12 Chapter 12

NAKARATING din kami sa building kung nasaan ang condo unit ni Drake. Well, birthday niya at kami kami lang naman daw ang magce-celebrate. Feeling ko nga sinadya nila iyon para magkasama pa din si biatch at Duke.

Like nakakaloka si Duke kasi kahit sinaktan na siya at niloko ni biatch, mahal pa din niya si biatch. Ibang level!

"Biatch, hello! Earth to you. Natutulala ka sa kawalan. Narito na tayo. Baba na." Sabi ko. Hindi naman siya nagpatumpik-tumpik nung niyaya ko siya e tapos ngayon natutulala?

"Kinakabahan ako..." sabi niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Bakit ka naman kakabahan?"

E kasi naman, alam niyang siya ang mali! Tapos naaalala ko pa si Kensh---iyong galit na nakita ko sa mga mata niya kaninang tanghali nung pinuntahan ko siya sa Hashtag bar.

"Tara na nga." Sabi niya.

Buti nalang talaga ako ang nagdrive dahil kung si biatch? Baka naaksidente na kami dahil lutang siya.

Ngumisi ako sa kaniya. "Biatch, huwag kang kabahan. Wala naman iyong new girlfriend ni Duke e. Tayo tayo lang. Ako, ikaw, si Duke, si Kenshin at si Drake. Iba ang party ni Drake na maraming invited. Private celebration lang ngayon between his friends." Sabi ko.

Kaloka kasi ang akala talaga niya, may new girlfriend si Duke.

"Bakit hindi nag-invite ng iba? Saka bakit hindi isinama ni Duke iyong new girlfriend niya?"

Affected talaga siya so I conclude na mahal na din niya si Duke. Indenial lang talaga 'tong si biatch dahil priority niya ang parents niya.

"Huwag ka ng tsismosa, biatch. Okay? Naghihintay na sila sa atin. Ready na ang lahat. Tayo nalang ang kulang." Sabi ko.

Dumaan kami sa reception area.

"Excuse me, to Drake Hong's unit." Sabi ko doon sa receptionist.

"Your name, miss?"

"Frey Guevara and Cherrypink Castillo." Sagot ko.

May tiningnan sa log book ang receptionist saka ngumiti sa amin.

"5th floor po, room 7C."

Gumora na kami ni biatch sa may elevatir saka sumakay. Pinindot ko ang button 5.

"Grabe, makikita ko na naman si Kenshin. Hay naku, I'm sure namiss na ako no'n. Indenial lang talaga siya e."

Gusto kong balewalain ang mga nakita ko kay Kensh kanina sa Hashtag bar. Hangga't maaari, gusto ko iyong kalimutan dahil ayokong ganoon si Kensh.

"Lakas, Frey ha."

"Ano ka ba, biatch! Nararamdaman ko kaya. Malakas ang pakiramdam kong unti unti na siyang nahuhulog sa akin. Aw... so touching."

Though, hindi ko naman talaga alam kung nahuhulig na nga sa akin si Kensh pero aminado ako na umaasa ako.

Napansin kong tulala na naman si biatch. E pababa na kami ng elevator! "Biatch, konti nalang sasabunutan na kita. Baba ka na. Natutulala ka na naman. Umamin ka nga sa akin, nagda-drugs ka ba?"

Sinamaan niya lang ako ng tingin. Sumunod siya sa akin sa pagbaba saka namin hinanap ang room 7C.

"Gotcha!" Sabi ko nang makita ko agad iyon. May naka-engrave na 7C sa pinto na iyon.

Magdoorbell ako at ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto. Sinalubong kami ni Drake.

"Happy birthday, Drake!" Bati ko.

Ngumiti naman siya saka tumingin kay biatch. Feeling ko may gusto 'tong si Drake kay biatch.

"Long time no see, Cherrypink." Sabi niya kay biatch.

"Happy birthday, Drake." Bati ni biatch.

"Come in." Aniya.

Pumasok na kami ni biatch at doon, naabutan namin sina Kenshin at Duke na umiinom ng beer sa living room habang naglalaro ng XBOX. Maraming pagkain sa malapad na center table.

"Hi Kenshin! Namiss mo ako?" Tanong ko agad saka tumabi sa kaniya.

Ayokong iparamdam sa kaniya na natakot ako sa kaniya. Baka kasi hindi naman niya sinasadyang umaktong ganoon kanina. Ayokong baguhin ang pakikitungo ko sa kaniya dahil lang sa nakita kong side niya kanina.

"Mas namiss ko pa iyong inulam kong itlog kagabi kesa sa 'yo, Frey."

This is him. The usual him. Pero letse, palagi talaga niya akong binabara! Kainis.

"Cherrypink, sit down. Don't be shy. Don't worry. This party will be private. Just the five of us. I didn't invited my girls." Sabi ni Drake kay biatch.

Paano ba naman kasi, lutang again!

