13 Chapter 13

NAKAKAINIS. Palagi nalang ako binibitin ni Kensh! Alam niyo 'yong feeling na andun na e, jusme, init na init ka na tapos handa ka nang ibigay ang pearly shells mo sa kaniya tapos yayayain ka na niya sa hotel, tapos ano?! Tapos matutulog lang pala siya do'n?!

Ang malupit pa, nagpahatid lang siya sa akin. Hindi niya talaga ako pinatulog kasama niya dahil strict daw ang Dad niya. Bwisit!

Kaya umuwi akong luhaan kagabi. Kaloka! Hindi ko alam kung ano ba talagang meron sa bebe ko. Alam kong may kakaiba sa kaniya pero hindi ko gustong i-open sa kaniya kasi baka ma-offend siya? Like tatanungin ko siya...

Kensh, abnormal ka ba?

Kensh, galing ka ba sa mental?

Kensh, umamin ka, mapagpanggap ka ano?

Mga ganyang tanong na alam kong baka ma-offend siya kaya huwag ko nalang tanungin. Ang mahalaga, iyong pagpapapansin ko sa kaniya!

Jusko, lahat ng pagpapapansin kaya kong gawin para kay Kensh. Siya na talaga ang para sa akin. Nagkakwentuhan pa nga kami ni biatch kahapon e. Tapos iniisip ko na kung ano bang size ng banana ni Kensh. Small? Medium? Large? Or XXL? Na-excite naman ako bigla.

Kahapon ay nagpost din ako ng picture ng cleavage ko saka iti-nag si Kenshin and after a minute, nag-status siya ng Damn it. E'di kilig na naman ang Lola niyo! Syemore alam kong ako talaga ang nakakapagpamura sa bebe ko e. Iba ang kamandag ko.

"Freya Cybel sabi ng mga katulong, palagi kang wala dito sa mansyon. Ano ka ba naman, anak? Ikaw na nga lang ang naiiwan dito sa bahay, palagi ka pang wala."

Hay naku si Papa.

"Palagi ka din naman wakang dito sa mansyon, Papa pero pinagalitan ba kita?"

Pinandilatan niya ako ng mata. "Freya Cybel, umayos ka kung ayaw mong i-confiscate ko ang mga cards mo."

I rolled my eyes. "Sige, Papa. Try it. But I'll make sure uuwi akong buntis na walang ama."

"Anong sabi mo?!"

Ang lakas ng sigaw, nakakabingi!

"Saka tina-trabaho ko ang lovelife ko so chill ka lang, 'Pa."

"Anong lovelife? Ikaw ba na bata ka, may boyfriend na?"

"Duh, magiging boyfriend palang. Huwag excited, 'Pa."

"Freya Cybel!"

Nilampasan ko na si Papa. Bakit kasi palaging full name ang pagtawag sa akin. Hay naku!

Sumakay ako ng kotse ko. Gala nalang ako kay biatch at chichika. Saka wala din naman kaaing magawa sa mansyon.

Tama naman si Papa. Ako nalang ang naiiwan, iyon na nga e. Mag isa ako. Para akong loner kaya mas gugustuhin ko pang umaalis nalang din palagi.

Nagsimula na akong mag-drive nang tumunog ang phone ko.

It's Kenshin! Miss na niya ako for sure. Lakas talaga ng charm ko e. Siguro nagsisi siya na hindi niya ako pinatulog kasama niya sa hotel. E'di sana, malapit na akong mabuntis 'di ba.

I accepted the call saka isinuot sa kanan kong tainga ang headset ko.

"Yes, hello?"

Hindi siya nagsalita. Kumunot ang noo ko.

"Kenshin?"

Hindi pa rin siya nagsalita.

"Hoy Kensh, ano, na-inlove ka na talaga sa boses ko kaya hindi ka makapagsalita 'no?"

"Baba."

Naningkit ang mga mata ko.

"Bwisit!"

"Mahaba naman talaga ang baba mo ah. Bakit parang kasalanan ko pa, Frey?"

Aba't! Talaga nga naman, oo! Nakakaloka 'tong lalaki na ito.

"Kung wala kang sasabihing mati---"

Binabaan ako! Nakakainit ng ulo, pasalamat talaga siya fall na fall ako sa kaniya.

