4 Chapter 4

NAKABUSANGOT ang mukha ko ngayon. Well, kahit yata sumimangot ako or ano pa, maganda pa din ako. Ugh, nakakasawa din minsang maging maganda kasi you know, lapitin ng boys.

Isang oras na yata ako dito sa Hashtag bar pero hindi ko pa nakikita ang anino ng future boyfriend ko. Saan naman kaya 'yun nagpunta? E sa pagkakaalam ko, tumutulong iyon dito sa pagma-manage ng bar ng Dad niya.

Hindi kaya... may girlfriend na siya? No! As in no, hindi ako papayag! Ako lang ang pwede niyang maging girlfriend! Ako lang.

"Excuse me! Another margarita please?" Sabi ko sa waiter.

Malalasing nako mamaya wala pa din si Kenshin. Kaya lang naman ako tumatambay dito ngayon ay dahil sa kaniya. So hindi ako aalis hangga't hindi ko siya nakikita.

Lumapit na ang waiter saka inilapag sa mesa ko ang margarita. Sumimsim ako bago muling iniikot ang mga mata ko sa paligid.

Kenshin, kenshin, kenshin where art thou?

Namilog at nangislap ang mga mata ko nang sa wakas ay masilayan ko si Kenshin. Pwet palang, alam kong siya na iyon. Ugh, sexy ass. Gusto kong kurutin! Achuchuchu!

Kinuha ko agad ang phone ko na nakapatong sa mesa ko saka tinawagan si Kenshin. Syempre, alangan namang sumigaw ako. Ang layo layo niya. Malapit siya sa may entrance at may kausap siyang... babae? No!

Nakatingin ako sa gawi niya habang hinihintay ko siyang sagutin ang tawag ko.

"Hello? Bakit napatawag ka, Frey?"

"Well, narito lang naman ako sa bar niyo. I just want to ask you if you can join me kasi mag-isa lang ako. I can't disturb biatch kasi alam mo na, may Duke siya. So kasalanan ng kaibigan mo! Kaya ikaw ang magpunan!"

"Wow, Frey ang sama naman ng ugali mo. Kasalanan pala ni Duke e. Edi siya ang yayain mo."

I rolled my eyes. "Stop that crap, Kenshin. Just join me, please?"

"Busy ako. Wala ako sa bar."

Sumimangot ako. Kahit nakatalikod siya sa gawi ko, kilalang kilala ko na siya. Sinungaling!

"I can see you." I sighed. "Alam mo, pwet mo palang kilala ko na e. Kaya kahit pa nakatalikod ka kilala kita." Sabi ko.

"What? Ang bastos mo naman, Frey. Inaano ka ng pwet ko?"

"Inaakit ako ng pwet mo, okay?" I said in sarcastic voice. "Sige na, Kenshin. Join me?"

I jeard him sigh. "Fine. Oo na, Frey. Nasaan ka banda?"

Napangiti ako. I got him! Kukurutin ko talaga ang pwet niya. Kagigil!

"I'm here sa medyo pa-dulo. You can see me naman agad kasi nangingibabaw ang ganda ko."

Nakita ko siyang humarap sa gawi ko.

"Yeah, I saw you. Nangingibabaw ang baba mo. Kumikinang."

Nanlaki ang mga mata ko. "What did you say?!"

Tumawa siya. "Wala, wala. Pupuntahan na kita. I'll hang up."

End tone na ang narinig ko at nakita ko siyang naglalakad na palapit aa gawi ko.

Parang biglang may tumugtog na love song tapos nagsha-shine siya. OMG, how could he manage to be that handsome?! Kahit mukha siyang inosente, ang lakas lakas ng dating niya.

Napainom ako ng margarita saka muling tumingin sa gawi niya.

"Frey, bakit naman ganyan ang suot mo?"

I frowned. Tumingin ako sa sarili ko. What's wrong with my clothes? Tube saka skirt. What? Sexy naman ako kaya may confidence akong magsuot ng ganito.

"Why? Sexy naman ah?"

Umiling siya. "Sexy ka nga, pero 'yung mga manyak sa tabi tabi kanina kapa tinititigan. Tch."

Napalunok ako. What did he just say?

Pakiramdam ko ay nag-blush ang pisngi ko. E, bakit kasi ang sweet pakinggan? He's worried about me? Ayaw niyang nababastos ako?

"Suot mo 'to." Iniabot niya sa akin ang coat niya.

Seriously, bakit ang sweet kasi?

Kinuha ko ang coat na inabot niya saka ipinatomg sa balikat ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Straight face pa din siya pero kasi ang sweet talaga e!

"Brandy, please." Sabi niya sa waiter.

OMG! This is it. This night will be our night! Ang romantic lang 'di ba?

"Uh, Kenshin. Don't worry, next time hindi na ako magsusuot ng masyadong revealing." Sabi ko. Kasi naman e, he's acting like my boyfriend na agad. Sabi na nga ba inlove na din siya sa akin e.

