19 Chapter 19

LUMIPAS ang isang araw. Realization hits us that there's really no more Duke but more heartaches and pain for biatch. Awang awa talaga ako sa kaniya dahil mahal na mahal niya ang gagong lalaki na 'yon.

How dare him?!

Alam kong niloko siya ni biatch noong una but it's not a reason for him to hurt her like this. Grabe siya! As in. Hinding hindi ko na siya matatanggap pa para kay biatch.

"Frey, sigurado ka bang sasama ka sa simbahan?"

I rolled my eyes and looked at Kensh. Lalo kong minahal ang lalaking ito. Hanggang ngayon ay napakalinaw pa rin sa isip ko ng narnig ko iyong mga sinabi niya kay Duke.

Now, kahit ipagtulakan niya ako palayo at lahit pa barahin niya ako ng paulit ulit at ipagkalandakan sa akin na hindi niya ako gusto, I won't mind. Mas lumakas ang confidence ko na mahalin siya nang walang hinihinging kapalit.

"Anong tingin mo sa akin, demonyita? Duh. Baka 'yang ex bestfriend niyo, demonyito!" Sabi ko. Si Duke ang tinutukoy ko.

They are ex bestfriends now. Itinakwil na siya nina Kenshin at Drake. Ano naman klase silang kaibigan ng malaking butas na ilong na Sophia na 'yon? Mga taksil!

"Wala namang demonyitang mahaba ang baba."

"Bwisit ka! Isusumbong kita sa pastor niyo!"

Ngumiti siya. "Baba. Baba. Baba."

"What the hell, Kensh! You're not gonna say that again or else, hahalikan talaga kita with matching licking!" Paglalandi ko.

Ang sarap niya kayang landiin. Lalo na kapag na-triggered siya. Lumalanas ang wild side at hindi ko kinakaya kasi masherep.

"Masama 'yan, Frey."

Here he goes again. An innocent and super duper bait na nilalang. But I know, behind his kindness, there's something na may bad side, something like that.

Ipinarada na ni Kenshin ang kotse niya dito sa may parking ng simbahan.

Hindi naman ganoon kasama ang ugali ko. Yes, I admit, hindi ako gaanong sumisimba but that doesn't make me a bad person. Hindi lang talaga ako palasimba.

Pagbaba namin ay sinalubong kami ng nakakairitang babae na 'to. Feeling ko talaga siya ang aagaw ng atensyon ni Kensh sa akin. Argh, sabunutan ko 'yan mamaya e.

"Hi, Ate! Kasama ka pala ni Shinshin!" Nakangiti niyang sabi.

Aba't ang bruha, may pagtawag ng shinshin? The heck?

"Chichi, and'yan na ba si pastor?"

Say whuutt? Anong chichi? Seriously, may tawagan silang dalawa? Samantalang kami, wala?! What the hell!

Nag-iinit talaga ang ulo ko sa babae na 'to. Feeling ko din nagpapanggap lang siyang mabait. She's not, duh! May kalandian din 'yang itinatago sa katawan.

"Wala pa, shinshin e. Baka na-late lang siya."

"Tara, baba." Sabi ni Kensh sa akin. "Doon tayo sa may bench maupo habang hinihintay si pastor "

Gosh! May tawagan sila tapos ako, baba?! Insulto ang sa akin, kaloka! Nakakapagselos ha!

Pumunta kami sa mga bench. Hindi ko alam kung bakit sumama ako kay Kensh sa bible study nila.

"What's your name again?" Tanong ko sa babaeng mahadera! Actually, I know her name. Gusto ko lang talaga itanong.

"Bibili lang akong maiinom natin." Paalam ni Kensh.

Naiwan kaming dalawa nitong babaeng inosente din.

"Chirae. Chirae Pangalinan po."

"Ay, girl, huwag mo akong i-po. Hindi ako kagalang galang kasi bitchy talaga ako e saka baka nga magkasingtanda lang tayo." Sabi ko. Feeling ko matanda lang ako sa kaniya ng isang taon? Or baka magka-age lang nga kami.

"Sige, Ate."

