15 Chapter 15

KAPAG talaga gusto mo ang isang tao, kahit nasaktan nila tayo, isang salita lang nila, isang pagpapaawa, wala na, bumibigay agad tayo na para bang hindi nila tayo nasaktan. Marupok talaga ako e.

Wala naman talaga akong balak na pansinin pa si Kenshin dahil sa pinaramdam niya sa akin pero hindi ko na naman aiya natiis.

Kahapon, nagpunta ako sa unit ni biatch kaso dahil nga nagkaayos na sila ngboyfriend niyang si Duke, andoon sila. Pati si Kenshin.

Hindi ko nga siya pinansin kaya I felt proud. Tapos sakto pang tumawag si shingshangshung at niyaya niya akong makipagdate. Oo naman agad ako, syempre! Nilakasan ko talaga ang boses ko habang kausap si shingshangshung sa phone para marinig ni Kenshin, para mapakita ko sa kaniyang hindi lang siya ang lalaki sa mundo.

Naiinis ako sa kaniya dahil nasasaktan niya ako.

Pero ayun nga, paalis na sana ako ng unit ni biatch pero biglang nagsalita naman si Kenshin at sinabi niyanh nakita na daw niya yata ang nanay niya. E'di syempre ako, lumambot na naman ako puso ko kasi naawa ako kay Kensh.

He grew up without his mother. Kaya nang marinig ko iyon, I stayed. Tinanong namin siya and he explained it. May nakita daw siyang picture ng babae sa closet ng tatay niya at sa tingin niya, iyon ang nanay niya. Nakakatuwa nga na bumalik na naman ang squad namin kahapon. We were happy drinking and talking. Pinag usapan din namin kung paano hahanapin ang nanay ni Kenshin.

I'm on my way to Hashtag Bar para tumambay. Of course, balik sa dating gawi because we're okay now.

Tumunog ang phone ko. It's Kenshin. Nakakapanibago na tinatawagan niya ako. Na-realize ba niya na possible na mapunta sa ibang lalaki ang atensyon ko?

"Yes, Kensh?"

"Nasaan ka, Frey? Magkasama kami ni Drake dito sa unit namin. Do you want to join?"

Nag-heart ang mga mata ko. Of course naman! First time kong makakapunta kina Kensh at iyong mga ganyabg inaaya na niya ako sa bahay nila, baka kasi gusto na niyang ipakita lahat lahat ng about sa kaniya kasi pakakasalanan niya ako in the future? Hays, eto na naman ako sa kilig.

"Sure, Kensh! Bakit pala sa unit niyo? How about biatc and Duke?" I asked.

"Sabi ni Drake, busy daw sila kaya huwag na natin silang isali sa meeting."

Kumunot ang noo ko. "Anong meeting?"

"Nakita na namin sa facebook ang nanay ko... yata."

Nanlaki ang mga mata ko. "Alright. I'll be there. Text me your address so I could put it on my GPS."

"Sige, Frey. Malapit lang ito mula sa Hashtag Bar. Send ko sa 'yo ang address."

I ended the call. Itinigil ko muna sa gilid ang kotse ko. Nakakatuwa lang kasi iyong sakitna nararamdaman ko last time dahil sa sinabi ni Kensh, bigla nalang nawala.

Tumunog ang phone ko. Message from Kenshin. Iyong address nila. Itinype ko iyong sa GPS ko then I started driving again.

Nakakatawa nga kasi noong isang araw lang, sinabihan kong tanga si biatch dahil pinatawad niya agad si Duke. Pero ganoon din pala ako. Isa din akong tanga na pinansin lang ni Kenshin, wala na. Nawawalang bigla iyong inis at galit sa puso ko.

Malapit nga lang pala 'to sa Hashtag bar. Itinigil ko ang kotse ko sa gilid ng daan saka bumaba. Pumasok ako sa building at naroon na si Kenshin, hinihintay ako.

Enebe! Kenekeleg ne nemen eke!

"Frey! Tara sa taas." Sabi niya.

