7 Chapter 7

KUMAKAIN ako sa mcdo nang may lumapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin.

"Hi, Miss."

Oh my. Ang gwapo niya! Kaloka! Nilapitan niya ako kasi nagagandahan siya sa akin. I know right!

"Yes?"

"Pwede ba akong maki-share ng table? Puno na kasi at wala ng bakante."

Ngumiti ako ng pagkatamis tamis. "Uh, okay? Sure."

Mukha namang natuwa siya at umupo agad sa upuan sa harap ko. Inilapag niya ang pagkain niya. Chicken with rice.

Hay nako, kailangan ko tuloy magpa-demure sa pagkain kasi baka tingnan niya ako.

Tahimik lang kami. Abala naman siya sa phone niya habang kumaian siya. Hindi man lang ako tingnan! My gosh!

Hanggang sa...

"Uh, excuse me? 'Yung chicken ko 'yung kinakain mo."

"Oh damn! Sorry. I mean... damn nakakahiya."

Hindi ko alam kung mate-turnoff ba ako. Kasi naman! Kumakain, sa cellphone nakatingin! I hate drugs! Huhu nasupsop ko pa naman na iyong chicken ko like... indirect kiss kami! Hindi niya alam, natikman na niya ang laway ko. Gosh!

Ibabalik pa sana niya sa plate ko ang chicken pero pinigilan ko na siya.

"No, sa iyo nalang 'yan. Patapos na din naman ako." Pagsisinungaling ko. Punyeta favorite ko pa naman ang chicken!

"Sorry talaga, miss. Hindi ko napansin. I will buy you one bucket of chicken as a return."

Namilog ang mga mata ko. But no, turn off na ako sa kaniya. "Nope, it's really fine."

Iinom na sana ako ng coke ko but... punyeta?

"Coke ko 'yan. Sprite 'yung sa iyo oh." Turo ko sa basong nakapatong sa kanang side niya.

"Damn it! Akala ko coke 'yung akin---"

"It's really fine." I faked a smile. "Got to go."

"Pero miss..."

Nginitian ko nalang siya saka tinalikuran. How dare him! Tuwang tuwa pa ako na naki-share siya sa akin ng table tapos gano'n? Bwisit!

"Miss!"

Lumingon ako at nakita ko ang lalaking naki-share ng table sa akin. Hinabol pala niya ako palabas.

"Okay nga la---"

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang lumuhod habang binibigay sa akin ang isang papel.

What is this?

Kinuha ko ang papel. Ang akward lang kasi bakit kailangan pa niyang lumuhod! Nakakahiya sa mga tao sa paligid. Akala yata nila nagpo-propose 'to e!

Pagtingin ko sa papel ay calling card pala niya iyon.

"Ano 'to?"

"Please call me anytime. I'll help you in anything. I promise! Hindi ko lang kayang palampasin 'to dahil nakakahiya iyong ginawa ko, miss."

Natawa nalang ako. May mga nakapalibot na tuloy sa amin kasi akala yata talaga nila nagpopropose 'tong lalaking 'to!

"Say yes!" Sigaw ng crowd.

Tumingin ako sa lalaking mukha namang sincere. "Please? You'll call me right?"

Tumango nalang ako para matapos na. "Okay, yes!"

Naghiyawan ang crowd. My gosh! Nakakakilig sana kung totoo lang na may magpo-propose sa akin pero asa pa ako! Mas mauuna pa yatang pakasalan ni Kenshin ang mga itlog niya kesa sa akin!

Tumayo na ang lalaki saka nagpasalamat sa akin. Tumango lanv ako hanggang umalis na siya sa harap ko. Unti unti na ring Ng-alisan ang mga naki-usyoso.

Napailing nalang ako saka umalis na. Sumakay ako sa kotse ko saka tinawagan ang bebe boy ko.

Nagring iyon.

Pinaandar ko na ang car engine saka nagsimulang magmaneho.