"Huwag mo din akong i-Ate. Naiinsulto ako, girl. Just call me Frey."

Ngumiti siya saka tumango. "Frey, sige." Aniya.

Good girl. Mukhang mabait naman talaga siya pero naiirita pa din ako.

"Can I ask you something?" Tanong ko.

"Ano 'yon?"

She looks like a puppy, seriously.

"Paano naging shinshin at chichi ang tawagan niyo ni Kensh?"

"Paano?" Namilog ang mga mata niya. "Ibinuka ko ang bibig ko saka sinabi ang shinshin. Ganoon din siya. Ganoon po."

What the hell. Pinaglololoko ba niya ako?

"What I mean is, sinong nakaisip na ganyan ang tawagan niyo?"

"Ako! Kasi close na kami ni shinshin kaya gusto ko may tawagan kami."

Wow, ang bongga naman pala.

"Pumayag siya?"

"Kaya ko nga siya tinatawag na ganoon kasi pumayag siya." Nakangiting sagot niya.

Ang galing.

"Ilang taon ka na ba? Baka mamaya, minor ka pa? Alam ba ng parents mo na nakikipagclose ka kay Kenshin?"

Ngumiti ulit siya. "Kasingtanda ko lang si Kenshin. Tapos wala na akong parents. Aha, may tatay pa pala ako kaso hindi niya pa ako kilala."

Kumunot ang noo ko. "Seriously, magkasingtanda lang kayo ni Kensh? So means, matanda ka pa sa akin ng isang taon? Really?"

Punyeta, nakakaloka dahil parang mas mukha pa akong matanda sa kaniya. My gosh! Kailangan ko ng beauty rest.

Kumislap ang mga mata niya. "Wow! Mas matanda ako sa 'yo? Ako dapat ang tinatawag mong Ate." Humagikhik siya.

Kaloka. Iyong mas mukha pa siyang bata sa akin, nasaan ang hustisya?!

"No, no, no! I'll just call you by your name. I told you bitchy ako so expect mo na hindi kita igagalang kahit pa mas matanda ka sa akin. Saka isang taon lang nam---"

"Pero mas matanda pa din ako sa 'yo."

"Oo nga."

"Turo kasi sa amin ni pastor ang rumespeto sa kapwa." Aniya.

I rolled my eyes. Amg boring niya, promise!

"So you're living alone?" Tanong ko.

Baka mamaya, niyayaya niya si Kensh sa bahay niya tapos silang dalawa lang? No! I won't let that happen.

"Nakatira ako sa condo ng bestfriend ko. At nakakatuwa nga kasi small world talaga!"

Kumunot na naman ang noo ko. "Anong small world?"

"Iyong bestfriend ko kasi, anak siya ng kaibigan ng daddy ni Kenshin. Small world! Pero paano kaya tayo nagkasyang lahat? Billions of people... paano nga kaya?"

Hindi ko pinansin ang curiousity niya dahil pang abnormal na tanong 'yon. "Sino 'yan? What's your bestfriend's name?"

Akala mo kilala ko? No. Wala naman akong idea sa mga friends ni Daddy Ken pero nainis ako bigla na bff ng babae na 'to ang anak ng friend niya. So para tuloy may connection sila ni Kensh. I hate it!

"Si Vannie Angela Ynares. Iyong tatay niya, bestfriend ng daddy ni shinshin. Ang galing 'di ba?" Amazed na sabi niya.

"Saan naman ang condo niya?" Tanong ko pa.

"Malaput lang din sa village nina shinshin kaya madalas ay sabay kaming umuwi after ng bible study namin. Madalas din niya akong ihatid."

Nangigigil ako. Pigilan niyo ako!

"Oh, talaga?"

Gusto kong sabunutan ang babaeng 'to. Pero sa tingin ko naman ay mabait siya. Pero nakakairita pa rin talaga siya. Saka, nate-threaten ako.

"Ikaw, ano ka ni shinshin?"

Bongga! She's asking me a question.

"Future girlfriend niya. Nasabi ko na sa 'yo before, right?"

