5 Chapter 5

NAKAKABITTER jusko! Iyong si biatch wala na, nilamon na ni Duke Palermo. Hay, kahit alam kong hindi naman siya seryoso kay Duke e swerte pa rin niya 'no! Paano naman kasi, halatang halata na patay na patay 'yung lalaking iyon sa kaniya. Tuwang tuwa pa ang gago na sila na ni biatch, akala niya yata may forever sila. Duh! Kung alam niya lang!

"Frey bakit ba narito ka lagi? Wala ka bang trabaho o pinagkakaabalahan?"

"Meron. Pagpapapansin sa iyo ang pinagkakaabalahan ko kaya narito ako lagi e." Prankang sahot ko kay Kenshin.

Totoo naman kasi. Gabi gabi akong narito sa Hashtag Bar para syempre, makita siya. Yee!

"E wala naman akong pakialam sa pagpapapansin mo e."

Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi pa ba ako masasanay sa lalaking mukhang itlog na 'to? E jusko? Halos lagi niya akong binabara e. Lakas mang-realtalk. Pasalamat siya, na-love at first sight talaga ako sa kaniya. At hinding hindi ako susuko hangga't ma-fall siya sa akin.

"E'di wala!" Pagsusungit ko. "Huwag mo nga akong kausapin. Galit ako sa 'yo."

"Wow, Frey ang ganda mo. Ikaw pa nagalit sa akin."

"Maganda ako! Sexy ako! Okay?!" Sigaw ko.

"Hala, Frey. Huwag ka nang sumigaw dito. Nakakahiya sa ibang customer. Buti sana kung totoo iyong sinisigaw mo e. Kaso hindi naman."

"Argh! Nakakainis ka talaga!" Nagpapapadyak pa ako.

Tumawa lang siya saka ako iniwan dito sa mesa ko. Bwisit talaga lalaki 'yon! Kelan ba ako matu-turn-off sa kaniya?

Hay, kelan kaya magiging makulay ang lovelife ko tulad ng kay biatch? Well, kahit naman niloloko lang ni biatch si Duke, ang sarap pa din kaya sa feeling na may jowa ka. Tapos ang sweet sweet pang boyfriend ni Duke.

"Yo, Frey."

Nakatingin ako kay Drake na kadarating lang. Umupo siya sa katapat ko saka tumawag ng waiter.

"O, bakit dito ka umuupo?" Pagsusungit ko.

"Ikaw bakit flat ka?" Natatawang sabi niya.

"Arghhh! Manang mana ka talaga sa kaibigan mo! Saka excuse me hindi ako flat 'no! Mukha ka lang talaga boobs." Sabi ko saka tjnungga ang beer ko.

Tumawa lang siya. "Magpasalamat ka sa akin because I joined you. Ypu can ask me anything about Kenshin."

Bigla akong nabuhayan ng loob. Kumislap ang mga mata ko at ngumiti kay Drake. "Alam mo, Drake tama lang na dito ka makijoin sa akin kasi ang laki naman ng space e. I don't mind."

"Lmao."

Lumapit ang waiter dala ang order ni Drake. Hindi ko din talaga maintindihan ang isang 'to. Napaka-playboy niya, malandi kung malandi tapos ang kaibigan niyang si Duke, saktong playboy lang kaso si Kenshin saksakan naman ng banal. Iniisip ko kung paano sila naging magkakaibigan.

At may isa pa akong gustong malaman e. "Drake pwedeng magtanong?"

"Anything." Sagot niya.

"Lagi kong naririnig sa 'yo ang lmao. Every reaction, palaging lmao ang sinasabi mo. Ano ba 'yon? Para ka kasong pusang ngumingiyaw e."

Humagalpak siya ng tawa. "What the fuck? Lmao."

"O kita mo na!"

"Lmao. Laughing my ass out. Expression ko lang 'yan. Kapag narinig mo akong nagsabi niyang, ibig sabihin, hindi maipaliwanag ang reaction ko. Either natatawa ako o hindi makapaniwala."

Tumango tango ako. "Okay?"

Uminom siya ng beer niya. "Don't be shy. Al kong gusto mong magtanong tungkol kay Kenshin. Go on ask me habang wala pa akong babae. Wala pa akong nakikitang babae na mapapawow ako sa laki ng boobs e."

"Ewww! Kadiri ka, Drake!"

Tumawa lang siya.

"Pero sige, first question. Nacucurious talaga ako kung paano kayo naging magkakaibigan nila Duke at Kenshin. Si Duke okay pa e kasi pareho naman kayong may pagka-playboy kaso si Kenshin."

"Lmao. Inaasahan ko na 'yang tanong mo. Well, how is it, I mean, baby palang kami magkakasama na kami. Magkakaibigan ang mga tatay namin. And it's funny but, kami ni Kenshin parehong walang nanay kaya ang mga tatay namin ang nagtulong tulong para maalagaan kami with the help of Duke's mother."

Oh, I see.

"Buti hindi nahahawa sa kalandian niyo si Kenshin 'no?"

