16 Chapter 15:Good Luck

A/N:Befor your read this,I remind that the rest of the chapter will be having a POV.

_____________________________________

Wint's POV

Nasa loob ako ngayon ng bahay ni Zeus at nakatayo sa loob ng elevator.Hindi ko alam na masyado s'yang mayaman kaysa sa akin.Magkano kaya ang bayad sa kanya bilang Pillar?

Nakasuot ako ngayon ng tuxedo outfit at shades.Nagpagupit din ako sa hair stylist ko at maganda naman ang gupit sa akin na fade.Lalo akong magiging cute nito.

Huminto at tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito.Isang malaking kwarto ang bumungad sa aking paningin at ang pader nito ay mga transparent glass.

"Ang laki naman ng bahay n'ya"sabi ko habang nakatingala sa mga ilaw na nagbibigay liwanag dito. "Teka ka nga lang.Ano bang naging dahilan para papuntahin pa ako ng lalaking 'yun?"

"Hindi kita papupuntahin dito kung walang dahilan"

Napalingon ako kung sino ang nagsalita at nang tumalikod ako ay nakita ko si Zeus na naka wardrobe at basang-basa ang buhok.May towel pa s'ya sa balikat.Muka s'yang driver.

"Kanina ka paba d'yan?"tanong ko sa kanya pero inirapan lang ako ng gag*.

Lumapit s'ya sa isang table at umupo sa harapan nito.Umupo diton ako sa harapan n'ya at nakipagtitigan sa kanya.Gwapo s'ya pero cute ako kaya may pagkakaiba kami.

Napatingin ako sa golden brown n'yang mga mata na para bang nananaliksik sa bawat kilos kong pinapakita.Pinapunta ba ako ng animal na 'toh para makipagtitigan lang?

"So,what is new?What is the reason of sending me here?What is it?"sunod-sunod kong tanong sa kanya.

"Babalik na ako sa America"WHAT?!

Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi n'ya.Ano naman ang naging dahilan kaya s'ya babalik ng America?

"Nasisiraan ka ba ng bait?Hindi mo gagampanan ang tungkulin mo bilang tagapagligtas ng hinirang na master ng demon hunters?"Nakakunot ang noo ko sa kanya.Hindi ko s'ya maintindihan.

"Nagpaalam na ako kay Master Mathew.Ako rin ang nagrequest na gawing tagapagligtas sina Vin at Canus para tatlo na sila nila Kim na medic na Pillars"Sabi n'ya habang sinasalin ang wine sa isang malinis na baso.

"Unti-unting dumarating ang mga panganib sa buhay natin lalo na kay Master Kwame.Malapit na silang pumunta sa isang misyon na kung saan ay hulang mga twelve moons ang may gawa—"

"Lahat ng Pillars ay malalakas at panglima ka kung tutuusin"pagputol n'ya sa sinasabi ko. "Aalis ako na sa'yo lang nagpapaalam at kay Master Mathew.Hindi ko na kailangang magpaalam sa ibang Pillars"

"Kahit kay Saidee?"Sa puntong iyon natigilan s'ya at napayuko ng ulo.Mukhang natatamaan pa rin s'ya sa pangalan ng babaeng 'yun.

Nakatitig lang ako sa kanya na nakayuko.Mga ilang sandali ay iniangat na n'ya ang kanyang ulo at walang ekspresyon na tinitigan.

"Tungkol kay Saidee.."Bigla akong kinabahan sa susunod n'yang sasabihin. "Pinapaubaya ko na s'ya sa'yo.Wala na akong balak na balikan siya"

Teka toto ba ang narinig ko?Wala na s'yang balak balikan ang babaeng 'yun?Hindi naman ako bingin para hindi marinig ang mga salitang iyon para sa kanya.

"But she really likes you.She want you back"Masakit man sabihin ko ang mga bagay na 'yun pero kailangan kong tanggapin. "Hahayaan mo nalang na mag-isa s'ya?Zeus hindi mo alam kung paano s'ya nasasaktan araw-araw sa oras na nakikita ka n'ya at naiisip na wala nang kayo—"

"Kaya nga ako aalis dahil isa 'yun sa mga bagay na dapat ko nang takasan.Ang balikan s'ya at makita ang maganda n'yang mukha"Ang lungkot ng boses n'ya.Kakaibang Zeus ngayon ang kaharap ko.

Ang walang ekspresyon na mukha ni Zeus ay nabahiran ng kalungkutan.Ngayon ko lang siya nakitang malungkot sa oras na 'toh.This is one of the proof that they love each other and I admit it that I really hate it.

"Sumuko na ako,Zeus.Simula noong nakita kong umiinom s'ya sa isang park dahil sa sakit na nararamdaman n'ya.Ayoko s'yang pilitin sa mga bagay na hindi naman namin ikasasaya balang araw"Ayoko,ayoko s'yang nakikitang pinipilit na mahalin ako.

