9 Chapter 9

LALO na talaga akong na-fall kay Kenshin. Wala na talagang makakapigil sa akin. I want him! At syempre napansin kong close siya sa Dad niya so may naisip akong plano. Kailangang ligawan ko din ang Dad niya na si Tito Ken para naman hindi siya maging hadlang sa pagmamahalan namin. Tapos syempre para boto din siya sa akin kapag ikinasal na kami ni Kenshin.

Hay, ang sarap isipin.

Talagang mag-e-effort ako ng bongga para ma-achieve ang goal ko. Ang makuha si Kenshin Sarmiento.

Narito kami sa bar ni biatch. Nasa VIP table kami kasi naman bonding namin 'to with his boyfie na si Duke tapos kasama din ang mahilig sa boobs na si Drake lalo na ang bebe ko. Kaso wala pa sila kaya boring!

Kuminang bigla ang mga mata ko nang nakita kong nag iikot ikot sa mga table ang tatay ni Kenshin!

"Biatch ano bang ginagawa mo?" Tanong ni Cherrypink but I didnt answer her.

Hindi na ako magpapatumpik tumpik pa.

"Kailangan niyo po ba ng taga-luto sa bahay niyo?" Tanong ko kay Ken Sarmiento.

Walang hiya hiya 'to! Push na push!

"Hindi, iha." Sagot ng tatay ni Kenshin.

"E, taga laba po?"

"Hindi rin."

"Taga linis ng bahay?"

"Hindi."

"Taga-dilig ng mga halaman?"

"Wala kaming halaman."

"How about, taga plantsa ng mga damit?"

"Hindi."

"Taga paypay?"

"May aircon kami."

Ano pa bang pwedeng trabaho na i-apply ko sa kanila?

"Taga-igib ng tubig?"

"May gripo kami."

"Taga ligo po kaya kay Kenshin?"

Napansin kong biglang nanlaki ang mga mata niya at pinandilatan ako. Pero hindi sya nakakatakot.

"Iha, mawalang galang na pero may gusto ka ba kay sperm?"

"Sperm?" Tanong ko.

Sino namam si sperm? Alangan namang 'yung sperm ni Tito Ken like duh!

"Ah, ang ibig kong sabihin ay si Kenshin. May gusto ka ba sa anak ko?"

Oh my! Tinatanong niya ako! Pagkakataon ko na ba 'to? Baka boto na siya agad sa akin?

"Opo. Gustung-gusto ko po talaga si Kenshin. At... at..."

Natigil ang pagsasalita ko nang biglang inilabas ni Tito Ken ang phone niya saka may tinawagan. Kumunot naman ang noo ko.

"Hello, yes. Protect sperm squad, I need complete security for my son. Yeah... alright."

Security? Wait, what?

"Iha, pasensya ka na pero bata pa ang anak ko. Hindi pa siya pwedeng ligawan."

What the hell? Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaction ko sa sinabi ng tatay ni Kenshin pero ibig ba niyang sabihin, ayaw niya ako para kay Kensh?!

"Dad!"

Nakakunot pa rin ang noo ko nang mapatingin ako kay Kensh na palapit sa table namin.

Bakit ganito ang Dad niya?

"Sperm, bakit ka naman sumisigaw?"

"Dad naman! Bakit may security guards ako? Tinaboy ko silang lahat." Sabi ni Kenshin.

May security talaga siya? Agad agad? Just because I told him that I like his son? Oh my, napaka protective pala ng tatay niya?

"Sperm, hehe. May nagkakagusto sa iyo dito. Kailangan kitang protektahan. Bata ka pa at hindi---"

"Doon ka na Dad sa loob. Huwag mo pong papalapitin sa akin ang mga bodyguard na 'yun. Maglalayas po ako."

Wait, what the hell is this?

"Sperm! Magagawa mo ba 'yon? Pagkatapos kitang palakihing mag-isa. Ako ang nagpalit ng pam---"

"Dad!"