Tumawa ulit si Drake. "You don't know him, Frey. Hindi mo alam mas wild pa sa akin 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko. "What?! No way!"

"What? That's true. You just met his soft side. Hindi mo pa nami-meet ang wild side niya." He winked.

Naguguluhan ako sa sinabi niya. Saka hello! Parang hindi ko nga ma-imagine na si Kenshin malandi? Na may side siya na katulad nina Drake? Malabo. May napansin ako sa kaniya na minsan nagiging seryoso siya na parang nakakatakot tulad nung last time na muntik nang may mambastos sa akin pero side na malandi? Malabo talaga.

"Whatever!" I rolled my eyes.

"Anyway, si Cherrypink..."

"Oh, si biatch? Why?"

"First boyfriend niya si Duke?"

Tumango ako. "Yes! First ever boyfriend." Kung alam lang talaga nila na niloloko lang ni biatch ang kaibigan nila. Hay.

"Can i ask you something?"

"Ano 'yon?" Tanong ko kay Drake. Mukha siyang seryoso.

"What if... na-love at first sight ako sa kaibigan mo."

Napaisip pa ako saglit bago nag-sink in sa akin ang tanong niya. "Na-love at first sight ka kay biatch?" Oh my! Seryoso?

"I was just asking what if."

I arched my eyebrow. Talaga lang, ha. Mukhang tinamaan 'to kay biatch. Grabe ang ganda ni biatch. Dalawang lalaki agad. Samantalang ako, jusko isa na nga lang, saksakan pa ng pagka-inosente at himala yatang magustuhan ako.

"E, give up ka na. Nauna na ang kaibigan mo e." Tumawa ako.

"Oh, right! Damn it."

"Pero seryoso? May gusuo ka ba kay biatch?"

Umiling siya.

"Yung totoo?" Tanong ko pa.

"He's my bestfriend's girlfriend. Lmao."

"Asus! Oo na."

Napatunghay ako nang biglang may malalas na nagpatong ng bote ng alak sa mesa namin.

"Saya niyo ah."

Kumunot ang noo ko kay Kenshin. Umupo siya sa tabi ni Drake.

"Bro, iinom ka?" Tanong ni Drake kay Kenshin.

"Baka kakainin ko 'tong alak bro."

"Lmao."

Napailing nalang ako. Ang seryoso naman ni bebe boy, ano ba. Ang gwapo tuloy niyang tingnan.

"Kenshin, mas gwapo ka pala kapag seryoso ang mukha mo." Nakangiting sabi ko sa kaniya.

Tumitig siya sa mukha ko.

"Frey, mas maganda ka kung hindi mahaba ang baba mo."

Humagalpak ng tawa si Drake. Punyeta! "Ano bang problema mo sa baba ko? Hindi naman mahaba ah! Sakto lang!"

"Problema ko sa baba mo? Mahaba." Aniya pa saka uminom ng beer.

Uminom din ako ng beer habang nakatingin ng masama sa kaniya. "Ano naman kung mahaba ang baba ko? Hello! Madaming nagkakandarapang lalaki sa akin!"

Totoo naman e! Kami ni biatch, ang dali dali lang namin na makakuha ng boys. Para kaming mga bida lagi sa mga bar dahil pinipilahan kami ng mga lalaki. Tapos etong Kenshin na 'to! Argh! Akala ba niya nakalimutan ko 'yung that girl is mine niya noong last time? Sinungaling! Ang hot pa naman niya nun. Paasa talaga kahit kailan.

"Tinatanong ko ba?"

Mas sumama pa ang tingin ko sa kaniya. "Ewan ko sa 'yo, Kenshin. Tingnan lang natin kapag ikaw na-fall sa akin!"

"Mauuna pa yatang matusok ako ng baba mo bago ako ma-fall sa 'yo e."

Umuusok na na ang ilong ko sa inis. Nakakapikon ha! Tumingin ako kay Drake na tawa lang ng tawa habang kumakaway sa mga babaeng dumadaan na bumabati sa kaniya. Bwisit!

"Seryoso nga, Kenshin. Bakit ba ang harsh mo sakin. Lagi mo akong binabara at lagi mo akong nilalait! May gusto ka ba sa akin?"

"Hala, Frey. Masama 'yan. Masamang umasa."

Naiinis na ako pero mas nakakainis lalo iyong mukha niyang inosente pa rin e. Hindi mo tuloy alam kung magagalit ka o macucute-an e!

"Alam mo? Uminom ka na lang dyan. Huwag mo akong kausapin!" Sabi ko.

Nakatingin lang siya sa akin. Uminom ulit siya ng beer saka muli akong tiningnan.

"O, ano! Bakit hindi ka makapagsalita dyan?"

"Sabi mo huwag kang kausapin. May sira ka ba sa tuktok, Frey? Ikaw 'tong kausap ng kausap sa akin."

Nasabunutan ko ang sarili ko saka tinungga ang beer ko. Grabe! As in grabe, nakakasuko kausapin 'tong lalaking mahilig sa itlog na 'to!