"Hindi magkakaganito kung hindi nayapa ang kaibigan natin na Pillar"Ibinabalik ba n'ya ang nakaraan.

Namuo ang katahimikan sa buong paligid at sumagi sa aking isipan ang mukha ng namatay naming kaibigan noon na si Jamear.Siya ang dating boyfriend ni Saidee noon at matalik na kaibigan namin ni Zeus.

Bigla kong naalala ang mga masasayang araw namin.Ang mga tawanan namin na walang sawa.Kung gaano ako kasungit noon.Kung paano ako asarin ni Zeus sa pamamagitan ng mga jokes n'ya at away magkasintahan nila Jamear at Saidee na nauuwi sa tawanan.

Ngun nang mamatay si Jamear dahil sa isang malakas na demon.Nagbago ang lahat.Ang mga ekspresyon namin noon ay tuluyang naglaho.Pinilit ni Zeus na maging manhid at ako naman ay pinilit na maging masaya kahit pa na sa pang-araw-araw ay naiinis ako sa tuwing nagigising ako sa umaga.

"Ilang taon na ngunit hindi pa natin nakikita kung sino ang may gawa niyon kay Jamear.Isang demon na napaka lakas ang pumaslang sa kanya"Naging seryoso ang boses ni Zeus.

Hindi ko alam kung bakit na habang nakangiti ako ngayon ay gusto kong sumabog sa galit.Namumuo ang mga ugat sa aking mga kamay at inaalala ang imahe ni Jamear na duguan ang buong katawan.

"Hindi ako titigil na hanapin s'ya"Hindi ako titigil.

"Ako rin"matipid na sabi ni Zeus.

"Dalawang tao ang may kasalanan kaya namatay si Jamear.Una ang demon na pumaslang sa kanya at pangalawa—"

"Si Wukas"pagpapatuloy ni Zeus sa aking pananalita.

Ilang taon na ang nakalipas ngunit parehas parin ang nararamdaman ko kapag naaalala ko ang mga araw na nagpaguho sa buhay ko.Napaka sama mo Wukas.

"Ramdam ko ang galit mo Wint"

Nakangiti akong lumingon kay Zeus.Kahit ano ang gawin ko ay malalaman n'ya ang tunay kong nararamdaman.

"Isang halimaw ang nagtatago sa likod ng mga mata mo,Wint.Isang nakakatakot na Wint na ako pa lang ang nakakakita at hindi ikakagustong makita ng iba"Tama ka Zeus.Isa nga akong halimaw.

Tumalikod ako sa kanya at naglakad papuntang elavator.Pumasok ako sa loob nito at lumingon kay Zeus na nakatingin din sa akin.

"Ingat sa paglipad mo.ZEUS"madiin kong sabi.

"Ipangako mo sa akin na hindi ka mamamatay"Hindi natin masasabi iyon.

Tumango lang ako sa kanya at pinindot ang first floor button ng elevator.Sumara ang elevator at naghintay lang ako sa pagbukas muli nito.

Nakatikom ang mga kamay ko dahil sa galit.Malapit ko nang ipakita muli kung sino at ano ako.Wukas Beal Farrant,ipapakita namin sa inyo kung paano namin uubusin ang mga Twelve Moons.

Kwame's POV

Nasa tapat kami ngayon ng isang malaking gate at hinihintay lang namin si miss Vin na dumating.Ngayon na ang araw ng aming paglalakbay patungo sa isang misyon,isang seryosong misyon.

Napalingon ako kay Mark Vince na nakatitig sa akin ng seryoso.Mukha talaga s'yang bata pero parang kilos matanda na.Isa s'yang kinoe at ako naman ay mizunoe.Mas magaling s'ya kesa sa akin.

"May madumi ba sa mukha ko at kanina ka pa titig ng titig sa akin?"tanong ko sa kanya.

"Wala,inuusisa ko lang ang appearance mo kung karapat-dapat ka ngang hirangin na susunod na pinuno ng demon slayers"Medyo may kaliitan ang boses n'ya pero bossy ang pananalita ni Mark Vince.

"Hindi ko naman talaga inasam na maging pinuno.Kahit na ang namayapa kong ama ay isa ring sikat na demon hunter sa bansa natin"mahinahon kong pananalita sa kanya.

"What is the breathing technique of your dad?"tanong n'ya sa akin.

Bigla kong naalala ang Nichirin Blade ng aking ama at kulay violet ang talim nito.Kung hindi ako nagkakamali ay s'ya lang din ang nag-imbento ng breathing technique na iyon.

"Dark Breathing"mahina kong sagot.

"D-Dark Breathing?"hindi makapaniwala si Mark Vince sa sinabi ko.

"Oo,inimbento lang iyon ng aking ama at sabi n'ya sa akin na mula ito sa breathing ng Moon"sabi ko sa kanya.

