1 Chapter One

Chapter One

Tammie Sevilla

Mabigat ang mga maletang bitbit ko pababa sa hagdang kahoy ng vacation house nila Zinea .. Two weeks ko naramdaman ang kapayapaang dulot ng tahimik na probinsiyang ito.

Inilagay ko ang mga maleta sa compartment at muling sinulyapan sa huling pagkakataon ang up and down na vacation house.

"I thought you'll get bored here.. But it seems nabitin ka pa sa bakasyon mo." birong puna ni Khaile sakin, my boyfriend for two years.

"Let's go." sagot ko lang at sumakay na sa kotse nito.

I just pretending sleepy and too tired para may excuse sa pagtulog sa buong duration ng byahe. The truth is, wala ako sa mood kausap si Khaile. Isa ang relasyon na 'to sa dahilan why I decided to grab Zinea's offer na gamitin ko ang vacation house nito sa San Florencio.

Napapansin daw kasi nito na exhausted na ko sa trabaho. Wala na ding idea na pumapasok sa utak ko which is very important sa trabaho namin sa isang prestigious Advertising company.

Nang maisip ko na tama si Zinea, kailangan ko munang tumakas pansamantala sa magulong mundo. Nag-file ako ng two weeks leave na inaprubahan naman dahil four years na ko nagtatrabaho doon na walang late and absences.

Two weeks ago, there's something wrong between me and Khaile already. Hindi ko maarok talaga kung ano, parang sobrang smooth pa rin naman ng lahat.

Alam ko nararamdaman din yon ni Khaile. Nagpapakiramdaman lang siguro talaga kami kung sino ang unang mag-oopen sa bagay na yun.

"Tam .." I heard him calling me. I opened my eyes pretending that I came from a deep sleep. Deep thoughts perhaps.

"Nandito na tayo."

"Oh," Ang lalim ng muni muni ko. Di ko talaga namalayan .. Five hours na yon? "Thank you Khaile, take care."

I move out of the car ang got my things as he open the compartment. Ng maibaba ko ang mga ito sa harap ng gate sinulyapan ko siya sa driver's seat. Lagpasan ang tingin nito.

I feel the guilt of treating him cold. Nag-effort ito na sunduin ako sa San Florencio pero ni hindi ko siya pinansin.

I walk towards his car and knock at the window.

Binaba niya ang bintana. "Are you done?"

"You look space out. Kanina pa po." I tried na pagaanin ang ambiance. I smiled at him. "Ingat sa pagdadrive. Thank you sa pagsundo. I love you."

He smiles, ngiting hindi umaabot sa mga mata. "Thanks Tam, I love you too."

I stepped back and he close the car's window then drive away.

Napahugot ako ng buntong hininga dun. Malalim.

I open the gate then grab my things at the lawn. Welcome back to the real world Tamara.

"Hi Miss, I guess sayo ito .."

Literal na napanganga ako sa kagwapuhang tumambad sakin pagharap ko sa nagsalita.

J-james Reid? .. Silly. Of course not. Kahawig lang ..

"Hindi ata. Sige ipagtatanong ko na lang sa iba. Pasensiya na."

"No, sakin nga yan. Thank you!" Mabilis ko inagaw ang panyo ko sa kamay niya. Ng madaiti sa skin ko ang skin niya para kong kinuryente. Masarap na kuryente. Masarap na kuryente?? What are you thinking Tamara!

"Hala! Maka-react. Di ko naman inaangkin." he make face.

Di ko mapigilang mapangiti sa expression ng mukha niya.

"Oh, you look so lovely when you smile.."

Grabe! That was so flattering. I felt my face turn red.

".. and a lot lovelier when you blushed."

Oh Ehm Giii ! Di ko na to keri.

He laughs upon seeing my reactions. Inilahad niya ang palad. "Aldrich..."

Siyempre tinanggap ko yon, and then that electricity-feel-like feelings happens again. "T-tam."

"Nice meeting you Tam."

"Same here, salamat dito ah. Saan mo pala napulot?"

"Actually, kinuha ko yan sa table mo kanina sa loob ng restaurant." Pilyong pag amin nito sabay kindat. "Ang cute mo kasi!"

Imbis na magalit sa kapreskuhan nito, kinilig pa ko ng marinig yon. Kilig? Saan mo naman hinugot yon?

Sumampa ito sa motorsiklong nakaparada sa likod nito. "COME, hatid na kita. Sa Lopes Village, right?"

Napanganga ako. Stalker?

Napahalakhak ito na parang naiisip ang naiisip ko. "I didnt stalked you.. I just did some research about the lady who unintentionally captured my heart."

My heart beats so fast. Hindi na ako nakapag isip ng maayos. Ang natatandaan ko lang. From that very moment, my world turns upside down.

avataravatar
Next chapter