Nakarating na ako sa building ng condo unit ni biatch. Buti pa siya mahal na mahal ni Duke Palermo. Nakakainggit kaya! Sana all. Sana pati si Kensh ganoon.

Pero inaamin kong umasa talaga ako kagabi. Sabi ko pa naman, once na makuha niya ako, siya talaga ang huling lalaking mamahalin ko pero wala! Walang nangyari.

I parked my car saka dinampot ang sling bag ko. Bumaba na ako saka naglakad papasok ng building. Madalas akong pinagtitinginan ng mga guards dito. Well, hindi ko sila masisisi. Sa ganda ko ba namang 'to.

Sumakay ako ng elevator saka bumaba kung saan ang floor ng unit ni biatch. Dahil alam ko naman amg passcode niya, dire diretso akong pumasok.

"Hoy, biatch. Ang aga aga nakabusangot iyang mukha mo!" Sabi ko.

Tumingin siya sa akin.

"At bakit ang aga aga, narito ka?"

"Well, hindi kasi ako nakapag-grocery. You know, masyado akong naging busy sa pagpapapansin kay Kenshin kaya ayun, super nag-crave ako sa milk." Pagsisinungaling ko. Actually wala lang talaga akong magawa sa mansyon. Napaka-boring.

Kumunot ang noo niya. "And then?"

"Alam kong meron ka dito, that's why I came here." Nag-peace sign ako saka basta lang inilapag ang sling bag ko sa couch.

Pumunta akong kusina. Binuksan ko ang fridge saka kumuha ng milk.

"Seriously, dahil sa gatas pumunta ka pa dito? Sana dumiretso ka nalang ng grocery store 'no! O kaya ay sana bumili ka sa convenience store." Sabi niya.

Madamot din talaga 'tong kaibigan ko e.

"Mas gusto ko dito, e. Huwag ka na kasing magdamot. Pero ano nga, bakit ka ba nakasimangot? Nag-away ba kayo ni banana mo?"

Lalong kumunot ang noo niya. "Banana?!"

"Duh! Si Duke mo!" Sabi ko saka umupo sa couch. Uminom ako ng milk.

"Hindi kasi siya umuwi dito kagabi." Sabi niya.

"What? Bakit, biatch? Dahil lang hindi siya nakauwi dito kagabi? Dito ba ang bahay niya? Nag-alsa-balutan na ba siya at lumipat dito? Or dahil may balak ka sana sa kaniya kagabi tapos 'di siya umuwi kaya nagkakaganyan ka?" Sabi ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "That's not what I mean!"

"E, ano?"

"Kagabi, isinama niya ako sa party. About sa business at doon, bigla nalang may lumapit na babae kay Duke. At alam mo bang tuwang tuwa si Duke nang makita niya iyon? Then umuwi na kami dito, sabi niya kasi dito siya tutulog kagabi pero biglang tumawag iyong babae at sinabing lasing daw siya. So, eto namang si Duke parang super nag-alala siya at nagmadaling umalis. Buwisit na buwisit ako, alam mo ba! Pero kahit ganoon, naghintay ako kagabi tapos magtetext lang siya na 'di na siya makakatulog dito. What the hell, right!"

Naku naku. Natawa ako sa reaksyon ni biatch.

"Super selos ka naman niyan, biatch. Bakit, iniisip mo ba na doon sa babae umuwi si Duke? Baka naman emergency lang?"

"Hindi ko alam! Sabi niya ngayon siya pupunta. Pero wala pa din siya. Naiinis na talaga ako!"

Ito talagang si biatch may pagka tamang hinala e.

Inilabas ko ang phone ko. "I will try to chat him. Malay mo online."

Nag open ako ng facebook ko at nanlaki ang mga mata ko sa bumungad sa akin.

"Oh my gosh! What the hell?! I cannot, biatch!" Sigaw ko. Tumayo ako saka lumaput kay biatch para ipakita ang nakita ko! "Look at this!"

Nagpost lang naman si Drake Hong ng picture nila kasama ang banana ni biatch, ang bebe ko at may babae!

Hindi nagsalita si biatch. Ibinalik lang niya akin ang phone ko.

