8 Chapter 8

ANG aga aga pero niyaya ko si biatch na magkita kami sa isang cafe. Paano naman kasi, ang aga agad din kanina, wala akong magawa kaya naisipan kong tawagan iyong lalaking nanguha ng chicken ko kahapon sa mcdo since naitago ko naman 'yong calling card niya.

Biniro ko siya. I told him na padalahan niya ako ng breakfast with flowers and teddy bear and chocolates and everything! Biniro ko lang siya kasi wala nga akong magawa.

And to my surprise, ilang oras lang ang lumipas ay dumating na delivery guy sa bahay. May dala lang namang breakfast ko from one of I think italian restaurant, malaking teddy bear, bouquet of red roses, one basket of chocolates at ang nakakaloka, may isang sakong bigas pa. Like what the hell, right?!

Tunawag pa siya at tinanong ako kung nagustuhan ko ba or kulang pa ba iyong pinadala niya? My gosh!

I never, as in never kong na-experience ang ganoon! I never imagine that someone would make such an effort to me like that!

Kaya nga kinikilig ako. Akalain ko ba namang sa mcdo ko pa yata mahahanap ang fore---wait, no! So Kenshin kaya ang forever ko.

"Biatch!"

Tumingin ako sa gawi ni Cherrypink. She's blooming ha! Ikaw ba naman ang may Duke Palermo na kalandian e, ewan ko nalang kung hindi ka maging blooming.

"Buti nakarating ka biatch? Wala kayong date ng jowakers kuno mo?"

She smiled and sat on the chair. "Wala 'no! Saka pumupunta naman siya sa unit ko kapag gabi."

"Wow! So you mean, sinuko mo na ang perlas ng sinilangan? Like, seriously?"

"Hindi pa rin! Ano ka ba! Sa tingin mo pwede naming gawin iyon?"

"Ay oo nga pala, duguan ka nga pala. Ewww! Pero I'm sure, biatch hindi na makapag antay ang Palermo na iyon para makuha ka."

Ngumiti siya. "I don't mind as long as he gave me the partnership that I needed!"

"Grabe ka, biatch! Ang swerte ng pamilya mo aa 'yo, ha! You'll do everything for them. Samantalang ako, wala! Nga nga! Kaya siguro hindi ako hinigyan ng problem ni God sa family ko kasi sa lovelife ako magkaka-problema. Look at me, jusko! Halos ibigay ko na lahat kay Kensh, pero napakamanhid niya!"

Tumawa lang siya.

"At ikaw biatch, kaya siguro ganyan ka kamalas sa family mo kasi swerte ka naman sa lovelife. Kitang kita naman kay Palermo na 'yon na patay na patay na siya agad sa 'yo. Lakas ng kamandag, girl!"

"Baliw. Anyway, bakit mo nga pala ako pinapunta dito?"

"Kasi nga, about doon sa guy na nameet ko sa mcdo kahapon...."

Knwento ko sa kaniya ang nangyari sa mcdo kahapon at tawa siya ng tawa.

"Hindi ko kinakaya 'yan, biatch! Ang sweet niyo naman pala. Sharing of food pa kayo sa mcdo. Akala ko, iyong mga nagmo-moveon lang ang tunatambay dun, pero sa 'yo, iba! Nakita mo yata ang forever mo dun!"

"No! As in no way! Si Kensh ang forever ko 'no!"

"Asang asa ka talaga kay Kenshin e, kaya ka nasasaktan. Alam mo kasi biatch, kapag nakita mo naman na ayaw sa 'yo, huwag mo nang ipilit pa."

"No biatch!" Sabi ko. "Hindi ganyan ang mindset ko! Kapag ayaw sa akin, ipipilit ko pa rin ang sarili ko hanggang sa bumigay siya!"

Napailing nalang si biatch sa akin.

"So eto nga, biniro ko lang talaga iyong lalaki na iyon kanina through call pero ginawa niya ang gusto ko. Akalain ko bang papadalhan niya talaga ako ng mga gusto ko! Naloka lang talaga ako dun sa bigas."

