webnovel

Beauty that can cause the downfall of the country

~ I believe in the power of love ~

================================

"Mir sasabay ka ba sa amin kakain?" tanong ng kaibigan ko.

"Oo, tika lang malapit na ako matapos dito" sagot ko habang nagmamadaling mag type sa computer.

"Sige, sabihin mo nalang kung tapos kana. Mag kukwentuhan muna kami dito" sagot naman nya habang pinuntahan ang aming mga kasamahan na nagkukwentuhan sa di kalayuan.

Tumango nalang ako at nagmadaling e send ang email. Sinigurado ko muna na naka send bago ko inilock ang computer at pinuntahan mga co-workers ko.

"Tara guys, I'm done."

Lumabas na kami sa aming office at pumunta sa malapit na kainan.

"Mir, sa lahat ng kasama natin ay ikaw lang ata ang walang jowa. Ang iba wala ngang jowa may asawa naman. Kailan ka ba mag-aasawa?"

"Hay naku Rachel dadating din tayo dyan. Na traffic lang siguro siya o baka naman naligaw lang tapos napunta sa iba..NOOOOO!!!!"

"Crazy! Pero may natitipohan ka na namang lalaki diba? Sino yan ha? Kasamahan ba natin?" sabi naman ni Margarette sabay siko sa gilid ko.

Habang nagkukwentuhan kami ay nakarating nakami sa kainan.

Sa may di kalayuan ay nakita namin na kumakaway si Raphael kasama ang mga katrabaho nya.

Biglang namula ang pisngi ko at natataranta ako. Matagal ko nang gusto si Raphael. Una kaming nagkita dito sa kainan. Malapit lang din ang kanilang office dito kaya naman tuwing lunch ay makikita ko siya.

Nagsimula ang lahat nung muntik na akong madulas habang dala dala yung tray ng pagkain. Kasalanan talaga ito ng batang yun. Pagkalapit ko ba naman sa mesa na kinakainan nya ay inihagis yung balat ng saging sa may paa ko. Ayon nadulas tuloy ako. Buti na nga lang ay nasalo ako ni Raphael.

Feeling ko talaga nuon ay para akong bida sa isang pelikula na sinagip ng aking prince charming. Bigla ba namang tumigil ang mundo. I was mesmerized by him. Hindi nyo naman siguro ako masisi dahil napaka gwapo talaga nya at napaka kisig.

Doon kami unang nagkakakilala. Simula noon ay nagkikita na kami tuwing lunch at nag kukwentuhan syempre kasama ang mga kaibigan ko at kaibigan nya. Nakakainis nga eh dahil ni minsan ay hindi ako nabigyan ng pagkakataon na ma solo ko sya kasabay mag lunch. Pero kontento na ako sa sitwasyong iyon. At yun nga sa paglipas ng panahon ay hindi ko na namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya.

"Hmmmmm, parang alam ko na kung sino ha" panunukso ni Margarette.

"Ehhhhh!!! Seriously? May gusto ka kay Raphael?" sabat naman ni Veronica.

"huh!? bakit? para naman kung anong meron kung maka react" sagot ko naman.

"Alam mo bang may asawa na siya?"

"HAAAAAAA!!!!!????" gulat na sigaw ko.

Tumingin ang mga tao sa amin dahil sa sigaw ko. At huminto din ang mga kasamahan ko sa parehong kadahilanan.

Lumapit si Raphael sa akin at nag-aalala.

"Okay ka lang ba Mir?"

"O..okay lang ako. Salamat." maluhaluha kung sagot.

"May masakit ba? Ba't parang iiyak ka?"

"W..wala. Tara na kain na tayo" sabi ko habang humakbang na papunta sa mesa bago paman makita nya ang luha kung malapit nang tumulo.

Nakayuko lang ako doon at hindi umiimik. Si Rachel nalang ang nag order para sa akin at inutusan si Margaratte na samahan si Raphael para kunin ang order namin.