"Who is this? Who is this girl?!" Sigaw ko.

Anong karapatan niyang magpapicture kasama si kensh?!

"Kababata ni Duke." Seryosong sagot ni biatch.

Kababata ni Palermo so ibig sabihin, kababata din nina Drake at Kensh? No way!

"What the hell, biatch! Do you know her name?!"

Nakakainis! Eksahedara ang babaeng 'to! Sino ba siya ha?!

"Sophia." Simpleng sagot ni biatch.

"What? Ibig sabihin, ang babaeng kasama nila sa picture... iyon ang nasa status ngayon ni Kenshin? No! I cannot! Sino ba siya! Hindi naman siya maganda, maganda siya sige pero mas maganda ako! Saka mas matangkad lang naman siya sa akin ng kaunti. Isa pa, mahaba lang ang buhok niya! No! I can't accept this!" Sigaw ko.

Nagstatus din kasi si Kensh kanina na namiss daw niya iyon ngang naka-tag na Sophia ang pangalan. Bwisit!

"Ano bang nangyayari sa iyo? Ako itong kanina pa naba-badtrip pero kung makapag-react ka diyan." Sabi ni biatch.

Pinuntahan ko ang profile ni Kensh saka ipinakita kay biatch ang status niya kanina.

Kenshin Aki Sarmiento

Namiss ko talaga si Sophia. --- feeling contented.

Like • Comment • Share

Napailing nalang si biatch.

"I cannot talaga, biatch! Hindi ko kaya. Maglalayas ako!" Sigaw ko saka ako tumayo at padabog na kinuha ang sling bag ko.

Palabas na sana ako nang may maalala ako.

"Maglalayas ako, biatch! Basta ha! Kapag hinanap ako ni Kenshin at nag alala siya, andun lang ako sa kapitbahay namin!" Sigaw ko saka nag-walk out na.

Hindi ko alam pero nag-iinit ang ulo. Hindi kay Kenshin e! Doon sa babaeng feeling maganda porket kababata niya sina Kensh? Mukha nga siyang retokada!

Tapos bakit siya namiss ni Kensh? Bakit?! Ako dapat 'yon e!

Sa halip na umuwi ako ay dumiretso ako sa Hashtag Bar. Walang makakapigil sa akin. I need to talk to Kensh. Mamaya na ako maglalayas.

Mabilis akong nag-drive papuntang Hashtag Bar. Sabunutan ko na ba ang babaeng feeling maganda na 'yon? Argh! Naiinis talaga ako! Nasira na ang gabi ko! Sa halip na masaya sana akong makikipagbonding kay biatch.

Kasalanan 'to ng babae na 'yon!

Nang makarating ako sa Hashtag bar ay mabilis akong bumaba ng kotse pagkaparada sa parking lot.

Pagpasok ko ay hinanap ko agad si Kenshin. Huwag na huwag ko lang talaga amkikita ang babae na 'yon dahil nangigigil ako sa kaniya.

Napamaang ako nang mahanap ko ang hinahanap ko. Narito nga sila.

Si Kenshin, Duke, Drake at ang abbaeng iyon na masayang masaya sa VIP table sa dulo. Wow naman pala! Dati lang, kami kami ang magkakasama tapos dumating lang ang babae na 'yon, ano, echapwera na kami ni biatch?

Mabilis kong tinawagan si biatch. Habang hinihintay na sagutin niya ang tawag ko ay naupo na ako sa isa sa table na malapit na sa VIP table nila.

"Yes, biatch?"

"Kumukulo ang dugo ko! Pigilan mo ako, biatch! Mananabunot talaga ako!" Sabi ko.

"Ano bang nangyayari sa iyo?"

Jusko pati jowa niya ang saya saya.

"E kasi naman, biatch! Narito lang naman ako sa hashtag bar at ang mga gago, tuwang tuwa sa Sophia na iyon! Duh! Hindi siya maganda sa personal!"

"Who's with her? Sina Kenshin?"

"Like duh! Three eggs, biatch! Sina Duke, Drake at Kenshin lang naman. Ayun oh, naka VIP table at tawa sila ng tawa. Hindi na ako natutuwa ha! Pigilan mo na ako, biatch! Susugurin ko sila sa table nila!"