"Hey, babe! Are you free tonight? Let's have some fun!"

Napatingin ako sa babaeng tumigil sa mesa namin na kumakausap kay Drake. My gosh hindi ko kinaya si ate girl. Ang sexy ng suot niya. Sa sobrang sexy, hindi na nag-bra. Bakat na bakat kaya ang nipples niya. Ew! Desperadang magpapansin!

"Of course, I'm free. Oh damn those..." sabi ni Drake habang titig na titig sa dibdib ni ate girl. Jusko!

Tumayo na si Drake. Paalis na sana sila pero tinawag sila ni Kenshin.

"Bro!"

Lumingon naman si Drake at si ate girl.

Kumunot ang noo ko nang mag-abot si Kenshin ng one thousand bill dun kay ate girl.

"What is that?" Tanong ni ate girl.

"Pambili mong bra, miss. Kawawa ka naman wala kang bra."

Humagalpak na naman ng tawa si Drake. "Lmao! Let's go babe. Don't mind him."

Umalis na sila at ako naiwang nakatulala kay Kenshin habang nagpipigil ng tawa. Mukha siyang batang inosente, promise!

"Bahala sila kung ayaw nila. Sila na nga ang binibigyan ng pambili e. Tch."

Wala na, hindi ko na napigilang matawa.

"Anong nakakatawa, Frey? Nagjo-joke ba ako? Para kang timang. Para kang si Drake e."

"Ano ba kasi, Kenshin! Seryoso ka ba kasi doon? Hello! Hindi talaga nagsuot si ate girl ng bra ano ka ba! Nang-aakit siya kaya ganon."

He tilted his head. Na para bang hindi pa rin niya ma-gets.

"E bakit ikaw naka-bra? E inaakit mo ako 'di ba?"

Muntik ko nang maibuga ang beer na kaiinom ko lang. "What the hell, Kenshin?!"

Hindi ko in-expect 'yung sinabi niya pero parang balewala lang sa kaniya. Huhu I feel so harassed!

Tumawa siya saka nilaklak ang natitirang laman ng bote ng beer niya.

Tumahimik lang din ako habang pinapanood siyang umiinom. Dire diretso. Grabe, lakas uminom. Hanggang namumula mula na ang pisngi niya. Ang gwapo pa rin talaga niya.

He stared at me.

Nagulat naman ako kasi masyado siyang seryoso. Bigla syang tumayo saka lumipat sa tabi ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Kilig ang pearly shell ko, shit! Naakit yata sa akin si bebe boy. O dahil parang lasing na siya? May tama? O ano ba!

"Frey, ang ganda mo pala kapag may tama na ako e."

Punyeta!

"Thank you, ha!" Sarcastic kong sagot.

Tumawa ulti siya. At ang sexy ng boses. Grabe. Nagpo-pout pa soya. Naaakit ako!

"Kenshin, can you kiss me?" Medyo may tama na ako ng alak saka isa pa, walang hiya hiya!ho for the gold!

Uminom ulit siya ng alak. Iyong alak na naiwan ni Drake bago tumingin sa akin. "I respect you, Frey."

Napalunok ako saka tinitigan siya sa mukha niya. "Don't respect me, Kenshin." Wala sa sariling sabi ko.

"Then..."

Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. This is not a drill! This is real. Hinahalikan ako ni Kenshin! My gosh!

He's a damn good kisser, promise!

Ang sarap tuloy mag-status sa facebook ng kissing with Kenshin at the moment. Holy....

"Frey, ang laki pala ng boobs mo."

Nanlaki ang mga mata ko nang kapain niya ang boobs ko. Si Kenshin 'to! Si Kenshin talaga 'to! Kilig pwet ako, shit!

Hindi ko alam kung dahil ba ito sa espiritu ng alak pero no way, hindi ko palalampasin ang pagkakataon!

I sat on his lap nang nakaharap sa kaniya. He chuckles. Ikinawit ko ang dalawa kong kamay sa batok niya saka siya hinalikan.

He respond. His hands roamed around my body. This is not a dream, shit!

Ilang minutes din kaming naghalikan, hindi ko kinakaya! Magtitirik akong kandila bukas!

"Let's stop here. Baka makita ako ni Dad." Sabi niya.

Kusa akong umalis sa lap niya saka umupo sa tabi niya.

"You're so hot..." sabi ko.

Para akong nasa heaven.

"Yeah. I kind'a like your lips." Aniya saka tumayo na at iniwan ako.

Naiwan akong tulala. Si Kenshin ba talaga 'yon? Oh my... as in oh my! Kinurot ko pa ang pisngi ko at masakit! Totoo ang mga pangyayari. May tama lang naman ako at nasa huwisyo pa ako.

But the Kenshin I know... iba! In just a minute or seconds bigla siyang nag-iba. Amazing!

Siguradong masarap ang tulog ko at punyeta, lalo akong nabaliw kay boy itlog!

avataravatar
Next chapter