10 Chapter 10

HABANG pinagmamasdan ko si Kenshin, nakikita ko ang future ko. Oh my God, he's freaking handsome kahit napaka-inosente niya. Alam ko namang patay na patay din iyan sa akin e, ayaw niya lang talaga iwanan ang Dad niyang mahilig sa hashtag. Psh.

"Kenshin, himala, umiinom ka ng alak?" tanong ko.

Kahit deep inside, alam ko ang reason. Saksi ako! Saksi ako sa pangyayari! My gosh! Alam na ni Duke na ginamit lang siya ni biatch! I feel so guilty din kaya!

Narito kami sa Hashtag Bar. Sinong kasama ko? Three eggs. Magkakatabi silang umiinom. Si Duke, Drake at Kenshin.

"Magtaka ka, Frey kung kinakain ko ang alak." Nakasimangot niyang sagot. Aba't! Itong lalaking ito napaka-pilosopo, e.

Inirapan ko siya. "Bakit ka nga kasi umiinom? Broken hearted ka ba sa akin? Sasagutin naman kita kapag niligawan mo ako, e." Nag-beautiful eyes ako sa kaniya.

"Brokenhearted ang kaibigan namin. Kaibigan niya kami kaya dinadamayan namin siya ni Drake. Napakadaldal mo."

Sumimangot ako. Suplado talaga, e. Hindi man lang ba siya nagagandahan sa akin? Kulang na nga lang ipakita ko sa kaniya ang boobs ko kahit nahawakan na niya 'to para mabuhay naman ang katawang lupa niya, e.

Tumingin ako kay Duke na wala talaga sa sarili. Inom lang siya ng inom. Jusko, para na siyang ermitanyo sa buhok niyang gulo gulo. Hindi na yata naliligo iyan ah.

"Duke, tanga si Cherryink para saktan ka. Pero mas tanga ka para magpaka-martir ka sa kaniya. Kaibigan ko siya pero hindi ko siya ito-tolerate. Mambabae ka! Mag-enjoy ka! Alam—ARAY!"

Pinanlakihan ko ng mata si Kenshin pagkatapos akong batuhin ng jacket niya. Sumaklob tuloy sa mukha ko.

"Ano ba, Kenshin!"

"Huwag mong turuan ng pangit na gawain si Duke. Tch. Bad influence ka kaya manahimik ka na nga lang, Frey. Ipapa-ban talaga kita dito sa bar e."

"Aba, kaya mong gawin ha?"

Tumango siya. "Why not?"

Walang puso talaga ang lalaking 'to kahit kalan e. Kainis! "Ewan sa iyo! Eto na behave na nga!"

"Frey has a point. Hindi dapat nagpapakalulong ng ganito si Duke. Tch. We should have fun, man." Tumayo si Drake. Saan naman pupunta iyong isang playboy na iyon.

Nakatingin pa rin ng masama sa akin si Kenshin. "Nabibighani ka na sa ganda ko, 'no?"

"Hindi." Umiling siya. "Ang haba pala talaga ng baba mo, Frey. Huwag kang tutungo ha?"

Nanlaki ang mga mata ko. binato ko pabalik sa kaniya ang jacket niya. "How dare you! Anong mahaba baba ko!"

Tumawa siya. What the hell!

"Wahahahahaha. You should have seen your face, Frey!" may paghawak pa siya sa tiyan niya. Bwisit na lalaking ito.

Nagulat ako nang bumalik na si Drake.

"Come on, babe. He's free and he needs some fun. Could you give it to him?" sabi ni Drake sa babaeng naka-misi skirt na kasama niya. Aba, sumundo ng pakgirl.

Malanding tumango ang babae saka basta na lamang kumalong kay Duke.

Hay naku, dapat mskita 'to ni biatch para naman makita niya kung anong sinayang niya ano! Hindi pwedeng si Duke lang ang masaktan!

Tumayo ako saka nag-group selfie. "Selfie!"

Lahat kami ay nasa picture. Sakto pang nakuha na nakatingin si Duke sa babaeng naka-kalong sa kaniya. Oh my! Hindi ko siya pipigilang mambababe 'no!

Ipinost ko agad sa facebook with caption, "Having fun."

Uminom na ulit kami. Pero napatingin kami kay Duke nang itulak niya ang babae na nasa kandungan niya.

"Don't fucking touch me!" sigaw niya.

"Oh, come on, man. You need someone to—"

"All I need is Cherryink. Got it?" sigaw ni Duke saka tumayo na. Iniwan tuloy kami.

