1 Prologue

Nagising na lang ako isang araw na iba na yung nangyayari sa paligid. Normal lang naman ang nagdaang gabi. Pero sobrang bilis ng mga pangyayari.

Walang nakakaalam kung paano o saan nagsimula. Wala ring nakakaalam kung paano o bakit nangyari ang lahat. Basta ang alam lang namin, simula nang dumating ang araw na 'yon, hindi na normal ang lahat. Wala nang kasiguraduhan ang mga buhay namin. Kahit anong oras, pwede kaming mamatay.

At simula rin nang dumating ang araw na 'yon, nasiguro rin namin na simula noon, hindi na kami nabubuhay para sa mga sarili namin lamang. Nabubuhay na rin kami para sa mga kasama naming nakaligtas. Para na rin masiguro na lahat kami, makakatagal at mananatiling buhay.

At para na rin hindi kami mapabilang sa kanila.

Sa kanila na dapat tahimik na, pero nanggugulo pa.

Sa kanila na dapat patay na, pero buhay pa.

Sa kanila na mga undead..

- Crissa Harris

avataravatar
Next chapter