"Biatch, wala ka na naman sa sarili mo. Maupo ka doon oh, sa tabi ni Duke. Ang laki ng space." Sabi ko. Yeee kilig 'yan!

Pumunta si Drake sa kusina saka bumalik na may dala ng bote ng alak. "Beer for girls! Whoa, man. Tama na ang XBOX. Let's start the party!" Sigaw niya saka inilapag ang beer sa center table. 

Hinila niya ang one-seater couch saka pumwesto sa harap ng malaking couch na inuupuan naming apat.

"Fuck you, mananalo na ako. Damn it." Sabi ni Duke. Kunwari hindi niya napapansin si biatch. Duh!

"Man, masyado kang seryoso. Tch. Hindi mo pa nga yata napapansing narito na ang girls." sabi ni Drake.

"Alright. Tch. More beer. May araw ka sa akin, Kenshin." Sabi niya. Ang tinutukoy nito ay ang paglalaro ng XBOX.

Okay, time to act! Ang sarap pa namang asarin ni biatch.

"Duke, bakit hindi mo in-invite iyong girlfriend mo? Ang sweet sweet niyo pa naman panoorin. Kinikilig kaya ako sa inyo!" Sabi ko.

Napansin ko agad ang reaksyon ni biatch.

"She's busy. And besides, sa condo ko naman siya uuwi mamaya." Sagot ni Duke. Cool na cool ang pag-upo niya hawak ang bote ng beer.

"OMG! So nagsasama na kayo sa iisang bubong? Ang bilis ha!" Paggatong ko sa sagot niya.

"Well... what do you expect from me?"

"What do you like about her, Duke?" Tanong ni Kenshin na may hawak na ring bote ng beer.

Cute cute talaga ng bebe ko. Nakikisakay sa kalokohan namin.

"Everything about her. Her eyes, her nose, her lips, her hair, her scent... everything." Sagot ni Duke.

"Do you love her?" Tanong pa ni Kenshin.

Napainom ng beer si biatch. Omg, sasabunutan niya ako kapag nalaman niyang pinagkakaisahan namin siya.

"Yes. Of course, I love her."

Lagot na! Biglang tumayo si biatch.

"Excuse me, cr lang ako." Paalam niya pero alam kong nagpapanggap lang siya!

Habang nasa CR si biatch ay sumandal ako sa balikat ni bebe ko. "E ikaw, Kensh, do you love me?"

"I love myself, Frey."

Tumawa si Duke. Bwisit!

Bumalik na si biatch at may dala na siya. "Porkchop, guys." Sabi niya.

"This looks good. You cooked this?" Tanong ni Duke.

"Ah, hindi. Hindi. Si Drake ang nag-asikaso niyan. Tinulungan ko lang siyang dalhin dito."

Hay naku! Halata talaga kay biatch kung gaano siya ka-apektado kay Duke.

"Ang tahimik natin masyado! Laro nalang tayo." Sabi ko nalang.

"Wala akong panahong makipaglaro sa iyo, Frey. Hindi kita kayang paglaruan kaya nga sinasabi ko na, wala akong gusto sa iyo."

Bwisit na 'to! "OA mo Kenshin ha! Feelingero ka na din! Hindi naman iyon e. Truth or consequence tayo! Dahil may mga boteng wala ng laman, pwede nating gamiting pang-spin."

"Tch. Daming alam."

I rolled my eyes. "Game ba kayo?"

"Game ako." Sagot ni biatch.

"Alright. Let's play." Sabi ni Drake.

"Okay! Ganito. I will explain. Itong bote na ito ay gagamitin for spin. Spin the bottle, at kung sinong tatapatan ng nguso ng bote, tatanungin ng truth or consequence. Kung truth, may karapatang magtanong ang isa sa atin ng kahit anong tanong, even if it's confidential. Kapag naman consequence, uutusan noong nag-spin ng bottle. Kahit anong klaseng utos. So, game?" Paliwanag ko.

Nagtanguan ang lahat.

"Ako ang magsisimula." Sabi ko saka ini-spin ang bote sa gitna ng mesa. Tumigil iyon sa tapat ni Kenshin.

"Truth or consequence?" Tanong ko.

"Consequence."

"Sige, kiss mo ako sa lips." Nakangising sabi ko habang nakanguso ang labi ko.

Nagbibiro lang ako pero why not? Gusto ko kaya kapag hinahalikan ako ni bebe ko.

Nagtawanan sila. Oo na! Alam ko namang wala talagang feelings sa amin si Kensh. Pero kahit---OH MY GOSH!

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong halikan ni Kenshin.

Napalunok ako pero jusko!"Hindi ko napaghandaan! Teka, Kenshin! Isa pa. Isa pa please?" Sabi ko. Ang sherep e.

"Stop it, Frey. Tch. I'll spin the bottle now." Sabi ni Kenshin. Bitin!

Tumigil ang bote at tumapat kay biatch.

"Truth or consequence, Cherrypink?"

"Truth.." Sagot ni biatch. Hala siya!

