1 Prologue

Author's Note: This story is a sequel to my story entitled 'Unheard Feelings'. There are familiar characters here that included in the first part but I will focus more on the new characters!

PROLOGUE:

Ako'y nagpakalayo upang makapagsimula. Hindi ko alam na dahil sa aking paglayo, tuluyan akong masisira.

Nakakilala ng mga bagong tao. Nakakakilala ng isang taong makakapagpasaya. Ngunit ang sayang nadarama hanggang alaala na lamang.

Binigyan mo ako ng rason upang mahalin ka ngunit hindi mo ako binigyan ng pagkakataon upang mas ipadama pa. Ang ating pagka-kaibigan nadurog ng tuluyan.

Kay bilis dumating, kay bilis ding nawala na parang bula.

Ipinadama mo ang mga bagay na hindi ko naramdaman sa kanya noon.

Masaya tayo noon. Tamang chill lang. Kain dito, gala doon. Kung saan-saan nakakarating.

Para bang walang problema. Mahal na mahal natin ang isa't-isa. Bakas saating mata ang ligayang nadarama. Isang milyong galak ang nadama nung nakilala kita.

Lumipas ang panahon, akala ko tayo'y para sa isa't-isa.

Ang mga pangako'y napako. Ang mga responsibilidad na iyong inako ay naglaho.

Siguro hanggang dito nalang tayo. Hindi tayo sa isa't-isa. Hindi tayo hanggang huli. Hindi tayo magkakasama sa bandang huli.

Iniwan ang isa't-isa. Nakahanap ka ng babaeng makakapagpasaya sayo habang ako nagluluksa pa. Siguro hindi mo naramdaman saakin ang saya na kaya niyang ipadama. Ngunit hindi ko makakalimutan ang alaala natin magkasama.

At kahit wala ka na, parang nandito ka pa. Isang katanungan lamang ang nasa isip ko. Minahal kita ng sobra ngunit sinuklian mo ba?

~*~

Lou's Point of View

Junior High School Life is over... Grabe. Wala ako masabi sa aking Junior High life kasi it was amazing. In four years, I socialized with different types of persons.

Sa aming school, hetero ang pamamalakad ng aming punong-guro. Ano ba ang hetero sections? From the word itself hetero, pinaghalo-halo. Hindi lahat ng matatalino ay magkakasama sa iisang klase. Isinasama sila sa mga estudyanteng hindi gaanong nakakasabay sa kanila upang sa ganon ay nahahatak sila pataas.

Kada taon iba-iba ang makakasama mo. Swerte ka pag nakasama mo matitino at hindi sakit ng ulo ng mga guro.

When I was on the 7th Grade, kalahating matino kalahating maliligalig ang mga nakasama ko. It's kinda difficult for me. Because since elementary, I was on a higher section with other intelligent students. Kaya parang ang seryoso, walang ligalig, at puro aral lamang. Dito ko natutunan ang makisama, magpasensiya at magtiyaga sa mga nakakasama ko.

Grade 8 came and thanks God, maayos ang mga nakasama ko. May mga konting magugulo pa rin but it's bearable. Kaya namang pagsabihan unlike nung Grade 7 ako.

I finished my 8th Grade well and at peace. I became an honor student that time. So it's time for my Grade 9 life. I assumed that this luck would keep going. But my doubt is incorrect. It's a miserable, a tragedy...

Grabe lang guys. Akala ko okay na nung grade 7. Akala ko last na yon. Akala ko worst na. Pero may mas pa pala. Those male students has vice. They smoke, they drink. And lastly, they even try drugs. I was scared that time. I don't know what to do. Dumating sa time na gusto ko nalang magtransfer kaysa pakisamahan ang mga 'yon. But I have no choice.

Dumating sa time na I start breaking rules. I tried alcohol. But I didn't try to smoke and take drugs. No way!

Until I met this guy. He's Joe Orellano. The first guy in my life who makes me feel special. Who treated me different. I fall inlove with him not because of his looks (he doesn't have any looks at all. His skin is tanned, he is a moody person and problematic as well...)

