14 Chapter 13:Saviors

KINAKABAHAN si Kwame sa pwedeng mangyari.Hindi n'ya alam kung papaano magkakaroon ng tyansang matalo nila ang kalaban kung hindi na n'ya maigalaw ang sariljng braso.

Kinuha ng binata ang espada gamit ang kaliwang kamay at inihanda ang sarili.Napalingon s'ya kay Kirsten na nag-aalala ang itsura sa kanyang kalagayan.

"Mukhang hindi mo na maigalaw ang kanang kamay mo.Masyado namang mapapadali ang pagpatay ko sa iyo"Bumato si Axer ng dalawang palakol kay Kwame .

Nasalag ng binata ang paparatjng na palakol at paikot na tumakbo sa paligid ni Axer.Sinabayan s'ya ni Kirsten at ngaykn ay nakabilog silang dalawa sa kalaban.

Nanlaki ang mata ng dalawa dahil sa pagkabigla nang madagdagan nanaman ang braso ni Axer at katumbas nito ang dagdag nanaman na atake na ibibigay sa kanila.

"Anim na ang braso n'ya"sabi ni Kwame sa kanyang sarili.

"Breath Of Love—ARGHH!"Hindi natuloy sa pagbitaw ng form si Kirsten nang may dalawang palakol na paparating sa kanya at sinalag n'ya ito.

"Breath Of Thunder—Ahhh!"sigaw ni Kwame nang madaplisan s'ya ng palakol sa kaliwang binti.

Pinilit n'yang manatiling makatayo at pinabilis pa ang pagtakbo.Hindi na n'ya kontrolado ang kanyang paghinga dahil sa iniinda n'yang mga sugat.

"ARGHHHH!"sigaw nj Kirsten at mabilis na lumapit kay Axer at sunod-sunod na nagbigay ng atake.

Sinalag lang ni Axer ang bawat wasiwas ng dalaga sa espada.Hindi na kayang makipagsabayan ni Kwame dahil hindi s'ya sanay humawak ng espada gamit ang kaliwang kamay.

Napansin ni Kirsten na pinipilit ni Axer na lumayo sa kanya kaya naisip n'ya ang isang atake. "Breath Of Love,Second Form:Love Pangs!"

An extended whipping slash and she cut Axer's right arms.Agad na tumubo ang kanang braso ni Axer at nakaramdam ng inis si Kirsten.

"Breath Of Love,Shivers Of First Love"At naputol n'ya ang magkabilang braso at binti nj Axer.

"Breath Of Love,Third Form:Catlove Shower"malakas na iniwasiwas ang mala latigong espada ni Kirsten ngunit hindi n'ya natamaan si Axer sa leeg.

Tumigil s'ya sa pag-atake at nakaramdam s'ya ng pagkahingal.Naninikip ang kanyang dibdib dahil sa pagkahingal at kailangan n'yang manatiling nakatayo kahit na nanginginig ang kanyang mga binti.

"Masyado ka namang gigil sa akin ija"Tumawa ng malakas si Axer at mabilis na pinatubo ang kanyang mga braso na naputol ng dalaga.  "Dahil sa espada mo na parang latigo ay kaya mong salagin ang lahat ng palakol ko.Ngunit hindi ka n'yang maliligtas sa oras na makaramdam ka na ng pagod!"At binato n'yang ang dalawang palakol papunta kay Kirsten.

Napangiwi si Kirsten dahil kailangan n'yang ipagsantabi ang pagpapahinga ng sandali.

"Breath Of Love,Sixth Form:Cat-Legged Winds Of Love"Kirsten twirls upside-down and creates a helical slash with her sword, deflecting incoming attacks.

Nadagdagan ang pagod n'ya at namamanhid na ang kanyang mga palad.Nilingon ni Kirsten si Kwame sa kanyang likuran at nakita n'ya ang binata na nakasandal sa puno at namumutla ang mukha.Napalingon ang dalaga sa patuloy na umaagos na mga dugo sa sugat ni Kwame sa braso at binti at nakaramdam na s'ya ng pag-aalala.