"Do you love Duke?" Diretsahang tanong ni bebe ko.

She cleared her throat. "Ano... ah.. consequence nalang."

Nagtawanan kami. Baliw talaga 'tong si biatch e.

"Got it, man." Sabi ni Drake.

Si Duke ay ngumisi saka tumingin kay biatch. "Ako ang mag-uutos." Aniya.

Ayan na! Mukhang hindi na makatiis si Duke.

"Go, Duke!" Cheer ko.

"Frey started this. So... kiss me, Cherrypink."

Nagulantang ako. Grabe si Duke, walang patawad! Wala e, mahal talaga niya si biatch kaya ayan nanlalaki ang mga mata. Hindi niya in-expect e.

Unti unting lumapit si biatch kay Duke. Gosh!

"Woah!"

"Laglag brief na niyan si Duke!"

Sana ako ulit para utusan ko ulit si Kensh na halikan ako. Torrid!

Inikot ni biatch ang bote at tumapat iyon kay Duke.

"T-Truth or consequence?" Tanong ni biatch.

"Truth." sagot ni Duke. Titig na titig siya kay biatch. Nakakainggit kainis!

"Ask him anything, biatch." Sabi ko.

"Hmm, d-do you love your new girlfriend?"

OMG! Naniwala talaga siyang may bagong girlfriend si Duke.

"I love my girlfriend so much. She's the only one in my heart. Siya lagi ang laman ng puso at isip ko. I always want to see her, hug her and kiss her. I want her near me. I want her beside me..."

Sana all! Sana ganyan din si Kensh sa akin! Hanggang sana nalang ba ako?

"...but she broke up with me. Though, I'm still loving her with all the pieces."

Kumunot ang noo ni biatch kaya natawa ako. "You are so... so slow, biatch. Duh! Wala naman talagang new girlfriend si Duke. Inasar lang kita no'n because I want to prove something at salat na iyon para mapatunayan ko na... basta! And ang tinutukoy ni Duke ay ikaw. Duh! You broke up with him!"

Parang hindi makapaniwala si biatch.

"Ang daldal mo na, Frey. Tch. Kapag talaga nakakainom ka e." Sabi ni Kenshin.

"Nagsalita ang hindi nakainom! Kaya pala mukhang kamatis na ang mukha niya!" Nakasimangot na sagot ko.

"I missed you, love." Sabi ni Duke kay biatch.

Ayoko na! Nakakainggit! Asa nan ako kay Kensh e wala nga 'yang sweetness sa katawan.

"Love..."

Kaloka. Sa harap pa talaga namin! Inggit na inggit na talaga ako.

"Let's stop the game. You two, Duke and Cherrypink, just kiss and make up." Sabi ni Drake saka lumaklak ng beer. "And you, Kenshin and Frey, give me some show. Torrid kiss. Para magkaalaman na kung sinong bibigay sa inyong dalawa."

Drake is bored, I think? But I like his suggestion.

"Si Frey ang bibigay. Tch. Gustung gusto pa niyan." Sabi ni Kenshin.

"Bakit? Ikaw ba, hindi bibigay?" Hamon ko.

"No."

"Then let's try. Let's see kung hindi ka nga bibigay." I winked at him.

Medyo nakainom na ako kaya pakiramdam ko ang init ng pakiramdam ko.

Nanlaki nalang ang mga mata ko nang siilin ako ng halik ni Kenshin. Heaven! Siya iying akala mo walang alam at inosente pero napaka-expert niya humalik!

"Whoa! Showtime. My chickboobs is on her way. Tang'na loner ako." Narinig ko pang sabi ni Drake pero mas natuon ang pansin ko sa halik ni Kenshin.

This is what I like. Torrid! I respond to his kisses. Walang kyeme akong umupo sa lap niya. Walang hiya hiya 'to! I don't mind. Basta gusto kong maramdaman si Kensh.

Gumala ang kamay niya sa katawan ko na nagdagdag ng init sa pakiramdam kom

Pakiramdam ko, may sarili kaming mundo at kami lang ang tao. Ang sarap ni Kensh!

Mas lumalim ang paghalik niya hanggang nabigla ako nang bumaba ang halik niya sa leeg ko. Gosh! This is it na ba? Matitikman ko ba ang bebe ko? Dahil, ako? Ready akong ibigay sa kaniya ang virgin island!

Ganoon ko siya kagusto!

"Frey...

Damn his voice!

"Hotel." Sabi niya at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Tatanggi pa ba ako?

Kaya kong ibigay lahat sa kaniya.

Mabilis akong tumayo saka sumama sa kaniya palabas ng unit ni Drake. Hindi ko na napansin kung naroon pa sina biatch dahil wala akong ibang gustong isipin kundi si Kenshin.

Si Kenshin lang!

Ito na yata talaga. Kung may mangyari man sa amin, I'll swear, siya ang huling lalaking mamahalin ko kahit pa hindi niya iyon suklian.

avataravatar
Next chapter