webnovel

Chapter Two

Imbes na maawa, nagawa pang magbunyi sa loob niya si Jillian pagkakita sa kakambal niyang mahimbing ang pagkakatulog sa piling ng mga life support machines. According to Victoria, nasangkot sa isang matinding aksidente si Julia at sa kasalukuyan ay dalawang buwan na itong comatose. Sa tindi ng pinsalang tinamo nito, hindi masabi ng mga doktor kung kelan ito magigising.

So anong klaseng pabor ang hiningi sa kanya ng tiyahin?

Kailangan lang naman niyang magpanggap bilang si Julia para sa dalawang kadahilanan. Una, para sa kanilang ina na si Valeria who was suffering from depression since Julia's accident. Kung sa mas brutal na paglalarawan, nabaliw ito at sa kasalukuyan ay walang nakikilala. Puro lang ito Julia, Julia, Julia. Victoria believes na kapag nakita siya nito bilang si Julia, her mother might get better. Kung si Jillian ang tatanungin, wala siyang pakialam kung gumaling man ito o hindi. For her, it must be Valeria's karma catching up with her. Pangalawa, para sa fiance ng kapatid niyang walang kaide-ideya sa sinapit nito. Si Sake Collins. Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa ito at pabalik na ng Pilipinas anytime dahil sa nalalapit na kasal nito at ni Julia. Syempre paano nito pakakasalan si Julia sa kalagayan nito? Pero ang mas nagpapagana kay Jillian, their wealth was in the verge of bankruptcy again and Sake whose family was very rich was the solution to their problem. Kaya hindi pwedeng hindi matuloy ang kasal sa petsang itinakda. And that was three months to go by the way.

Her job was to pretend as Julia para may datnang kasintahan ang lalaki at mawala rin na parang di siya nag-exist kapag kaya na ni Julia na i-resume ang buhay nito. But if her aunt was smart, hindi dapat siya ang unang taong pumasok sa isipan nito para tulungan silang malusutan ang problema. Because she was the least of all people who would give a d*mn if they f*cking lose their business.

Pero sa ginawa nitong pagpapahanap sa kanya, Victoria was clearly putting her faith to her niece whom she haven't seen in so many years. Technically, hindi na siya nito kilala and she freaking had no idea what she was capable of doing to destroy her mother and her sister, isama na rin ito. Victoria made the wrong decision and she was yet to realize that. Before she does, it would be too late... Jillian have other things in her mind and it was far from helping Julia or Valeria, she was there for her revenge.

"I want you to buy time for Julia but never postpone the wedding," sabi ni Victoria nang makalabas na sila sa hospital suite ni Julia.

For the past two months, Victoria thanked her lucky stars na hindi mahilig tumawag o mag-video call si Sake para kumustahin si Julia. Busy na tao raw ang lalaki sa LA at ang paraan nito ng pagiging boyfriend sa kakambal niya ay ang pagpapadala ng kung ano anong regalo sa pamamagitan ng EA nito.

"Are you certain na hindi makakahalata si Sake?" Tanong niya though wala naman siyang pakialam kung mabuko siya agad. The sooner, the better. Mas masaya kung hindi matuloy ang kasal at bumagsak na naman nang tuluyan ang kabuhayan ng pamilya niyang tinalikuran siya noon. "I mean, I'm almost nothing similar to Julia"

She had to admit that. While Julia was graceful and sophisticated, Jillian was the exact opposite. She grew up in the streets kaya taglay niya talaga ang kagaspangan ng kilos na nagtawid sa kanya sa araw araw niyang buhay.

"What are you saying? Identical twins kayo ni Julia at sa lahat ng kambal na nakita ko na, kayong dalawa ang halos walang pinagkaiba. Kailangan mo lang ng kaunting make over at training. Iyong iba, pwede na nating gawan ng palusot."

Tumango tango siya. Her aunt was wicked. Kung sino man si Sake, he was in to the biggest lie of his life.

"Okay," she answered. Victoria had a point. Kung sa panlabas na kaanyuan rin lang ang usapan, mahihirapan ang sino man na tukuyin ang sino sa sino sa kanila ni Julia. She was as beautiful as her sister. Also, based on her sister's picture when she was still well, hindi rin nagkakalayo ang hubog ng kanilang mga katawan. While Julia got her body being taken care of work out and yoga perhaps, si Jillian naman ay sa araw araw na pakikipagbaka sa buhay. Doing odd jobs to raise money for her college fund. Sa height, matangkad ito sa kanya ng isang pulgada. Pero hindi na mapapansin iyon.

"Halika na. Kailangan mo munang mag-ayos bago ka humarap sa mama mo."