"Kailangang malunasan agad ni Kwame.P'wede s'yang mamatay kapag naubusan s'ya ng maraming dugo.Kailangan kong matalo agad ang demon na ito.Chester,Todd tapusin n'yo na ang babaeng demon at tulungan n'yo ako dito"

SALITAN sa pagsangga sina Chester at Todd sa atake ni Delilah at mabilis silang nakakailag sa malakas na atake nito.

"Breath Of Flower,Second Form:Honorable Shadow Plum"At nadipensahan ni Todd ang sarili.

"Breath Of The Beast,Eight Fang:Explosive Rush"At mabilis nitong inatake si Delilah.

Agad na nakatakas si Delilah sa parating na atake ni Chester at tumama ang atake nito sa lupa na nagsanhi ng mahinang pagyanig.

"Masyado kang mabilis!"Pataas na iniwasiwas ni Delilah ang kanyang kanang braso at lumabas ang tatlong atake ng kalmot na may malakas na pwersa ng hangin.

Pasirkong lumukso patagilid si Chester at nadaplisan s'ya sa tagiliran ni Delilah.Sumirit ang dugo sa sugat ni Chester at napangiwi s'ya sa sakit.

"Huwag mong sugatan ang magandang katawan ni Chester!"sigaw ni Todd at namuo ang galit sa kanyang mukha.

Mabilis na tumakbo papalapit ang binata sa kalaban at nagbitaw ng technique.

"Breath Of Flower,Fourth Form:Crimson Hanagoromo!"Matinding atake dahils sa galit ang ibinigay ni Todd at nahiwa n'ya ang tiyan ni Delilah kaya naman nahati ito sa dalawa.

Bago bumagsak sa lupa ay nagbigay ng malakas na kalmot si Delilah papunta kay Todd.Todd bend his body and avoid the dangerous attack.

Napalingon si Todd sa direksyon ni Chester at nanlaki ang mata n'ya sa pagkatakot nang makitang maramjng dugong umaagos galing sa sugat ng binata.Agad na lumapit si Todd kay Chester at inihiga ito sa kanyang mga braso.

"Ako na ang lalaban mag-isa sa demon.Hind mo na kayang lumaban"Halos maluha si Todd dahil sa nakikitang paghihirap ni Chester.

"Kaya ko pang lumaban.Marami pa akong kayang ibigay na form—"

"SABING HINDI MO NA KAYANG LUMABAN!"

Natulala si Chester dahil sa sigaw ni Todd.Tumulo sa kanyang pisngi ang luha ng binata at narinig n'ya ang mahinang paghikbi nito.

"Bakit napaka halaga ng buhay ko sa kanya?"pagtataka nj Chester sa kanyang isipan.

Naging blanko ang mukha ni Todd at ramdam ni Chester ang pinaghalong lungkot at galit ng binata.

Pinunasan ni Todd ang kanyang mga luha at binuhat si Chester para isandal sa lupa.Nang maisandal n'ya ito ay mahigpit n'yang hinawakan ang espada.

Nakatulala pa rin si Chester kay Todd na unti-unting tumatalikod sa kanya.Nakita mismo ni Chester kung paano hinubad ni Todd ang sariling pang-itaas na damit at pinagmasdan n'ya ang maganda at pawis na pawis na katawan ng binata.

"Minsan na akong namatayan ng sampung kaibigan at isang kamag-anak.Hindi na ako papayag na maulit ang bagay na iyon"Ang pagkalamyang boses ay naglaho sa matapang na prisensya ni Todd.

Seryoso ang mukha nj Todd habang nakatingin kay Delilah na naglalakad papalapit sa kanya.Itinindig ng binata ang kanyang katawan at nakaramdam ng mainit sa kanyang pangangatawan.

"Mukhang seryoso na ang laban ngayon.Pero wala kang magagawa dahil ako ay hindi napapagod dahil isa aking demon,at ikaw ay isang nakakaawang mortal na hinang-hina at nakakaramdam na ng pagod"Humaba ng isang metro ang mga kuko ni Delilah sa kamay.

Hindi nagsasalita si Todd na nananatiling nakatitig lang sa kalaban.Hindi naman mabasa ni Chester ang nasa isipan nito.

