2 Simula

Simula

"5 minutes left. Double check your answer."

This day is not my favorite day. I hate it. But I also hate myself for not reviewing last night. Eh kasi naman hindi ko namalayan ang oras sa kakanood sa Netflix. Bakit ba, mas nakakaenjoy iyon kaysa magreview no.

Tinignan ko ulit ang papel ko. Nasa number 23 palang ako out of 50. Ikaw ba naman magkwenta dito, kwenta doon kung wala ka namang kwentang tao diba? Okay, last joke ko na ito. Wait..... Hindi ako nagbibiro. Kahit naman wala akong kwenta, minimake sure ko naman na tama ang sagot ko sa bawat item kahit na multiple choice ito.

"If tapos na kayo, pass your paper and you may leave." Sabi ni Mrs. Castro. Sunod-sunod ng nagsitayuan ang mga kaklase kong matalino kuno. At iyong mga hindi pa ay nag-ninja moves na. Pagkakataon na para kumopya. Pero nah, hindi ko gawain yun no. Hindi gawain ng may mga heavy brain yun.

Teka nga, ang dami kong pinapansin pero itong papel ko hindi ko man lang mapagtuunan ng pansin. #SanaolHindiIgnored. Mapost nga ito mamaya. Hehehe.

Pero minsan talaga kapag dumating yung seconds na binigyan mo na ng pansin iyong dating binabalewala mo tsaka ka naman niya babalewalain. Anyway, makasagot na nga.

NASAAN NA ANG PAPEL KO????????!!!

Biglang tumigil ang ninja moves ng mga mayroong lightest brain kong kaklase, napasilip sa bintana ang mga kaklase kong may heaviest brain at si Mrs. Castro ay napatayo sapagkat siya ay nakaupo.

"Yes, Miss Terese Ybanez? May problema ka ba dyan?" Napakamot ako ng ulo sabay sunod-sunod na pag-iling. Tumayo si Mrs. Castro at lumapit sa akin. Teka, shrek. Kinakabahan ako.

"Diba sabi ko, pwede ng umuwi kapag tapos na?"

"Opo, Ma'am. Narinig ko po." Magalang na sagot ko.

"Ano pang ginagawa mo dito?"

"Sabi niyo po, Ma'am pwede ng umuwi kapag tapos na."

Nagtaas ng isang kilay si Mrs. Castro. Mukhang hindi niya bet ang sagot ko. Shrek, kinakabahan ako.

"Yun nga sabi ko, Miss Ybanez."

"Opo, Ma'am. Tama po kayo." Teka, wait. Logic ba ito? Hindi heavy ang brain ko kapag logic eh.

"Then?? Leave!!!!!!" Sigaw ni Ma'am na may paglabas pa ng ugat sa leeg.

"Sabi niyo po, Ma'am... P-pwede ng u-umalis yung t-tapos na. Kaya hindi pa po ako u-umaalis." Nakayuko kong sabi. Nahihiya na ako. Nakatingin silang lahat sa akin.

"Sinabi ko nga iyon." Mas mahinahon na sabi ni Ma'am. "Akin na ang test paper mo."

Iyon nga ang problema ko. Nawawala ang test paper ko. Nagtampo na siya.

"Wala po dito, Ma'am." Naiiyak na talaga ako. Ayoko ng nasa center of attraction ako. Never been in my life happen this!

Ayoko ng spotlight. Ayoko ng atensyon. Ayokong pinapansin ako. Ayoko.

"EXACTLY, Miss Terese Ybanez. Nandito na ang papel mo. So bakit hindi ka pa umaalis?"

Anong nandyan na? Hindi pa ako tapos! Hala, siguradong bagsak na ako. Hindi pwede iyon sa tulad kong may heavy brain.

"Ma'am, hindi pa po ako t-tapos." Balik niyo papel ko Ma'am siguradong papansinin ko na siya. I'll make sure na aalagaan ko na siyang mabuti. I will time na para sa kanya.

Inabot sa akin ni Mrs. Castro ang papel ko. Agad ko naman itong kinuha na parang sabik na mayakap muli ang aking pinakamamahal na test paper.

"Pinagloloko mo ba ako Miss Ybanez?"

"Hindi po, Ma'am. Hindi pa po talaga ako tapos."

Sumenyas si Ma'am na tignan ko raw ang papel ko. Tinignan ko agad kung saang item ako natigil kanina. Number 23. Nagtataka ako kung bakit may sagot na ito. Tinignan ko ulit ang number 24 at may sagot na siya. Hanggang number 50. Paanong nangyari ito?

"Umalis ka na Terese bago ko pa mapunit yang papel mo."