"Pero sabi ni shinshin, hindi siya maggi-girlfriend kasi po-protektahan niya ako hanggang pagtanda namin."

Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita pa sana ako nang dumating na si Kensh.

May dala itong tatlong starbucks cup.

"Ang haba ng pila. Ang bagal pa ng serving." Reklamo ni Kensh. "Frey, oh. Hindi ko sure kung anong gusto mo kaya chocolate chip ang binili ko sa 'yo." Aniya.

Kinuha ko ang inabot niya. Sunod niyang ibinigay ang isang cup kay i-dont-want-to-say-her-name.

"Chichi, the usual, coffee jelly." Nakangiting zabi ni Kensh.

Nangngingitngit na talaga anh kaloob looban ko dahil sa babaeng 'to. Kakikilala lang nila 'di ba? Bakit parang naging close sila agad?

Saka jusko, hindi mawala sa isip ko ang sinabi ng bruha na 'to na poprotektahan siya ni Kensh hanggang pagtanda? Letse! I need to ask Kensh about it! Argh.

"Thank you, shinshin. Ang galing mo talaga kasi alam mo ang favorite ko."

"Syempre, lagi tayong bumibili e."

"Pero shinshin, paano 'yan. Parang thirty minutes late na si pastor? Baka may pinuntahan siya?"

"Tatawagan ko siya maya maya chichi. Hintayon pa rin natin siya kasi baka na-traffic lang soya o hindi kaya nagpa-late talaga siya para VIP."

"Ano 'yong VIP?"

"Very important person."

"Wow! Gusto ko ding maging VIP sa puso mo, shinshin!"

Nahirinan ako. Halos mailuwa ko iyong iniinom ko dahil sa walang prenong bibig ng bruha na 'to. Nilalandi niya ang Kensh ko! Anong karapatan niya? Sa harap ko pa?!

"VIP ka na naman sa puso ko, chichi e."

"Talaga? Patingin nga ng puso mo kung andiyan ako?"

Letse, naglalandian ba sila sa harap ko?

Tumikhim ako. "VIP ka lang sa puso ni Kensh, pero ako ang owner."

"Hala,paano ka naging owner ng puso ni shinshin? E hindi naman sa katawan mo nakakabit ang puso niya."

Isa pa, sasabunutan ko na talaga siya.

"That's what we call magic." Sabi ko. Inirapan ko siya. Bitch na kung bitch, totoo naman!

"Frey, tama na iyan." Suway ni Kensh habang abala sa cellphone niya. "Nagtext pala si pastor. Hindi daw siya makaka-attend ngayon dahil may importanteng bagay siyang inaasikaso."

"Paasa naman pala si pastor, shinshin." Sabi nitong bruha.

"Hayaan na natin. Ang mahalaga, nagkita tayo."

Luh? Ano 'yon?! Don't tell me may gusto si Kenshin sa babae na 'to?!

"Shinshin isama mo naman ako sa bar niyo. Marami kasing alak doon. Hehe. Gusto kong subukan. Saka sakto naman na sunday bukas."

So sasama pa siya? Nagmumukha akong extra sa kanila. Pero kung akala nila hahayaan ko silang magsolo, no way!

"Oo nga, Kensh. Isama natin siya. Baka nga hindi 'yan nakakatikim ng alak. Let's see her true colors when she's drunk."

Madalas na lumabas ang ugali ng isang tao kapag lasing. At gusto kong ilabas ng bruha na 'yan kung ano talaga siya.

"Hala, may ibamg kulay pa ba ako maliban sa fair skin ko? Hala, shinshin, magiging kulay green ba ako tulad ni Hulk?"

Tumawa si Kensh saka marahang pinisil ang pisngi ng bruha. What the hell was that?!

"Cute mo talaga, chichi. Ibig sabihin niya, mag iiba ang kulay mo kapag nakainom ka. Syempre mamumula ka sa kalasingan. Kaya tara, sama ka sa amin."

I rolled my eyes. Mahihina ang IQ nila. Duh!

Nauna na silang lumakad. Para akomg hangin na dinaanan nilang dalawa. Ginagawa nila akong third wheel!

