webnovel

part 1 - rendezvous

it was a normal day in school and a normal lesson.

Oras ng lunch time, I met with my friends and we were on our way sa usual spot namin. Ngunit ng pagkarating namin ay may nauna na roon.

"teh may na una na sa spot natin" pag kalabit saakin ni Solana.

"oo nga, saan tayo??" tanong ko naman kay Hedera,

"bench nalang tayo, no choice na eh" agad namang sagot nito,

"ihh, wag tayo jan may nag lalaro ng volleyball baka matamaan tayo"

pag reklamo naman netong si Shanly.

"saan tayo kakain halos lahat ng free space sa school occupied na, bench nalang tayo!! wag kanang oa teh tara na" sagot ni ash sakanya kaya wala siyang nagawa at sumama nalang saamin.

nang maka hanap kami ng pwesto sa bench ay agad rin kaming kumain at habang kumakain ay nanonood kami ng volleyball.

ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na akong kumain kaya kinuha ko na yung water bottle ko para uminom, habang umiinom ako natamaan ako ng bola kaya nabuhos saakin lahat ng tubig.

"ahh…ayyy shh**t" agad kong sigaw dahil nagulat ako.

"sabi sa inyo eh wag na tayo dito yan tuloy…deserve" sabi ni shanly saakin na akala mo talaga mamatay na sa kakatawa.

"excuse me..? ok kalang?"

tanong ng naka tama saakin ng bola.

nung nilingon ko eto hindi ako makapaniwala kung sino, yung crush ko!!

"ay buti nalang dito tayo kumain"

dagdag pa ni Shanly.

siya si Kairo Himenez, Volleball player siya sa school at famous din siya kasi ang tangkad na ang gwapo pa!!

bukod sa pagiging vb player nya, matalino pa at mas matanda siya ng isang taon.

..oh san kana teh? ede sakanya na!

"uhmm.. hello?" tanong nya, ilang minuto na pala akong nakatitig sakanya.

shett nakakahiya!

"ah y-yeah o-ok lng ako"

sagot ko.

"sure ka? sorry nga pala"

"oo ok lang ako..ikaw naka tama eh" mahinang bulong ko sa sarili.

"ha? may sinasabi ka?"

gulat ko siya nilingon.

"huh? wala ahh btw ok lng ako"

"ah sge sorry ulit"

tumalikod na siya at dahan dahang nag lakad pabalik sa kasamahan nya.

"Hedera, may extra tshirt kapa? wala na kasi akong tshirt nasuot ko na"

sigaw na tanong ko kay Hedera.

"wala eh" sagot nya.

nagulat ako ng bumalik si Kairo at lumapit saakin.

"may extra t-shirt ako antayin mo nalang ako dito kukunin ko lng sa room namin" nagulat ako sa sinabe nya.

Sino ba naman ako para tumangi diba? and wala na akong choice basa na damit ko!

"s-sge thankyou" nginitian nya lang ako at umalis. lumipas ang ilang minuto at tinawag na kami ng president namin. kailangan na raw namin bumalik sa classroom namin dahil naroon na yung susunod na prof namin, hindi ko na hinintay si Kairo at bumalik nalang sa classroom namin. Sa kalagitnaan ng pag tuturo ng prof namin, may kumatok sa pinto ng aming silid. gulat kong tinignan ang pinto at Nakita si Kairo na may dala dalang navy blue na t-shirt. Nag tinginanan ang mga babae kong classmate halatang kinikilig.

"ah excuse me po sir nandito po ba si Ashianna?" sambit ni Kairo.

nagulat ako ng sambitin nya yung pangalan ko, Bigla ako nahiya ng biglang nag ka ubo sila Nics, Izekel, at Hedera.

*NT: wala yung iba kasi hindi ko sila kaklase.

"Yes Mr.Kairo? why do you need her?" tanong naman ni sir kay Kairo.

"uh.. I just want to give her this shirt po" sagot naman ni Kairo.

"ahh sge iho, Ms.Ashianna go ahead. i'll give you five minutes" sambit ng matanda.

"salamat po sir.." agad akong tumayo at randam ko ang mga titig ng mga kaklase ko, shet nakakahiya!!

"uh eto yung shirt and why did you leave? napagod pa ako kakahanap sayo.." mahinang Sabi ni Kairo at inirapan ako.

ayy shet tama nga pala!! ughh ano ba to ang gwapo nya magalit!!

"ayy sorryy, tinawag na kasi kami ng pres namin, time na kasi kaya hindi na kita na hintay" nahihiyang sambit ko pabalik.

"ah sge sge balik mo nalang saakin bukas" "ayy pwede sa susunod na araw nalang?lalabhan ko pa kasi baka di matuyo"

"sge. basta ibalik mo saakin."

inis na sambit ni Kairo.

kung makapagsalita naman to kala mo hindi ko ibabalik t-shirt nya.

"oo ibabalik ko sayo thankyou ulit"

sabi ko pa.

"ah-" naputol yung sasabihin nya nung tinawag na ako ni sir.

"Ashianna ano na? antagal mo na ata jan?" napalingon lahat ng kaklase ko kaya namula ako dahil sa kahihiyan.

"ah..! papasok napo sir." tumingin uli ako kay Kairo at nag paalam bago pumasok sa silid. Humingi muli ng tawad si Kairo bago siya umalis.

"Owemjii tehh buo na school year mo kinausap ka ng crush mo kinausap ka ng isang Kairo Himenez!!" sabi ni jewel saakin na katabi ko, na sa circle of friends ko din siya kaya close kami.

"huh? ano ba, hinaan mo nga boses mo kakahiya baka may maka rinig pa sayo, pero tama ka teh buo na school year ko na saakin pa t-shirt nya! ahckkk" mahinang sigaw ko.

"Ashianna at Jewel baka gusto nyo i share sa buong klase yan? ang iingay nyo!" sigaw saamin ni sir kaya agad kaming tumahimik.

"sorry po…ikaw kasi" bulong pa ni jewel.

"tumahimik kana" sabi ko pa at baka marining nanaman kami uli ni sir.

Next chapter