Naka-headset naman ako kaya hindi ganoon kahirap na mag-drive habang may kausap.

"Bakit, Frey?"

"Kailangan ba palaging may dahilan kapag tumatawag ako?" Sabi ko.

"Edi papatayin ko na 'tong tawag mo, Frey."

"Bakit naman!"

"Kailangan ba palaging ay dahilan kapag papatayan kita ng tawag?"

"Bwisit ka talaga! Kahit kailan, napakasungit mo sa akin! Hindi ka man lang maging mabait sa akin! Alam mo? Kung ganito lang ng ganito, maghiwalay na tayo!" Sigaw ko.

"Hala Frey, advance ka mag isip. Wala namang tayo ah!"

"Advance nga ako mag isip! Magiging tayo din, akala mo ba!"

"Advance din ako mag isip, Frey. Maghihiwalay din tayo. Kaya dapat huwag ka na maging tayo."

Mariin akong pumikit. "Ewan ko sa 'yo! Huwag mo na nga akong kakausapin!"

"Pero ikaw ang tumawag, Frey."

Nakakaasar 'tong lalaki na 'to! Hindi man lang niya subukang maging sweet sa akin. Hindi man lang ba niya naa-appreciate kapag tinatawagan ko siya?

"Oo ako na! Ako na, Kenshin! Ako lang din naman talaga ang nagmamahal e." Punyeta pakadrama ko. Nakakadiri.

"Pati mga bilihin sa tindahan, nagmahal na din naman, Frey kaya hindi ka nag-iisa. May sasabihin ka pa ba? Busy ako dito sa church e."

"Saan ba 'yang church mo? Pupuntahan kita."

"Hala, Frey, sure ka ba? Baka masunog ka dito."

Bwisit na lalaking 'to! "Bastos ka talaga! Tingin mo sa akin, demonyita?"

"Bad spirit ka, Frey e. Pero sige, punta ka dito. Para mangumpisal ka ng mga kasalanan mo."

"Hoy Kenshin! Para sabihin ko sa 'yo, wala akong kasalanan!"

"Nagpadede ka kaya sa akin, Frey. Masama 'yun. Kasalanan 'yun!"

Omg. Pakiramdam ko ay tumibok ang boobs ko. Nakakainis! Makapal naman ang mukha ko pero bigla akong nahiya!

"Ewan ko sa 'yo! Saan na nga ang church niyo?"

"Sa St. James Parish."

"Alright! See you, bebe boy."

Napapokerface nalang ako nang end tone na ang narinig ko. Bastos talaga. Hindi man lang nag bye bye tsup tsup. Walang sweetness!

I set the GPS to location kung nasaan si Kenshin. Gusto ko rin namang makita si Kenshin na nagdadasal and all. Ang bait bait niya talagang tingnan. Para siyang anghel e.

Saka isa pa, kailangan ko na talaga siyang akitin ngayon dahil nararamdaman kong malapit nang malaman ni Duke Palermo na ginagamit lang siya ni biatch. My gosh! Baka lumayo na si Duke kasama ang friends niya at isa si Kenshin do'n! No way! Kailangan ko na talagang trabahuhin ang lovelife ko!

✯ 

St. James Parish

NAKAKUNOT ang noo ko habang nakatingin kay Kenshin na masayang naglalakad palabas ng simbahan. May kausap siyang...

Sumama ang tingin ko. Sino ang babaeng 'yon?! Nilalandi ba niya ang bebe boy ko? Hindi ako makakapayag! Akin lang si Kenshin!

Nang makalapit siya sa akin ay agad kong tinaasan ng kilay ang babaeng kasama niya.

"And who are you naman?"

"Ako ba ang kausap mo?" Tanong nung babae.

Mas maganda pa ako sa kanya!

"Chirae, ikaw ang kinakausap niya. Ikaw lang naman ang hindi niya kilala e." Singit ni Kenshin.

Inirapan ko lang siya dahil nakakainis! Bakit sa ibang babae, I mean, bakit sa babaeng 'to, nagagaaa niyang makipagtawanan, samantalang sa akin!