Napalingon sa malayo si Mark Vince at naging seryoso ang kanyang mukha.May iniisip s'ya na hindi ko mabasa.Tungkol ba ito sa breath ng dark?

"Iisang tao lang ang may breathing na dark at nakakagawa nito.At kung hindi ako nagkakamali ang pangalan n'ya ay Alfonso Salazar"Teka,kilala n'ya ang tatay ko?

"Paano mo nakilala ang ama ko?"nakakunot noo kong tanong.

"Katulad ng sinabi mo.Isa sa mga sikat na demon slayers ang ama mo.Kilala ko na s'ya noon pa dahil s'ya ang dating kinikilalang pinaka malakas na demon hunter sampung taon na ang nakakalipas"Bata ba talaga siya?Taong 2010 bata pa s'ya.

"Kung nagtataka kung bakit may nalalaman ako tungkol sa ama mo.Iyon ay dahil nakasama ko s'ya sa pakikipaglaban sa mga Upper Moons"Maniniwala ba ako sa sinasabi n'ya? "Hindi talaga ako isang bata na katulad ni Joriz.Kung tutuusin ay mas matanda pa ako sa lahat ng Pillars.Umiinom ako ng pampabata na hinihingi ko kay miss Kim para bumalik ang liksi ng aking katawan.Hindi rin si Master Mathew ang tunay kong ama sa tutuusin ay apo ko s'ya at nagpapanggap lang kaming mag-ama dahil sa isang kadahilanan na hindi ko p'wedeng sabihin sa'yo"Hindi ako makapaniwala sa sinasabi n'ya.

"Kung lahat naman ng sinabi mo ay pawang may katotohanan lahat.Maniniwala ako dahil may tiwala ako sa'yo"Ngumiti ako ng bahagya sa kanya at ngumiti rin s'ya sa akin.

Napalingon ako kina Kirsten,Chester at Todd ma nagdadaldalan at bigla na lamang silang natahimik nang makita sina miss Vin,Canus at mister Ludy.

Napalingon ako sa magkahawak kamay nila miss Canus at mister Ludy.Ang higpit pa ng pagkahawak kamay nila.

"Pasensya na kung natagalan kami"Ngumiti si miss Vin sa amin.

"Ayos lang po iyon miss Vin"pananalita ni Kirsten.

"Ang ganda ng green kimono n'yo miss Vin!!"malamyang boses ni Todd habang nakayakap kay Chester.

"Todd bitawan mo nga ako kadiri ka!"angal ni Chester.

Nagtawanan kaming lahat sa kanilang dalawa.Iniisip ko lang kung paano kapag nagkagusto na rin si Chester kay Todd.Pero malabo dahil straight talaga ang lalaking 'to.

"Naway mag-ingat kayong lahat sa inyong misyon at makabalik ng ligtas dito.Naway mag-ingat kayo"sabi ni mister Ludy sa amin.

Yumakap si miss Vin ng mahigpit kay miss Canus at rinig ko ang mabilis na pagtibok ng kanilang mga puso.Nag-aalala sila sa p'wedeng mangyari.Hindi ko naman papayagan na may mapahamak sa aming lahat.

"Mag-ingat ka ha.Bumalik ka dito ng ligtas"nakangiting sabi ni miss Canus sa kanyang kapatid.

"Babalik ako ng ligtas at nakangiti.Ikaw agad ang dadalawin ko sa oras na makabalik ako"mahinhin na sabi ni miss Vin.

Napatingala kaming lahat nang nagsipagdatingan ang mga uwak namin.Sumampa ang mga ito sa aming balikat at nagsalita.

"Naghihintay na ang inyong misyon!"panawagan nito.

"Mukhang kailangan na talaga natin umalis"sabi ni Miss Vin.

Bumukas ang malaking pintuan at bumulaga sa amin ang maraming mga tao na nakasuot ng demon slayer uniform.Kasama na rito ang mga Pillars na nakangiting sinalubong kami.

"Mag-ingat kayo"Kumaway pa si Wint at malaking ngiti ang sinalubong nito sa amin.

"Maglalaro tayo kapag natapos kayo sa inyong misyon!!"sabi naman ni Joriz na nakapasan sa likod ni Wint.

"Naway patnubayan kayo ng Bathala,Master"mahinhin na sabi ni Kim.

"Hihilingin ko sa Bathala na bigyan kayo ng lakas ng loob sa kakaharapin n'yong pagsubok"Nakangiting sabi ni Julius.

"Anuman ang kaharapin n'yo ay huwag kayong susuko"Yieee ang ganda ni miss Saidee!

Lahat ng sinabi nila ay aalahanin ko.Ipinapangako ko na walang mababawas sa mga demon hunters lalo na sa pangkat ng mga Pillars.Gagawin ko ang lahat para mahanap ko si Yves.

*End Of Season 1*

avataravatar