"Bakit hindi ka makapag salita—"Natigilan sa pagsasalita si Delilah nang parang bulang naglaho si Todd sa kanyang paningin.

Tumigil sa paglalakad si Delilah at inilakbay ang paningin sa buong paligid.Ramdam n'ya ang mabigat na prisensya ni Todd na naisip n'yang hindi na nakikipagbiruan sa pakikipaglaban ang binata.

Nabigla si Delilah sa pagsulpot ni Todd sa kanyang kanang gawi kaya agad s'yang nagbigay ng atake.Ngunit bago n'ya tuluyang matamaan ang binata ay naglaho ito.

"Breath Of Flower,Fouth Form:Crimson Hanagoromo"

Napatalon paatras si Delilah para hindi matamaan ni Todd ang kanyang leeg at naputol ang kanyang braso.Nakaramda s'ya ng inis sa binata dahil sa liksi nito.

Todd dashes forward to Delilah and swing his sword. "Breath Of Flower,Fifth Form:Peonies and Futility"

Nahiwaan ni Todd si Delilah sa dibdib.Mabilis itong bumwelo at lumabas ang halimuyak ng bulaklak sa kanyang espada.

"Breath Of Flower,Sixth Form:Whirling Peach"Malakas na pwersang atake ang ibinigay ni Todd at natamaan n'ya si Delilah sa dibdib ngunit hindi sa leeg.

Biglang nakaramdam ng pananakit ng dibdib ang binata at natumba sa lupa.Dumilim ang paningin ni Todd at tuluyang nawalan ng malay.

Nabigla si Chester sa nangyari.Ngayon n'ya lang napansin na habang umaatake kanina si Todd ay pinipigilan nito ang paghinga.

Sinubukan ni Chester na hawakan ang kanyang mga espada ngunit hindi na n'ya maigalaw ang kanyang mga kamay.Hindi na n'ya maigalaw ang buong katawan at patuloy pa rin sa pag-agos ang mga dugo sa kanyang tagiliran at braso.

Lumingon s'ya sa buong paligid at napansin n'yang wala sina Kwame at Kirsten sa kanilang paligid dahil napalayo sila sa landas ng dalawa.

Narinig ni Chester ang pagtawa ni Delilah at nang lingunin n'ya ito ay nakita nyang papalapit na ito kay Todd.Wala na s'yang magagawa.Hindi na niya kayang protektahan si Todd.

"P-Patawad....Todd"At nawalan na rin s'ya ng malay.

"Dalawang binatang mandirigma ang mamamatay sa aking mga kamay.Nasiyahan din ako dahil parehas kayong malakas"Tumigil sa paglalakad si Delilah nang tuluyang makalapit kay Todd.

"Paalam na"Itinaas ni Delilah ang kanyang kanang kamay at akmang pagpipirasuhin na n'ya si Todd nang bigla itong naglaho sa kanyang harapan. "P-Paano?!"

Napalingon si Delilah sa babaeng nakaputing palda at may disenyong hangin sa magkabilang manggas nito.Nakita n'ya kung paank nito ibinaba si Todd sa lupa at humarap sa kanya.

Isang magandang binibini ang kanyang pinagmamasdan ngayon na may itim na itim na bilugang mata.

"Mukhang malakas kang demon kaya napatumba mo silang dalawa"mahinhin na sabi nito sa kanya.

"Malakas nga ako.Kung mangingialam ka mas mabuting tumakbo ka nalang"mayabang na sabi ni Delilah rito.

"Hindi mo kailangang magmayabang para ipakita ang tunay mong lakas.Dahil sa pagkikita natin ngayon,saglitan lang kitang papaslangin"may bahid na ngiti sa bibig ng babaeng dalagang nakaputi.

"Kung ganon pala.Tikman mo 'toh!"Delilah creates a double slash towards the girl on her sight.

Mabilis na umilag ang dalaga at walang ingay na tumakbo ito na kalmado lamang.

"Breath Of The Wind,First Form:Dust Whirlwind Cutter"She creates a dashes forward in a cyclone of slashes.