Ngumiti ang babae sa akin. Naiinis ako sa kaniya!

"Ako nga pala si Chirae Pangilinan. Ikaw, anong pangalan mo?"

Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Ako lang naman ang future girlfriend ni Kenshin." Sagot ko.

Para siyang na-amaze sa sinabi ko.

"Hala! Ang galing naman. Na-predict mo agad ang future? Manghuhula ka ba, Ate?"

Wait...

Dis she just call me ate? Seriously?!

"May pangalan ako, saka pwede ba, huwag mo akong i-ate! I'm Frey."

"Hehe. Sorry po, Frey!"

"Chirae, gusto mo bang sumama sa bar namin?" Tanong ni Kenshin sa babaeng 'yan!

"Pwede ba akong sumama, Kenshin? Baka kasi magalit 'yung future girlfriend mo e." Nakapout pa siya.

Ang arte! Nakakainis!

Parang ginulo ni Kenshin ng bahagya ang buhok ng Chirae na 'yan. Kairita! Close sila?

"Huwag kang magpapaniwala diyan kay Frey. Kaibigan ko lang siya, Chirae."

Umuusok na ang ilong ko sa inis. Kaibigan? Huh! Ano, friendzone ganern?

"Ibig sabihin, sinungaling siya, Kenshin? Sumbong kaya natin siya kay Pastor."

Aba't! Sasabunutan ko 'tong babae na 'to kahit oo na! Aaminin kong mukha naman siyang mabait.

"Hindi gagana si pastor diyan, Chirae. Malupit lupit na pagkalunod sa holy water ang kailangan ni Frey. Tara na nga. Sakay ka na sa kotse ko."

Bwisit na Kenshin 'yan. Ibang iba pakikitungo niya sa babaeng 'yan! Nakakapagselos ha!

"Wow! First time kong makakasakay sa kotse mo, Kenshin! Hindi pa rin ako marunong mag-drive. Ako ba ang magda-drive?"

What the hell?

Tumawa naman si Kenshin. "Nakakatuwa ka talaga, Chirae. Syempre ako ang magda-drive kasi kotse ko 'yun e."

"Hehe. Oo nga pala, sige saka na ako magda-drive kapag akin na ang kotse mo."

Para akong tangang nakatulala sa kanilang dalaw. What the hell are they talking about? Yung tataa?

Parang may kakaiba sa babaeng 'to. She's... para siyang Kenshin na babae! Inosente? Slow? What?

"Frey, may kotse ka naman 'di ba? Convoy na lang ha? Sabay na sa akin si Chirae. Doon tayo sa Hashtag Bar."

"Sasakay nalang din ako sa kotse mo, Kensh." Sabi ko.

Ano, magsosolo sila?

"Hala, may sarili ka namang kotse e. Dapat hindi ka na nakikisakay." Sabi ni Chirae.

Sasabunutan ko na talaga 'yan!

"Whatever! Nakakainis ka, Kenshin!"

Tinalikuran ko na sila saka pumunta sa kotse ko. E'di magsama sila sa iisang kotse! Nakakai is talaga. Napaka insensitive! Hindi niya ba naiisip na nagseselos ako?

Saka gaano na ba niya katagal na kilala 'yang Chirae na 'yan? Parang ang close naman yata nila masyado. Hmp!

Sumakay na ako ng kotse ko saka nagsimulang magdrive. Sumunod ako sa kotse ni Kenshin.

Malapit lang naman dito ang Hashtag Bar actually. Bakit kasi hindi nalang mag-isang kotse!

Tumunog ang phone ko babang abala ako sa pagmumuni muni. Ikinabit ko ang headset ko sa tainga ko saka sinagot ang tawag.

"Biatch!"

"Yes, biatch? Kumusta naman? Anong ganap? Masyado ka ng busy sa jowa mo ah! Para namang seryoso ka talaga sa Palermo na 'yan. Duh!"