Tumango siya saka tiningnan ang hita kong expose na expose sa sobrang ikli ng skirt ko.

Napailing siya saka tumingin sa mga mata ko. "Ilang beses ba kitang dapat sabihang hindi ka sexy para hindi ka na magsuot ng ganyan, Frey? Madaming manyak sa mga bar baka mabastos ka pa."

Napalunok na naman ako. Like, what the hell! Lumulundag ang puso ko!

So he means, kaya lang niya ako sinabihan na hindi sexy last time at para 'di na ako magsuot ng ganito? At para hindi aki mabastos?

Kenshin, you're killing me!

"Uh, Kenshin..."

"Samahan kitang mag-shopping bukas? Buy something decent."

Sasabog na ang puso ko! Huwag kang ganyan, Kenshin!

Tumango agad ako. "Sure sure! I should buy clothes and all. Mga pants, long sleeve, jacket? Anything na mahaba!" I said out of excitement.

He chuckled. "Good."

Dumating na ang waiter saka ipinatong sa mesa namin ang brandy ni Kenshin. He looked so graceful. Hay, ito talaga ang klase ng lalaki na ibo-boyfriend ko. Hindi ko na talaga pakakawalan ang lalaking 'to!

"Yo, man!"

Nag-angat ako ng tingin at narito pala ang playboy na si Drake Hong.

"Hi, Frey! So you're with Kenshin."

Umupo siya sa tabi ni Kenshin. Istorbo naman!

"Yes, actually, naiistorbo mo kami." I smiled.

Tumawa siya saka umakbay kay Kenshin. "Man, mukhang type ka ni Frey. Gusto kang masolo. Oh damn, why not ask her to go to hotel? I can give you a VIP card."

"Drake!" Suway ko. Ano ba 'yan! Nakakahiya! Hotel, agad agad? Pero... eee! Kasi naman e!

"Ang bastos mo naman, Drake. Huwag mo nga akong igaya sa 'yo na may loyalty card na sa mga hotel. Hindi ako tulad mo."

Nangislap ang mga nata ko kay Kenshin. He's so... omg, napaka gentlemen!

Tumawa lalo si Drake. "What, man?! Don't act like you're virgin. Paminsan minsan lumalabas din ang tigre diyan sa katawan mo."

Hindi ma siya virgin, like, magaling kata siya sa kama? Yeee! Gusto ko i-try! Enebe, ang landi ko.

Uminom ng brandy si Kenshin saka tumingin sa akin. "Okay lang naman sa'yo, kahit hindi na ako virgin, 'diba Frey?"

My eyes widens. He's asking me?! My gosh! Naiihi na ako sa kilig!

"Oo naman! It's not that important, duh! Kaya ikaw, Drake, shut up ka nga!"

Tumawa pa lalo si Drake. "Man, are you inlove with her? Are you courting her? Para kang nagpapa-good-shot e."

"No. Hindi ko naman type si Frey e."

One

Two

Three

Four

Five

What the hell? What...

Tumingin ako kay Kenshin and he looked serious.

"I thought you're in love with her." Drake said. "Akala ko magkaka-chicks ka na din e."

"Manok lang ang nay chicks, Drake. Bobo ka talaga." Sabi ni Kenshin na para wala lang sa kaniya iyong sinabi niya.

Just... seriously? Ang sweet sweet niya saka may patanong tanong pa siya sa akin kung okay lang sa akin kung virgin siya! So ano 'yon? Hangin lang? Drawing lang? Paasa!

Tumayo ako saka tiningnan ng masama si Kenshin. "Paasa ka!" Sabi ko saka iniwan sila sa mesang iyon.

Kilig kilig pa naman ako tapos gano'n lang? Hindi niya ako type?! Ayaw pa niya akong magsuot ng ganito ka-sexy dahil ayaw niya akong mabastos tapos... tapos... argh!

Tinanggal ko ang coat niya na nakasabit sa balikat ko saka hinagis sa kung saan. I hate him! Paasa!

"Frey!"

Lumingon ako kay Kenshin nang hawakan niya ako sa braso.

"What now, Kenshin? Pagkatapos mong ipamukha sa akin na hindi mo ako type? Pagkatapos mo akong paasahin? Pagkatapos mong maging sweet sakin, ano?! Paasa ka talaga tapos hahabul habulin mo pa ako, for what? Para paasahin ulit?! Hindi ka nakakatuwa!"

Itinuro niya iyong coat niya na nasa sahig dahil hinagis ko.

"Kukunin ko lang 'yung coat ko. Basta mo nalang tinapon, Frey pagkatapos kong ipahiram sa 'yo."

WHAT? I heavily sighed. My gosh! As in, my gosh!

I rolled my eyes at him. "Arrrghh! Ewan ko sa 'yo!"

Binawi ko ang braso ko saka itinuloy ang pag-wo-walk-out. Nakakainis! Ilang beses ba akong aasa? My gosh!

"I like you."

Napatigil ako. Napalunok ako saka nilingon muli si Kenshin.

He's smiling and...