"Okay lang yan. Kaya mo yan." pabulong na sabi ni Rachel sabay tapik sa balikat ko para hindi marinig sa mga kasamahan ni Raphael.

Pinilit kung kinalma ang sarili ko at pinunasan ang luha ko. Ayaw kung mahalata ito nila Raphael. Nakakahiya kaya.

Kaya yun kumain kami na para bang walang nangyari katulad lang ng dati. Tawa pa ng tawa habang nakikipag kwentuhan. Pero ang totoo ay ang sakit sakit na. Yung puso ko ay parang tinutusok sa sakit pero yung mukha ko ay parang nanalo sa jackpot ngiti pa ng ngiti. Grabe, kung artista lang ako ay nanalo na siguro ako bilang best actress.

Pagkatapos nun ay hindi ko na alam kung paano ako nakabalik sa office. Buong hapon akong walang imik. Mangiyak-ngiyak pa kung minsan. Wala nalang nagawa ang mga kaibigan ko kundi ang palubagin ang loob ko. Pero wala parin eh. Ang sakit sobrang sakit.

Kaya nung uwian na ay napag desisyunan kong hindi muna sumama sa kanila pauwi. Pinuntahan ko si Raphael.

Hindi pa lang ako nakakalapit sa kaniyang pinagtatrabahuan ay nakita ko na siyang lumabas. Lalapitan ko sana siya kaya lang naunahan ako ng isang sophistikadang babae. Dali dali akong tumago malapit sa may mataas na halaman para hindi ako makita.

Nakita kong parang lintik kung makakapit sa braso ni Raphael. At si Raphael naman ay parang isang teenager na nakita ang crush nya. Parang heed over heels pa ata tung mokong nato sa asawa nya.

Kumukulog na nuon..kasabay sa pagkulog ng galit sa loob ko.

Nakarating na sila sa nakaparadang kotse at pinag buksan pa ng pinto ang babae. At ang eksenang halos gumuho sa mundo ko ay ang pag labas ng isang bata sa kotse at sumigaw na papa. Kinarga ito ni Raphael at hinalikan ang babae.

"Tara na, ako na ang magdadrive." sabi nito habang binigay ang bata sa babae.

Pumasok na ang babae at bata sa nakabukas na pinto. Habang pumunta naman si Raphael sa kabila upang mag drive.

Totoo nga talaga. Totoo nga talaga na may asawa na siya. Umasa pa naman ako na baka nagkamali lang ang kaibigan ko pero sinampal ako ng katotohan sa eksenang nakita ko.

I squeezed my chest so hard because of so much pain that I've felt. Parang ang hirap huminga sa sobrang sakit. Ganito ba ang feeling pag na heart broken ka? Ang sakit pala.

Hindi ko na namalayan na bumuhos na pala ang luha ko kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan.

Galit na galit ako kay Raphael dahil sa sakit na kanyang pinaranas sa akin. Bakit nya ako pina ibig kung hindi din lang naman nya ako iibigin. Walang hiya. May asawa na pala siya.

Napaupo nalang ako habang basang basa na sa ulan.

Maya maya pa ay wala nang mga tao na lumabas kaya dahan dahan akong tumayo at lumakad pauwi sa amin.

Kasabay ng mahinang paglalakad ko na parang zombie ay ang malakas na tugtog ng kantang "Basang-Basa Sa Ulan ng Aegis" na ewan ko kung saan nanggagaling.

Dahil malapit lang din ang apartment ko sa pinagtatrabahuan ko ay nakauwi din ako agad.

Pagka uwi ko ay naligo ako at natulog na agad. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko dalawin ng antok.

Hindi ko magawang makalimutan ang eksenang iyon at ang mga nakaraan namin ni Raphael.

"I hate you Raphael. I really hate you. You made me fall for you but you're not willing to catch me when I fall. Kaya tuloy ang sakit sakit. sob sob"

"I will take my revenge. I WANT REVENGE!"