"Ewan ko nga e! Kasi naman hindi ko naman gustong lokohin siya. Ang tagal niya kasing pumirma ng partnership kainis!"

I rolled my eyes. Ito talagang bff ko na gagawin ang lahat para sa parents niya. Nakakaawa na nga 'tong si biatch kasi gumagawa siya ng mga ganoong bagay para lang patunayan ang sarili niya sa magulang niya.

"You know what, biatch? Bakit hindi mo nalang siya jowain ng totoo? I mean, stay with him. Kalimutan mo na iyong gidden agenda mo. Mukha namang fall na fall na sa iyo ang Palermo na iyon e. At least swerte ka kasi siya ang nagmamahal."

"Ayoko naman ng gano'n, biatch. Alam mo bang... muntik na talagang may mangyari sa amin."

"What? Seriously?"

Grabe 'tong babae na 'to! Handa ba talaga siyang isugal ang virginity niya kahit hindi niya mahal si Palermo? For the partnership? Shit.

"Oo! You should come here tomorrow. Ikukwento ko sa iyo ang nangyari. I'm sure, hahagalpak ka ng tawa."

"Okay fine! Ire-raid ko 'yang unit mo tomorrow and let's see kung matatawa talaga ako sa kwento mo." Sabi ko.

Nakarating na ako ng Hashtag bar kaya ipinasok ko ang kotse ko sa parking lot.

"Got to go, biatch. Bye!"

I ended the call saka bumaba ng kotse ko.

Talaga naman! Kitang kita ko kung paano na naman tumawa si Kenshin dahil sa Chirae na yon! Ginayuma niya yata ang bebe boy ko!

Mabilis akong naglakad para maabutan ko sila. Mga taksil! Hindi man lang ako antayin.

Pagpasok namin ng bar ay parang amaze na amaze itong si Chirae.

"Hala, Kenshin! Ganito pala sa mga bar! Lahat ng tao may alak!"

Duh! Alangan namang tubig lang? Malamang alak! Kaya nga bar e.

"Oo naman, sabi sa 'yo e. Madaming alak dito sa bar." Sagot naman ni Kensh.

My gosh. Nag uusap talaga sila ng ganyan?

"Dun tayo sa VIP table." Sabi ni Kenshin.

Nakasunod lang ako sa kanila. Narito din ang pambansang boob eater na si Drake Hong. Laman na yata yan ng bar gabi gabi. Walang magawa sa buhay.

"Yo, Maja!"

Tinaasan ko ng kilay si Drake. "Maja? I'm Frey! Duh!"

"You're Maja. Majaba ang baba." Humagalpak siya ng tawa.

Hunampas ko siya ng purse ko. Bastos na lalaki 'to! Kainis! "Bwisit ka!"

"Bro, who is she? May chicks ka na pala? Hindi na si Frey?" Tanong agad ni Drake kay Kenshin.

Ngumiti naman bigla si Kenshin. "Bro, hindi ko siya chicks---"

"Tao ako, hindi ako chicks. Hindi din chicken ang nanay ko." Singit ni Chirae.

"Lmao. Man! She is... amazing!"

I showed them my bored look. Duh! Ano kaya 'yon! Napaka pilosopo nga e!

"I'm not amazing. I'm Chirae po pala."

Ayoko ma sa earth jusko!

"Lmao! You're the girl version of Kenshin. Bro, she's the one for---AWW! What the fuck Frey?"

Kinurot ko sa tagiliran si Drake. Anong she's the one?! Ako lang ang para kay Kenshin!

"Hala, Kenshin. Fuck daw. Hala nagkakasala na ang tainga ko. Narinig ko siya."

"Ikaw talaga, Chirae. Huwag kang mag-alala. Lagi naman tayong may bible study e saka masanay ka na kasi bad spirit 'yang si Drake e. Niregaluhan ko na siya ng holy water. Hehe."