Saglit na natahimik si biatch. Alam kong manggigigil din siya kasi hindi man lang siya pinupuntahan ni Duke tapos narito lang pala.

"Wait me there. Pupunta ako diyan."

Okay great! I so love my besyfriend. Buti nalang pupunta siya rito. "Better! Dalawa tayong susugod!"

Naputol na ang tawag. Masama akong nakatingin sa gawi nila. Ang sasama ng ugali talaga ng tatlong itlog na 'yan! Kapag may bago doon sila, tapos kami ano? Wala na.

Ang tagal ni biatcg. Medyo malapit lang naman dito ang unit niya. Nanggagalaiti na ako sa mga nakikita ko.

Ang arte arte pa niya tumawa!

"Ang perfect ng table nila 'no? Lahat gwapo tapos 'yung nag iisang babae, dyosa ang ganda."

"Oo, nakakainggit!"

"Ang goals nila!"

"Iyong isa, anak ng may-ari nitong bar ah. Baka gorlfriend niya 'yong babaeng kasama nila. Tingnan mo iyong tingin niya oh!"

Handang handa nang manuntok ang kamao ko dahil sa mga naririnig ko. Mga bwisit!

Nakatingin lang, girlfriend agad?! Duh! Hindi 'yan type ni Kensh. Please lang.

Tinawagan ko ulit si biatch.

"Why?"

"Bilisan mo biatch kasi hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Huhu! Ang saya saya talaga nila! Tapos naririnig ko pa iyong mga tsismosa dito na squad goals daw sila oh! Nag iinom sila biatch at alam mo ba, isa isa pa silang tinatagayan ng Sophia na iyon! Kakalbuhin ko talaga siya! Arghh!"

"I see..."

"Iyan lang ang reaksyon mo? Biatch naman! Dapat galit ka din kasi jowakers ka ni Duke! Hindi ba dapat kasama mo siya? E bakit doon siya sumasama sa babae na iyon?"

"I'm not in the mood, biatch. Malapit na ako. Paki-ready nalang ang alak. I want brandy. Iyong matapang." Sabi niya.

"Gaano katapang ba, biatch? Iyong kaya kang ilaglaban? Hindi katulad ni Duke na napapasaya lang ng kababata nila, nakalimutan ka na!"

I sighed. "Frey please..."

"Okay. Wala ka nga sa mood. I'll wait for you okay?" Sabi ko.

Ako din naman, wala na sa mood kasi malapit na akong sumugod sa kanila.

Nananakit na ang mata ko sa pagtingin ng masama sa gawi nila. Grabe para silang may mga sariling mundo.

Tinawag ko ang waiter saka um-order ng alak namin ni biatch. Iyong matapang! Akala nila diyan!

Tumunog naman bigla ang phone ko. "Hey, biatch!"

"Where are you?"

"Malapit sa bar counter. The table beside. Left." Sagot ko.

Natanaw ko na si biatch at nakita ko kung gaano siya ka-disappointed nang makita sina Duke.

"Biatch! Buti naman narito ka na. Wala akong mapaglabasan ng feels! Inis na inis ako!" Sabi ko nang makalapit na siya sa akin.

Umupo siya sa tapat ko.

"Is this mine?" Tanong niya.

Tumango ako. "Wala ka man lang reaction, biatch? Dapat inis na inis ka din!"

Sa halip na sumagot ay uminom agad siya ng brandy. Grabe.

"Biatch! Ano ka ba? Uhaw na uhaw? Calm down!"

"Let me, please? I came here to get wasted." Sabi niya saka muling nagtagay ng alak sa shot glass. Dalawang magkasunod na inom.

Alam kong nasasaktan 'tong bestfriend ko. Hindi niya lang mailabas 'yung galit niya.

"Get wasted? Teka nga, magkaaway ba kayo ni Duke?" Tanong ko.

Umiling siya saka nagpatuloy sa pag-inom.

"Pero bakit mo gustong magpakalasing? Ayun lang sa kabilang side ang jowakers mo. Why don't you call him?"

"Don't bother him." Sabi niya.

Nag away siguro sila? Tapos ganito pa ang makikita ni biatch?

She called the waiter who passed by our table.

"Give me your hard drinks. Anything." Sabi niya.

