1 Unang pagkakasalamuha

5:00 pm.

Normal paba ang gantong oras ng pagsisimba ko? Late nanaman akong nagising at tanging last mass nalang ang maaabutan ko.

Umupo ako sa medyo harapan at tumingin tingin sa paligid. Naghihintay ng hudyat na magsisimula na ang misa. Napatingin ako sa lalaking kakaupo lang sa tabi ko ng maamoy ang nanununtok nyang pabango.

'Alagang Penshoppe ang isang 'to!'

"Chill Selene, pabango lang 'yan wag ka mainggit" bulong ko sa sarili ko at naiiwas ang tingin ko sakanya ng mapadako ang tingin nya sakin.

"Tsk" nadinig kong sabi ng lalaki.

Lilingon pa sana ako sakanya pero nagsalita na ang isang katekista at sinabi ang mga nakasulat sa hawak nyang makapal na notebook.

"Magandang hapon sainyong lahat! Bago tayo magsimula ay babanggitin ko na po muna ang listahan ng ikakasal sa darating na mayo..."

Napatingin ako sa relo ko at muling inilibot ang paningin ko sa loob ng simbahan. Napakadami ng tao, mukhang nalate din sila ng pagpunta at huling misa nalang din ang naabutan nila.

"Derik Hernandez at Shirley Sarmiento"

"Josephine Estalado at Mike Bustan"

Muli akong nagpalinga linga sa paligid at bumuntong hininga pa. Binabanggit pa din ang mga ikakasal.

"Aim Deimon Suarez at Selene Rizaga"

Selene daw. Kapangalan ko pa.

Selene.

Selene What????

"What?! Aim Deimon?! Fck! Oh shet sorry God." bulong ng katabi ko.

Nanlalaki pa din ang mata ko at naguluhan.

Shit wait.. kapangalan mo lang 'yun. Teka bat naman ako ikakasal??????

"Ang mga tinawag po ay maari pong lumapit panandalian dito para isulat nyo ang lugar nyo at oras na din ng kasal. Salamat po"

Nanlalaki pa din ang mata ko at nakitang tumayo ang lalaking katabi ko at lumapit sa harap.

"Aim Deimon po, i'm sorry sister pero wala po akong alam dyan. I mean.. di ko po alam kung bat nandyan ang pangalan ko"

"Iho, alam mo dapat yon dahil kayo mismo ang lumalapit sa simbahan upang ipalista ang pangalan nyo" sambit nung isang katekista.

"Sino ba si Selene Rizaga?"

"Kahit ako di ko po alam kung sino 'yan" sambit nya. Halos yumuko na ko sa kinauupuan ko at napatitig nalang sa isang sulok.

"Selene Rizaga. Ipapahanap ko nalang ho" sambit nung lalaki at naupo na ulit sa tabi ko.

Wait.. Bakit??? Bakit ako ikakasal?

Joke ba to? panaginip ba???

avataravatar