Humagalpak ng tawa si biatch. "Baka napansin niyang malnourished ka biatch? Look at you, napaka payat mo. Baka akala niya naghihirap ka na."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sa ganda kong 'to?!"

"Pero biatch, hindi ba parang ang creepy? Hindi kaya stalker mo siya tapos ayan na, gumagawa na siya ng moves para mapalapit sa 'yo."

I rolled my eyes. "Duh! Alam kong maganda ako, biatch pero I think hindi naman siya stalker."

Tumango tango siya. "Anyway, magkikita kami ni Duke mamaya sa Hashtag bar. Sasama ka ba?"

"Duh, biatch! Hindi ako sasama sa inyo dahil mauuna na ako dun! Gusto ko na agad makita ang bebe boy ko e."

"So pinapunta mo lang ako dito para ikwento ang tungkol sa lalaking nakilala mo sa mcdo hen you'll leave me here?"

Ngumiti ako ng malapad. "Ganun na nga biatch!"

"Ay na 'ko, Freya Cybel!"

"Whatever. Oh pano, you should contact your boyfie and tell him na mag-isa kalang dito. I'm sure he'll fly fly para makapunta agad dito."

Tumayo na ako then I waved my goodbye to Cherrypink.

"Baliw ka talaga, biatch."

"I know. Bye!"

Lumabas na ako ng cafe. Akala yata ni biatch ginanun ko lang talaga siya but that Drake Hong just asked me that favor.

He asked me na yayain ko daw sa isang cafe si Cherrypink then he'll go right away na parang accidental lang. Duh! May gusto yata talaga ang Drake na 'yon kay biatch e.

Bahala nga sila. Basta ako, I need to go to my prince charming.

Sunakay na agad ako sa kotse ko saka nilisan ang cafe na 'yon. I sent a message to Drake and told him na iniwan ko na si biatch sa cafe.

Pasalamat siya mabait ako kaya pinagbigyan ko siya sa favor niya but... yes, syempre may kapalit. Baby picture lang naman ng bebe boy ko ang kapalit na ninakaw pa ni Drake sa photo album na tinago ni Tito Ken.

Mabilis kong pinaandar ang kotse ko. I wonder kung anong ginagawa ni Kenshin ngayon. Hay?gawain ko na yatang tumambay sa Hashtag Bar dahil kay Kenshin.

Wala na, na-fall na talaga ako e.

Nang makarating ako sa Hashtag Bar ay bumaba agad ako ng kotse ko pero natanaw ko na si Kenshin. May kausap siyang sexy na babae sa labas ng Hashtag bar! Who the hell is that girl?

Lumapit ako sa kanila. Syempre, iyong mas sexy at mas magandang rampa! Kahit hindi ganoon kalaki ang boobs at pwet ko, pak na pak naman ako sa kagandahan.

"Hi, Kenshin!" Bati ko. Ngumiti pa ako ng pagkalapad lapad.

Tumingin ako sa babaeng kausap niya at muntik na akong masuka.

"Tito Ken?!"

"Uy, Frey. Huwag kang maingay!" Suway ni Kenshin.

Seriously? Si Tito Ken nakapang sexy dress at hindi ko akalaing ganito siya ka-sexy, my gosh! Ang kinis ng legs at ang laki ng pwet!

"Naku ikaw na naman, Frey. Palagi kang narito sa bar namin. Nanganganib na talaga ang sperm ko."

What the hell!?

"Ang bad mo talaga, Daddy Ken."

"Huwag mo akong tawaging daddy sahil wala akong anak na mapanganib." Sabi niya sa akin. "Sperm, kailangan ko na talagang i-contact ang #ProtectSpermSquad2K18."

Tumawa lang si Kenshin. "Pero Dad, magpalit ka kaya muna ng damit? Para kang babae talaga e."

Ngumiti si Tito Ken. "Ako naman talaga ay natutuwa na ganito ako ka-perpekto. Akalain mo ngang kahit lalaki ako, napakagwapo ko at kapag nagbihis babae naman ako at nag-wig, napakaganda ko. Ako na talaga ang pinagpala ng lahat. Walang kinikilingan!"