Bumukwas ako sa aking higaan pero bigla nalang akong napahinto at natulala. Bigla kong na realize na all along it's just only me assuming that there's something going on between us.

"Wait, did Raphael betrayed me or assuming lang talaga ako?"

"Shit!"

"ha..haha..AHAHHAHAHAHAH" malakas kung tawa.

"Imahinasyon ko lang pala ang lahat. Lahat ng iyon ay dahil sa mabait lang talaga si Raphael. Wala siyang kasalanan. Ako. Ako ang may kagagawan sa lahat ng sakit na nararanasan ko ngayon. Assumera kasi eh. Kaya naman pala palage siyang umuwi kaagad sa bahay pagkatapos ng trabaho at hindi pa sumasama sa amin gumala."

"Hahahaha..ang tanga ko. Sobrang tanga ko."

"But still it hurts..hick hick..but I can do it. Makaka move on din ako. Kaya ko to. Huhuhuhuh kaya ko to" palakas ng loob ko sa sarili.

Bumalik ako sa pagkakahiga at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako.

*********************

Kinabukasan ay nag file ako ng leave sa pinapasukan kong trabaho. Umuwi ako sa amin sa probinsya. Nagpaalam ako kina Rachel na kailangan ko ng fresh air para mahilom tung sugat na ako din mismo ang gumawa.

Nakasakay na ako ng bus at ginugunita ang dating tahanan noong bata pa ako. Bahay yun ng grandparents ko. Nandoon ang mga masasayang karanasan ko noong bata pa ako.

Ilang sakay ang ginawa ko at nag lakad pa ng ilang kilometro bago ko narating ang paanan ng bundok. Medyo kasi malayo sa kabihasnan ang bahay na ito at luma na. Pero hindi mo maikukunwaring maganda parin kahit pinag iwanan na ng panahon.

Gaya parin ng dati ang lugar. Ang puting lumang bahay ay nakatayo sa may toktok ng maliit na bundok. Ito ay two storey house na may veranda ang mga kwarto. May mga poste ng ilaw sa labas. May daanan ito na gawa sa bato. May iba't-ibang klaseng bulaklak sa bawat gilid ng daanan.

Sa kanan ng bundok makikita mo ang malinaw na sapa. Sa unahan doon ay ang mga naglalakihang kahoy at naglalabungang halaman kung saan doon ako nagpapasyal noong bata pa lamang ako pag namalayan kung busy ang mga tao sa bahay. Pero nahuhuli din ako at napapagalit pagkatapos.

Inakyat ko na ang bundok. Paglingon ko sa kaliwa ay nakita ko ang palubog na araw. Sa bandang ito ay makikita mo ang malawak na damuhan at ang mga nagliliitang kabahayan sa bayan dahil sa layo mula sa bahay.

Huminto muna ako saglit at lumanghap ng sariwang hangin.

Iba talaga ang feeling pag nakauwi kana sa lugar kung saan nagbigay sa iyo ng sari saring emosyon. Hindi ko maipaliwanag. Basta masaya na malungkot.

Pinunasan ko ang noo ko na puno na ng pawis sa kalalakad at tinungo na ang lumang bahay.

Tok tok tok

"Tao po! Lola andyan po ba kayo?" tawag ko sabay katok sa pinto.

Bumukas ang pintuan at bumukwad sa aking paningin ang maliit na bata na nakangisi at puno ng chocolate ang mukha.

"Uhmmmm..baby boy andyan ba si Lola Armelia?"

"Lolaaaaa, may naghahanap sa iyo" sigaw ng bata habang tumakbo papunta sa likod bahay.

Lumabas si lola Armelia at nagulat ng makita ako.

"Mir ikaw ba yan? Ang gandang dalaga na ng apo ko. Ba't hindi mo naman sinabi na pupunta ka. Sana na sundo kita" masayang sabi ni lola at niyakap ako.

