webnovel

Chapter Three

Kaya pala pamilyar ang lalaki. Nakita niya ito sa mga portrait sa silid ni Julia! Binabawi na niya ang tipikal na paglalarawan niya kay Sake kagabi. He wasn't ordinary. He was gorgeous!.

"I am so relieved na hindi totoo ang ibinalita sa akin ni mama," sabi ni Sake.

Nasa kotse na sila nito pero ayaw pa rin nitong bitawan ang mga kamay niya. Kanina ay sobra siyang nagulat. As in nanlaki ang mga mata niya at hindi siya nakakilos sa kabiglaan. Paano ay bukod sa first time niyang makakita ng lalaking mukhang literal na hinugot sa pahina ng libro dahil sa taglay nitong kagwapuhan, first time niya ring mahalikan, sa lips!

"I took the very next flight so I could reach you as soon as possible. I was scared to wits Julia. I thought I already lost you."

Wala pa nga rin siyang maisip sabihin kay Sake. Disoriented pa ang isipan niya gawa ng nakakawindang niyang unang halik. But obviously, hindi nito napansing hindi siya si Julia. Paano naman eh hindi nito alam na may kapatid ang kasintahan nito, at identical twin pa!

"I- I'm okay... Gaya ng sinabi ni tita, hindi naman nagsinungaling ang mama mo. Naaksidente ako, comatosed ng dalawang araw but I'm fine. May mga bagay lang akong hindi maalala at sorry kung hindi agad kita nakilala."

Kinompose niya ang sarili para masabi iyon. Ang kasinungalingang iyon ang mabilisang naisip ni Victoria para malusutan ang pagkagulat niya. At andoon siya sa ospital para lamang sa kanyang follow up check up. Paano kasi, hindi pa nga nila napag-uusapan ang detalye ng pagpapanggap niya ay biglang dumating si Sake out of the blue. Kumbaga eh hindi sila handa.

"I'm so sorry Julia... Pangako, hindi na ako aalis. I'll make sure na mababantayan ko ang kalagayan mo hanggang sa araw ng kasal natin."

Tipid siyang ngumiti. Gaano man kagwapo ang binata ay hindi niya hihilinging 'wag itong umalis.

"Well, gaya ng sabi ko, mayroon akong selective amnesia... I can be difficult most of the time. Can you handle that Sake?"

"Syempre naman." ngumiti ito "Just now you didn't call me with your endearment to me Juls..."

"A-ano ba dapat?" Clueless niyang tanong.

"Never mind. Maaalala mo rin iyon. Sa ngayon ay gusto ko lang siguraduhin sa yo na hinding hindi kita iiwan." hinagkan nito ang likod ng kamay niya bago ito tumutok sa daan at nag-umpisang magmaneho.

-----

"Ma, kumain ka na." sita niya kay Valeria na nakatitig lang sa pagkain nito.

Isang linggo na niyang routine ang pakainin, paliguan at bihisan ang kanyang ina. She has gotten better sa palagay niya lalo dahil hindi na ito mukhang baliw. Though may mga pagkakataon pa ring nagwawala ang kanyang ina at hinahanap nito si Julia. Agad naman itong nakakalma kapag nakita na siya nito. Kahit pa pinapagalitan niya ito lagi kapag hindi nakatingin si Victoria. Tulad ngayon, hindi niya ito sinusubuan kaya marahil ayaw kumain.

"Ma, iinom ka pa ng gamot kaya kumain ka na." dagdag niyang bahagya na agad naiinis "Pupunta si Dr Hernaez dito para sa check up mo." tukoy niya sa family doctor nila

Naiinis siya hindi dahil ayaw nitong kumain. Naiinis siya dahil gusto niya itong lapitan at kumbinsihin itong kumain, subuan pa nga kung kinakailangan. At ayaw niya sa pakiramdam na nagiging concern siya kay Valeria Flores.

She may be her mother at hindi niya magagawang baguhin iyon. But she ceased to be a parent to her many years ago. Naging malupit ito sa kanya noong mga panahong kailangan niya ng ina. Kaya hindi nito deserve na lumambot ang puso niya rito.

She planned to be rude to her para kamuhian nito si Julia. Pero sa isang linggong inaalagaan niya ito, mas lamang ata ang pag-aalaga niya. Katwiran ng puso niya ay mas mararamdaman ni Valeria ang paghihiganti niya kapag nasa tamang pag-iisip ito.

Or maybe, she just couldn't be completely rude to her mother, sa kabila ng lahat.

"Mama," she sighed at napilitang lumapit sa ina

"Julia," sambit nito pero hindi naman tumingin sa kanya "Julia."

"Ma, I'm here." Ginagap niya ang mga kamay nito "You have to eat. Kapag dumating si Doc tapos hindi ka pa kumakain, magagalit iyon."

"Wala akong sakit." sabi nitong parang natatakot.