Huhu I feel so harassed. Feeling ko inaaya niya akong magkemberlu kami sa unit nila. Ano ba 'tong naiisip ko, gosh!

Sumunod ako kay Kenshin. Sumakay kami sa elevator. Hahalikan niya kaya ako? Kesye nemen! Kami lang ang sakay ng elevator. Pero syempre, assuming ako at manhid 'tong isa, wala! Walang nangyari.

Bumaba na akmi ni elevator. Kumabog ang dibdib ko. Feeling ko talaga para kaming magjowa na first time magsasama sa isang kwarto tapos gagawin na namin iyong pinagbabawal na bagay na iyon.

Kapag niyaya niya ako, hindi ako basta basta papayag. Pero syempre kapag pinilit niya ako, why not?

"Pasok ka, Frey."

Pumasok ako sa unit nila. Grabe, first time!

Nang makapasok ako sa loob ay na-amaze ako sa itsura ng unit nila. Maganda at minimalist. Black and white ang theme ng buong unit nila at ang gandang tingnan. Iba talaga kapag lalaki lang ang nakatira.

"Sa kwarto ko tayo, Frey."

"What? Wait, Kensh ene be? You kmow I'm not ready for it pero sige pilitin mo ako."

Kumunot ang noo niya saka napakamot sa ulo. "Ano bang sinasabi mo, Frey. Nasa kwarto ko si Drake. Doon tayo tambay. May mga snacks and drinks na kami doon."

Nawala bigla iyong feels ko. Akala ko pa naman, magkekemberlu kami. Landi ko talaga.

"Oh, okay?"

Umakyat kami sa taas. Binuksan ni Kenshin ang isang kwarto at pumasok doon kaya sumunod lang ako.

"Yo, Ala!"

"Sasampalin na kita, Drake! Don't call me Ala dahil Frey ang pangalan ko!"

"Ala namang boobs!" Humagalpak pa siya ng tawa. Bwisit na lalaking 'to.

Umupo ako sa sofa. Grabe, ang bongga ng kwarto ni Kensh. Malaki siya tapos sobrang linis. Black and white lang din ang color na makikita.

Mula sa kama niya na black and white, may side table at lamp lamang ang nakalagay doon. Iyong closet niya na black lang din. Iyong kurtina ng bintana, white and black. Maluwang ang kwarto niya dahil hindi magulo. Kaunti lang ang gamit at organize ang lahat.

"So, hindi ba natin papupuntahin sina biatch?" I asked them.

"No. They are fucking busy." Sagot ni Drake.

"How did you know?" Tanong ko pa.

"Frey, pumunta kami kanina sa unit ni Cherrypink dahil alam naming naroon si Duke kaso nakarinig kami ng kalampagan mula aa labas kaya alam kong malala na ang ginagawa nila. Akala ko nagbubugbugan sila pero sabi ni Drake, nagre-wrestling sila."

Napangiwi ako. Idol ko na talaga si biatch. Hindi na ako magtatala kapag nabuntis siya.

"So, anong balita? Iyong nanay mo, nakita mo na sa facebook?" Tanong ko kay Kenshin.

"Look at this." Aniya saka inabot sa akin ang phone niya.

Oh my! Napanganga ako nang makita ang facebook profile noong feeling namin na nanay ni Kensh.

Shinae Yoshida

Owner of Aki Blossoms

Napakaganda ng nanay ni Kenshin---kung siya man talaga.

"Super related siya sa 'yo, Kensh! Look, Shinae, so ang shin sa Kenshin, sa kaniya mo nakuha tapos si Daddy Ken. Tapos iyong middle name mo, Yoshida right? Then itong Aki Blossoms na pag aari niya! The name Aki! Kenshin Aki ka, e! Positive guys, she is your mother." Sabi ko.

Malungkot na tumango si Kenshin.

"Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin kahit ramdam kong siya nga ang nanay ko."

Nalungkot ako para sa kaniya.

"Ako nga bro, hindi ko alam kung paano kakausapin ang nanay ko kasi hindi ko alam kung sino siya." Sabi ni Drake.

