2 Prologue

"Keyna! Keyna! nasan ka anak?"

"Keyna!"

Sigaw ng mga magulang ni Keyna na hinahanap ito, sakay ng isang yate sa kalagitnaan ng malaki at malawak na karagatan.

"Keyna! Si Mommy to, magpakita ka na naman oh!" May paghikbi sa kaniyang bawat sigaw.

"Keyna!"

"Sir, Ma'am, kailangan na po talaga naming pumailalim sa karagatan para masigurado nating mahahanap siya," humahangos na sabi ni Herome – head nang tinawagang rescue team ni Mr. Ferrer.

Umiiling si Mr. Ferrer. "Hindi! Hindi! Walang papailalim! Alam kong nandito lang siya! Hindi siya nalunod! nandito lang siya!" Hinawakan nito ang kwelyo ni Herome. "Ayusin niyo ang paghahanap!" At tinulak ito.

Kahit labag sa sinabi ng Mister, sinigaw na lamang niya sa kaniyang team na triplehin pa ang paghahanap.

Hindi na napigilan ni Mr. Ferrer ang mapaluhod sa kaniyang kinatatayuan at mapaluha. He balled his fist, shaking in anger. Sinisi niya ang kaniyang sarili kung bakit nawawala ngayon ang kaniyang anak.

Flashback...

"Dad, can I swim there?" pagpapaalam ni Keyna sa ama nito na nakaturo sa asul na dagat.

Abala si Mr. Ferrer sa kaniyang pagluluto ng barbecue para sa kanilang hapunan. "Keyna, pwedeng mamaya na? Nagluluto pa kasi si Daddy e. Okay lang ba?" Nakatuon lang siya sa ginagawa nito. "Sasamahan kita."

Si Misis Ferrer naman ay nasa loob nang nirentahan nilang kwarto at inaayos ang kanilang gamit.

"Sige po!" sagot ni Keyna.

But, curiosity kills her. What does it feel like swimming in that vast amount of water? Iniisip niya.

Lagi lang kasi siyang sa swimming pool dahil sa kaniyang training at lesson. First time lang niyang makapunta at makakita ng ganitong ka-asul at kalawak na dagat. So, why doesn't she give it a try diba? Yung natutunan niya sa swimming lessons, gagawin niya sa karagatan.

Dahil abala naman ang kaniyang Daddy sa pag-iihaw. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Keyna na tumakbo papuntang karagatan at magtampisaw.

Sa umpisa, nakakaya pa niya ang agos ng tubig. Natutuwa pa siya dahil malinaw ang suot niyang goggles, kaya nakikita niya sa ilalim ng tubig ang mga corals, isda at mga starfish.

Little did she know, the danger is lurking.

Samantala, abala pa rin si Mr. Ferrer sa kaniyang ginagawa nang lumabas si Mrs. Ferrer na dala-dala ang tuwalya para sa anak na si Keyna.

"Keyna, tarang maligo sa pool!" aya nito ngunit wala namang sumagot. "Dad, nasaan si Keyna?"

Ngayon lamang napagtanto ni Mr. Ferrer na nawala pala sa kaniyang tabi ang anak. "Nandito lang yun kanina e. Baka nanonood sa sala."

Pinuntahan nga ni Mrs. Ferrer ang sala, nagbabaka-sakaling nanonood ang anak nito. Ngunit, wala ito doon.

"Wala siya doon, e! Hindi ko rin nakita na pumasok yun sa loob." Nagsimulang mamuo ang kaba at takot sa kaniyang dibdib.

Sinubukan nilang halughugin ang buong room na kanilang nirentahan, ngunit, wala ang bata doon. Pinuntahan din ang karatig na mga kwarto, pero, wala daw silang nakitang batang gumala o nagpunta doon.

"Wala?" tanong ni Mrs. Ferrer na nagsimula nang mataranta.

Sumagot ng dismayadong iling si Mr. Ferrer. Nasapo niya ang kaniyang noo.

Biglang nagkatinginan ang mag-asawa, sabay tumuon sa malawak na karagatang nasa harapan nila.

"KEYNA!"

"Daddy, walang may kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo." Pagpapakalma ni Mrs. Ferrer sa asawa. "Kilala ko ang anak natin, matapang siya. Matapang." Pinipilit niyang palakasin ang sarili, ngunit, alam niya ang kapahamakan sa ilalim ng dagat.

Ilang oras na nilang hinahanap si Keyna. It's almost 10 hours, but still, there are no signs. Napagdesisyunan na ng rescue team na pumailalim na sa dagat upang mahanap ang bata.

Noong una ayaw pa ni Mr. Ferrer dahil ina-anunsiyo lamang nito na patay na ang bata. Subali't, dahil ilang oras na silang walang nahahanap, nakapagdesisyon na silang pumalaot.

Niyakap ni Mr. Ferrer ang asawa at hindi mapigilan ang paghagulhol. "Sorry Mommy, Sorry! Hindi ko sinasadya. Sorry!"

Niyakap lamang ng mahigpit ni Mrs. Ferrer ang asawa. They have only each other in this time of crisis.

Maya maya pa, nag-ring ang phone ni Mr. Ferrer, at mabilis din naman niyang sinagot.

"Hello?" His eyes widened. Tila biglang sumiklab ang tyansa sa kaniyang dibdib na nawalan na nang kumpyansa kanina.

Then he shouted, "Bumalik tayo sa pampang! Bumalik tayo sa pampang!"

Pagkarating na pagkarating nila, madaling bumaba ang mag-asawa sa kanilang sinakyang yate at tumakbo sa mga pulis na nakaabang sa kanila.

"Where's my daughter?"

Mabilis silang dinaluhan ng mga pulis at dinala sa pinagdalhan sa batang si Keyna.

Nasapo ni Mrs. Ferrer ang kaniyang bibig at nanigas naman si Mr. Ferrer ng makita si Keyna na nakahiga sa higaan at may oxygen na nakakabit dito.

Mabilis na nilapitan ni Mrs. Ferrer ang anak at niyakap ito.

"Nakita po siya sa tabing-dagat at doon ay walang malay. We also found something in her hands," pagbabalita ng pulis.

Sumulyap si Mr. Ferrer sa pulis. "Ano yon?"

"We found this shell necklace sculptured with a letter K." Inabot nito ang necklace kay Mr. Ferrer. "Kaniya po ba ito?"

Tiningnan ni Mr. Ferrer ang necklace. Keyna has no necklace like this. Allergic siya sa mga jewelry.

Fear began swelling inside his chest.

Humarap siya sa malawak na karagatan na nasa tapat lamang ng pinuntahan nilang kwarto.

Then, he whispered, "Sirens."

avataravatar
Next chapter