Hindi na nakagalaw si Delilah at nagawang mahiwa ng dalaga ang kanyang binti,braso at leeg sa mabilis na paraan.Natulala siya sa pagkagulat at hindi naramdaman ang sakit na kanyang natamo.

Lumapag sa lupa ang mahinhin na dalaga at inilagay sa kaluban ang espada nitong kulay puti ang talim.

"Demon Slayer Corps.Vin Lopez,Wind Pillar"

Iyon ang huling narinig nj Delilah bago maging abo ang kanyang buong katawan.

_____________________________________

PATULOY parin sa pag-atake si Kirsten kay Axer habang wala nang malay si Kwame.Ramdam man n'ya ang pamamanhid ng mga kamay ngunit hindi s'ya tumitigil sa pag-atake.

"Breath Of Love,Second Form:Love Pangs"And she failed to cut Axer's neck. "Breath Of Love,Third Form:Catlove Shower"And she failed again.

"Tapusin na natin ito!!"

Napatigil sa pagtakbo si Kirsten dahil sa pagkabigla.Daang palakol ang paparating sa kanya at patuloy sa paghagis ng palakol si Axer sa direksyon n'ya.

Ngunit natulala s'ya sa babaeng humarang sa kanyang harapan at hinila ang dalawang malalaking itak sa ltak sa likuran nito at itinaas ang dalawang braso.

"Miss Canus?"mahinang sabi ni Kirsten.

"Breath Of Sound,Fourth Form:Constant Resounding Slashes"Canus hold her swords apart and spins them rapidly in conjunction with releasing her bomb to make a defend to the axes towards her.

Natumba sa lupa si Kirsten dahil sa malakas na pagsabog.Ang malakas na form na iyon ang nagpayanig sa buong lugar.

"At sino ka naman"Inis na sabi ni Axer.

Ibinaba ni Canus ang kanyang dalawang brasong may hawakn na espada at kasabay nito ang malakas na ihip ng hangin.

"Isang Pillar na tatapos sa kasamaan mo"matapang na sabi ni Canus.

"'Wag kang makakasiguro!!"Sabay-sabay na ibinato ni Axer ang kanyang anim na palakol papunta kay Canus.

Sinalubong ito ng dalaga at pinaghihiwa ito sa dalawa.Nagulat si Kirsten dahil nagawa nitong hiwain ang matibay na mga palakol ni Axer.

Tumalon si Canus sa taas ni Axer at itinaas ang kanyang dalawang kamay.

"Breath Of Sound,First Form:Roar"Canus lifts his twin swords above his head and slams them down with great force whilst simultaneously creating an explosion with his bombs, causing a loud sound resembling thunder.

Napapikit si Kirsten dahil sa malakas na pagsabog at kumapal ang usok sa buong paligid.Mga ilang sandali ay iniangat n'ya ang kanyang ulo sa direksyon ng pinagbagsakan ni Canus at nalaki ang kanyang mga mata nang nakahilata sa lupa ang pugot na ulong si Axer.

Hindi n'ya makita si Canus.At nang lingunin n'ya si Kwame ay nakita niya ang dalaga na binibendahan ang braso at binti ng binata.

Tumayo si Kirsten at pinagmasdan ang paggiging abo ni Axer.Lumapit s'ya kay Canus at Kwame at tiningala s'ya nito.

"Magaling ang pinakita mong lakas Kirsten.Wala kang masyadong galos at nagpapasalamat akong pinrotektahan mo si Kwame laban sa morphed demon"Tumayo si Canus at inilagay sa balikat ang kaliwang braso ni Kwame.

"Sina Chester at Todd—"

"Ang kambal ko naman ang nagprotekta sa kanila kaya 'wag kang mag-alala.Hindi na namin kayo dadalhin sa clinic dahil sa mismong Butterfly Estate na namjn kayo idederetso"sabi ni Canus sa kanya.

Inilagay ni Kirsten ang espada n'ya sa sariling kaluban at inalalayan si binibining Canus sa pag-alalay sa walang malay na si Kwame.

avataravatar
Next chapter