Pinaikot niya ang mga mata pero sumunod siya sa tiyahin. Kung gusto niyang maghiganti, kailangan niyang maging pasensyosa. Kapag nakilala na niya si Sake, sisiguraduhin niyang isusumpa nito si Julia.

-----

Ten years ago, isang malupit na ina si Valeria Flores kay Jillian. Kung makataboy ito sa kanya para namang hindi siya nito sariling dugo't laman. Isinumpa ni Jillian ang tagpong iyon ng buhay niya at nangakong babangon siya't maghihiganti. Pero ngayon, gone was the fierce and strong woman she knew. Isang balisa, bagsak ang katawan at mas matanda sa edad nito na babae ang nakita ni Jillian.

"Ate" marahang untag ni Victoria kay Valeria na tulalang nakatitig lang sa dingding. Bago sila pumasok sa silid ng kanyang ina ay binalaan siya ng tiyahin na baka magwala ito gaya ng lagi nitong ginagawa sa tuwing may magtatangkang kumausap dito. "Ate, andito na si Julia"

Pagkarinig sa pangalan ni Julia ay mabilis na lumingon si Valeria.

"Julia?"

"Lumapit ka." bulong sa kanya ng tiyahin

"Julia!" nangilid ang luha nito

Halos ayaw niyang gumalaw sa kinatatayuan. Ramdam na ramdam niya ang paninikip ng dibdib niya sa matinding galit na nararamdaman. Gusto niyang ibalibag ang dalang tray ng pagkain tapos sugurin ang ina niya't saktan ito. Sumbatan ito. Bakit? Bakit kahit sa ganoong sitwasyon ng kanyang ina ay si Julia pa rin ang hinahanap nito?

"Lumapit ka na," naiinis ng ulit ni Victoria

"Julia anak," ibinuka ng kanyang ina ang mga braso nito "Anak ko!"

"Give me that and go to your mother." kinuha ng tiyahin niya ang hawak niya't itinulak siya palapit sa kanyang ina. Nagpilit siya ng ngiti bago lumapit kay Valeria. Hindi siya yumakap. Sa halip ay ginagap niya ang mga kamay nito.

"Mama," halos mapapikit siya. Never in so many years did she ever think of calling her mother that way again.

"Julia!" yumakap pa rin ito sa kanya "Bumalik ka na!"

"Opo" kinalas niya ang pagkakayakap nito dahil ayaw niyang makaramdam ng kahit anong emosyon para sa kanyang ina maliban sa galit "May dala akong pagkain. Kumain ka muna" iniayos niya sa ibabaw ng kama ng ina ang dala nilang pagkain. "Ma, paborito mo 'to." akma niya itong susubuan pero pagtingin niya ulit dito, Valeria was just looking at her face habang may malaking ngiti sa mga labi nito. "Ma?"

"Kung andito si Jillian, sigurado ako na aalagaan niya rin ako" Valeria said and that caught her off guard. Binitawan niya ang kutsara at bigla siyang tumayo. Hindi. Nagkamali lang siya ng dinig! Her mother couldn't be thinking about her! Ah, yes. In front of her wasn't her wicked mother.

"Julia!" Ani Victoria para ipaalala sa kanyang andoon siya bilang si Julia "Gutom na ang mama mo,"

Nakuyom niya ang magkabilang kamao na itinago niya sa likuran niya. Parang bata lang na nakatingin si Valeria sa kanya. Perhaps she didn't really mean to mention her name. Besides she was wrong, if she was there as Jillian, hinding hindi niya ito aalagaan! She'd be applauding for the karma that she got.

"Ma, kain ka na." lumapit siya ulit at sinubuan ito.

"Ate, kumain ka ng marami. Simula ngayon, si Julia lagi ang magpapakain sa 'yo. Sigurado akong mapapabilis ang paggaling mo." sabi ni Victoria na ikinapatingin niya.

"Talaga, Julia?" Hopeful ang kanyang ina.

"Oo mama," napipilitan niyang sang-ayon.

"Pero pagdating ni Sake, mababawasan ang oras ni Julia sa 'yo. Kaya dapat gumaling ka na bago dumating ang magiging manugang mo... Hindi mo naman gustong makita ka niyang ganyan ang kalagayan hindi ba? Baka matakot iyon"

Nakangiting tumango lang si Valeria.

Pakiramdam ni Jillian ay kay tagal ng labinlimang minutong inilagi niya sa silid ng ina that the moment she got out from there, she could barely breathe.

"Good work," bati ni Victoria sa kanya "I haven't seen your mother behave that way in several weeks."

"Kapag gumaling siya agad, mabubuko niya ang plano mo." paalala niya habang parang pinapagpag ang mga invisible na marka ng mga hawak sa kanya ni Valeria.