Agad akong tumayo at nakayukong lumabas ng classroom. Nakakahiya. Nakakahiya talaga. Ngayon lang nangyari sa buhay ko ito. Kung kailan last exam at malapit nang matapos ang school year tsaka pa nangyari ito. Itong moment pa ba ang maaalala ko sa school na ito?

Grade 12 student ako. Anong track ang kinuha ko? Nah, huwag niyo ng tanungin. Basta may solving na nagaganap dito. Bakit ito ang kinuha ko? Sino ba ang dahilan kung bakit ako nag-aaral? Kaya mas mabuting sila ang tanungin niyo.

Naghiwalay si Mama at Papa nung Grade 7 ako at now may sari-sarili na silang pamilya. At ako? Heto ako pa rin ang nag-iisang may heavy brain. Just kidding. Nakatira ako sa side ni Papa. Mas mabuti raw na dito ako sa puder ni Papa kasi siya ang may mas kakayahang paaralin ako sabi ni Mama.

Well... Maybe, isa lamang excuse iyon para hindi mapunta ang responsibilidad sa kanya. Hindi na rin ako nagtanong kasi kinuha naman ako ni Papa.

"REEEEEESEEEEEEE!" Tinignan ko lang si Helena habang papalapit siya sa akin. Nakaupo ako sa may bench sa tapat ng Guidance office. Gaga, dito pa talaga niya napiling magsisigaw.

"Reeseeeeeeeeeeee." Nang makalapit siya ay doon naman niya ako sinabunutan at nagtatalon-talon.

"Rese, pumasa ako! Pumasa ako!" Kita sa kanyang mga mata ang tuwa at saya

"Alam ko." Bigla siyang sumimangot at umupo na lang sa tabi ko.

"Killjoy." Isinuksok niya ang kamay niya sa pagitan ng kamay at tagiliran ko. Niyakap niya ang kamay ko at pinatong ang baba niya sa balikat ko.

"Sayang. Hindi na tayo same ng papasukang school. Mamimiss kita, Rese. Mamimiss mo rin ba ako?"

Ito iyong isa sa pinakamalungkot na part sa transition na mangyayari sa mga Senior High School student. Iyong lungkot na hindi mo na makakasama ang mga kaibigan mo pagdating ng College. Hindi naman kasi lahat ay pareho ng papasukang University. Hindi na nga same course, hindi pa same University.

Kahit na ibang Track ang kinuha namin after ng Junior High School ni Helena, nanatili pa rin ang friendship namin. Nasanay na kaming hintayin ang isa't isa dito sa bench sa tapat ng Guidance office.

"Sakto lang." Sabi ko sabay tawa. Sumimangot uli si Helena at maraming binubulong. Mangkukulam talaga ang isang ito eh.

"Saan tayo kakain?" Half day lang kami sa araw na ito since last day of exam din ngayon. Dating gawi, kakain kami sa labas at magmo-mall.

Bago ko siya masagot ay may kumausap kay Helena. I think kaklase niya itong mga ito. Tatlo silang magkakasama, iyong isa ay kaklase ko.

"Akala mo makakatakas ka ha. Ngayon mo na ako ilibre, Hel. Natalo ka sa pustahan." Sabi nung singkit na lalaki.

"Huy! Tinignan mo?" Sabay tawang mahina ni Helena. Parang sisingkit din yata ang mata ko ha.

"Syempre, Helena. Abang na abang siya kanina eh." Sabi Naman nung chubby na lalaki. Sinuway naman siya nung singkit. Parang I smell something landian ha.

"G na ba ngayon? Hmmm. Sama kayo samin ni Rese? Dun ko na lang kayo ililibre."

"Hasuslande." Bulong ko at may biglang kumurot sa tagiliran ko. Napairap na lang ako. Simpleng landi ka ghorl?

"Siya nga pala, si Rese. Bestfriend ko. Ito naman si Arthur, Kristopher at Train."

"Hello, Rese." Nagwave ng kamay sakin si Kristopher yung chubby na kaklase niya pero tinaasan ko lang ng kilay.

"Ngayon ka lang pinakilala samin ni Hel." Sabi naman nung Arthur na singkit na pasimpleng lumalandi kay Helena.

"Oo nga eh. Iba-iba kasi pinapakilala ni Helena sa akin araw-araw. Kahapon si Les--" Hindi ko na naituloy yung sinasabi ko kasi tinakpan na Helena ang bibig ko.

"Hehehe. Tara na?" Sabat ni Helena habang nakatakip pa rin ng kamay niya ang bibig ko. Pilit kong tinanggal yung kamay niya sa bibig ko para muling magsalita.

"Mas mabuti. Kanina pa ako naghihintay dito. Gutom na ako."