"Wala kang sakit ma..." pagsang ayon niya "Check up lang." Kumutsara siya para sa ina at sinubuan ito

"Salamat," Valeria said na tinanggap ang isinubo niya "Julia."

She offered her a forced smile. She just did her twin sister a favor.

-----

"You don't look okay." narinig niyang wika ni Sake.

Kumakain sila nito sa isang restaurant. Pangatlong pagkikita na nila iyon at unti-unti nang nawawala ang pagka-starstruck niya sa binata. She was back to her agenda. Bagamat may mga pagkakataon na nakakaramdam siya ng guilt dahil mabuting tao si Sake. Thoughtful ito at laging iniintindi ang mga sinadyang tantrums ni 'Julia'.

"I don't like the food," sinadya niyang itulak palayo sa kanya ang salad na halos di pa niya nagagalaw. Vegetable salad? Inaasar ba siya nito? Bakit iyon ang kakainin niya kung may available naman na steak o ibang karne? Tulad ng kinakain nitong lamb meat ata 'yon.

Kumunot naman ang noo ng kaharap niya.

"I'm sorry love, it's just that you always prefer to order that everytime we eat here." apologetic nitong saad

"Noon iyon." aniya kahit na narealize niyang si Julia nga pala siya sa mga pagkakataong iyon na mahilig mag-diet at hindi si Jillian na matakaw. "Kailangan kong makaalala kaya kailangan ng utak ko ng sustansya." palusot niya

Amused na tumango lang ito sa kanya bago tumawag ng waiter. Napainom naman siya ng tubig sa paraan ng pagkakangiti ni Sake.

"At least you know how to eat now" komento pa nito

Tinikwasan niya ito ng kilay at meant iyon para sungitan ito. Kaso mas natawa ang binata na para bang nagjojoke siya.

"What's with you?" asar niyang tanong. Pinagtatawanan ba siya ni Sake?

"Wala. Parang mas gusto ko lang ang amnesiac version mo." naaaliw pa rin nitong tugon bago pinilit na magseryoso. Annoyed na tinignan lang kasi niya ito. Sa paraan na malalaman nitong hindi siya natutuwa kahit na deep inside at ayaw niyang isipin ay gusto niyang ma-fall at how handsome he looked. "Tomorrow is my mom's birthday... We have to be there love..."

"U-uhmn..." hindi niya malaman ang sasabihin.

"It's okay. Sinabi ko na kay mama ang tungkol sa kondisyon mo. So hindi siya magugulat if ever na hindi mo siya naaalala. You don't remember her, do you?" Tila naman naintindihan ni Sake ang pag-aalangan niya.

"No," mabilis niyang sagot. Hindi lang hindi niya ito naaalala, hindi niya ito kilala. "How does your mom look like? Close ba kami? I mean, what did I use to call her?"

"My mom does not dislike you Julia..." malayo ang sagot nito sa tanong niya "I love you and no one, not even my mom can hinder me from loving you."

"Pwede ko bang sabihin base sa sagot mo na hindi kami magkasundo ng mama mo?" aniya, bahagyang hindi naging komportable at the thought of meeting someone who hates her or rather, who hates Julia.

"Like I said, it's not important if she likes you or not. We just have to be there, it's my duty as her only son."

"What about your dad?"

"My father died several years ago. Kami na lang dalawa ni mama," he answered "So I hope, maiintindihan mo kung sakaling hindi maging maganda ang pakikitungo niya sa 'yo. My mom is just protective of me."

"Naiintindihan ko..." she smiled "So what do we get her for a present?"

Sake smiled. Two hours later, nasa mall sila para bumili ng regalo para sa ina nito.

-----

"Sake can't meet your mother!" matigas na tanggi ni Victoria, nasa bahay nila si Sake para sunduin siya at gusto sana nitong kumustahin ang kanyang ina.

"Why not?" Naka-angat ang kilay na tanong niya.

"Valeria is crazy! Ano na lang ang iisipin ni Sake?" Pinandilatan siya ng tiyahin.

"Oh!" Tumawa siya "Don't worry, Sake is a good person. You should know that" tinalikuran niya si Victoria at pinuntahan ang kanyang ina.

Gusto niya talagang ipaalam kay Sake ang kondisyon ni Valeria. Gusto niyang malaman kung paano ito magrereact, kung paano nito tatanggaping mentally ill ang future mother in law nito.

"Mama," tawag niya sa ina habang pinipigilan pa rin siya ng tiyahin niyang nakasunod sa kanya. "Mama, Sake is here. Gusto ka niyang makita" sabi niya sa inang nakatulala na naman sa silid nito.

"Julia!" Gigil na ani Victoria "You can't do this! Masisira ang plano natin!"

"Ma, let's go?" Hindi niya pinansin si Victoria "Sake is downstairs."

