ganun ay bata ka pala ni Romeo tama ba?"Dinuro nito si Kwame at itinikom ang kanyang mga kamay.

"P-Paaano mo siya nakilala?"nanginginig na tanong ni Kwame.

"Lahat ng tinuruang estudyante niya ay nakain ko maliban kay Zeus"

Parang huminto ang oras ni Kwame nang marinig niya ang sinabi ni demon.Ang mga dating estudyante ni Ginoong Romeo ay nakain nito at si Zeus lang ang natira?Isang malaking imposible ito sa kanya.

"Kaya hindi na ako magugulat kung makakita muli ako ng isang thunder breath user na katulad mo.Dahil peke ang inyong breath.Hindi kayo kasing bilis ng kidlat"pang-iinsulto nito.

Hindi maitago ni Kwame ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata na unti-unting lumabas.Parang nadurog ang kanyang puso dahil sa sinabi nito.Inaalala niya ngayon ang naging pakiramdam ng ginoong nagturo sa kanya.Ano nga ba ang naramdaman nito nang malaman na namatay ang kanyang mga tinuruan na mas nauna pa sa binata.

"H-Hindi....Hindi totoo ang sinasabi mo!"pahikbing sigaw ni Kwame. "Napaka galing ni Ginoong Romeo!Itinuring ko siyang magaling na Pillar at tagapagturo.Napaka galing niya!"

Natulala na lamang si Chester kay Kwame at parang may kumurot sa puso ng matapang na binata at naramdaman nito ang sinasabi ni Kwame.

_____________________________________

MULA sa malayong bundok ay nakatanaw si Wint sa bundok ng cherry blossom.Ramdam niya ang mabigat na tensyon ngayon sa battlefield at alam niyang unti-unti nang nauubos ang mga swordsmen.

But while the examinee are in danger he's still smiling in no other reason.Palagi namang nakangiti talaga ang binata at hindi mo siya makikitang nakasimangot.

"Masyadong malamig na sa bundok.Hanggang ngayon ay nagbabantay ka parin?"tanong ni Saidee nang makita siya nito.

Lumingon ito sa dalaga na umaalon-alon pa ang buhok dahil sa hampas ng hangin. "At ano ng ginagawa ng magandang binibini sa oras ng madaling araw?"Sabay ngisi nito.

Tumabi sa pagtayo si Saidee kay Wint at pinagmasdan 'din ang bundok ng cherry blossom.Sumeryoso ang kanyang mukha.

"Napaka ganda ng tanawin dito.Kahit maraming demon na nagkalat sa lugar na ito"malumanay na sabi ni Saidee.

Lumingon ng bahagya si Wint sa dalaga at napangiti. "Oo nga,napakaganda nga"At muling ibinaling ang tingin sa bundok.

"Sa tingin mo kaya ay makakasurvive ang Master natin?"tanong ni Saidee dito.

"Parang ang nega mo naman sa sinabi mo"magkasalubong ang kilay ni Wint nang tignan nito ang magandang dilag.

"May tiwala naman ako kay Kwame ngunit sa mga susunod na pagsubok kaya ay makakaligtas siya?"Naningkit ang mga mata nito.

"Sa tingin ko naman ay oo.Saka nakaalalay ta'yo sa mga galaw n'ya"Bumuntong hininga si Wint at iniyuki ang ulo.

Ilang sandali ay tumahimik ang dalawa.Ang malakas na hampas ng hangin ay sumasalubong sa kanila at hindi nila alintana ang lamig nito.

"Ako kaya"

Nagtinginan silang dalawa nang magsalita si Wint.

"Kailangan mo ako matututunang mahalin?"bahagyang nakangiti ang labi ni Wint.

"Ilang beses mo na 'yang tanong sakin Wint—"

"At ilang beses mo na ring iniiwasan ang tanong kong iyon"nakangiti man ngunit seryoso sa pagsasalita si Wint.

Huminga ng malalim si Wint at nagpatuloy sa pagsasalita. "Alam mo naman na kahit naging kayo ni Zeus ay hindi nawala ang feelings ko sa'yo.Hindi ko nga ikinatuwa nang malaman ko nung nakaraang taon ay wala nang namamagitan sa inyo.Masakit isipin na makita kang nalulungkot at umiiyak sa isang tabi, ngunit kailangan kong ngumiti pa rin at iwasan ka dahil baka sabihin ni Zeus ay isa akong bantay salakay na lalaki"lumabas ang malamig na boses ni Wint sa nakangiti niyang labi.

"Hindi ko alam na ganun ang naramdaman mo"Napayuko si Saidee.

"Ayos lang.Wala ka namang kasalanan.Marami na ta'yong pinagsamahan at ganun din kayo ni Zeus.Ang pinagkaiba nga lang naming dalawa ay ako hanggang kaibigan lang at si Zeus ay naging boyfriend at ngayon ay ex boyfriend.Pero pinansantabi ko iyon dahil ayaw kong isipin mong tutol ako sa pagmamahalan niyong dalawa ngayon.Pero nangako ako sa sarili ko na anumang mangyari ay hindi ako magagalit sa naging desisyon mo"At mahinang ngumisi si Wint.