"Natural! Duh, Drake! Anyway, Kensh, do you want me to talk to her first?"

Tumingin sa mga mata ko si Kensh. "Pero baka malaman ni Dad..."

"Ano ka ba, hindi niya malala---"

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Daddy Ken na mukhang galit.

"Sperm! Tumataas ang altapresyon ko! Pinakialaman mo ang mga gamit ko? Hindi ba at tinuro ko sa iyo na huwag kang makikialam ng gamit ng iba?!"

Napatayo agad si Kenshin dahil sa sigaw ni Daddy Ken. Mabilis kong pinindot ang video sa cellphone niya. Kailangang makita 'to nila biatch.

"Dad... wala naman po akon---"

Hindi naituloy ni Kenshin ang sasabhin niya nang may inilabas na picture si Daddy Ken.

OMG! Iyong picture ni Shinae Yoshida!

"Ano ito? Nakita ko ito sa kwarto mo sperm! Ano ito! Ito ay gamit ko. Bakit sperm? Bakit? Saan ako nagkulang? Bakit?"

Hala, lagot na! Iyon pa naman ang inaalala ni Kensh! Ayaw niyang malaman ng Dad niya ang tungkol dito.

"Dad ano po bang ginawa ko?" Tanong ni Kenshin.

"Nakita ko din ang post mo sa facebook. Tingin mo ba ito ang nanay mo? Hindi pa ba ako sapat, sperm? Kulang pa ba ako? Saan? Saan?"

Nagpost nga pala si Kensh at sinabi niyang nakita na niya yata ang nanay niya. Hindi naman malabong makita iyon ni Daddy Ken.

"Dad hindi sa ganon..."

"Ganoon ang naramdaman ko! Hinahanap mo na ba ang nanay mo dahil sawa ka na sa akin, sperm? Ayaw mo na ba sa pag-aaruga ko sa iyo? Ayaw mo na ba ng mga niluluto ko para sa iyo?!"

Tahimik lang kami ni Drake na nakikinig at ako, habang nagvivideo.

"Dad hindi po. Alam niyong mahal ko kay Dad. Na-curious lang ako kaya..."

May karapatan naman si Kensh na hanapin ang nanay niya e.

"Kaya ano? Sperm, tumataas talaga ang altapresyon ko! Pati sugar ko. Hindi ako makapaniwala na bina-backstab mo ako. Anak pa man din kita!"

"Dad hindi kita bina-backstab."

Backstab? Seriously? Hindi ko alam kung matatawa o matatakot ako kay Daddy Ken. He's so cool.

"Anong ginawa mo? Hinahanap mo ang nanay mo ng hindi ko alam? Bakit sperm? Buong buhay ko itinuon ko sa iyo ang pansin at atensyon ko. Kahit maraming nagkakandarapa sa aking mga babae, who you sila lahat sa akin dahil gusto ko sa iyo lang ang atensyon ko. Tapos ganito ang igaganti mo? That's a no no, sperm."

"Dad---"

"Ayoko na munang makipag-usap pa, sperm. Masakit sa kalooban ko. Napakasakit na hindi ako makapaniwala."

"Dad---"

"Gusto kong mapag-isa. Gusto king balikan ang mga ala ala na pinapalitan palang kita ng diaper at pinagtitimpla kita ng gatas."

"Dad---"

"Huwag mo akong hawakan, sperm! Galit ako!"

"Hindi po kita hinahawakan, Dad."

"Hindi ba? Basta gusto kong mapag-isa! Ako'y nalulungkot. Naninibugho ang damdamin ko. Hindi ko talaga matanggap ang ginawa mo, sperm. This is tragic."

"Dad---"

"Tama na sperm! Tama na! Galit ako!"

Nag-walk out si Daddy Ken. OMG! Maybe he's really mad? Kahit natatawa ako kanina sa sermon niya kay Kensh.

"OMG! Galit si Daddy Ken?" Tanong ko agad.

Napailing si Kenshin. "Galit si Dad. Kahit kailan hindi pa siya nagalit sa akin. Maglalayas ako."