"Nah! ok lang po. Matanda kana at malayo ang bayan so no need to sundo me..eheheh" sabi ko naman habang ngumiti ng napakalaki.

"Oh tsa tsa, pumasok ka na at makapag pahinga. Malinis parin yung kwarto mo dati. Sinasali ko yun sa paglilinis pag nakapag time ako maglinis sa buong bahay. Alam mo namang binabantayan ko Michael. Napakakulit kasi ng batang yun."

"Si Michael ba yun? Yung anak ni tita Carol? Ang laki na niya. Sangol pa lang yun ng makita ko siya."

"Oo siya nga. Ayun naglalaro sa likod bahay kasama ng pinsan mong si Martha. Hindi yun dapat iwan dahil baka mawala katulad mo noon bata ka pa. Kung saan saan pumupunta."

"Grabe si lola. Hindi naman ako kung saan saan pumupunta. Dyan lang naman po sa may kakahuyan. Hahahha"

"Hay naku tong bata to."

"Magbihis ka na at malapit na yun maluto ang sinaing ko. Tatawagin nalang kita pag maghahapunan na tayo."

"Alrighteyyyy"

"Tika lang eja, ilang araw ka ba mananatili dito? Wala kang dalang anumang bagahe kundi yang shoulder bag mo lang."

"Ay oo nga no. Wala pala akong bihisan. Maliliit na yung luma kung damit for sure. Isang buwan lang po siguro ako mananatili dito. Bibili nalang po ako sa may bayan kinabukasan ng maisusuot. Magpapahinga nalang muna ako sa kwarto. Grabe matanda na siguro talaga ako. Nakakapagod maglakad papunta dito."

"Oh sige magpahinga ka muna. Pero may nangyari ba doon sa syudad? Parang biglaan ata yung pagdating mo dito eja. Ni masuot hindi ka nagdala. May problema ba?" nag-aalalang tanong ni lola.

"Wala po. Kaya ko to. Ako pa." maluhaluha na na sagot ko.

== Ilang sigundong katahimikan ==

"Kung iyon ang nais mo. Sabihin mo lang kung may maitutulong ako. Andito lang ako eja." sabi ni lola habang hinihimas ang likod ko.

Hindi ko na napagilan ang pag-iyak. Nagkatinginan nalang sina Michael at Martha na kakapasok lang galing sa paglalaro.

"Oh sige magpahinga ka muna. Sumama ka nalang sa tiyo mong si June papunta sa bayan bukas. May pinuntahan lang na pagtitipon kaya matatagalan pa yun sa pag-uwi."

Ilang minuto pa ay tinawag na ako ni lola at kumain na kami ng hapunan kasama sina Michael at Martha. Pagkatapos naming maghapunan ay pumasok na ulit ako sa loob ng kwarto.

Pinilit ko nanamang makatulog para maiwasang maisip ang dahilan ng sakit na aking dinaramdam pero hindi talaga ako dalawin ng antok.

"Hay naku! Antok asan ka ba? Dalawin mo naman ako oh!"

"Oh Mr. Antok, ako namay tulungan mo. Ba't di dalawin ang aking damdamin at ng akoy maidlip." kanta ko na ang tono ay mula sa Mr. Kupido.

Ilang oras pa ang nakalipas ay hindi parin ako dinadalaw ng antok kahit masakit ang paa ko sa kalalakad.

Hanggang sa humating gabi na.

"Bweshit! Kainis oh. Ayaw man lang akong dalawin ng antok."

Napag desisyunan ko nalang na pumunta sa veranda. Ang kwarto ko pala ay nasa ikalawang palapag at paharap sa dinaan ko kanina. So bali nasa kaliwa ko ang sapa samantalang kita naman sa kanan ko ang mga ilaw mula sa bayan. At sa harap ko ay ang mga kahoy at mga daanan na tinahak ko kanina. Sa malayong parte naman ay makikita mo ang kalmadong dagat na nasisinagan ng buwan.