Sumunod lang ako. Naunahan ako ng bruha sa unahan. Gusto kong umalma pero naunahan na niya akong magsalita.

"Dito ako sa unahan kasi duwag ako e. Hindi ko kayang mag-isa sa back seat."

Kaloka si ate niyo! Duwag at hindi makaisa sa back seat? Abnormal siya, I guess!

Wala na akong nagawa saka umupo sa likod. E nakaupo na si i-dont-want-to-say-her-name, so hinayaan ko nalang.

"Nae-excite ako shinshin! Andoon ba ang dad mo?"

I frowned. She's asking about his dad? Bakit, magpapalakas din ba siya kay Daddy Ken?! Mang aagaw! Ahas! Mahadera! Ugh, kanina ko pa soya kinakalbo sa isip ko.

"Oo, andon si dad. Alam mo bang tuwang tuwa siya sa binigay mong herbal tea last time?"

Herbal tea? May ganoong factor?! Mukhang pinopormahan na ng babaeng 'to ang magiging father in law ko! Hindi ako makakapayag. Kailangang ako amg magustuhan ni Daddy Ken for Kensh!

"Excuse me, do you work? Or what?" I asked out of nowhere.

Well, actually. Gusto ko lang siyang i-compare sa akin.

"May business ako. Naiwan sa akin ng mom ko. Flower shop siya."

"So sarili mo siya? You're the owner?"

Tumango siya. "My flowers are all beautiful. Kapag kailangan niyo ng flowers, you can go to my flower shop. Pwede niyo rin akong tawagan."

Bongga naman pala. May sariling flower shop. Okay? May companies kami and I am a model. Unti unti na rin akong nakikilala sa mundo ng modeling. Mas lamang pa rin ako.

"Are you a virgin?" Diretsahang tanong ko.

Umiling siya. "I'm a person."

What the hell. "That's so funny." Sarcastic kong sabi.

Tahimik lang si Kensh. Hinahayaan niya yatang mag-usap kami ng bruha na 'to. Pero napansin kong may headset sa tainga niya. Para siyang may pinakikinggang mahalaga doon.

"Person naman talaga ako e." Giit niya.

"Fine, whatever!"

I think virgin pa rin siya. So, tie kami sa part na iyin because I'm still a virgin too.

"Nagkaroon ka na ng boyfriend before?"

Umiling siya. "Wala akong time para magboyfriend e. Nasira kasi iyong favorite kong relo. Kapag napaayos ko na siya, magkakaroon na ako ulit ng time."

Naiinis ako. Ang boba ng babaeng 'to. Hindi ako natutuwa.

I think, lamang ako since madami na akong naka-fling. So mas may experience ako.

"May mga suitors ka ba?"

Umiling siya. "Wala."

Oh, yes. Mas lamang ako. Sorry siya madami akong suitors. So mas maganda ako.

"Anong pinag-uusapan niyo? Sorry, pinakinggan ko iyong sinabi ng attorney ni dad para sa paglilipat ng titulo at papeles ng hashtag bar sa akin."

So mapupunta na kay Kensh ang hashtag bar? Magre-retire na si Daddy Ken? Sabagay tanders na siya. He should take a rest na.

"Talaga shinshin? Sa iyo na ang bar niyo? Binigay na ng dad mo sa 'yo? Ang bait pala ng dad mo." Sabi ng bruha.

She's so interested with Kensh's life. At hindi ko iyon nagugustuhan.

"Oo, chichi. Lahat naman ng pag-aari ni dad, sa akin niya ipapamana e."

"Talaga? Bakit sa 'yo lang?"

Napatingin ako sa tanong na iyon ng bruha. Bakit parang may laman?

"Syempre ko lang ang anak ni dad e." Sagot naman ni Kensh.

"Oo nga. Hehe."

Bakit ang plastik ng tawa ng babae na 'to? Saka bakit nafe-feel ko na mabait naman siya pero parang iba e. Masyado na yata akomg nagiging observative dahil sa ugali ni Kensh na pinapakita sa akin.

Nakarating kami sa hashtag bar. Bumaba kami. Nauna pa aa akin ang bruha.