What the? Is he serious?

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Kailangan ba talaga niyang maglayas?

"Pwede ba akong tumira muna sa inyo, Frey?" Tanong ni Kenshin. "Pero wala akong gusto sa iyo."

Shit! Kahit pa wala siyang gusto sa akin, I don't mind! Saka gusto ko lang siyang tulungan, duh! Walang malisya!

"Letse ka talaga! Oo pwede ka. Magtanan na kaya tayo?" Biro ko.

"Ayoko. Hindi kita type talaga, Frey. Baka kapag lumapit ako sa iyo mamatay ako."

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka naman mamamatay? Ano ako killer?"

"Baka matusok ako sa baba mo."

"Punyeta! Hindi kita patitirahin sa amin!" Sigaw ko. Ano bang kasalanan ng baba ko?!

"Joke lang, Frey."

Napansin kong nagvivideo pa pala ako. Pinatay ko iyon saka tumayo at nilapitan si Kensh.

"Bro, gusto mo doon ka muna sa unit ko?" Tanong ni Drake.

Sinamaan ko siya ng tingin. Jusme, makuha ka sa tingin, Drake Hong. Sa akin titira si Kensh!

"But I think, madali ka nilang makikita kapag doon sa unit ko. Yeah, doon ka nalang kina Frey." Sabi niya saka ako sinamaan ng tingin.

I just smiled at him. Ako ang nagwagi syempre! Anong feeling na makakasama ko sa bahay si Kensh! Omo! Wala pa naman si Papa dahil nasa business trip siya.

Yayain ko kaya siyang magbahay bahayan? Ako ang nanay tapos siya ang tatay? Kesye!

"Maglalayas talaga ako." Sabi ni Kenshin saka kumuha ng duffel bag sa closet niya. Naglagay siya ng ilang damit at gamit.

Pinapanood lang namin siya ni Drake hanggang matapos siya.

"Are you serious, bro?" Tanong ni Drake.

"Oo, bro. Nakapag isip isip na ako. Hindi ko matanggap na nagalit sa akin si Dad. Hindi niya ako hinayaang magpaliwanag. Buti pa iyong nasa korte, may karapatang magpaliwanag pero kay Dad, wala. Galit ako. Hindi ko siya papansinin."

Napanganga ako. He's really serious.

"Tara, Frey. Isama mo na ako sa bahay niyo."

"What the actual fuck. It's fucking real."

"Malamang, Drake. Mukha bang hindi totoo? Suntukin ba kita sa mukha para ramdam mong totoo?"

"Lmao."

Lumapit ako kay Kensh. "Okay, Kensh. Let's go. But before that, daan muna tayo sa unit ni biatch? Sabihin natin sa kanila ang nangyari."

Tumango si Kenshin.

Umalis na kami at lumabas ng kwarto niya. Wala si Daddy Ken, so I think umalis din siya?

Lumabas na kami ng unit nila pero naoansin ko iyong lungkot ni Kensh. Nakakawa tuloy siya.

All he wanted is to find her mother pero ipinagkakait sa kaniya iyon ni Daddy Ken. Yes, naiintindihan ko na ganoon ang Dad niya pero may karapatan naman si Kenshin na makilala ang nanay niya e.

"Frey, sa inyo muna talaga ako titira ha? Hindi ako nagjojoke."

"Yes, Kensh. Don't worry, welcome ka sa bahay namin." Nakangiting sabi ko.

"Maglayas din kaya ako?" Sabi ni Drake.

"Bakit naman bro?" Tanong ni Kenshin.

Tumawa siya at umiling. "Trip ko lang. Ano bang feeling na maglayas?"

Inirapan ko si Drake. Abnormal talaga.

"That's my car. Iyon nalang ang gamitin natin." Sabi ko.

Hindi naman sila tumutol kaya sumakay na kami sa kotse ko.

Nakakaawa si Kensh pero nakakatuwa kasi sa akin siya titira. Naeexcite ako, gosh! Feeling ko, maisusuko ko na ang perlas ng silanganan.

avataravatar
Next chapter