"S-sake?" Nagliwanag ang mukha nito na parang batang dinalaw ng kalaro "Si Sake?"

"Opo ma," bago pa nakapagprotesta si Victoria ay sumama na sa kanya si Valeria. Bumaba sila sa living room kung saan naghihintay si Sake. Kapag hindi natanggap ng binata ang kalagayan ng kanyang ina, kusa itong uurong sa kasal. Hindi magtatagumpay ang plano ni Victoria. At iyon ang gusto ni Jillian.

"Aunt Valeria!" Magiliw na bati ni Sake sa kanyang ina.

"Sake?" Parang napatda naman si Valeria, parang nasorpresa na ewan.

"Yes auntie" niyakap nito ang ina niya't hinalikan pa sa ulo "Kumusta ka na? I heard that you are not well. But looking at you, you look so normal to me."

Laglag ang panga ni Jillian. Totoong nabanggit na niya sa binata ang kondisyon ni Valeria but she was expecting him to get disappointed when he proves to himself that Valeria was really ill.

"Sake, mabuti at napasyal ka." her mother said at nagkatinginan sila ni Victoria, mukhang maayos si Valeria!

"Opo auntie.----" hindi na niya narinig ang ibang sinabi ni Sake. Nagpaalam siya na mag-aayos muna habang kausap nito ang kanyang ina. Victoria stayed at sa nangungusap nitong mga mata ay naiparating nito sa kanyang lagot siya kapag nagkalat si Valeria at napahiya sila kay Sake.

Dumiretso siya sa silid ni Julia at doon naghanap ng maisusuot. It wasn't like she's got something decent to wear. Hindi siya lumaking nagpupunta sa mga parties. Although nakapunta na siya sa ilang mga weddings at birthdays, isama na rin ang mga burol- bilang isang mang-aawit. Isa iyon sa mga sideline niya na medyo disente ang kita.

Black lace cap sleeve sequin slim a-line elegant long evening dress ang napiling isuot ni Jillian. Nabasa niya lang ang description na iyon sa box ng gown. Mukha ngang hindi pa iyon nasusuot ni Julia. Isa pa, iyon na kasi ang pinakakonserbatibo sa mga damit nito na karamihan ay sweetheart neckline. She took her time kahit very light na make up lang naman ang ginawa niya sa mukha niya. Halos wala nga. Hindi siya komportableng may nakalagay sa mukha niya pero nakasanayan na rin niya iyon dahil required lalo na sa uri ng trabahong meron siya.

After an hour na sinadya niya talagang pahabain ang paghihintay ng binata, Jillian wondered kung gising pa si Sake o kung ano na ang kinahinatnan ng usapan nito at ni Valeria. Behave pa rin kaya ang kanyang ina? Well, there's only one way to find out.

Kinuha niya ang purse na pagmamay-ari rin ni Julia, nagwisik ng kunting mamahalin nitong pabango tapos lumabas na siya.

Wala na ang mga ito sa sala. But she could hear her mother's laughter. Parang ang saya saya nito.

"Nasa garden sila," wika ni Victoria na nakangiti, nakasalubong niya ito.

"Huh?" Sambit niya, bakit nakangiti ang tiyahin niya na parang okay lang ditong iwanan si Valeria ng mag-isa kasama si Sake?

"You were gone long enough. Nananadya ka na naman Jillian." Sabi nito "But I must admit, you look stunning in your sister's gown. Now go. Do not disappoint Mrs Collins."

"Okay" kibit balikat niya.

Naglakad siya palabas sa garden. Hindi pa man sila nakakaalis ay nananakit na ang mga paa niya sa sapatos ni Julia. Mas malaki ba paa niya sa kapatid? O mas mataba lang siya? Kasya naman iyon sa kanya kanina. Kailangan pa naman niya ang 3-inch high heels na iyon para hindi niya maapakan ang gown niya. Tumigil siya sa may pinto at niyuko ang paang mukhang hindi siya bibigyan ng magandang gabi.

"Julia," mula sa pag-inspeksyon sa kanyang paa ay napa-angat ng tingin si Jillian sa pagtawag na iyon ni Valeria. "You look so beautiful anak!" lumapit sa kanya ang ina at talagang nangunot ang noo ng dalaga sa pagtataka. Hindi ito mukhang may sakit. "Right, Sake?"

"Ma-" magpo-protesta sana siya sa papuri ni Valeria kaso nang masalubong niya ang mga tingin ni Sake ay parang nalunok niya ang dila niya.

"Julia," sambit nito na tila ba nakakita ng super model. "You're so beautiful.."

She blushed. Sanay siyang nasasabihan na maganda. Pero first time niyang ma-flatter nang gano'n.

"T-thank you," she murmured.

Hello! I'd like to know if there's someone reading this... Please leave a comment :) Thank you!

jsminacreators' thoughts
Next chapter