"Dad! Magpalit ka na kasi. Nakakahiya sa mga tao. Saka kahit naman nakapambabae ka, halata iyang sword mo, Dad. Eww kaya Dad."

Natawa ako. I always admire the closeness of Kenshin and his father. Kahit wala siyang nanay, I don't know why, but he's still a good guy.

"Fuck! Oo nga. Magpapalit na ako ng damit sperm!" Paalam ni Tito Ken saka tumingin sa akin. "Ikaw, huwag mong masyadong ilalaput ang mukha mo kay sperm! Malilintikan ka sa akin!"

I rolled my eyes. Iniwan na kami ni Tito Ken.

"Uy, Frey bakit ka pala narito?" Tanong ni Kenshin.

"Gusto ko mag inom e." Sabi ko. "Masyado kasi akong masaya at kinikilig."

Pero ang totoo, gusto ko lang talaga siyang makita. Hay, hindi kaya siya nakakasawang titigan. Ang gwapo gwapo niya at mukhang inosente na mabait.

"Bakit ka naman masaya? E mahaba pa din namana ng baba mo ah!"

"Bastos ka talaga!" Sabi ko saka siya hinampas. Hampas na pangmalandi. "Pero Kensh, bakit pala nakasuot ng ganoon si Tito Ken?"

"Meron kasing landi ng landi kay Ninong Jerome kaya nagpanggap si Dad na girlfriend niya para tigilan na siya. E mas maganda pa si Dad dun sa babae. Hehe."

Ngumiti ako. "Akala ko bakla na si Tito Ken, e."

Sumama ang tingin ni Kensh. "Huwag na huwag mong sasabihang bakla si Dad, Frey. Hahalikan talaga kita."

"Hala! E bakla yata talaga si Tito Ken! Bakla talag---"

Oh my Gosh!

Hinalikan nga ako ni Kenshin! Walang kabog kabog! Kahit maliwanag pa dito sa labas ng bar!

"Ano, Frey ha?"

Napalunok ako. "B-Bakla talaga si Tito Ken..."

Hinalikan na naman niya ako. Lasang lasa ko sa bibig ni Kenshin ang sigarilyong menthol---wait, naninigarilyo si Kenshin?!

Nang matapos kong namnamin ang labi niyang mesherep, pinanlakihan ko siya ng mata.

"Naninigarilyo ka ba, Kensh?"

Para siyang nagulat sa tanong ko. "Hindi. Bawal."

Tinalikuran na niya ako papasok sa loob ng bar pero pinigilan ko siya sa braso niya.

"Lasang sigarilyo ang bibig mo. Menthol pa nga e! Lasang marlboro blue!" Sabi ko.

Once in a while,kapag stress ako sa sobrang ganda ko, naninigarilyo ako. But that doesn't mean I'm a bad girl.

"Hindi nga, Frey. Saka huwag ka ngang maingay."

"Umamin ka na, Kensh. Sorry ka dahil alam ko ang lasa ng marlboro blue!"

Natigilan siya saka muli akong hinarap. Hinawakan niya ako sa braso saka ako hinila.

Wait!

Saan niya ako dadalhin?

Nakarating kami sa isa sa VIP room saka kami pumasok at ni-lock niya ang pinto mga bes! Kinakabahan ako pero at the same time, na-e-excite!

Umupo siya sa mahabang couch saka ako hinila paupo sa kandungan niya.

Punyeta, kinikilig ang mushroom ko! Yung mushroom ko iyong perlas ng sinilangan ko. Enebe!

"Kensh..."

"Look at me, Frey."

I gulped. Tumitig naman ako sa mga mata niya kasi nga gustung gusto ko iyon. Isa sa pinaka favorite hobby ko ang titigan siya.

"Huwag na huwag mong ipapaalam kahit kanino na naninigarilyo ako. Kahit kina Drake. At lalo na kay Dad. Kaoag nalaman nila, malalagot ka sa akin."

Oh my...