Umupo ako sa may gilid ng veranda habang nakatitig sa buwan.

Pinikit ko ang aking mga mata at ninanamnam ang lamig ng gabi. Kasabay ng pagbalik ng mga masasakit na alaala na pilit kung kinakalimutan kanina pa.

Maya maya pa ay may narinig akong musika. Ang ganda nitong pakinggan. Yun bang makakatulog ka sa lamyos nito pero pipilitin mo ding manatiling gising para mapakinggan pa nang matagal ang himig hanggang sa dulo.

Iminulat ko ang aking mga mata at lumingon lingon.

"Hmmmm?..what's that?"

Hinanap ko kung saan nanggaling ang tunog. Hanggang sa napunta ang tingin ko sa mga malalaking puno doon banda sa may sapa.

"Parang banda doon nanggagaling ang musika. Pupuntahan ko ba?"

"Buuuutt, I'm scared."

"Buuuutt, I want to go.

"But still I'm scared."

"But I really wanted to go."

"Urghhhh" sambit ko sabay ginugulo ang buhok sa lito.

"Bahala na this!"

"Let's go Mir, fighting. Mamamatay na kung mamamatay sa monster there."

Lumabas ako ng bahay. Buti nalang mababaw lang ang tubig ng sapa. Kita ko din ang lugar dahil sa aninag na mula sa bilog na buwan. Dumeretso ako doon sa may mga naglalakihang kahoy.

"Parang dito yata talaga. Palakas na ng palakas ang musika."

"I can do this. Dretso lang Mir wag kang titingin sa iyong kiliran baka may makita ka pa na kung ano."

== Moments later ==

"Demmmm..asan na ba ako? Naliligaw na ata ako ha? Okay lang maligaw basta hindi lang ma fall sa taong may kaagaw. Hmph!"

"Huh? Parang doon naggagaling sa bandang don ang tunog. Pero ang tataas ng mga halaman baka may snake. Heee."

"Ah bahala na talaga. Andito na ako. Wala nang sukoan. FIGHTING!"

Sinuot ko ang mga malalaking halaman kahit na nagagalusan na ako sa mga maliliit na sanga habang hinahawi ito. Hanggang sa matagumpay akong nakapunta sa kabila.

"Hay nakalusot din. Sakit namin desh."

"Pati ba naman kayo sasaktan din ako" malungkot na sabi ko sa mga halaman.

Biglang umihip ng malakas na hangin kasabay nito ang mga nagliliparang mga dahon na may halong halimuyak.

Napapikit ako sandali habang pinapawi ang buhok ko na walang hiyang humampas sa aking mukha.

"Arghhhh..pinaaalala na naman sa akin na kahit matagal na kayong magkasama ay sasaktan ka parin nito. Katulad nalang nitong buhok ko."

"Pwede din namang nasasaktan ka kahit hindi naman sinasadya niyang saktan ka."

Tumigil na ang hangin. Tiningnan ko kung saan nanggagaling ito. Pero ang sumalubong sa aking paningin ay ang eksenang hinding hindi ko makakalimutan until the end.

I saw a man dressed in long white attire. So long that you can't see the hand and feet of the wearer. He has a long straight hair until hip that is waving along the wind. His hair is in half pony tail adorn with silver clip. He is sitting in one of the large branch of this big tree watching the moon above the ocean while playing the jade flute with exquisite design.

"Demmmm..is this what they call beauty that could cause the downfall of the country?" sambit ko habang nakatingala sa gwapong lalaki.

Dugdog dugdog dugdog dugdog

"My heart is beating fast." sabi ko habang hawak hawak ko ang aking dibdib.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya.

"Beauty under the moonlight, may I know your name?"

Huminto ito sa pagtugtog at dahan dahang tumingin sa akin.

Maya maya pa ay ngumiti ito at sumagot.

"Zenith"