webnovel
avatar
UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER Book

novel - Urban

UNEXPECTED LOVE FROM STRANGER

QueenA_014

Ongoing · 23.2K Views

Synopsis

Siya si Melody Tolentino, lumaki sa hirap Kaya naman hindi naging mapagmataas kahit kanino man. Siya ay 19 years old na, nakapag-aral ng elementary at sekondarya sa isang pampublikong paaralan at kailanman ay hindi niya ito ikinahiya kanino man. Sapagkat nakapagtapos siya ng elementarya at sekondarya ng may mga sertipiko at medalya. At ngayon ay nakapagtapos siya ng dalawang taon sa Senior high sa isang pribadong paaralan. Nakapasok siya dito sapagkat nakakuha siya ng scholarship sa isang kilalang tao, Kaya naman hindi niya sinayang ang pagkakataong iyon. Nag-aral siya ng mabuti at nagsikap, Kaya naman heto siya ngayon, Isa sa mga nagkamit ng mga medalya. Ngayon ay mas mahirap na pagsubok ang darating sa kaniya sa pagdating niya sa kolehiyo. Kung ang iba ay lumaki sa isang marangyang pamilya, siya naman ay ibang-iba sa mga Ito. Isa siyang batang babae na lumaki sa hirap, walang magandang buhay, walang magarang damit at sasakyan, walang masarap na pagkain at walang maraming pera. Ngunit pinalaki siya ng kaniyang mga magulang na palaban sa buhay at may takot sa panginoon. Kaya naman lumaki siya ng mayroong mabuting puso at mapagmahal sa kapwa. Marami mang nambully sa kaniya dahil sa istado ng kanilang pamumuhay ay hindi ito naging dahilan para siya ay sumuko. Ginamit niya itong lakas upang bumangon at makapag simulang muli.

Tags

1 tags

Popular searches