Tumayo na ako at naunang naglakad. Agad naman akong hinabol nung apat na tukmol. Medyo malayo ang gate mula sa kinaroroonan namin kaya matatagalan kami sa paglalakad. Malawak din kasi itong school namin.

Sumabit ang kamay ni Helena sa kamay ko kaya kung kanina ay nasa likuran ko lang sila, ngayon ay sabay na kaming naglalakad.

"Gaga mo. Uudlitin mo pa ang possible lovelife ko." Bulong sa akin ni Helena.

"Narinig ko na 'yan." Sabi ko na nakafocus pa rin sa nilalakaran namin. Possible lovelife kuno. Utot mo Helena. Kapag may pinapakilala siyang lalaki sa akin, palaging naririnig ko sa kanya ang "possible lovelife". Pero anong nangyayari? Kung hindi siya niloloko, ginoghost naman siya.

"Iba ito, Rese. Nafi-feel kong ito na talaga." With matching turo pa ang hintuturo niya sa itaas. Tumigil ako sa paglalakad at tinignan yung tinuturo niya sa itaas. Tumigil din ang mga lalaki, nagtataka siguro sila kung bakit kami tumigil. Sasabunutan na niya sana ako pero nakatakbo ako.

-

"Anong sa iyo, Rese?" Tanong ni Helena sa akin. Nandito kami sa isang milktea shop sa loob ng mall. Yung table namin ang nasa itaas. Para siyang second floor at sa may ibaba namin ay meron ding table. Parang siyang room. Pero yung table namin ay kita namin yung buong milktea shop at kita rin nila kami. Ah basta, kayo na bahala mag-visualize.

Dito kami palagi kumakain ni Helena. Bukod sa masarap ang milktea nila eh nag-ooffer din sila dito ng foods.

"Ako na mag-oorder." Sabi ko at nilabas ang sticky note at ballpen. Sinabi nila ang kani-kanilang order at sinulat ko naman ito. Nagtataka kayo bakit sinusulat ko pa ito kung pwede naman itong kabisaduhin? Dahil sa mahina nga ang aking memorization skills. Kaya wag kayong magtataka kung bakit may dala-dala palagi akong sticky note at ballpen.

Inabot din sakin ni Helena yung perang pambayad sa lahat ng inorder namin. Alam naming pareho na kulang iyong inabot niya. Tumango siya sa akin, isang sign language na kami lang ang nakakaintindi.

Sige, landi pa. Ang lakas mangyaya, wala namang pera. Inirapan ko naman siya at sinuot muli ang sapatos ko. Nakamedyas lamang kami. Nakaupo kasi kami sa carpet at isang maliit na mesa ang pinalilibutan namin. Wala ring upuan dahil sa lapag kami uupo.

Bumaba ako at nag-order. Pagkatapos kong umorder at magbayad ay agad akong umakyat ulit sa pwesto namin. Pagbalik ko ay nagtataka ako bakit nagbago ang mga pwesto ng mga ulol na ito.

Kristopher - Arthur - Helena - Train.

Tahimik ko na lang na tinanggal ang sapatos ko at umupo sa tabi ni Train. Yeah, kaklase ko itong ungas na ito. Siya ang may heaviest brain sa aming section. We're not close duh. Hindi nakikipagclose ang may heavy brain sa kapwa niya heavy brain.

"Huyyyy Rese, classmate mo pala itong si Train. Hindi mo sinasabi."

"Hehehe. Hindi ka naman nagtanong." Sabi ko at tinignan ko si Train at ngumisi. Tinulak ko ang balikat niya at tumawa.

"Heto namang si Train, my classmate." Sarcasm. Duh, hindi kami close. Ngumiti lang sakin ni Train. Alam kong ramdam niya ang sarcasm sa sinabi ko. We are aware na hindi kami nag-uusap talaga. Minsan lang pag nagkakasama sa group activity or project. Kaya ang awkward na magkatabi kami ngayon na wala sa classroom set up.

Maghihintay pa kami ng 15-20 minutes bago dumating yung order namin. Habang naghihintay ay kanya-kanya kami ng ginagawa. Si Kristopher na nagmml at yung dalawa naman ay naglalandian. Pareho kaming walang ginagawa ni Train kaya nung nilabas niya ang cellphone niya ay nilabas ko na rin ang cellphone ko.

Pagkabukas ko ng cp ko ay bumangad ang text message ni Papa. Minsan lang akong itext ni Papa kaya alam kong importante ang laman ng text niya.

Pinaalam na kita sa mga teachers mo. Pag-uwi mo, mag-empake ka na.

Huminga ako nang malalim at agad na sinara ang mensahe ni Papa. Napansin kong nakatitig din sa cellphone ko si Train. At nagkatinginan kaming dalawa.