Ngumuso si Kenshin. "Yan, Drake. Nagalit si Duke. Pipili ka lang, iyong mukhang pusit pa."

Ano daw? Natawa ako. Punyetang Kenshin 'to napaka-harsh talaga kahit kalian e. Pero mas nakakatawa dahil ngayon alam ko nang hindi lang ako ang nilalait niya, haha!

"Gago!" sigaw ni Drake.

Uminom muli si Kenshin.

Naku-curious talaga ako. "Akala ko talaga, Kenshin, hindi ka malakas uminom ng alak. Pero hindi ka pa lasing. Kanina ka pa umiinom."

"Tingin mo sa akin, bata? Tch. Umiinom ako. Para saan pa't bar ang business namin kung hindi ako malakas uminom? Inilulugar ko lang."

Jusko, nadagdagan na naman ng dahilan para lalo ko pang magustuhan si Kenshin. Why, why?

Nawala ako sa pagtitig kay Kenshin nang mag-vibrate ang phone ko.

From: Biatch

Iuunfriend kita sa facebook. I hate you.

Nanlaki ang mga mata ko saka natawa. Oh my... someone is jealous. I think?

Pinakita ko kay Kenshin ang text ni biatch pero inagaw niya bigla ang phone ko. Sa halip na basahin niya iyong text, aba't tiningnan ang messages sa inbox ko!

"What are you doing, Kenshin?!"

"Ang dami mong kalandian, Frey. Dinaig mo pa ang information booth sa dami mong natatanggap na message. Are you free? Are you single? Wow, Frey ganda mo ah." Sabi niya habang tinitingnan ang mga messages sa akin ng kung sino sinong boys.

Hindi ko alam kung dapat ba ako mainis o dapat ba akong kiligin sa inakto ni Kenshin.

"Umamin ka nga. Nagseselos ka 'no? Fall ka na din talaga sa akin e." Sabi ko. Kapal talaga ng mukha ko.

Pero wala, ito na ang sandata ko. Ang self confidence ko.

"Hindi lang mahaba ang baba mo, Frey. Feeler ka din." Sabi niya saka tumayo na.

Napatayo din tuloy ako saka hinabol siya. "Ang cellphone ko, Kenshin!"

Hindi man lang binalik ang phone ko!

Sinundan ko lang siya hanggang makapasok kami sa isang VIP room. Kahit saan talaga pumunta ang lalaking 'to, go na go ako e.

Inilock niya ang pinto saka basta nalaang niya ako isinandal sa pader.

Napalunok ako. Ang hot niya. Para ngang may tama na siya ng alak at jusko, makikita ko na naman ba ang other side niya na mesherep?

"Kensh, iyong phone ko."

"Hindi pa ba ako sapat, Frey?"

Nanlaki ang mga mata ko. Anong klaseng tanong 'yan?!

"Ano, ah..."

Hinalikan niya ako. At syempre, 'di na ako nag inarte. I put my hands around his neck and respond.

Sinadya kong idikit ang katawan ko sa kaTwan niya habang naghahalikan kami. Ang sherep nye.

He stopped. Bitin! Gusto ko pa.

"Madami ka bang lalaki, Frey?!"

"What? Ikaw lang 'no!"

Ngumisi siya. "What if..."

My gosh! Ano nang sasabihin niya? Kinakabahan ako. Naiihi ako sa kaba!

"Ikaw lang talaga, Kensh. As in, wala lang 'yang mga boys na nagsesend ng messages sa akin. Hindi ko sila type kasi ikaw lang ang type ko."

Mas ngumisi siya. "What if, hindi naman kita talaga gusto, Frey? Gusto lang talaga kitang halikan. Libog 'to, Frey. Kaya 'wag ka nang umasa na magugustuhan kita."

Bigla siyang umalis sa harap ko saka lumabas ng VIP room. Naiwan akong tulala.

Sanay na naman ako sa harap harapang sinasabi ni Kensh na ayaw niya sa akin pero bakit ganito naman ang lakas ng impact nung sinabi niya?

Itutuloy ko pa ba ang kahibangan ko sa kaniya o give up na?

Kitang kita naman na wala talaga siyang nararamdaman sa akin. Siguro nga libog lang 'yon. Tama siya. Hindi naman kasi ako ka-gusto gusto.

Pinahid ko ang luha ko saka huminga ng malalim.

Pero hindi! Walang susuko. Magugustuhan niya ako! Mamahalin din niya ako at sa susunod na halikan niya ako, susuguraduhin kong na-fall na siya s aakin at hindi lang iyon basta libog.

Fighting!

avataravatar
Next chapter