His attitude made me fall in love with him. Grabe ang clingy by words and actions. Iba 'yung pinaramdam niya saakin. Kaya nung nalaman kong nagkaroon siya ng girlfriend sa isa sa mga kaibigan ko grabe 'yung sakit na naramdaman ko. I cried a couple of times. Dumating rin sa time na I want to end this beautiful life... but some of my friends stop me to do that. Buti nalang bandang mga February ako nafall sa taong 'yon. 2 months nalang din naman matatapos na 'yung school year. Pero alam niyo ba, he's my crush since October 2017. Wala ang weird lang niya kasi that time.

I changed myself. Sabi ko sa sarili ko, deserve kong sumaya. Incoming Grade 10 student na ako. And this will be my last year in Junior High. Sabi ko susulitin ko na...

Sa maayos ako na section napunta. Marami nga lang ang naging issues ang bawat isa but still, we forget and forgive... Started a new chapter... Naging masaya ako ngayong Grade 10. Alam niyo 'yun? Chill lang pero alam ko sa sarili ko 'yung priorities ko... at isa pang bonus doon eh I met new set of trustworthy friends. Napaka-caring at suportado nila ako sa mga kagagahan ko sa buhay. My Grade 10 life made me crazy also. Basta ayaw ko nang i-kwento. Nag-mu-move on na ako at handa na magsimula ng bagong kabanata. At sana sa bagong kabanatang sisimulan ko, maging masaya na. Sana sa dulo ng kwentong ito, may happy ending na...

Today is card giving na. It's time to enroll na in our new chosen school.

"Handa na ba kayo sa inyong Senior High life" tanong ng aming adviser. I feel grateful because she's our adviser. Napaka-patient, selfless, and lovable adviser. Naaalala ko 'yung mga panahong hirap na hirap ako sa math. But still, she finds a way to teach it to me in an easier way.

"Hindi pa nga ma'am eh! Nakakakaba!!!" aniya Caye. Ito thankful ako sa taong ito. She supports me everything I do in my life. Napaka-genuine din ng pagkatao. When you have problems, pwede kang lumapit sa kanya...

"Kaya niyo 'yan, naka-survive nga kayo ngayong Junior high eh, Senior pa kaya? Oh siya alis na ako ha! Pagoda na me! Congratulations to all of you haaa! Good luck!!!" Paalam ni ma'am at umalis na rin siya. Buti nalang naibigay niya na lahat ang mga cards namin. Next na balik namin dito sa school na 'to, kuhanan naman ng good moral and other requirements.

"Ma'am thank you po sa lahat!" sigaw ko at naglike sign siya ng senyas ng pagsagot.

"Oh mga teh saan na kayo mag-aaral sa grade 11" Tanong saamin ng kaklase naming si Vincent.

"Hay nako. Wag niyo muna stress-in sarili niyo" panatag na sagot ko.

"Gaga ka! 'yung ibang school pasukan na sa June 04! Ano haaaa!!!"

"Basta bahala na!" tipid na sagot ko.

Ako nga pala si Homber Lewis Verdetto! Pwede niyo akong tawaging Lou kung gusto niyo. Ako nga pala'y incoming Senior High student. It means grade 11! 16 years old at taga-Laguna.

So what are my plans for Senior High??? I would like to take an Arts and Design Track since gusto kong maging Film Maker! Wow ang taray! Gusto maging director! Bata palang kasi ako mahilig na ako magvideo ng mga kung ano-ano at mag-edit thru phone. Mas nagustuhan ko tuloy siyang ipursue kasi may mga short films kaming project then ako 'yung ginagawang editor at director ng mga classmates ko. Pero mukhang mahihirapan ako maghanap ng school na may A&D kasi sa province kami nakatira. Most of the schools here offers STEM and ABM. Swerte na kung may HUMSS at GAS din. So kapag wala akong nahanap na school na may A&D baka mag-HUMSS nalang ako. Gusto ko din kasi maging lawyer. Heheheh.

"Saan kayo papasok this school year?" Tanong ko sa mga kaibigan ko

"School" Tipid na sagot ni Lester na siyang ikinakulo ng aking dugo.

"Common sense girl!" sagot ko sabay irap.