Hindi ko alam kung nabasa niya rin yung text ni Papa. Hindi ko alam ang magiging reaction ko. Tinignan ko si Helena na masayang kausap si Arthur. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam sa kanya. Magkaibigan kami simula nung Grade 7 ako. Nagmamalditahan man kaming dalawa pero never kaming nag-away. I never thought na darating ang araw na ito. Hindi ako handa kahit na matagal ko nang alam na aalis ako.

Napromote si Papa sa trabaho niya at ang kapalit noon ay kailangan niyang pumunta sa ibang bansa para doon gumawa ng mabibigat na proyekto. Isasama niya sina Tita at Lucas. Gustong isama ako ni Papa pero tumanggi ako. Kaya kina Lola at Lolo sa probinsya ako titira at doon ipagpapatuloy ang kolehiyo.

Ibinilin na ni Papa sa kanyang assistant ang lahat ng kailangan kong makuha sa school. Hindi na rin ako makadadalo ng graduation.

Dumating ang order namin at nagsimulang kumain. Pinipilit kong kumain para di mahalata ni Helena na hindi ako okay. Alam niya kasing malakas akong kumain.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong tinignan sa pag-aakalang kay Papa ito galing.

From: STEM-Train (09xxxxxxxxx)

Aalis ka?

Kumunot ang noo ko at tinignan ang katabi ko na nakatingin na pala sa akin.

Nginitian ko lamang siya. Agad namang may umubo. At ang tatlong tokmol, sabay-sabay na umubo. Tinaasan ko ng kilay ang tatlo at nagpatuloy sila sa kanilang pagkain na parang walang nangyari.

Tinago ko ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko. So nakita niya pala. Nevermind. Pake ba niya kung aalis ako? Di kami close no.

"So saan ka mag-aaral ng college, Train?" Biglang tanong ni Helena.

"Sa UP din 'yan." sagot ni Kristopher kahit hindi naman siya ang tinatanong.

"Wow!" exaggerated na sabi ni Helena. "So sa UP din kayo?"

"Oo. Pangarap naming tatlo yun simula Junior High. Iba-iba nga lang ng course." Nakangiting sabi ni Arthur. Ngiting may halong kislap ng mata. HAHAHAHA. Paano kaya yung ngiting iyon? HAHAHA. Tumatawa ako sa isip ko.

"Eh kayo ni Terese, same University ba kayo?" tanong ni Train kay Helena.

"Hindi eh. Siya kasi sa probinsya na mag-aaral." malungkot na turan ni Hel. Bigla akong na-guilty. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na aalis na ako bukas. Naiisip ko palang ang itsura ni Helena once na sabihin ko sa kanya, parang nadudurog ako. Siya lang ang tanging kaibigan na mayroon ako at iniisip ko palang kung paano ko siya masasaktan ay hindi ko kaya.

Napag-usapan na namin ang tungkol sa pag-alis ko dito sa syudad pero hindi ko pa nasasabi na aalis na ako bukas. Ngayon ko sana sasabihin pero parang wala akong chance para sabihin sa kanya.

After naming kumain ay manonood naman kami ng sine. Hindi ko alam kung may pera pa itong Helena pero buti na lang ay libre raw ni Train. Nakaligtas ang gaga. Umupo kami sa kanya-kanyang pwesto namin. Kristopher-Train-AkoAngMayHeavyBrain-Helena at si Arthur. Hindi pa nagsisimula ang palabas kaya nagpaalam muna ako na mag-CCR. Gusto pang samahan ako ni Helena pero tumanggi ako.

Lumabas ako at nagmadaling pumunta ng CR. Sakto namang tumawag si Papa paglabas ko ng CR.

"Saan ka?"

"Sa mall po, Pa."

"Aalis na kami. H-hindi mo ba kami ihahatid, anak?

"Kita na lang po tayo sa airport, Pa. Alis na rin po ako dito sa mall." Agad kong binaba ang tawag ni Papa at nagmamadaling pumasok sa loob ng sinehan. Napansin nila na parang nagmamadali ako.

"Anong nangyari sa'yo Rese?" Tanong ni Helena sakin.

"Kailangan ko ng umuwi Hel. Enjoy na lang kayo ha." Hinalikan ko siya sa pisngi at agad na umalis. Alam kong nagtataka siya at kailangan niya ng mga sagot pero hindi ko na magawang mag-explain sa kanya ngayon. Ayokong sirain ang date nila Arthur.

Hinihingal akong lumabas ng mall. Agad akong pumara ng taxi nang may biglang humila ng kamay ko.

"Aalis ka na?"

avataravatar