"Binasa ko lang 'yung nakasulat sa tshirt nung babae." Sabi niya.

"Arghhhh!" Lalo akong nabwisit!

Hindi ko alam kung pinagti-tripan ba niya ako or ano! Basta nakakainis siya! Umaasa ako ng umaasa kainis! Kahit kakikilala ko palang sa kaniya, gustung gusto ko na agad siya. Nakakainis!

Lumabas na ako ng bar saka dumiretso sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse kong pink.

"Aww!"

Napatigil ako nang may makabangga akong lalaki

"Miss, kung saan saan ka tumitingin."

Hindi ako nagsalita at nilampasan na ang lalaking nakabangga. Wala akong oras sa mga katulad niya. Badtrip ako!

"Sandali, miss. Hindi ka man lang magso-sorry?"

Tiningnan ko siya. Nakangisi siya at... hindi siya kapansin pansin. In short hindi siya gwapo.

I just rolled my eyes at him. "Whatever."

Tinalikuran ko na siya saka pumunta sa kotse ko pero naramdaman kong may humili sa braso ko.

"Bastos ka, miss ah! Ikaw ang nakabangga, ikaw pa ang magtataray? Sexy ka pa naman."

"Don't touch me!" Sigaw ko.

Ngumisi siya lalo. "Sige, hindi ko na kailangan ng sorry mo. Katawan mo nalang miss."

Kinabahan ako bigla. How dare him?

Hinampas ko siya ng pouch ko. "Bitawan mo ako!"

"May alam akong hotel na malapit dito, miss. O kung gusto mo, dito nalang sa kotse mo?"

Kumukulo ang dugo. Nagpumiglas ako saka siya sinampal. "Bastos!"

Tatakbo na sana ako nang nahigit na naman niya ako sa braso ko. "Saan ka pupunta? Ang lakas pa ng loob mo na sa sampalin ako? Hindi lang sa impyerno kita dadalhin kundi pati sa langit!" Aniya saka tumawa ng nakakaloko.

I won't let him touch me!

"Bitawan mo ako, ano ba?!"

Sa halip na bitawan ako ay lalo pang humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Sabi niya, bitawan mo siya. Gaano kahirap intindihin iyon?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nagsalita. Si... Kenshin! Nasa likod siya ng lalaking nakahawak sa akin and... there's a bad aura around him.

Nawala ang inosenteng mukha niya. He's glaring...

Tumawa ang lalaki. "At sino ka naman? Huwag kang makialam dito, toy! Nauna ako sa babaeng 'to. Ikakama ko muna 'to saka ko ipapahiram sa 'yo."

Nakakakilabot ang sinasabi ng manyak na 'to!

Walang kahirap hirap na nahila ni kenshin ang kamay ng lalaki saka pinilipit iyon. "That girl is mine." Sabi ni Kenshin.

Yung puso ko... kumakabog na naman.

Pero bakit parang ibang iba si Kenshin? He's too serious.

Napahiga sa semento ang lalaki dahil sa sakit ng kamay niya. Lumapit pa lalo si Kenshin saka inapakan ang iaa pa niyang kamay. Napangiwi ang lalaki. Kahit ako ay napangiwi.

"You have no rights to touch her nor to talk to her like that. Wala kang karapatang bastusin ang babaeng 'yan. Do you wanna die?"

Si Kenshin ba talaga 'to? He's out of his character.

"Ahh! Ahhh!" Dumadaing na sa sakit ang lalaki.

Serves him right.

"I will count at three. Run as fast as you can. Or else, I will fucking crush this hand of yours." Banta ni Kenshin.

Nasa itsura naman ng lalaki ang takot. Tinanggal ni Kenshin ang paa niyang nakaapak sa kamay ng lalaki and from that moment, mabilis na nanakbo ang lalaki palayo sa amin.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Kenshin..."

He looked at me. "Where's your key?"

"Huh?"

"Susi ng kotse mo."

Wala sa sariling inabot ko sa kaniya. Is this... really kenshin?

He pressed the button in my key saka tumunog ang kotse ko. Pumunta siya roon saka ako pinagbuksan.

"Kenshin, ano, ah, thank you kas---"

"Get in the car. I'll drive you home."

Muling kumabog ang puso ko habang nakatingin sa mukha niya.

Napatango lang ako saka sumakay sa kotse. Sinarhan niya ang pinto saka siya sa sumakay sa driver's seat.

"He didn't touch you anywhere?"

Umiling ako. "Sa braso lang... ilang beses." Sabi ko saka napahawak sa braso ko.

Tumingin siya sa braso ko saka hinawakan. "Damn it."

Nanlaki ang mga mata ko, for the 9th time. Seriously, nagmura siya?

Napansin kong namumula pala ang braso ko.

"You better go home." Aniya saka nagsimula ng mag-drive.

Samantalang ako, nganga! Natulala ako sa kaniya at hindi ko alam... hindi ko talaga alam kung paano magre-react sa mga pangyayari ngayon.

This is... unbelievable.

avataravatar
Next chapter