Pumasok kami sa loon. Bumungad sa amin ang lalaking pinagkakaguluhan sa dance floor na sumasayaw ng naka topless. Ang hot naman! Pero pamilyar siya. Alam ko ang singkir na mga mata niya e."

"Your eyes, Frey." Madiin na sabi ni Kensh na ikinagulat ko dahil bigla niya akong hinila.

Dinala niya kami rito sa VIP table sa sulok. Narito si Drake---umiinom. Dinaig pa ang broken!

"Hoy Drake, sa pagkakaalam ko, si biatch ang broken at hindi ikaw."

"Yeah. Sa pagkakaalam ko din, ikaw lang ang flat dito." Ngumisi siya.

Hayop na Drake 'to! Mukhang boobs nalang!

Umupo kami ng bruha. Magkatapat kami dahil tumabi ako kay Drake. Si Kensh naman ay nanatiling nakatayo.

"Shinshin, marami talagang alak dito 'di ba? Patikim ako ng marami!" Masiglang sabi ng bruha.

Gosh! Para kaming may kasamang elementary student na aanga anga.

"Whoaaaaa!"

Nagkakaingay sa crowd kaya napalingon ulit ako doon. Nangunot ang noo ko dahil hindi lang pamilyar ang mukha kundi kilala ko ang lalaking katatapos lang magsayaw ng hiphop sa dance floor habang topless. Si shingshangshung!

"Frey, anong alak mo. Uulitin ko pa ba?"

Nagulat ako sa matigas na tinig ni Kensh. Like duh! Rush hour ba siya?

"Anything!" Sagot ko habang nakatanaw pa rin sa gawi ni shingshangshung. My gosh, I never thoughy na napaka hot pala niya.

Nanlaki ang mga mata ko nang matayao ako dahil hinila ako ni Kenshin. Ano na naman bang trip ng lalaking 'to? Basta basta nalang!

Dinala niya ako sa may bar counter---sa loob. Sa likod sa may aprang mini kitchen. Isinandal niya ako sa may stool sa may kitchen counter. Nakasandal lang ako habang siya ay nasa harap ko. Nakatukod ang braso niya sa bar counter table.

I can't breath. Ang lapit lapit niya.

"Kapag kausap kita, dapat nakatingin ka sa akin, Frey at kapag kasama kita, dapat sa akin lang ang atensyon mo."

"O... kay?"

Pinakawalan niya ako. Nakahinga ako ng maluwag.

"You want this?" He said then take off his shirt in front of me.

Holy mother of pandesal! Six pack ABS are saying hi to me. What the hell.

"Titigan mo na para hindi mo na kailangang tumingin sa iba." Aniya habang nakangisi sa akin.

He's damn hot. Seriously! Sobrang inosente and good boy niya but I never thought na ganito kaganda ang katawan niya.

Nalaglag na yata ang panty ko.

"E...nough." sabi ko. Naloloka ako. Kung pwede lang kagatin ang ABS niya, baka nagawa ko na.

Kinuha niya ang shirt niya saka akmang isusuot pero pinigilan ko siya.

"Wait, five seconds pa." I bit my lower lip.

Hindi siya sumagot. Sa halip ay lumapit siya sa akin. Ramdam ko ang katawan niya aa katawan ko.

He's making me feel crazy! Sinapian na naman ba siya ng kalandian?!

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko saka inihawak sa ABS niya. Punyeta!

"Feel it, Frey."

Napalunok ako. Pinagpapawisan ako bigla. Paano nalang kung biglang pumasok dito ang waiters at makita kami sa ganitong sitwasyon?

Pero ABS 'to ni Kensh.

"What now, Frey?"

Muli akong napalunok.

"What can you say?" Tanong pa niya.

"She... sherep."

Malapad na ngiti ang iginawad niya saka nagsuot na ng shirt. Nakahinga din ako sa maluwag.

Wala na. I'm under his spell again. Hindi ko alam kung favorite ko na ba ang Kenshin na malandi kesa Kenshin na inosente. But I like him whatever he is. I so like him.

avataravatar
Next chapter