Mukha ngang magpapakalasing ang babaeng 'to.

"Right away, Miss." Sagot ng waiter.

Tinaasan ko ng kilay si biatch. Ako 'tong isa ring inis na inis at kanina pa ako hindi makapagpigil tapos siya parang ganito lang, kalmado lang?

"What?" She asked. "Why did you stop drinking your margarita?"

"Do you have a problem, biatch? Naguguluhan na kasi ako, e. You are here. And your boyfriend were there. Bakit hindi mo siya lapitan? Or tawagan na narito ka din sa bar? Sabi mo naman, hindi kayo magkaaway. Ano bang nangyayari?"

"I just don't want to ruin their night. Masaya nga sila 'di ba." Sabi niya saka muling tumungga ng alak.

"Oh my... You're jealous, right? Kaya ka nagkakaganyan?! We need to do something!" Sabi ko.

Pero paanong nagseselos siya e hindi naman siya seryoso kay Duke. Maaapakan lang dito iyong pagkababae niya kasi masaya sila kasama ang ibang babae.

"Biatch, hayaan mo na sila." Sabi niya.

"No!" Sigaw ko saka tumayo.

Ininom ko muna ng isang inuman ang bote ng brandy niya saka pumunta sa table nila Kenshin.

"Ikaw!" Sigaw ko sa babaeng mukhang hipon.

Nagulat siya. Napatingin sa akin ang tatlong itlog.

"Frey." Sabi ni Kensh. Sa akin hirap na hirap siyang ngumiti tapos dito sa babae na 'to, ang dali dali niya mapatawa.

Anong meron siya na wala ako?

Hindi ko siya pinansin. Nanatili akong nakatingin sa babaeng maharot.

"Sino ka ba ha? Akala mo kung sino ka! Tuwang tuwa ka pa na kasama ang mga lalaking 'to!" Sigaw ko pa.

"Frey!" Suway ni Drake saka mabilis na tumayo at nilapitan ako. "You're drunk."

"Hindi ako lasing! Naiinis lang ako sa babae na 'yan! I'm gonna pull your hair!" Sigaw kopa. Susugurin ko na sana siya pero pinipigilan ako ni Drake.

"FREY." Madiin na sabi ni Kenshin.

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nanatili akong nakatitig sa babaeng 'yan. Ang landi landi mo! Dahil sa iyo, nagpapakalasing ang kaibigan ko!"

Wow! Talagang yumakap pa siya kay Duke! Sa boyfriend ng kaibigan ko!

"Frey ano ba? Wala kang karapatang awayin si Sophia!" Sigaw ni Kenshin. 

"Man, ilayo mo na si Sophia." Sabi ni Drake.

"No! Siya dapat ang umalis dito! Hindi tama ang ginagawa niya kay Sophia! And this is our bar!" Sigaw ulit ni Kenshin.

Wow. To the rescue sila sa pagtatanggol sa babaeng 'to. Nakakainggit naman pala.

Parang nawala bigla iyong tapang ko kasi iyong puso ko ang tinamaan. Nakatitig lang ako sa kaniya pero masama ang tingi niya sa akin.

Natauhan ako nang hawakan ako sa kamay ni biatch. Nakalapit na pala siya dito sa amin.

"Let's go, biatch. Don't make a scene here and let's just enjoy the night."

Kumalma ako. Hindi dahil talo ako, kundi dahil nasasaktan ako sa pinakita ni Kenshin.

"Biatch..."

Hinila niya na ako palayo pero mapatigil kami nang tawagin siya ni Duke.

"Love..."

Muli akong hinila palayo ni biatch. Nabuhay na naman iyong inis ko lalo na sa jowakers niya.

"Biatch! Hindi mo dapat ako pinigilan e! Nakita mo ba kung paano yumakap ang malanding iyon kay Duke? At si Kenshin, nakita mo ba kung gaano siya kagalit dahil inaway ko ang Sophia nila? Bakit sila ganoon, biatch?!"

Umupo na kami ulit sa table namin. Uminom lang ulit si biatch ng alak.

Napalunok ako saka uminom din. Nasasaktan ako pero gusto ko pa ring maging matapang.