"Pasensya na Wint—"

"Alam ko naman 'yun.Na hanggang kaibigan lang ang turing mo sa akin.Pero kung sakaling mag-iba ang isipan mo at matutunan akong mahalin,why not?"biro nito at tumawa ng malakas.

"Siraulo ka talaga"hinampas ng dalaga ang braso ni Wint.

_____________________________________

BILUGAN ang buwan sa kalangitan at pagod na pagod na sina Kwame at Chester sa pag-iwas sa bawat atake ng morphed demon na si Donmu.

Dagdag pa sa kanilang pagod ang pagbuhat sa walang malay na si Kirsten at Todd.Wala paring malay ang dalawa dahil sa matinding atakeng binigay ng demon sa kanila.

Inilapag ni Chester si Todd sa kung saang punong hindi malalaman ni Donmu at isinandal ito sa katawan ng puno.Hinawa niya sng buhok ng walang malay na dalagang binata at parang may kuryentang gumapang sa kanyang dibdib at sobrang bilis ng kabog niyon.

Napailing-iling si Chester at mabilis na umalis sa lugar na pinagtaguan niya kay Todd.Paikot lang siya sa pagtakbo para lituhin lang ang demon.

Hingal na hingal na si Kwame at nananakit na ang kanyang tagiliran.At sa hindi inaasahan ay sa paglapag niya sa lupa ay nawalan siya ng balanse at saktong may paparating sa kanyang kamao.

"Breath Of The Beast,Second Fang:Rip and Tear!"A double slash with Chester's two blades in both diagonals like X.

"Ako na ang bahala magdepensa sa atake ng demon na ito.Itago mo muna si Kirsten sa likod ng puno"dagdag pa ni Chester.

Mabilis na tumakbo si Kwame palayo sa demon habang bitbit si Kirsten.Tumakbo naman papalapit si Chester sa Demon at pinaghihiwa ang galamay ni Donmu na pasalubong sa kanya.

Nahagip ng paningin ni Donmu si Kwame na tumatakbo at naglabas siya ng galamay sa kanyang likuran at pinahaba ito para makarating sa direksyon ni Kwame.

"KWAME SA LIKOD MO!"sigaw ni Chester sa kanya.

"Ahk!"Hindi pa man nakakalingon si Kwame ay natamaan na siya sa parteng likuran ngg kanyang katawan ng malaking kamao at tumilapon siya sa puno.

Nabitawan nito si Kirsten at mukhang nawalan din ng malay si Kwame.Duguan ang ulo ng binata at puno ng galos sa buong katawan si Kirsten.

HINDI na alam ni Chester kung ano ang kanyang gagawin.Walang malay ang tatlo at hindi niya kayang lumaban ng mag-isa sa demon na ito.Hindi man siya natatamaan ng atake nito ngunit mah hangganan ang kanyang lakas.

"Napaka hina na ngayon ng mga kasalukuyang examinee.Isa kayong mga dukha at mga walang kakayahang makapatay ng demon!"

Hindi inaasahan ni Chester na may paparating na atake sa kanya kaya naman nadakma siya ng malaking kamay nito at halos hindi siya makahinga sa sobrang higpit ng pagkakahawak sa kanyang katawan.

"B-Buset"mahinang sabi ni Chester at nanlalabo na ang kanyang paningin.

Lumingon siya sa direksyon ni Kwame na nakadapa at walang malay. "G-Gumising ka....Inutil"

.

.

.

.

.

.

"GUMISING ka KWAME!"

Isang boses ng babae ang narinig ni Kwame sa kanyang isipan at nagpagising ito sa kanyang pagkahimbing.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Chester na hawak-hawak ng demon na si Donmu at wala na itong malay.Humawak siya sa puno at pinilit na bahagyang hugutin ang espada sa sariling kaluban nito.

"Makakaligtas kaming apat"At huminga siya ng malalim.

"Breath Of Thunder,First Form"

Napalingon si Donmu sa kumikislap na liwanag at nakita niya si Kwame na nababalutan ng kidlat ang buong espada at katawan nito na naghatid ng takot sa kanyang sarili.

"B-Bakit natatakot ako sa prisensya ngayon ng binatang ito?"nanginginig sa takot na sabi ni Donmu.

Namuo ang galit sa mukha ni Kwame at kumislap ang kidlat sa kanyang mga mata. "Thunder Clap and Flash".

Yumanig ang buong lupang kinatatayuan niya at nagsilutangan ang mga tipak ng bato. "Six Fold" At parang kidlat itong naglaho sa kanyang kinatatayuan.

A series of six dashes towards the demon.Donmu lifts his arms but Kwame breaks it down with five dashes.

Nabigla si Donmu nang hindi na niya masilayan ang binata.Hindi niya alam kung saan ito nagpunta at todo masid siya sa buong kapaligiran.

"H-Hindi mo ako magagawang paslangin—"

Nagulat ito nang nasa harapan na niya si Kwame at mabilis itong lumapit sa kanya at hinawa ang kanyang leeg na kasabay ng matinding kulog.

"This is unforgivable!!"sabi nito sa kanyang isipan. "His move was UNSTOPPABLE"

avataravatar
Next chapter