"Bakit? Bawal ka pang maniga---wait, goodboy ka nga pala! Pero naninigarilyo ka pala?!"

Parang habang tumatagal ay nalalaman ko iyong mga kakaibang side ni Kenshin which is not a goodboy but a badboy.

"Yeah." Sagot niya.

Keshe yen leng pele eng sesebehen beket kelengen nekekeleng eke se kenye?

"Hm, Kensh..."

He grabbed my nape and kissed my lips.

Mababaliw ako kay Kenshin. Sa simpleng halik niya, bumibigay ako, nanghihina ako, at lalong naiinlove ako sa kaniya.

I like everything about him.

"Frey..." he whispered.

"Y-Yes, Kensh..."

"I like your scent. I like the taste of your lips. I like... kissing you."

Napanganga ako. Si Kenshin ba 'to?! Para siyang ibang tao pero mas iba ang awra niya ngayon, unlike kanina lang noong kausap niya si Tito Ken sa labas. Ang bilis naman! Ano 'to, may transformation?!

"Kensh... kesye..."

He chuckles. At punyeta! Ang badboy nung tawa niya. Bakit ganito siya! Lalo akong na-fall!

"Sa tingin mo ba, Frey, masamang tao ako dahil naninigarilyo pala ako?"

Umiling agad ako. "Of course not! Naninigarilyo din naman ako once in a while kapag naglalabas ng stress."

"Don't do that again, Frey. I want your lips without the taste of cigarettes."

Grabe, as in grabe. Pakiramdam ko nagse-sex kami kasi parang mag-eexplode na ang mushroom ko sa kilig!

"O-Okay?"

"Frey."

"Yes? Yes..."

"Let's have sex."

What the hell?! What did he say? Ano daw, teka ipapaulit ko ba? Oh my, what to do?!

"Kenshin, are you serious?" Kunwari pa, pero gusto naman. Ang landi landi ko!

Tumawa siya. "No. I'm just kidding. I won't do that. Gagawin ko lang iyon, Frey kapag mahal na kita."

Ang puso ko...

"So, may balak kang mahalin ako?"

He smiled and kissed my lips saka ako inalalayang makatayo. Tumayo na din siya.

"I don't know, Frey pedo hindi malabo." He said then winked at me.

At nahimatay ako, charing!

Ano iyon? Hindi ako na-briefing na pakikiligin ako ng ganito ni Kenshin! Hindi ko alam kung ano bang meron siya peri para siyang ibang tao ngayon. Hindi siya iyong kadalasang inosente at good boy look! My gosh. Ano ba 'to?!

"Kenshin!" Sigae ko nang palabas na siya sa VIP room.

"May pag asa bang maging boyfriend kita? Kasi... may lalaking pumoporma sa akin and natutuwa ako sa mga efforts na ginagawa niya sa akin and you know, kung wala naman tayong pag-asa, doon nalang siguro ako sa---"

Hinila niya ako at muling hinalikan. Ang sarap niya humalik, parang hindi inosente.

"For now, I can't tell you what's going on me, Frey. Pero isa lang ang gustong sabihin sa 'yo. Ayokong may umaaligid na ibang lalaki sa 'yo. Hindi ko alam kung selos 'to, hindi ko alam basta ayoko."

"Kensh..."

He winked again and gave me a peck on my lips saka lumabas ng VIP room.

Naiwan aking tulala. Grabe, what was that? Ano iyon? Si Kenshin ba talaga 'yon? At iyong sinabi niya, nakakapunyeta dahil kinikilig ako!

Wala akong pakialam kung umaasa na naman ako kay Kenshin, ang mahalaga sa akin, eto, pinapakilig niya ako at iyong ayaw niyang may umaaligid na ibang lalaki sa akin... gosh! Feeling ko ang ganda ganda ko!

Ibabasted ko na agad iyong lalaking nakilala ko sa mcdo! Hindi ko kailangan ng effort! Sapat na sa akin ang isang Kenshin Sarmiento.

Ang haba ng baba ko... I mean, ang haba ng hair ko!

avataravatar
Next chapter