Hindi ko maimagine na ganyan kabait si Kenshin kay Chirae! Nagseselos na talaga ako!

"What did you say bro?" Tanong ni Drake.

"Niregaluhan kita ng holy water, bro."

"Kelan 'yon?"

Ngumiti si Kenshin. "Nung nag gym tayo bro. 'Di ba humingi kang mineral water? Holy water 'yung binigay ko sa 'yo para maging malinis ang buong pagkatao mo. Sarap na sarap ka pa nga e."

Napabuga ng beer si Drake. "What the fuck bro?!"

Tumawa ako. Letse! Kahit uminom pa o paliguan ng holy water 'yang Drake na 'yan, hindi na siya magbabago!

"Mag thank you ka nalang bro. Hehe."

"Lmao."

Huminga ako ng malalim saka uminom ng beer na nasa mesa. I don't mind if it's for Drake.

Para kasi akong na op sa kanila. Kainis!

"Miss, excuse me."

Tumingin ako sa waiter na lumapit sa akin. "Yes?"

"Someone offers you a drink. Iyong nagpropose daw po sa inyo kanina sa may mcdo."

Saglit akong nag-isip saka nanlaki ang mga mata kong napatingin sa lalaking tinutukoy ng waiter. Sa kabilang mesa lang siya nakaupo. He waved his hand to me.

Napangiti ako. Paano niya nalamang narito ako?!

Kinuha ko iyong lady's drink na ibinigay nung lalaking nakikain sa akin sa mcdo pero inagaw iyon bigla ni Kenshin.

"She's not available anymore. Pakisabi sa lalaking 'yon." Utos niya sa waiter.

Sumunod naman ang waiter.

Kumabog ang dibdib ko. Anong ibig niyang sabibin na hindi na ako available? Ibig sabihin ba...

Nagulat nalang ako nang tumayo si Kenshin at hinila ako palabas ng bar.

What the?!

Naiwan sa mesa sina Drake at Chirae! Bakit bigla nalang akong hinila ni Kenshin?

"Nagpropose sa 'yo ang lalaking 'yon, Frey?" Iyon agad ang tanong niya saka ako isinandal sa pader dito sa parking lot.

"Hindi. I mean parang oo pero hindi. Wait, I'll explain, teka nga bakit pala ako mag-e-explain? Bakit? Selos ka ba ha? As if naman, Kensh! Ano naman kung may nagpropose sa akin?"

Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Nag yes ka sa kaniya? Ano sagot?!"

Napalunok ako. Bakit kasi ang seryoso niya bigla? "Oo? Nag yes ako sa kaniya---"

"Putangina, Frey."

Whaaat? Nag yes naman talaga ako kaai tinanong lamg naman niya ako kung tatawagan ko siya and...

Mas idinikit ni Kenshin ang katawan niya sa akin. Ang lapit lapit na ng mga mukha namin.

Omg!

"Kenshin, i-eexplain ko nalang. Ganito kasi ang nangya---"

My eyes widened when I felt his lips against mine. Punyeta hinahalikan ako ng Kenshin! Laplap pa mga bes!

Ano 'to? Ibig sabihin ba, nagseselos siya? Pero parang imposible pero malay ko ba na na-fall na siya sa akin kasi ang ganda ganda ko. Kyaaaa!

Tumigil sa paghalik si Kenshin saka tumitig sa mga mata ko.

"Frey..."

"Y-Yes?"

Grabe iyong awra niya nag-iba!

"Nagtoothbrush ka ba? Hindi maganda ang lasa ng bibig mo. Tara na sa loob."

What the hell?!

Bigla nalang nag iba ang awra niya at bumalik sa pagka inosente.

At ang malala iniwan ako sa ere. Ayun! Bumalik na sa loob. Bwisit siya! Ang gulo gulo niya! Hindi ko alam kung abnormal ba siya o may dual personality ba siya o ano! Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako o maiinis e! Bwisit!

Pero... masarap iyong halik niya. Enebe.

avataravatar
Next chapter