"She would agree if she finds out," kibit balikat nito "Let's go to Julia's room."

"Wait. Hindi ko gagamitin ang kwarto ni Julia!" mariin niyang tanggi.

"Look, kung magpapanggap kang ang kapatid mo, you must sleep in her room."

"This is too much already tita!" Giit niya "Bigyan mo ako ng sarili kong kwarto or hindi ako titira dito!"

"Alright" Victoria conceded. "But tonight, sleep in her room. I'll get another room cleaned up for you"

Pumayag na lang siya. One night must not hurt. Isa pa, pagod na siya sa lahat ng drama ng araw na iyon.

-----

Sa mga portrait pa lang sa silid ni Julia, alam mo na kung sino ang may ari no'n. Hindi rin ito masyadong nagagandahan sa sarili nito eh. Yung iba solo, yung iba may kasama itong lalaki. Needless to ask, batid niyang si Sake iyon.

Wala siyang comment sa itsura ng fiance nito. Typical na gwapo. Expected niya iyon, kukuha ba ng pangit na boyfriend si Julia?

Pero sa itsura ng silid nito, may opinyon siya. Napaka-girly ng ayos no'n para sa kanyang panlasa, mula sa wall hanggang sa kaliit-liitang gamit ni Julia ay puro pink. Jillian was never a fan of the color, para sa kanya ay para iyon sa mga babaeng mahihina ang loob. At hindi siya mahina. She's a strong woman who doesn't need anyone in her life.

Nagkibit siya ng mga balikat at nahiga na sa kama ni Julia na ang kalahating espasyo ay okupado ng mga malalaki nitong stuff toys... Kahit noong mga bata pa sila, si Julia lang ang mahilig sa mga laruan.

Napatitig siya sa larawan ng kakambal sa dingding. Who would've thought that while she was looking at an exact portrait of herself, the woman staring back at her wasn't her?

Sigurado, kapag nalaman ni Julia na nasa kwarto siya nito, magwawala iyon. Baka gumising ito bigla. Sa kwarto pa lang iyon ha? Paano kung malaman nito na uuwi na si Sake at ang madadatnan nitong kasintahan ay ang denidespise nitong kapatid na kriminal?

A wicked smile formed on Jillian's face. Sa ganoon pa lang, naka first base na siya sa paghihiganti sa kakambal niya.

-----

Matapos pakainin at samahang maligo ang kanyang ina kinabukasan ay muli siyang nagpunta sa ospital. Ewan niya pero hindi siya natutuwang makita ang kalunos lunos na kalagayan ni Julia. Hindi niya nais maghiganti rito ng hindi nito nalalaman. She wanted her to be awake and feel the pain of her revenge. Mas satisfying iyon sa palagay niya.

"Julia," tawag niya sa pangalan nito "Kung plano mo pang magtagal dyan, baka wala ka ng balikan. Malapit na ang kasal mo, sige ka, baka hindi matuloy iyon. Kawawa naman ang mama at tita mo, maghihirap kayo ulit." Napangisi siya sa sarili bago nagpasyang lumabas na. May usapan sila ni Victoria na magkikita sa isang cafe para magplano. Hindi kasi nila pwedeng gawin iyon sa bahay at baka malaman ni Valeria at pati paggaling nito eh maantala.

Nasa lobby na siya ng ospital nang makita niya ang tiyahin na kakapasok lang at nagmamadali na parang may hinahabol. Curious na napatingin siya sa unahan nito. A tall, handsome man was walking before her aunt. Galit na may kahalong matinding pag-aalala ang nakalarawan sa mukha nito. Pero parang pamilyar ang lalaki sa kanya.

"Julia!" Narinig niya ang boses ni Victoria kaya awtomatikong bumalik ang atensyon niya sa tiyahin mula sa pangangapa sa memorya niya kung saan niya nakita ang lalaki. "Julia!" Ulit ni Victoria. "Sake! It's Julia! I told you, she's okay!"

Sake? Ang fiance ni Julia? Bago niya mapagtanto ang nangyayari, nakita na siya ng lalaking tinukoy ni Victoria. And in few big steps of his, nakalapit ito sa kanya.

"Julia!" He said her name. Napalitan ng relief ang kaninang pag-aalala na nasa mukha nito. "You're okay!" Gumuhit ang simpatikong ngiti ng pasasalamat sa mga labi nito bago siya hinila sa braso niya, mabilis ngunit mahigpit siyang niyakap at sa laking gulat ni Jillian, hinalikan siya nito sa mga labi!

Na para bang kailangan iyon para masiguro nitong okay si Julia.

Next chapter