Napatingin ako kay Duke na lumapit sa table namin at basta nalang inagaw ang shot glass ni biatch.

"Why?" Cherrypink asked.

"Why are you drinking? Why are you here?" Tanong ni Duke.

So sila lang ang may karapatang magsaya dito?

"Ikaw lang ba ang karapatang pumunta ng bar?"

"Cherrypink, may usapan tayo. I told you, susunduin kita sa unit mo and we'll go on a dinner date!"

"Iyon na nga, Duke e. May usapan tayo tapos malalaman king narito ka sa bar? I waited for your call or text. Iniisip ko na baka nasa company ka pa. Pero hindi e. Narito ka pa pala sa bar, nagpapakasaya kasama ang babaeng malandi na iyon!" Sigaw ni biatch.

Naaawa ako sa kaibigan ko at naaawa ako sa sarili ko.

"What did you say? Hindi malandi si Sophia. Don't call her like that! Wala siyang ginagawang masama sa iyo. And yes, dumaan lang ako dito but I will call you!"

Pinagtanggol pa talaga ang babae na 'yon. Parehong pareho sila ni Kenshin. Magsama sila!

"Stop it! Let's go." Hinila niya si biatch pero nagpumiglas siya.

Lumapit sa amin sina Kenshin at Drake.

"Pinauwi ko muna si Sophia, man." Sabi ni Drake kay Duke. "Nagulat siya sa ginawa ni Frey. She's crying."

I rolled my eyes. Wow, sobrang nakakatakot ba ako? Do I look like a monster para umiyak siya at matakot ng ganoon?

"Frey, ano ka ba? Sa susunod na gawin mo iyon, hindi ka na makakapasok sa bar na ito!" Sigaw ni Kenshin sa akin.

Again, he hits me. Fall na fall na nga kasi ako sa kaniya e. Ayan tuloy, nasasaktan ako.

Pinigilan kong tumulo ang luha ko. Pinilit kong magpakatatag sa harap niya.

"Bakit ba? Gusto ko lang naman ipagtanggol ang bestfriend ko ah! Imagine, nagpalakalasing dito ang kaibigan ko habang ang saya saya niyo kasama ang maarteng babae na iyon?" Sabi ko.

"Hindi maarte si Sophia! Mas maarte pa nga iyan si Cherrypink e! Nagpapakalasing para ano?! Ha?" Sigaw pa ni Kenshin.

Kaibigan ko pa ang may kasalanan?!

"Bro, tama na iyan. Ceasefire." Sabi ni Drake.

"Frey, don't do that again. Sophia is nice lalo na kapag nakilala niyo siya ng lubos." Sabi ni Duke sa akin.

Hindi na talaga ako makapagtimpi.

"Nice? Alam niyang may girlfriend ka pero kita mo naman, nakikipagsaya siya sa inyo!" Sigaw ko.

"Shut up, Frey!" Sigaw ni Kenshin.

Again and again. Sobra na ang pagtatanggol ni Kenshin, ni Duke, lahat sila. Dahil sa Sophia na 'yan, ganyan sila sa amin ni biatch?

"Fine! Whatever! Magsama sama kayo! Dati naman, tayo ang squad e! Ako, si Cherrypink, si Duke, Drake at ikaw! Kahit lagi mo akong binabara, ayos lang kasi nakakasama naman kita pero mula ng dumating iyong kababata niyo, parang naging bula at anino lang kami ni biatch!" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko.

Nakakasakit na talaga sila. Siya.

"At kung bawal na akong pumunta sa bar na ito? Okay!" dagdag ko pa saka nag walk out.

Hinayaan kong bumuhos ang luha ko hanggang makasakay ako sa kotse ko.

I took a deep breath. Ano bang kulang sa akin? Ano bang wala sa akin na nasa Sophia na 'yon? Dahil ba kababata nila iyon? Pero tama ba 'yon?

Napaka bias nila! Dahil sa Sophia na 'yon, balewala sa kanila ang nararamdaman namin ni biatch. Kung wala na pala kami ni biatch sa squad namin, sige okay. Masaya naman sila na may Sophia sila.

At si Kenshin? Sige, pipigilan ko ang sarili ko na pumunta sa bar nila. Hinding hindi niya ako makikita.

avataravatar
Next chapter