Nag-peace-sign 'yung tatay ni Kenshin saka nag-heart-sign.

Nakaka-speechless.

"Sorry sperm. Enjoy! Hashtag hot ang Dad mo." Aniya saka nawala na sa paningin namin.

Umupo si Kensh sa tabi ko at talagang nakakunot pa rin ang noo ko. Yes, its kinda cute, iyong pag uusap nila kasi parang bata si Kensh pero kakaiba 'yong Dad niya.

"Kenshin grabe ang daddy mo." Nakangusong sabi ko.

"Bakit mo kausap ang Dad ko? Anong sinabi mo sa kaniya?" Tanong ni Kenshin.

"Wala! Basta." Sagot ko.

Syempre secret lang 'yon. Nagpapa-goodshot na nga ako sa daddy niya para in case na bigla niya akong buntisin---enebe!

Hindi naman sumagot si Kensh kasi saktong napatingin kami sa gawi ni Duke saka ni Drake na palapit sa table namin. Pinagkakaguluhan pa ng girls. Kabog si biatch!

"Love." hinalikan ni Duke si biatch sa harap namin. Grabe! Sana all. Sana pati si Kensh nanghahalik.

Hinayaan ko sila sa ginagawa ila. Kinalbit ko si Kensh na seryoso sa tabi ko.

"What?"

"Seryoso mo naman. Kiss mo nga din ako." Sabi ko.

Bakit ako mahihiya 'di ba?! Hello, vocal ako sa feelings ko sa lalaking 'to.

"Ayoko nga, Frey. Uminom ka na nga lang diyan."

Pero nung minsan, hinalikan niya ako at ang hot! Kainis!

"E 'di ligawan mo nalang ako. Papabuntis ako sa 'yo. Yeee! Liligawan na ako niyan." Pasimpleng pang-aasar ko sa kaniya.

Hindi niya ako pinansin. Pero nainis na siya.

"Cherrypink! Can you please lighten up her mind?" Biglang sabi niya.

"Why?" Tanong ni biatch.

"Sabi ng bawal pa akong mag-girlfriend e! Ayokong mahati ang oras ko kay Dad. Ako lang ang meron siya kaya ayoko munang magkaroon ng ibang taong kailangan kong paglaanan ng oras. Saka hindi ko naman siya mahal."

Alam ko naman! Pero soon, mamahalin din ako ng boy itlog na 'to.

"Sungit naman diz boy." Natatawang sabi ko. Akala ba niya titigilan ko siya kapag sinabi niyang hindi niya ako mahal? Duh! Ako pa?

"Walang nakakatawa, Frey." Sabi ni Kenshin.

"Whatever, Kenshin." I rolled my eyes at him na parang nang-aasar.

"Whatever din, Frey." Sagot ulit niya.

Siniko ko si Kensh para magpapansin. Inagae ko pa ang bote ng beer niya at ininuman. Uy! Indirect kiss. Pero deadma na naman.

Talagang matigas! Akala ba niya titigilan ko siya? Papansin na kung papansin!

"Frey, para kang langaw."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ganda kong 'to?!"

"Haba ng baba mo."

Nanlaki ang mga mata ko. What the hell?! "Anong mahaba?!"

Napakapa tuloy ako sa baba ko. Hindi naman ah! Sakto lang.

Ngumisi lang si Kenshin saka muling uminom ng beer.

Bigla namang tumayo si Duke at nagpaalam na may gagawin pa daw. Si Kenshin naman basta nalang tumayo pati si Drake at sinundan ang friend nila.

Ano ba 'yan!

"Nag-away kayo, biatch?" Tanong ko kay Cherrypink kasi parang badtrip si Duke.

Hindi siya makasagot kaya gets ko na, may something. Feeling ko tuloy na-fall na din siya kay Duke kaso ganyan na siya umakto.

Pero teka nga, speaking of fall, punyeta kailan ba mapo-fall sa akin si Kenshin?!

avataravatar
Next chapter