"Baka mag-SVCC ako Lou" Sagot ni Caye

"Itutuloy mo ang STEM? Sure ka na talaga???" Pabiro kong tanong ngunit alam ko na naman ang isasagot niya. Naka-ilang beses na akong tanong sa kanya at alam kong sure na siya sa tatahakin niya. Maging Civil Engineer.

"Oo naman!" Natatawang sagot nito.

Actually may nahanap na akong school na may A&D. Kaso super layo. Tatlong sakay siya mula dito sa bahay namin. Nakakalokang biyahe 'yon!

"Nako mamsh wag mo muna 'yan isipin! Magsaya muna tayo oh!" Sabi ni Caye habang natatawa. Nandito kasi kami sa aming bahay at nagme-merienda.

"Oo nga! Wala pa ngang isang linggo na nakakapag-move up tayo ayan agad iniisip mo?" Sabat naman ni Jane.

"Ang hirap kasi maghanap ng school na nag-o-offer ng strand na gusto ko. Kaya iniisip ko agad siya!" sagot ko at inirapan ko ito.

"Makakahanap ka rin! Pero ngayon magsaya muna tayo oh!" Sagot ni Eloisa saakin. Buti sila decided na sa strand na gusto nila. May school na silang napili. Hindi nalang muna ako nag-isip. Hayaan na. may ilang linggo pa naman ako para mag-decide.

A couple of weeks ago...

"Oh ano nang balak mo? Kalahati na ng April wala ka pa ring natitipuhang school?" tanong saakin ng ate ko.

"Meron na nga ako napili diba!? Kaso naubusan ako ng slots for reservation!!!" natatarantang saad ko.

"oh paano 'yan? Hindi ka na mag-aaral???"

"Diba may second choice pa ako???"

"Saan naman???" at tumaas ang kilay niya

"Sa Saint Benilde International School" sagot ko sa kanyang tanong.

Ilang araw lang ang lumipas pinuntahan ko na agad ang school na gusto ko. Hindi naman ito gaano kalayo sa aming bahay. Mga isang oras siguro ang biyahe kung may traffic.

Arts and Design talaga ang gusto kong kuning strand. Kaso hindi sila nag-ooffer ng ganong strand kaya HUMSS ang kinuha ko. Stands for Humanities and Social Sciences. Hindi naman gaano kalakihan ang paaralang ito. Private din siya. Sa puntong ito, gusto kong mag-aral sa pampribadong paaralan. Kasi sa loob ng labing isang taong pag-aaral ko, sa public school ako nag-aaral. At may voucher program rin kasi ang DepEd kaya sulitin na hehe. Though matagal na akong pinipilit mag-aral ni Frances sa private school. Gusto pa nga niya sa FEU Alabang eh.

Nasa labas palang ako ng school na ito naiisip ko na ang mga plano ko para sa darating na school year. Gusto ko pa lalong mag-aral ng mabuti, maging masaya at makalimot na rin. Gusto ko magsimula ng bagong kwento. Gusto ko makakilala ng mga bagong tao at gumawa ng Unforgettable Memories with them. Pumunta na ako sa admission office para mag-inquire. I have options naman eh. If not decided pa ako with this school, pwede muna akong magpa-reserve. Pero sa isip-isip ko rekta enroll na. Go na!

After ng ilang fill up dito, fill up diyan. Pila dito, bayad doon, enrolled na ako!!! Diniscuss saakin nung teacher ang oras ng pasok, mga ino-offer nila at higit sa lahat ang uniform! Lakas nga maka-international school. Kasi sleeves yung uniform namin with necktie at coat pa! Hello summer ng Philippines!!! Since tatahiin pa 'yung uniform, hindi ko agad siya nakuha. Pero 'yung socks naman nakuha ko so napag-desisyunan ko munang mag-gala sa isang mall malapit dito. Pagkapasok ko ng mall, bumungad saakin ang department store. May naalala ako dito.

"Dito tayo unang nagkita" Bulong na sabi ko.

Upang hindi na ako maka-alala ng iba pa, naisipan ko nalang umuwi ng bahay. Gusto ko nang makalimot...

avataravatar
Next chapter