webnovel

Prologue

"The mind is like an iceberg"

Ika-nga ni Sigmund Freud, isa ito sa pinakapaborito kong kasabihan na nabasa ko sa aking mga aklat. Na lahat ng masasakit na ala-ala mo ay parang isang iceberg na matagal matunaw. Mga ala-alang lagi mong mararamdaman.

Anim na taong gulang palang ako napagtanto ko na, na ang buhay ko ay hindi magiging mala-prinsesa katulad sa buhay ng mga kaklase ko. Araw-araw akong nakatingala sakanila habang kinukwento nila sa harapan ang mga masasayang pangyayari sa buhay nila, sa pamilya nila. Dahil ni isang beses di ko ito naranasan sa buong labing limang taon kong nakatira sa mundo.

Malawak ang kaisipan ko, kadalasan akong pinupuri ng mga guro ko dahil sobrang open-minded daw akong tao kahit ako ay bata pa lamang. Simple lang pamumuhay ko dito sa probinsya pero di ako nagrereklamo sa mga pangyayari sa buhay ko, Dahil kahit papano naramdaman ko naman ang pagmamahal ng isang ina sa aking Nanay Liling. Masaya ang naging pitong taon kong pamumuhay kasama siya bago ako kinuha ng aking nanay at tatay. Wala akong alam kung bakit nila ako iniwan sa lola ko ang alam ko lang ay nagiipon sila para sa kinabukasan ko.

Kinse anyos kasi si mama noong binuntis niya ako, di niya pa ako kayang buhayin noon kaya binigay muna ako sa lola ko dito sa Surigao.

Binibisita naman nila ako paminsan-minsan tuwing nagkakaroon sila ng pera para pumunta rito galing sa siyudad. Medyo malayo kasi ang bahay ng lola ko sa Surigao City mismo. Kaya bibihira lang din sila bumisita sakin. Pero di naman ako nagrereklamo.

Sanay na kasi akong intindihin ang ibang tao bago ang sarili ko. labing tatlong taong gulang ako simula noong sinasaktan ko na ang sarili ko. Ginagawa ko ito tuwing sa tingin ko nakasakit ako ng damdamin ng ibang tao kumbaga parang pinaparusahan ko ang sarili ko. Walang nakakaalam nito ako lang, Wala din naman akong mapagsabihan dahil simula nang tumira ako dito kila mama, Parang nagsiklaban ang impyerno dahil araw-araw silang magkaaway ni papa.

Ni isa sakanila di naparamdam saakin na mahal nila ako,na tinuring nila akong anak nila. Di nga nila nasabi na mahal nila ako eh. Pero okay lang, naiintindihan ko naman sila aksidente g bata lang naman ako, di planado.

Ayan ang buhay ko walang kaibigan,walang nagmamahal simula nung namatay ang lola ko. Pero okay lang ako nagpapasalamat parin ako sa Panginoon na binuhay nya ako. Okay lang kahit walang pagmamahal, Okay lang kahit walang kaagapay, Okay lang kahit di nila ako napapansin basta't naitatawid ko ang sarili ko sa pangaraw-araw kong pamumuhay dito sa mundo.

Next chapter